60.Star

874 36 0
                                    

                     Kahit ilang na ilang ako sa suot kong one piece bikini,wala akong magawa dahil yun ang utos ni Dana sa amin.Pasalamat pa ng ako at hindi two piece na kagaya ng suot nila Moana at Sunny ang napunta sa akin.Bagay na bagay naman sa kanilang dalawa yung swimsuit at talagang may laban sila sa modelong si Dana kaya tama lang.Nasa likuran lang kaming tatlo habang nauuna naman sila Grant at Gold sa amin sa paglalakad.Ilang sandali pa,narating na namin ang pagdarausan ng karera sa jetzki nila Dana at Grant.Bigla naman akong nahiya sa suot ko ng makita ko si Gil na nakaupo dun sa upuang may umbrella at naka sunglasses.

"Aaay grabeh naman.Uwian na bez,may nanalo na!_Keana.Naka twopiece din silang tatlo.

"Hahahha.Bigla tuloy na insecure tong mga gf namin sa mga dyosang dumating.Dont worry wifey,kayo pa din naman ang pinaka sexy para sa amin,right guys?_Candy.

"Hahahha.Biglang uminit dito ah!Bakit hindi nyo naman kami sinabihang mag pa showdown si Mayor.Sana nakisali din kami._Jamie.Na umakting pang macho at may muscle.

"Ngayon ko lang naisip kung gano kaswerte si Mikay sa pagkakaroon ng mga dyosa sa paligid nya.Parang gusto ko na nga ding kumuha ng girl bodyguards eh._Vienna.Kinurot naman sya ng gf nya.

"Well,Ganun talaga kapag mabait.Lahat ng blessing nasasalo.So pano,simulan na natin yung karera para magka alaman na!_Mikay.

Napansin ko namang tahimik lang si Gil sa pwesto nya at ni hindi ako tinitignan.Napangitan siguro sa katawan ko.Agad namang naghanda na sila Dana at Grant at magkasunod na lumapit dun sa manong na nag aayos dun sa jetzki na sasakyan nila.

Andun din yung manager at ilang staff ng resort para mag bantay sa karera.May naka antabay din silang medics at mga lifeguards na naka sunod sa mga nais sumubok sumakay din sa jetzki.

Ilang sandali pa,nakasakay na parehas sila Dana at  Grant sa kani kanilang gagamiting sasakyan.Pareho silang nakasuot ng lifevest at gear para masiguradong safe.Si Jamie naman ay nakasakay dun sa isang lifeguard habang nagvi video sa magaganap na laban.

Kanya kanya naman kaming cheer sa mga pambato namin.Napansin ko si Moana na palihim na nag thumbs up kay Grant habang abala si Mikay sa pag chi cheer kay Dana.Napangiti naman ako.Ang hirap naman ng dalawa ang chini cheer mo.Napahawak tuloy ako sa kamay ni Moana.

Naka telescope naman sila Mikay at Gillianne para matanaw nila yung dalawang nagkakarera.Meron daw white flag duon para sa finish line.

"Feeling ko panalo si Dana.Ang bilis nya magpatakbo eh.Parang hindi ganun kabilis yung pagpapatakbo ni Grant._Candy.

"Hahahha.Feeling ko din.Pero sympre hindi naman magpapatalo si Grant.
Pustahan nalang tayo?_Vienna.

"Sige ba.Dana ka,Grant ako ha.Bentemil?_Candy.

"Wag mokong hinahamon.Wala ka kayang bente mil loko ka!hahaha.
_Vienna

"Hahahha.Mga sira ulo kayo.Parehas lang kayong walang pamusta kaya tumigil na kayo!_Gold.Sabay pa nyang binatukan yung dalawa kaya natawa kaming lahat sa kanilang dalawa.

Seryoso namang nakatingin lang sa dagat sila Mikay at Gil na parehong competitive kapag may mga pustahan.

"Ayan na pabalik na sila.hahahha.Mukhang masaya si Dana ah.Pakaway kaway pa eh!_Candy.

"Parang naluging bakla naman si Grant.Tignan mo,nakasimangot kahit nasa malayo._Vienna.

Magkakasunod naman silang nagbabaan sa jetzki kasunod nila Jamie at yung dalawang lifeguard na naka alalay sa kanila.

"Guys ano?Sinong nanalo,si Dana ba?Dana,ikaw nanalo noh?_Vienna.

"Guys kalma lang,Eto na yung resulta ng laban.Actually kaunting segundo lang ang lamang eh.Pero nakaungos ng bahagya yung nanalo._Jamie.

Napaupo naman sa pagod si Grant at agad naghanap ng tubig habang nag aantay kami sa resulta.

Si Manong lifeguard na ang pinag announce ni Jamie kaya lahat kami ay tumahimik.

Ang nanalo sa naganap na pa contest ay si...GRANT!!!_Manong lifeguard.

Agad namang nagpalakpakan at nagsigawan sila Gold at Gillianne pati yung mga kaibigan nilang kasama.

"Sorry guys,Natalo tayo.Sorry Mikz!Peace tayo._Dana.Nag peace sign pa sya kay Mikay na halata namang nainis.

"Pano ba yan Mikay.Sa akin na muna si Moana ngayong gabi._ Grant.

"Dinner date lang ang usapan hindi buong gabi.After ng dinner ibalik mo sya kaagad sa kwarto nila._Mikay.

"Okey,tapos na ang karera,tayo naman ang mag enjoy guys.Swimming time!_Jamie.Agad nyang inaya yung girlfriend nya na sumakay sila ng jetzki.
Sila Vienna at Candy naman nagpara sailing kasama ng mga girlfriend nila.

"Mikz,tara Jetzki nalang tayo.Ikaw mag drive._Dana.Inabot nya yung kamay nya kay Mikay at saka silang dalawa tumakbo sa dagat.
Tuwang tuwa naman si Mikay na kasama nya si Dana.

"Leli kailangan nating sumunod kila Mikay at Dana sa dagat.Need nila ng bodyguard duon._Sunny.

"Teka papano yan,hindi naman tayo sanay sa jetzki._AKO.

"Wala naman tayong magagawa kundi sundan sila.Trabaho natin yun.
Halika na,Ako na lang ang magda drive._Sunny.
Sumakay naman ako sa likod nya at nagsimula na si Sunny na patakbuhin yung Jetzki.

Medyo malayo layo na kami ng maalala ni Sunny na wala pala kaming suot na lifejacket.Hinahanap namin sila Mikay at Dana pero hindi namin sila matanaw.

"Tumayo ka saglit Leli tapos tanawin mo sila.Baka makita mo dun natin sila sundan._Sunny.Dahan dahan naman akong tumayo at tinatanaw kung may nagji jezki sa may gawing dulo pero wala akong makita.

"Napalayo na yata tayo Sunny.Bumalik na tayo dun sa pangpang at yung mga lifeguard na lang ang paghanapin natin._AKO.

"Sige balik na lang tayo.Wala din kasi tayong life jacket eh.Teka ililiko ko lang._Sunny.Napakapit ako sa kanya ng mahigpit dahil medyo natakot ako sa malakas na alon.Eksakto naman na liliko na sya ng biglang hampasin kami ng mataas na alon na parehong nagpabuwal sa amin.

Parehas kaming marunong lumangoy ni Sunny pero hindi kami handa sa malalakas na along sumasalubong sa amin.

"Sunny nasan ka?Suuunnyyy!!!_Sisinghap singhap na tawag ko sa kanya.

Kinakabahan ako dahil hindi ko makita si Sunny na lumulutang.Hindi ako maka alis sa pwesto ko dahil baka andun lang din si Sunny at hindi kami magkatagpo.

"Suuuu nnyyyy!!!Suuunnnyyy asan kanaaa!!Ssunnnnnyy!!_Sigaw ko.

Magkasamang sigaw at pag iyak na ang ginawa ko pero wala pa din akong makitang SUNNY.Hanggang sa makita kong may dumating na mga tao para sagipin ako.Si GILLIANNE.Na hinawakan ako ng mahigpit at isinakay sa Jetzki na gamit nya.Napakapit ako ng mahigpit sa kanya sa sobrang takot ko at pag aalala.

"Gillianne,Si Sunny.Pakihanap mo si Sunny._Pautal utal na sabi ko habang umiiyak.Nakayakap pa din ako ng mahigpit sa likod ni Gil.

"Dont worry,Nakita na si Sunny.Sya ang unang nasagip.Sya ang nagsabi na naiwan ka nga daw.Wag ka ng mag alala._Gil.

"Sila Miss Dana at Boss Mikay nakabalik na din ba?_AKO.

"YES.Okey na okey lang sila.Muntikan ka ng mapahamak,kung sino sino pa din yang inaalala mo.Pwede ba,minsan naman isipin mo muna yang sarili mo bago ang ibang tao?_Gil.Nakarating kami sa pampang at saka kami sinalubong ng medics.Agad naman akong binalutan ni Gillianne ng towel at saka inakay pabalik ng Villa.

Nakita ko si Sunny na nakapagpalit na ng damit at agad nya akong niyakap ng makita nya ko.Pati si Moana ay naki akap din sa aming dalawa.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon