51.Gillianne.

933 31 1
                                    

Sa wakas,nakapasok na din kami sa gate ng minahan.
Bahagyang malambot ang mga lupang dinadaanan namin dahil sa mahinang pag ulan kagabi.Mula sa gate,na napapalibutan ng matataas na barbwire ang paligid,may mangilan ngilan din mga bantay na paikot ikot sa looban.May mga staff din na nakikipag usap sa amin para magpaliwanag sa bawat dinaraanan namin.Isa ako sa kumukuha ng larawan habang ang ilan naman sa mga kasamahan namin ay nagsusulat sa kanilang mga dalang research pad.

"Gillianne,Wag kang lalayo sa amin ha.Baka mamaya mawala ka na lang bigla.Nakakatakot kaya,may mga dalang baril yung mga gwardya._Candy.

"Dont worry Candy,dito lang ako sa tabi mo.Ako ang magiging bodyguard mo._AKO.Pero ang totoo nyan,kumukuha lang ako ng tyempo at saka ako papasok sa tunnel kapag nakakuha ako ng magandang tyempo.

Napansin ko na malayo layo na din ang nilalakad namin mula sa gate.
May mga CCTV din na nakakalat sa paligid.Sa bawat stages na hinihintuan namin,may mga kanya kanyang proseso pala para sa pagmimina.

"Dito naman sa lugar na ito,may mga ginto din makukuha.Karamihan sa mga tauhan namin dito,yung mga babae o di kaya naman mga anak ng tauhan na gusto ding makapaghanap buhay._Staff.May maliit na sapa sya na mababaw lang ang agos na galing mula sa minahan.
Bale ang nangyayari,kapag nakapaghukay na o nakapag pasabog na ang mga minero na na sa ilalim,may mga natitirang maliliit na butil ng ginto na aagos mula sa lawa patungo dito sa sapa.Na sya namang sasalain ng mga nagta trabaho dito.

"Dito naman ang pagpoproseso ng ginto.Mula sa pagkuha sa ilalim,dito nila dinadala yung mga ginto na nahukay nila.Actually,hindi naman lahat gold lang ang nakukuha dito,may copper at nickel din_Staff#2

Nang makahanap ako ng pagkakataon,nagkubli ako sa isang malaking tipak ng bato sa ibabaw ng tunnel.Nang makalayo na sila,saka ako nagmadaling pumasok sa kweba.Inilabas ko mula sa backpack ko ang miner hat ko na may nakalagay na flashlight.

May naka abang na cart dun sa pababang parte ng tunnel.Sumakay ako at pinaandar yung cart at mabilis akong nakarating sa pinakadulo ng tunnel.

WELCOME TO IGNACIO'S SACRED LAND.Napahawak ako sa karatulang nakaukit sa itaas ng tunnel.Napaluha ako ng parang may hangin na dumampi sa akin habang hinahawakan ko ang karatula.Hindi ko nakalimutang picturan ang bawat nakikita sa loob.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa bumungad sa harapan ko ang isa malaking vault na selyadong selyado.Napansin ko din na bahagyang nasunog na ang gilid ng vault.Siguradong may nagtangka ng sunugin ito at nagbabakasakaling mabubuksan.

Agad kong pinicturan ang bawat anggulo ng vault.Pati yung kaliit liitang butas duon na ang duda ko ay pilit na binubuksan ng mga gustong makuha ang laman ng vault ng lolo Ignacio.

Agad akong sumakay ulit pabalik dun sa cart.Baka kasi malaman nilang nawawala ako at magkaroon pa ng pagkakataong magduda sila.
Ayoko din naman sympreng mapahamak ang mga katrabaho ni Candy.

Mabuti nalang at hindi nila masyadong napansin na nawala ako ng sandali.Pagkatapos ng mahabang lakbayin at interviews,bumalik na din kami kaagad sa main gate at isa isa kaming chineck ng mga gwardiya.

"Guys,yung mga camera nyo pakilabas din.Pati daw yan titignan nila baka daw may mga hindi kanais nais na kuha kayo na hindi pwedeng makita sa dyaryo at tv.Para daw sa safety ng Minahan._Head researcher.

"Gillianne,Papano yang camera mo?Baka mabisto nilang walang kinalaman sa research yang mga pinagkukuhaan mo._Candy.Na bumulong sa akin.

"Dont worry,naka safety na yung orig.Wala silang makikita dito sa cam kundi mga kung ano ano lang._AKO.Bago pa kasi ako lumabas ng tunnel,nakuha ko na ang USB nitong cam at pinalitan ko ng isa pang USB.

"Okey good. Tara na.Excited na ko sa mga nakunan mo ng litrato eh!_Candy.Sabay kaming pumila sa gate at saka isa isa kaming chineck ng mga bantay nila.

Sa tambayan kami tumuloy ni Candy after.Nadatnan na namin duon sila Vienna,Jamie at Grant.Wala si Gold dahil may importante daw inasikaso.

"Grant,Tignan mo yung itsura nung vault.Selyadong selyado talaga.
Saka may isa pa akong nakita guys,Yung pinaka gilid ng vault,may sunog sa bandang gilid.Look at this.Tapos sa gilid naman,may mga ashes na nakakalat.Parang sinubukang pasabugin pero hindi talaga kinaya._AKO.

"Oh i see.May nakita na akong ganyang vault.Pero hindi ako sure ha.
Sandali,ililipat ko dito sa tv para mas makita nating lahat._Grant.
Inayos nya saglit yung connection at sa smart tv na kami lahat nakatingin imbis sa camera lang.

"Teka,Welcome to Ignacio's sacred land?Dude,talaga pa lang sa inyo yang minahan eh.Dyan pa lang,sigurado na kayo na kayo talaga ang may ari at hindi sila Mariano!_Vienna.

"Kundi ba naman talaga gahaman yang pamilya na yan.Kaya pala pinagbabawal nilang may makakita kung anong meron sa baba dahil obviously,nasa pangalan talaga ng lolo mo ang lupa._Jamie.

"Ang pag isipan natin,kung papano tayo makakapasok ulit dyan? Ang higpit ng bantay nila.Para kang dumadaan sa teritoryo ng mga kalaban mo sa gyera,as in kakapkapan kana nakamonitor kapa kahit saan ka magpunta._Candy.

"Ang mabuti pa siguro,sabihin na natin ito sa daddy mo Gil?Baka kapag sila ang nag asikaso,magawan nila agad ng paraan._Vienna.

"NO!Mas matatagalan pa kapag si dad ang kumilos.Alam mo naman na lahat idinadaan nun sa proseso.Kaya sa sobrang bagal ng usad ng kaso,nakaka gawa na agad ng kontra demanda yung kalaban._AKO.

""Pero hindi din natin yan masusulusyunan Gil.Hindi basta basta ang binabangga natin.Pader yun.Kahit nga ang dad at grandma mo until now hindi pa din nila mapatunayan na si Mariano nga ang nagpapatay sa lolo at lola mo._Grant.

"Grant,yung vault ang pag aralan mo ng husto kung papano mo mabubuksan.Ikaw na Candy ang bahala dun sa mga ebidensyang larawan.
Kelangan walang maka alam nyan kahit pa mga parents natin okey?
Vienna at Jamie,kayong dalawa naman ang bahala sa kakausapin at lalapitan natin kung sakali.Ako na ang bahala gumawa ng paraan para magkaroon ng access sa minahan._AKO.

Biglang sumagi sa isip ko si Leli.Baka siya ang makatulong sa akin para sa pinaplano ko.Kaya lang,baka hindi sya pumayag.Tauhan sya ni Miggs Mariano,Kaya malamang na nasa mga amo nya ang katapatan nya.

Parang bigla akong na stress sa dami ng problema ko ngayon.Kung kelan malapit na ang Finals,at kung kelan malapit ko ng mapalaya ang mga bata saka naman sunod sunod ang mga nagdadatingang problema.

"Dude,Kaya natin yan.Wag mong solohin.Tutulungan ka namin.
Lagi lang kami sa likod mo._Grant.Na tinapik muna ang balikat ko at saka tumayo para kumuha ng beer sa ref.

"Syanga pala Guys,Nagkita kami nila Moana kagabi sa bar kasama sila Mikay at Dana.Dami palang nagkakagusto sa mga bodyguards ni Mikay...
Ang hindi ko lang nakita,si Sunny._Vienna.

"Magaganda naman kasi talaga yung tatlong yun.Nakakapagtaka nga na naging mga bodyguards lang sila.Bilib din ako mga yun eh,imaginin mong ibuwis mo ang buhay mo para lang sa amo mong hindi naman worth it pagbuwisan.tsk tsk!_Candy.

"Well,Wala tayong magagawa eh.Iba din mamili ng tauhan si Mariano talaga.Dahil lahi sila ng mga walang looks,sa mga tao na lang nila sila bumabawi.Duda ko kung si Dana ba talaga gusto din si Mikay talaga o ginagamit nya lang din?_Jamie.

"Yan din ang malaking palaisipan sa akin eh,Si Dana.Napapansin ko naman kasi na hindi genuine yung pagiging close ni Dana kay Mikay,parang trabaho lang walang personalan ang dating sa akin.
Hindi kaya may sarili ding dahilan si Dana kaya sya nakipag deal kay Mikay?_Grant.Saka ako biglang kinutuban.Naalala ko nung pinakiusapan ko sya para kay Sunny,hindi ako nagdalawang salita at agad ding nyang kinausap si Mikay para maging bodyguard na din si Sunny.




"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon