I finally found the ring Star!Agad ko syang dinala sa kilala kong pagawaan ng mga alahas para ipahati.Hindi naman nagtagal at agad kong nakuha ang laman sa loob ng diamante..ANG MICRO CHIP!
"Kailangan ko munang makasiguro na ito nga ang chips na hinahanap natin.Wag na muna nating ipaalam kila dad at kila momshie okey?
Kahit sa parents nyo at grand parents,wag nyo na munang sasabihin.
_AKO.Kasama ko sa hideout sila Grant at Gold.Andito din sila Vienna,Candy at Jamie."Sa tingin ko,need din nating ipaalam to kay Mikay brad.Sa kanila pa din nakapangalan yung Minahan,kaya hindi pwedeng hindi sya kasama kapag pumasok tayo dun sa loob._Gold.
"Wala namang problema yun.At saka mas maganda na din na nandun sya para sya din mismo ang makapagpatunay kung kanino nga ba talaga ang minahan._AKO.Agad kong tinawagan si Mikay at pinasunod dito sa hideout
"Brad,Sila Moana,Sunny at Star din siguro dapat nating isama.Hindi ba sila ang may hawak ng PW?_Jamie.Saglit kaming nagkatinginan nila Grant at Gold.
"Yun nga kasi ang problema brad.Kahit silang tatlo,walang alam sa PW.
Never naman daw kasi silang nasabihan kung ano yung tungkol sa PW at wala din silang matandaan na may ibinulong sa kanila yung mga lolo nila nung mga bata pa sila._Gold."Seriously?Pero papano nangyari na sa loob ng Sampung taon ng pagsasakripisyo nila sa kamay ng mga kidnapers,Wala naman din pala silang kamalay malay na walang PW silang pinang hahawakan?_Vienna.
Dahil pulis din si Vienna,nakatutok sya sa kaso ng BSG.Sa kidnapping kasi sya naka assign."Yun na nga din ang masakit.Ang alam ng lahat,sila ang may hawak ng PW kaya ganun na lang ang pag iingat sa kanila nung mga kidnapers.Pero,kung iisipin...Dahil din sa maling akala na yun,HINDI SILA NAPATAY at napahamak.Kaya may disadvantage at advantages din ang pagkakamaling yun._Candy.Researcher/Journalist sya kaya mabilis syang makapag analyst ng mga pangyayari.
"Baka naman naka tattoo sa kanila or may mga bagay silang pinaka iingatan na hindi nila alam dun nakalagay ang PW.Parang yung singsing na natuklasan ni Gil hindi ba?_Jamie.Artist si Jamie,malikhain ang isip bukod pa sa magaling sya bilang assistant ko.,Kaya maaaring may katwiran sya.Maaari ngang hindi lang aware sila Leli pero nasa kanila ang PW talaga.
"Guys,Andito na ko.Nagpasabi na din ako sa Minahan na darating tayo.
Is there anything na pwede kong gawin or may iba pa kayong kakailanganin kapag umakyat tayo ng Benguet?_Mikay.Since naging sila ni Dana,Para na din nya kaming kabarkada.Wala naman kasi kaming choice dahil aawayin kami ni Dana kapag di namin tinanggap sa grupo ang jowa nya."Tamang tama Mikz,Nagugutom na kami.Padeliver ka naman ng mga apat na box ng pizza at saka samahan mo na ng icetea ha._Candy.Alam na sino pinaka matakaw sa grupo.
"Hahahhaa.Ayos ka din Candy noh?Puro ka pagkain.Nakita mo ng nagpa plano tayo dito noh!Pero kidding aside Mikz,pwede bang pasamahan mo na din ng lasagne yung pizza mo,kasi hindi pa pala ako nag bfast kanina eh._Jamie.
"Guys,Uuwi na muna ako.Kukunin ko yung mga gagamitin natin sa pagbubukas sa vault.Sigurado ako na hindi yun ganun kadali lang mabubuksan,Sa pagkaka alam ko kasi after mong mailagay yung micro chips,at pindutin yung PW hindi pa agad agad yun mabubuksan.Kaya need ko magdala ng mga kakailanganing gamit._Grant.
"Sasabay na ko Grant.Ipapahanda ko na din sa lawyers ko yung mga papers na kakailanganin natin.Mas maganda na yung may papeles tayong nakahanda in case magka gulo sa laman nung vault.At least,meron tayong panghahawakang ebidensya._Gold.
"Dala ko na tong camera ko,Full charge na din kaya handang handa na to sa pagsabak.Dito na muna ako,inanatay ko lang yung mga inorder kong miners hat natin._Candy.
"Tungkol naman sa mga naka antabay na rescuer,dont worry guys ako na ang bahala dun.Natawagan ko na yung presinto na malapit duon at nakakuha na din ako ng permit just in case may mangyaring di sinasadya dun sa minahan._Vienna.
"Wow ha,hindi halatang matagal nyo ng pinaghandaan ang araw na toh!
Planadong planado na talaga.Ilang years nyo na bang pinagplanuhan to ha guys?_Mikay.Sa akin sya nakatingin."Actually matagal na.Hindi pa kayo magkakilala siguro ni Dana naka plano na kami sa mga gagawin namin.Nadagdagan na lang yung plans dahil nga nalaman naming nakila Star pala yung PW.Ang problema lang, hindi alam nung tatlo kung ano nga ba ang PW talaga._AKO.
"Ganun ba?Alam nyo sa palagay ko mas mabuti kung isama na din natin silang tatlo sa Minahan.Baka sakaling makatulong hindi ba?Malay nyo,kamay nila or mata kaya yung password na kailangan.At least gagawin natin yung posible na pwedeng gawin para makasiguro tayong mabuksan yung vault hindi ba?_Mikay.Saka ako biglang napaisip.
Posible nga na may maitulong sila Leli."Good idea Mikz!Sa palagay ko nga pwede yang sinasabi mo.
Kung iisipin kasi natin,hindi naman siguro basta basta hahayaan nung mga grand parents nilang tatlo na ipahamak yung mga apo nila ng ganun ganun nalang kung wala silang kinalaman sa PW hindi ba?Saka yung grand great lolo mo din Gil,Kung ganun na lang ang pag iingat nya sa vault na yun,siguradong may kaugnayan yun sa pamilya nung tatlong bata.
_Candy.Saka ako tumango.Ganun din kasi ang palagay ko.Nag aalangan lang akong idamay pa sana sila Leli sa lahat ng ito."Sa palagay ko nga malaki ang kinalaman nung tatlo para mabuksan yung vault.Mas mabuti pa,tawagan mo na din sila Leli at sabihan mo na din yung magpinsan na isama yung mga asawa nila pagbalik dito._Jamie.
"I'll call Dana na din.For sure hindi yun papayag na hindi sya kasama.
Malay mo,may maiambag din syang tulong sa gagawin natin.At isa pa,sasama ang loob nun kapag initsepwera natin sya._Mikay.Tumango naman ako at saka ko tinawagan si Leli agad agad.After ko syang matawagan,sila Grant at Gold naman ang sinabihan ko.Maya maya pa,dumating na yung inorder ni Mikay kaya nagsalo salo kaming lahat sa pagkain.
Bandang tanghali na din nakarating sila Gold at Grant kasama yung tatlong babae.Si Dana naman,sinabihan kaming sa Gillianne's na mag aantay sa amin para sabay sabay kaming maglunch.Sa gabi pa kasi namin naisipang bumyahe para hindi mainit at walang traffic.Dalawang coaster ang gamit namin papunta sa Gillianne's.Binilinan ko din si Dana na wag na munang ipa alam kila mom and dad ang gagawin namin.
Saka nalang namin tatawagan si dad kapag sigurado na kaming nabuksan na ang vault."Gil,Ayos ka lang ba?Para kasing problemado ka sa itsura mo eh._Leli.
Magkatabi kami sa mesa habang nagla lunch kaya kaming dalawa ang magkausap."Okey lang naman ako,Dont worry.Ikaw ang inaalala ko,hindi ba malaking abala sayo yung pagsama namin sayo sa minahan?_Ako.Medyo close na din kami ni Leli ngayon kaya hindi na kami nagkakailangan mag usap.
"Sa totoo lang gustong gusto ko na ding mabuksan nyo yung vault.
At masaya akong nakuha mo na yung Chips na matagal mo ng hinahanap.
Sana nga,pagkatapos nating mabuksan yung vault,masagot na lahat nung mga tanong na matagal ng gumugulo sa utak nating lahat.At sana nga,Maging maayos na ang lahat lahat pagtapos nito para maging masaya na tayong lahat._Leli.
Tinapik ko lang sya sa balikat at nginitian.Sana nga pagkatapos nito maging okey na ang lahat,para masimulan ko na ding magtapat ng damdamin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...