Ito na yata ang isa sa pinaka stressful na kaganapan sa buhay ko.Bakit ang ba daming rebelasyong hindi ko inaasahan?Akala ko,Pinaka malala na yung ipinaalam ko sa kanila ang pagpapanggap ni Dana. Ang hindi ko napaghandaan ay yung mga rebelasyon ni Mikay.Si Leli pala ay tauhan ni Dad at hindi ni Mariano talaga?Papano nangyari yun?
"Dad,Mom lets talk first,May mga itatanong lang ako,Naguguluhan lang kasi ako sa mga nagyayari._Ako.Nag set ang Dad ng meeting para sa aming lahat.Nakaupo sya sa gitna at tahimik lang.
"Umupo ka lang muna dyan anak,Inaantay lang natin ang Momshie at Popshie mo at paparating na din sila.Mamaya kana magtanong_Mommy Annie.Nakaupo kaming tatlo sa conference room ng B.I.G building.
"Gillianne,Hindi ba sinabi ko na sayo na tigilan mo na ang pagkilos mag isa ng hindi ko nalalaman?Bakit ba ang tigas ng ulo mo?_Dad.Halatang pigil ang pagtaas ng boses.
"Pero Dad,Sa dami ng inaasikaso ng mga otoridad,matagal na proseso at panahon pa ang iintayin natin bago tayo makakilos._AKO.
"Gillianne anak,Wag ka ng nangangatwiran sa daddy mo.Hindi kita kakampihan.Mali yang paraan mo._Mommy. Katabi ko sya sa upuan.
Maya maya pa ay pumasok na sa room sina Momshie at Popshie,kasama si Dana?Bakit sya nandito.Usapang pampamilya lang ito.Dahil ba asset sya ng Momshie kaya para na din syang kapamilya...
Humalik muna ako sa dalawang abuela at saka bumalik sa upuan ko."Miss Dana,Pwede mo ba kaming bilhan ng Juice at kape sa baba?_AKO.
Napa angat naman ang kilay nya sa sinabi ko."Kung gusto mo ng kape o ng juice sana ikaw ang bumili kanina bago pa kami dumating._Dana.
"Sa pagkaka alam ko kasi,Family meeting ito.Hindi kasama ang ASSET o tagabantay._AKO.
"Gillianne,Giordana...May sasabihin ang Momshie nyo.Mamaya na kayo magtalo pwede ba mga iha?_Popshie.Na parehong tumingin lang sa amin.
"Nandito tayong lahat para sa isang makabuluhang pag uusap.Para malinawan sa mga babagay bagay at mga tanong na gumugulo sa ating mga isipan.Ako,bilang Isang alagad ng batas ay humaharap sa inyo ngayon para sa patas na desisyon ng buong pamilya._Daddy.
"Sa ganang akin naman,bilang pinaka matanda sa ating lahat dito at haligi ng pamilya.Hinihiling ko ang malawak na pang unawa ng bawat isa sa atin at nawa'y maging maganda ang resulta ng pag uusap natin ito._ Popshie.Isang ngiti namn ang isinukling sagot ni Dana sa kanya.
"Dahil ako naman ang syang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan sa pamilya,Hayaan nyong ako na ang maunang magbigay ng paliwanag at paghingi ng kapatawaran sa mga nagawa kong pagkakamali at kasalanan.
_Momshie.Na hindi pa nagsisimula ang pag uusap ay umiiyak na pala."Mommy,Wag ka pong mag isip ng ganyan.Walang may gustong mangyari sa atin ang lahat ng ito.Lahat ng mga bagay sa mundo,Hindi tayo ang may gawa kundi dahil iyun ang nakatadhana._Mommy.
"Salamat Annie,Napakaswerte ng anak ko sa pagkakaroon ng asawang gaya mo na malawak ang pang unawa sa lahat lahat._Momshie.Kahit si Dana ay naluluha na din.
"Mom,Kalmahin mo na muna yang sarili mo.Hindi pa tayo nakapag simula sa isyu ganyan kana.Baka naman mamaya nyan atakihin ka sa sobrang pag iyak._Daddy.
"Syanga naman baby,Papaano tayo magiging big happy family nyan kung hindi pa natin nasisimulan yung usapan,nagbi break down kana.Tahan na.
_Popshie.Napangiti naman ako sa kasweetan ng popshie kay momshie."Pasensya na guys.Bago ko simulan yung totoong isyu na dapat pag usapan
Gusto ko munang humingi ng tawad muna sa mga nasaktan ko at nagawan ng kasalanan.Grae anak,Salamat at napatawad mo ako sa kasalanan ko.
Hindi ko inaasahan na agad mo akong maiintindihan._Momshie.
Ngumiti naman si dad bilang sagot sa sinasabi ni momshie."Gillianne,Hindi naman lingid sa iyo na meron kang kapatid na mas matanda sayo hindi ba?_Popshie.Lahat sila nakatingin sa akin.
"Yes Pops!Alam ko po yun.Yung namatay kong sister na si Giordana,Na kung nabuhay lang sana ay katabi natin ngayon at kasama sa meeting na ito._AKO.
"Anak,Buhay si Giordana.Buhay ang kapatid mo.At kasama natin sya ngayon_Mommy.Tumingin silang lahat kay Dana at saka napahagulgol ang daddy Grae sa mesa.
"Mom,Whats goin on?Sinong buhay,at bakit lahat kayo nakatingin kay Dana Rivera?Anong kalokohan ba to?_AKO. At saka parang nahimasmasan ang daddy at nagsalita.
"Later ko na lang din nalaman na buhay ang kapatid mo.Hindi pala sya totoong inilibing nuon gaya ng pagkaka alam natin.Hindi sya sinukuan ng mommy,hanggang sa milagrong dininig ng Dyos ang dasal nya at himalang nabuhay ang kapatid mo.Sa takot ng mommy at daddy na baka hindi naman tuluyang gumaling si Dana,inilihim na muna nila ang lahat.
Limang taon na ang tanging naging tahanan ni Dana ay ang hospital.
_Daddy.Napahinto ang daddy sa pagkukwento dahil sa pag iyak.Agad syang nilapitan ng mommy at saka niyakap."Im so sorry anak,Sa takot kong baka maulit muli ang pagkakasakit ni Dana hindi ko na muna ipinagtapat sainyo ang lahat.Hanggang sa umabot ng labing limang taon si Dana saka namin ipinagtapat sa kanya ang katotohanan_Momshie.
"Hindi kasalanan nila momshie at popshie ang lahat,Ako talaga ang humiling sa kanila na wag na munang ipaalam sa inyo.Nung nalaman ko na naghiwalay kayo mommy and daddy,aaminin ko nalungkot ako.Sabi ko sa kanila,saka nyo na lang ako ipakilala sa kanila kapag nagkabalikan na sila.Wala naman na pala akong pamilyang babalikan kung sakali._Dana.
"Dana?Ikaw si Giordana Lorenzo,ang kapatid ko?Ohhhhh!Kaya naman pala nung una tayong nagkita,may kakaiba akong naramdaman.
Kaya pala kamukha mo ang daddy!_AKO.Actually,gustuhin ko mang maiyak sa nalaman ko,parang ayaw pang mag sink in sa utak ko lahat ng nalaman ko.But im happy,sobrang saya ko na buhay ang kapatid ko."Ohhh Gillianne!Kung alam mo lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na yakapin ka.Lalo na nung una tayong magkita.Ibang iba yung pakiramdam talaga.Sobrang gustong gusto kitang yakapin palagi kapag nakikita kita.Pero pinipigilan ko lang._Dana.Agad ko syang nilapitan at niyakap.Tapos saka ako napaiyak habang magkayakap kaming dalawa.
Hindi din sya tumigil sa paghalik sa mukha ko na para akong bata."Dana naman!Ginawa mo naman akong baby.Baka mamaya nyan mag amoy laway na ko sa ginagawa mo._Ako.Dinadaan ko na lang sa biro ang pag iyak para hindi masyadong mabigat sa dibdib.
Halos wala na kaming natapos na usapan dahil sa walang tigil naming pagyayakapan at pag iiyakan.Kahit ang daddy at ang Popshie,iyak din ng iyak habang magkakayakap kaming lahat.
Kung dati rati,Hindi ako basta basta naniniwala sa isang himala.Ngayon ko napatunayang walang imposible sa taas kapag taimtim mong hiniling.
Naniniwala akong malaki ang nagagawa ng salapi sa buhay ng tao,pero mas higit kong pinagpapasalamat sa Diyos ang pagbibigay nya ng buhay sa kapatid ko.At ngayong ngang kapiling na namin sya,Mas lalo ko pang naramdaman na mas matatag na kami at mas malakas.Isang pamilya na kahit pilit na ibinababa Ngunit nananatili pa ding namamayagpag at sama sama pa ding nagpapatuloy sa paglaban sa lahat ng hamon sa buhay.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...