Giordana Batungbakal Lorenzo
Isa akong nagpapanggap na kabusiness partner ni Mikay Mariano.
Lingid sa kaalaman nya,sinadya at naka plano na ang lahat simula pa ng una kaming magkakilala sa L.A nuon.Para hindi ako makilalang anak ni Grae Lorenzo,nagpakilala ako bilang isang small time business woman sa Amerika na naghahangad na makapag negosyo sa Manila.Kaya naman sa una pa lamang naming pagkikita ni Mikay Mariano,agad nya syang nahumaling sa taglay na kagandahan ko."Dana,i would like you to meet my parents.This is my daddy,Senator Miggs Mariano.And si mommy naman,isang magaling na hotelier._Mikay.
"Nice meeting you po,ma'm and sir.Madalas po kayong ikinukwento sa akin ni Mikay nung nasa L.A pa kami,kaya naman natutuwa ako at sa wakas nakilala ko na din kayo._AKO.
"Nice meeting you too iha.Natutuwa kami at sa wakas,may matinong naipakilala na din sa wakas itong si Mikay sa amin ng mommy nya._Miggs
Namana ni Mikay sa daddy at lolo nya ang itsura nya kaya hindi sya masyadong kagwapuhan.Medyo malaki kasi ang ilong niya at may kakapalan ang kilay nila.Samantalang maganda at maputi naman ang mommy nya."Tama iha,naku salamat sa pagbisita.Ang sabi sa amin ni Mikay magtatayo kayong dalawa ng business dito sa Manila.Ibig bang sabihin nyan,mas maglalagi kana dito kaysa sa Amerika?_Mommy ni Mikay.
"Parang ganun na nga po.After ko po kasi grumaduate,mas gusto kong dito nalang sa Pilipinas muna mag stay.Halos puro pag aaral na lang din po kasi ang inatupag ko mula pa nuon._Ako.
"Hahahaha.Syanga naman.Nakakapagod din ang puro pag aaral hindi ba?
Mabuti naman at magaling ka magsalita ng tagalog iha,Ang mga magulang mo ba ay tagalog ka kapag kinakausap duon sa L.A?_Miggs"Opo.Tagalog po kami duon mag usap.Pero kapag mga Amerikano naman ang kausap namin,hindi kami nag sasalita ng tagalog._Ako.
"Hahahha.Mabuti naman.Akala ko tuloy manonosebleed kami sa pakikipag usap sayo!_Miggs.Napansin kong magaan pala kausap si Miggs Mariano.Hindi sya kagaya ng inaasahan ko na matapang at mainitin ang ulo kagaya ng napapanood ko sa mga balita.
After namin magkaharap ng pamilya ni Mariano,Saka ko napansin ang kalungkutan sa bahay nila.Lahat ng mga taga silbi nila ay parang hindi ngumingiti at nag sasalita.Parang may takot sa mga kilos at tingin nila.
"Anak,Hindi ka ba nila nahahalata?Ang pagkakahawig mo sa daddy Grae mo hindi ba nila napansin?_Mommy Annie.Madalas kong kasama si Mommy Annie ngayon mula ng bumalik ako ng Manila from L.A.
"I dont think so mom.Pero si Gillianne,madalas ko syang makita na nakatitig sa akin.Mas naba bothered ako samga tingin nya.Pakiramdam ko may hinala na syang magkaugnay kaming dalawa._AKO.
"Ganun nga ata ang magkapatid.Pareho ng pakiramdam at kutob.
Mabuti naman at hindi naghihinala si Mikay sa inyong magkapatid,baka mamaya iba ang isipin nya tungkol sa inyo?_Mommy Annie."Actually mom,feeling ko nga nagseselos sya kay Gil.Kaya nga pinagbawalan nya kaagad si Gil na pumunta pa sa hotel nila,at ni hindi nya ako iniiwan kahit ilang saglit lalo na kapag alam nyang naandun din si Gil sa pinupuntahan namin._AKO.
"Ano na ang gagawin mo nyan?Baka mamaya,magkasakitan ang dalawang yun dahil sayo.Baka mapaano ang kapatid mo._Mommy.
"Mom,relax.Hindi mapapahamak si Gil for sure.Hawak ko sa leeg si Mikay,at isa pa...I think Gillianne is inlove.Kaya hindi nya din magagawang makipag away kay Mikay sa ngayon dahil hindi nya gugustuhing mapahamak ang taong mahal nya._AKO.
"Totoo ba?Pero madami lang talagang babaeng dini date ang kapatid mo.
At hindi pa sya totoong naiinlove.Papano mo nasabi ang ganyang mga bagay,samantalang kelan lang kayo nagkasama._Mommy."Mommy,Maniwala ka sa akin.Inlove talaga si Gil.Kaya lang kahit sya mismo hindi nya alam or ayaw nya lang yun aminin sa sarili nya.
Sa nakikita ko sa pagsulyap sulyap nya sa bodyguard ni Mikay,at sa pagnanais nyang makuha yung girl sa kamay ni Mariano...Saka ko napatunayang may pagtatangi sya duon sa babae._AKO."OHH NO!Ibig mong sabihin,tauhan ni Mikay ang iniibig ni Gillianne?
Tyak na malaking gulo iyan.Hindi makakapayag si Miggs na makawala sa mga kamay nya ang mga tauhan nya.Siguradong patatahimikin nya ang lahat ng titiwalag sa kanya._Mommy."Mommy,Kaya nga andito ako hindi ba?Hindi naman ako papayag na basta basta mangyari yun.At isa pa,sa palagay nyo hindi gagawa ng paraan si Gil na hindi nya makuha ang babaeng nagugustuhan nya?.
At alam nyo bang pati ang gf ni Gold ay tauhan din ni Mikay ngayon?_Ako"Si Sunny ba ang tinutukoy mo?_Mommy.
"Yes mom,you know her?_Ako.
"Ofcourse I know her.Madalas syang isama ni Irenne sa pagsa shopping namin.Hindi ko alam na kahit masayahin at matalinong bata si Sunny,may pinagdadaanan pala sya._Mommy.
"Nakakapagtaka ngang nakaka sama nyo pa si Sunny nuon sa pamamasyal considering na hawak pa sya nuon ng sindikato.Hindi ko alam ang gustong palabasin duon ni Mariano.Or maybe sinasadya nya yun para may malaman syang balita tungkol sa atin?_Ako.
"Siguro nga.Parang ginagawa syang spy ng grupo nila.Bigla tuloy akong naawa para sa kanya.Nasa gitna sya ng nag uumpugang bato.Hindi nya alam kung saan sya papanig,sa kasamaan ba o sa kabutihan._Mommy.
"Dont worry mom,nasa poder na ni Mikay si Sunny at si Star.Kaya sigurado akong mas ligtas sila kumpara nuong nasa sindikato pa sila.
Yun nga lang,pareho pa din silang tagasunod lang sa lahat ng iutos ng Pinuno nila._AKO."Sana naman ay matapos na ang lahat ng problema.Para naman matahimik na din ang ating pamilya.Sa totoo lang,natatakot ako para sa inyo ng daddy mo.Tapos ngayon pati ang kapatid mo nadadamay na din dahil sa babae.haaaist._Mommy
"Nararamdaman kong matatapos na din ang lahat mom.Mabubuo na din ang pamilya natin.Alalahanin mong hindi kailan man mananaig ang masama laban sa mabuti.Hindi tayo pababayaan ng Dyos._AKO.
Hindi biro ang pinasok kong laban.Pero alang alang sa pamilya ko at sa katotohanan,handa akong gawin ang lahat ng makakaya ko.Gusto ko na din maging ayos ang lahat,Nang sa ganun maging maayos na din ang pamilya namin.Alam ko kasing dahil sa kaso na ito kaya hindi pa magawa ni dad na balikan si mommy,Ayaw nya kasing magkasama nga silang muli pero may mga agam agam pa din sa kanilang muling pagsasama.Ang gusto daw kasi ni Dad,Ibabalik nya si mommy sa bahay at magpo focus na lang sya dito ng walang iba pang iniisip at inaalala.Kaya naman,nag aantay lang si mom sa kanyang pagbabalik.
Sa ngayon,hindi na muna namin ipaaalam kay dad at gil na buhay ako.
Kung sakaling dumating sa puntong kailangan na naming ipaalam,Dalangin ko na sana...Magkasama sama na kami ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...