79.Gillianne

885 36 1
                                    

Madami dami din ang nainum namin kaya halos lahat kami ay nalasing talaga.Bukod pa sa malamig ang klima,kaya talagang mas masarap uminum.At dahil iisang kwarto lang kaming lahat,wala kaming choice kundi magsama sama sa iisang room.Mabuti nalang at may tatlong kama duon.Magkakatabi na natulog sila Sunny at Gold,Moana at Grant.Yung isang bakanteng kama naman ay para sa aming dalawa ni Leli

"Okey lang naman ako na dito nalang sa lapag mahiga.Ikaw na lang mag isa dyan sa kama._Leli.Naghanda na sya ng kumot na pinanlatag nya dun sa lapag.

"Dito kana sa kama ako na lang dyan.Malamig sa lapag,baka sipunin kapa.
_AKO.Kinuha ko yung unan at saka ako pumwesto dun sa nilatagan nya ng kumot.

"Ako na nga kasi sabi ang mahihiga sa lapag.Mas sanay ako sa lapag matulog._Leli.Sabay kaming nahiga sa lapag kaya nagka untugan kami pareho.

"Uggghhh!Araaaay!_Leli.
"Oooouuccchh!_AKO.Sabay pa kaming napahawak sa ulo namin.

"Lalo tuloy sumakit yung ulo ko.haaaaist!_Leli.

Agad naaman akong tumayo at kumuha ng ice pack sa ref.Inilagay ko sa towel at inilagay ko sa ulo nya.

"Salamat.Okey na ako,kaunting bukol lang naman._Leli.Sya na ang humawak sa icepack.Saka nya hinubad yung jacket na pinahiram ko sa kanya at iniabot sa akin.

"Suutin mo na muna yan,malamig ang panahon.Hindi ko naman yan gagamitin.Isa pa madami akong extra jacket na dala._AKO.

"Okey,sige salamat.Dun na ako sa kama,dyan kana sa sahig._Leli.Tapos nahiga na sya sa kama.

Nahiga na din ako sa lapag.Sa totoo lang,first time ko pa lang mahiga sa lapag at ramdam ko yung sakit sa likod dahil bukod sa malamig na wala pang kutson.Matagal din akong di kumilos dahil baka magising pa sya kapag nag ingay ako.Maya maya lang,tumayo ako at saka nag inat inat sa labas ng kwarto.Nanakit na kasi agad ang likod ko kahit saglit pa lang ako nakahiga.

"Hindi ka makatulog sa lapag noh?Sabi na kasi sayo dun kana sa kama eh.
_Leli.Nagulat ako na gising pa pala sya at lumabas din ng room kasunod ko

"Hindi naman,hindi lang talaga ako makatulog talaga.Kapag nasa ibang lugar ako,ganito talaga.Ikaw,bakit di kapa matulog?_Ako.

"Hindi din kasi ako madaling makatulog kapag nasa ibang kwarto.
Saka parang nahihilo ako sa nainum ko.Naparami ata._Leli.Agad ko syang inalalayan pagtayo nya dahil parang matutumba sya.

"Saan ka ba pupunta?Ako na lang ang gagawa,may kailangan ka ba?_AKO.Papunta kasi sya ng kusina.

"Magkakape sana ako.Para kasing any moment masusuka ako talaga.Pasensya kana,Matagal na kasi akong hindi umiinum.Last na inum ko yata,nung bodyguard pa ako ni Mikay 3years ago._Leli.

"Kaya naman pala.Maupo ka na lang dyan at ako na ang magtitimpla ng kape mo.Sandali lang._AKO.Agad akong kumuha ng tasa at saka nagsalin sa tasa ng mainit na tubig.Mabuti na lang at may 3 in 1 na instant coffee na bibili sila Sunny kanina.

Maya maya pa ay naubos na ni Leli yung kape nya at gumaan na yung pakiramdam nya.Pinapawisan sya kaya agad nyang tinanggal yung jacket na suot nya.

"Salamat Gillianne.Salamat sa lahat ng tulong mo.Palagi mo na lang nililigtas ang buhay ko,salamat talaga._Leli.Na agad namang pumasok sa kwarto at natulog na sa kama.
Dito na lang ako sa sofa sa labas natulog kahit na walang aircon.

Umaga na ng magising ako sa ingay at asaran nila.Naaamoy ko na yung longganisang Vigan at saka fried tuyo mula sa kusina.Bigla akong nagutom kaya napabangon ako bigla.Saka ko napansin na lahat pala sila nakaligo at nakapag ayos na at naka abang sa akin.Nahiya tuloy ako sa itsura ko na im sure magulo ang buhok at may muta pa.

"Hay sa wakas,nagising na din ang senyorito!Magandang umaga po Boss Gillianne.Nakahanda na po ang almusal at ikaw na lang ang inaantay._Gold.

"E di kumain na kayo.Bakit nyo pa ko inaantay.Para asarin?Hindi nga ako agad nakatulog,ang tigas tigas ng lapag._AKo.Saka ko narealize na andun nga pala si Leli sa tabi ni Moana.

"Bakit ka naman kasi sa lapag hihiga,ang laki laki ng kama?Nahihiya kang tumabi kay Star kasi malakas kang humilik noh?hahaha_Grant.

"Hahahha.Hindi lang malakas humilik,mahilig pang mang yakap yan kapag natutulog._Gold.

"Ang aga aga nyo mambwisit!Wala na naman kayong mapagtripan noh?
_Ako.Tapos hinampas ko sila parehas ng unan at saka ako dumiretso sa banyo.Dinig ko pa din ang tawananat pang aalaska nung dalawa sa akin.

Napatingin tuloy ako sa itsura ko sa salamin.Ampanget ko yata kapag bagong gising ah?Pero hindi naman,gwapo pa din.Magulo lang talaga yung buhok.Pero bakit ba ako nako concious masyado sa itsura ko,Kanino ba ko nako concious,kay Leli?haaaaist.Gillianne anu kaba?Kelan kapa nawalan ng tiwala sa kagwapuhan at kacharmingan mo ha...

"Leli,Dumaan muna tayo sa inyo mamaya bago bumalik ng hotel ha.Hindi pa namin nakikilala ang mommy mo,Ipakilala mo naman kami sa kanya.
_Moana.

"Oo nga naman Leli.Saka gusto ko din makita yung boutique nyo.
Baka mamaya,may magustuhan ako at makabili ako._Sunny.

"Good Idea yan girls,kami din gustong mameet si mudrakels mo diba Gil?
_Grant.Nakangising Grant ang nagtatanong sa akin.

"Ako na naman ang nakita mo!Nakakarami ka na sa akin Grant ha,Lagot ka sa akin kapag di natin kasama si Moana!_AKO.

"Hahahah.Mahal,nadinig mo yun?Sasaktan nya daw ako kapag di tayo magkasama.Kaya wag na wag kang lalayo sa tabi ko ha mahal ko.._Gil

"Hahahha.Sige Mahal,di ako aalis sa tabi mo para di ka masaktan._Moana

" Kampihan pa more!hahahha.Kawawa naman si Gil walang kakampi._Sunny.

"E di si Star ang kakampi nya.Tapos tayo din babe magkakampi.hehehe.
Tara game,padamihan ng Strawberry na mapipitas!_Gold.Nasa Strawberry farm kasi kami ngayon para mamili ng pasalubong.

After namin mag strawberry picking,dumiretso kami sa Minesview Park at saka namili ng mga pasalubong duon.Nagpapicture din sila ng naka Igorot costume.

"Si Leli at Gil naman,Puro tayo na lang ang papicture ng papicture eh.
_Grant.Alanganin man pero naki post na din kaming dalawa ni Leli kahit na hindi naman kami couple.

"Yung akbay pose naman,grabeh para kayong magkagalit eh!_Gold
Inilagay nya yung braso ko sa balikat ni Leli.

"Papicture tayo kay kuya na lahat tayo naka smack kiss pose dali!_Sunny
Agad naman silang pumwesto at magkaharapan na naka smack kiss pose
Pero yung photographer naman ang nagpwesto sa amin dun pa mismo sa gitna nung dalawang couple.

"Kayong dalawa sa gitna,Mag smack na din kayo.Nangangalay na ko dito aba._Manong photographer.
Agad naman kaming pinaglapit nila Sunny at Gold kaya hindi sinasadyang napadikit nga ang labi ko sa labi nya.Eksakto namang nag flash ang camera ni kuya.

"Ohhhh myy!!!Nakita nyo yun guys?Nagkiss sila Gillianne at Leli.yiiiiiiiee!
_Sunny.Tawa naman ng tawa sila Moana at Grant.Nakatulala naman si Leli at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.

"Sorry.Hindi ko sinasadya._Sabi ko nalang para hindi sya maalangan.
Pero napangiti naman ako ang di sinasadya.At nahuli nya ako sa pagngiti ko kaya mabagya syang namula.Ako naman ang biglang nahiya.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon