74.Star.

878 39 7
                                    

Wala na akong mukhang ihaharap pa kay Boss Mikay.Matapos nyang malaman ang lahat,agad kong kinausap si Senator Mariano at saka ko pinagtapat sa kanya ang lahat.Hindi na sya nagulat sa sinabi ko at agad nya akong pinayagang magbakasyon na muna.At dahil wala naman akong ibang mapupuntahan kundi kay mommy lang,Sa boutique nya ako nagpunta.

"Leli anak,Salamat sa Dyos at walang nangyaring masama sayo.
Patawarin mo ako sa nagawa ko sayo.Kundi dahil sa pagpayag kong gamitin ka nila,hindi mo sana naranasan ang lahat ng paghihirap na dinanas mo sa kamay ng BSG._Mommy.

"Mommy,Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na kagustuhan ko din ang lahat ng nangyari.Kahit naman hindi ako pumayag sa ipinagawa ni General Grae,mapapasakamay pa din ako ng grupo na yun._AKO.

"Mabuti naman at magkakasama na din tayo sa wakas.Salamat kay Senador at pinayagan ka na nyang magkasama  tyaong dalawa._Mommy.

"Yes mommy,Nag usap na din kami na kapag kinailangan nila ang tulong ko,Nakahanda akong tumulong sa abot ng aking makakaya._AKO.

"Salamat anak,Napakabuti mo talaga.Kahit nuong nabubuhay pa lang ang tatay mo at ipinagtapat nya sa yo ang istorya ng buhay natin,hindi ka kahit kelan tumanggi na gawin ang mga bagay na maaari mong ikapahamak._Mommy.

Mommy,kung para sa ikalilinaw ng lahat at ikabubuti ng mas nakararami,
Handa akong magsakripisyo para sa mga taong mahal ko.Sana nga,dumating din yung araw na maging malinaw na ang lahat._AKO.
Niyakap lang ako ng mommy at saka kami nag iyakan.

Ilang araw na mula ng umalis ako sa poder ng pamilya ni Mariano,Nalaman ko buhat kay Moana na lumipad patungong Korea si Mikay para daw makalimot.Masyado syang nasaktan sa ginawa sa kanya ni Dana.Naiintindihan ko si Mikay,masakit nga namang malaman na ang taong Minahal mo ay nagpapanggap lang pala sa lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam sayo.

"Leli,Anu naman ba yang gumugulo sa isip mo ha?Kanina pa kami tawag ng tawag sayo,wala ka naman sa sarili mo!_Sunny.Andito kami ngayon sa isang mall at sinasamahan si Sunny na mamili ng mga gamit nila ni Gold sa lilipatan nilang Condo.

"Hah?Ano ba yung sinasabi nyo?Pasensya na,may bigla lang akong naalala
_AKO.

"Ang mabuti pa,kumain na lang muna tayo guys.Sagot ko.Dun tayo sa GILLIANNE'S.Paborito ko kasi yung kare kare ni Tita Annie,Grabeh panalo yun!_Sunny.

"Kamusta naman yung inlaws mo,Mabait pa din ba sila sayo o mas lalo pang bumait?_Moana.

"Naku,wala kong masabi sa dalawang yun.Sobrang bait.Ang cool pa!
Ayaw nga nila kaming pabukudin ni Gold sa kanila,Si Gold lang ang gusto na humiwalay kami._Sunny.

"Ang swerte mo din sa mga byenan eh!Yung mga tita ni GOld,mabait din ba sayo?_Moana.Alam ko naman yung gusto nyang itanong,yung parents ni Grant.

"Ahhh sila Auntie at Uncle ba,Yung parents ni Grant?Mababait din naman sila at masaya kausap.Kaya lang mas madalas silang nasa ibang bansa kaysa sa bahay nila.Kaya pala yang si Grant,palagi lang nakafocus sa games nya,kasi wala palagi ang parents nya.Wala syang nakakausap at nakakasabay sa pagkain_Sunny.

"Meron naman syang girlfriend ah.Kaya hindi na sya malulu gkot mag isa._Moana.

"Si Grant may girlfriend?Parang wala naman silang napag uusapang ganun.Kasi tong si Gold,lahat ng pinupuntahan nilang magkakaibigan gusto kasama din ako kaya halos alam ko na lahat ang mga sikreto nilang magkakaibigan._Sunny.

"Nakita namin sya sa mall,As in parang model yata yun o VJ nga ba yung kasama nya.Kasi sabi nung mga nakasabay naming nakakita din sa kanya,diba si VJ Terry yun?_Ako.Papasok na kami sa Gillianne's.

Kumaway si Sunny dun sa isang staff nung resto at saka sya sinenyasan na dun daw kami sa loob ng VIP ROOM pumasok.

"Si Terry ba?Hindi naman girlfriend yun ni Grant anu ba kayo.Pinsan nya yun sa mother side nya._SunnyNagkatinginan naman kami ni Moana.

Bumukas yung pintuan ng VIP room at tumambad sa amin ang pamilya nila Sunny at ni Gold na nagsisimula ng kumain.Agad na kumaway si Sunny sa amin at sumenyas na dun kami umupo.Nasa isang table kasi ang parents ni Sunny at Gold habang sila naman tatlo nila Gil at Grant ang nasa katabing table.

"Hello girls!Grabe babe,bakit ang tagal tagal nyo naman magshopping hindi nyo naman yun iuuwi ah!_Gold.Isa isa nya kaming ipinag ayos ng upuan habang yung dalawang sila Gil at Grant naman ay dedma lang.

"Grant,Nakita ka daw pala nitong sila Moana at Star na kasama mo si Terry sa mall.hahahaha.Akala nila girlfriend mo._Sunny.Na walang kamalay malay sa kahihiyan namin ni Moana.

"Uhmmm,They've  mistaken me having a girlfriend pala.Kaya pala naman.
Well,hindi ko naman sila masisisi.Madalas talagang napagkakamalan akong cassanova.hahaha.Just kidding._Grant.Na muli na namang nagfocus sa paglalaro sa ipad nya.

"Kayong dalawa kasi,magsipag girlfriend na nga kasi kayo para hindi yang palagi kayong napagkakamalang mga chickboy.hahahha._Gold.

"Nagsalita ang stick to one!hahahha.Kundi lang malabo yang mga mata ni Sunny,malamang pare pareho pa din tayong single ngayon!_Gil.

"Hahahha.Sorry ka,sya kaya tong naka jackpot sa kagwapuhan ko._Gold
Binatukan naman sya ni Sunny kaya lahat kami nagsipag tawanan.

"Maiba nga pala ako Gillianne,talaga bang hindi nyo na nakita yung micro chips?Sayang naman,kung kelan pa isinurender na sa inyo ni Senator Miggs yung minahan._Gold.Napatingin ako kay Gil at saka din sya napatingin sa akin.

"Wala na yatang pag asang makita pa yun.Syanga pala after graduation, papasyalan namin yung mining site nila dad sama kayo para makita nyo din sa personal yung tunnel at yung vault._Gil.Tamang kinig lang ako at hindi ako nagsasalita.Nakita ko naman si Moana na lumabas sa room.Ilang saglit pa,si Grant naman ang nawala.Naglibot naman sa mesa nung pamilya nila sila Sunny at Gold para magpapicture taking kaya kami lang ni Gil ang natira sa mesa.

"Kamusta ka na?_Gillianne.Hindi sya nakatingin sa akin pero obvious naman na ako yung tinatanong nya.

"Okey lang naman.Wala na ako kila Senator Mariano ngayon._AKO.hindi din ako sa kanya nakatingin habang nagsasalita.

"Balita ko,nasa Korea na daw si Mikay ah.Fixing a broken heart lang ampeg.Nasa US din si Dana para ayusin yung papers nya.Babalik din kaagad._Gil.Nalaman na din kasi namin na si Dana pala ay kapatid ni Gillianne na akala nila ay namatay pero buhay pala.

"Masaya ako at nabuo na ulit ang pamilya nyo.At saka naging maayos na din ang lahat sa pagitan nyo ng pamilya Mariano.Sana din maging okey na si Boss Mikay para lahat ng tao happy ang ending._AKO.

"Well sana nga...Mas okey naman talaga kapag lahat magkakasundo.
_Gillianne.Maya maya pa,sabay ng bumalik sila Grant at Moana na nakangiti.Kahit di naman sila magsalita,halata naman sa kanila na pareho lang sila ng nararamdaman.Kaya lng pareho silang natatakot sumubok na magtiwala at magmahal.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon