After ng insidente sa bar,agad na ngang napauwi pabalik ng L.A yung tatlong bisita ni Mikay.Gaya ng dati,same routine lang ang ginagawa namin.Exercise sa umaga na may kasama na ding swimming tapos dakilang alalay ni Mikay kahit saan man sya magpunta.
"Star,pinapatawag ka nga daw pala ng daddy after lunch.May itatanong lang daw sayo._Mikay.Habang nagda drive ako ng kotse nya papasok sa opisina nila ni Dana.Mula ng maging magkasosyo sila ni Dana sa business, hindi na masyado sa casino si Mikay at palaging ganado sa pagtutok sa business nila.May meeting kasi sila ng mga kasosyo nila sa dalawa nilang bar at nagbabalak pa silang magtayo ng isa pang branch.
"Ganun po ba boss,Sige po ipapatawag ko na lang si Sunny para sumunod dito._Ako.Si Moana kasi ang bodyguard ni Dana at ako kay Mikay.Si Sunny naman ay sinasama lang kapag malayuan ang lakad at kapag kinakailangan.
"Okey.Kakatawag lang kasi ni dad kaya hindi ko alam.sana naisama na natin pagpasok para isang byahe na lang.Haaaist.Si daddy talaga._Mikay
Pagkatapos kong tawagan si Sunny,Agad naman akong naghanda para sa meeting.Madalas kasing ako din ang nagche check ng mga activities ni Mikay maghapon at kailangan ako ang nauuna sa mga lugar na pupuntahan nya.Liban sa secretary at bodyguards,wala na syang ibang kinakausap sa mga staff nya.
Mariano Mansion: ALABANG
Hindi sa senate o sa opisina kundi sa mansyon nila ako pina punta ni Senator Mariano para kausapin.Sa totoo lang,hindi mo katatakutan ang isang Mariano kapag kausap mo sya.Palagi kasing nakangiti si Miggs Mariano kahit na hindi naman sya ganun ka itsura.Tipikal na itsura ng isang Senador gaya ng ama nya.
"Magandang tanghali po Senator.Ipinatawag nyo daw po ako._AKO.
Nakangiting Miggs naman ang nasa harapan ko ngayon gaya nuong huli kaming magkaharap sa hospital nung kamuntikan ng mabaril ang mommy ni Gillianne."Yes,Pinatawag nga kita talaga dahil sa isang importanteng bagay na kailangan mong malaman._Mariano.
"Ano pong importanteng bagay ang sasabihin nyo senador?_AKO.Parang kinabahan ako sa sasabihin nya pero hindi ako nagpahalata.
"Natagpuan ko na ang nawawala mong ina._Senator.
"Po?Talaga po,natagpuan nyo na sya?_AKO.Nakaramdam ako ng takot sa sinabi nya,Papanong natagpuan na nya ang nanay ko gayung nasa poder ito ni General Lorenzo?
"Oo.At ang magandang balita pa nito,maaari mo na syang makasama.
_Senator."Po?Pero papano po nyo sya nakita?Totoo po bang sya ang nanay ko?_Ako
"Sigurado ako.At maaari mo syang bisitahin dito sa bahay anytime na gusto mo.Sa susunod,mga magulang at kapatid naman nila Moana at Sunny ang papasundo ko para pati sila maging masaya na din._Senator.
Agad akong nabahala sa balitang yun.Papanong napunta sa poder ni Mariano ang nanay ko gayung nasa pangangalaga sya ni General?
Kapag nagkataon,nagsisimula na sa pag ganti si Mariano kay Lorenzo at pamilya namin ang ibabala nya para hindi kami magsalita."Sige na,makaka alis kana.Ipapatawag na lang kita ulit kapag dumating na ang nanay mo._Senator.Tumango lang ako at agad na nagpaalam sa kanya.
Sinubukan kong kontakin si General Lorenzo pero naka off ang numero nya.Kinakabahan ako sa nangyayari pero saang lupalop ko naman ng mundo hahanapin si General?Totoo nga kayang na kay Mariano na si Mommy para mas lalo kaming matakot na magsalita nila Moana at Sunny laban sa kanila?
Madilim na tunnel ang hindi ko alam na nasuotan ko pala habang naglalakad pauwi.Ni walang ilaw o kahit anong sign para makaaninag sa nilalakaran ko.Nagsimula akong mangapa sa dilim,bakit ba kasi hindi pa ako sumakay na lang at naisipan ko pang maglakad lakad muna.
Hanggang sa maalala ko ang celfone ko na nasa bulsa ko nga pala.
Pero lobat na din pala kaya hindi ko na mabuksan."Shiiit!Bakit naman ngayon pa nalobat tong fone ko._sa sarili ko lang.
Nagpatuloy ako sa pagkapa sa dilim hanggang sa maya maya pa ay may nakita akong munting liwanag.Nagmadali akong naglakad patungo duon pero hindi ko namalayang bangin na pala ang nilalakaran ko.Unti unti kong naramdaman na nahuhulog ako pababa pero may kamay na humila sa akin paakyat.
"Kumapit kang maige at hihilahin kita!_Pamilyar na boses.
Agad naman akong kumapit ng mahigpit sa braso nya at ilang sandali pa naiangat nya ako at napahiga sa kanya.
"Hey,Ang bigat mo naman.Kakayanin mo bang bumangon?_Pamilyar na boses.At dahil madilim,hindi ko sya masyado maaninag.
"Oo,kaya ko bumangon.Salamat nga pala sa pagtulong.Hindi ko napansin na nasa bangin na pala ako.Mabuti na lang at tinulungan moko._AKO.
Agad naman nya akong inalalayan papalayo sa bangin at agad nyang pinailaw ang celfone na hawak nya.Saka ko lang sya nakilala dahil sa ilaw mula sa liwanag.
"IKAW?Papano ka napunta dito?Anong ginagawa mo dito?_AKO.
"Actually,talagang dito ako nagpupunta kapag gusto ko mapag isa at mag isip isip.Nagulat nga ako dahil biglang may kumaluskos mula sa gilid ng burol,yun pala may taong kamuntikan ng mahulog._Gillianne.
"Hindi pala bangin yung nahulugan ko,burol pala.Ang akala ko talaga bangin.Ang totoo,madalas akong managinip na nahuhulog ako sa bangin kaya akala ko nagkatotoo na ang panaginip ko._AKO.
"Nananaginip ka ng nahuhulog sa bangin?Hahahaha.Dont tell me na sa mga panaginip mo sinasagip din kita?_Gil.
Saglit akong napatigil sa paglalakad,Papano ko sasabihin sa kanya na tama ang sinasabi nya?Makailang ulit na akong muntik muntikang mahulog sa bangin at paulit ulit na sya din ang nakikita kong sumasagip sa akin sa panaginip ko."Hah?Asan nga pala tayo,bakit ako napadpad sa isang burol na gaya nito samantalang nasa syudad lang naman ako ng Alabang?_Ako
"Honestly,nagulat din ako kung papano ka napunta dito.Nasa Alabang kapa din pero andito tayo sa bahay ng momshie Bianca ko.Malawak talaga ang lugar na ito dahil pinasadya ng momshie na palagyan ito ng burol at mga puno na parang isang mini forest._Gillianne.
"Ano kamo,Nasa bahay ako ng mga Lorenzo?Papanong nangyari yun samantalang naglakad lakad lang ako mula sa bahay ng mga Mariano?_AKO.
"Really?Sa bahay ng Mariano ka nang galing tapos dito ka napadpad?
Ibig mo bang sabihin,may tunnel na nag uugnay sa bahay ng MARIANO papunta dito sa bahay namin?Imposible yun!_Gillianne.Na halatang gulat na gulat sa nadiskubre nya."Sa pagkakatanda ko,Papalabas na ako ng bahay nila ng mapadaan ako sa garden ng mga bulaklak nila.Tapos meron duong isang malaking hawla na puno ng ibat ibang kulay ng mga paro paro.Hanggang sa lumabas ako sa gate at saka ko napansin na papasok ako sa isang tunnel nga pero madilim na madilim._AKO.
"Kung ganon,magkadugtong ang burol dito sa hardin ng mga MARIANO?
Bakit wala namang nababanggit ang Momshie at Popshie tungkol dito?
_Gillianne.Kahit ako man ay nagtataka.Sino ang nagpagawa ng sikretong tunnel na yun papunta sa bahay ng mga LORENZO?At papano nangyari na nakuha ni Senador ang nanay ko kung nasa pangangalaga ni Sir Grae ang nanay ko pati na din ang pamilya nila SUNNY at Moana?Bakit parang bigla akong naguluhan sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...