80.Star.

900 42 6
                                    

Nagsimula na naman ang klase at naging busy na naman akong muli.Aaminin ko,namimiss ko ang presensya ni Gillianne pero alam ko namang imposible na ulit kaming magkita nun dahil sa pareho kaming abala sa kanya kanya naming mga buhay.

Sya bilang tagapagmana ng kumpanya nila,malaking responsibilidad ang naka atang sa kanya.Habang ako naman,ngayon pa lang nagsisimulang bumangon para sa magandang bukas na haharapin ko.

"Bakit naman kasi sa isang malaking kumpanya pa tayo kailangang mag OJT?Ang dami na naman dyan pwede nating pag trainingan.Wala namang ka thrill thrill yung pagbabantay sa tagapagmana ng isang malaking kumpanya._Abby.(Isa sa mga ka klase ko sa PMA)

"Ano naman ang magagawa mo aber?Hindi pa nga tayo na aassign sa mas malayo pang lugar panay na ang reklamo mo dyan,dapat hindi ka nag pulis,nag tayo ka nalang ng business mo dito sa Baguio!_Laiza(klasmeyt ko din)

"Kayo talagang dalawa,Napaka dami nyong reklamo.Mas okey na din yung taga bantay tayo sa isang mayamang tao kaysa dun tayo i assign sa traffic.
Bilisan nyo na dyan at baka maiwanan na tayo ng bus!_AKO.

Sa Maynila kami naassign para magtrain.Dahil daw may background na ako as a bodyguard before,Ako ang isa sa naatasan na magbantay sa isa daw anak ng mayamang negosyante na nanganganib ang buhay dahil sa mga kalaban sa negosyo ng pamilya nila.At dahil wala naman akong choice dahil yun ang utos ng nasa taas,kailangan ko na namang lumuwas ng Maynila kahit ayaw ko na sanang balikan pa ang lugar at ang nakaraan ko.

"Alam mo Star,Nagtataka ako sayo.Bakit ba ayaw mo sa Manila manirahan samantalang ang ganda ganda dito?Tignan mo nga,Ang daming magagandang oportunidad kapag andito tayo.Pwede ka pang mag artista if u want,ang ganda mo kaya._Abby.Magkakatabi kami sa bus.

"Hahaha.Artista talaga?Kung sabagay,maganda ka naman talaga Star,bakit ba pagpupulis pa ang pinag aralan mo kasi,dapat sayo model o kaya naman reporter kaya._Laiza.

"Magaganda din naman kayo bakit kayo nagpulis?Saka wala naman sa itsura ang batayan para maging masaya ang tao.Mas gusto ko makatulong sa kapwa kaysa dyan sa sinasabi nyong pag aartist._AKO.Bata pa lang ako, pangarap ko ng maging pulis,kaya naman nung ipinaliwanag sa akin ni General Lorenzo ang misyon na gagampanan ko,hindi ako nagdalawang isip pa na gawin yun kahit alam kong mapanganib.

"Pamilya naman kasi kami ng mga alagad ng batas,saka ipinangako ko na kay tatay na magpupulis din ako gaya nya bago sya namatay eh._Laiza.

"Ako naman,biglaan lang ang pagpasok ko sa PMA.As in never kong naisip na maging pulis.Kaso itong Ex Jowa ko,nag apply nga sa PMA at pati ako isinama,ayun hindi sya nakapasa kaya ako lang ang nakapasok.Tapos nalaman ko nalang na habang nasa PMA ako,may iba na palang pinupulis ang bruho,kaya walang pagdadalawang isip na hiniwalayan ko sya kaagad._Abby.

"Hahahaha.So aksidente lang pala yang pagpupulis mo day?Malas ni ex,Sana ngayon may gf na syang lespu._Laiza.
Nalilibang din ako sa kwentuhan namin.Ang ingay namin sa bus kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng building ng babantayan namin.

"B.I.G Corporation?OMMMG! Diba ito yung kumpanya ng pamilya nila General Lorenzo?_Abby.Nakatingala kaming tatlo sa itaas ng building.
Ito na yata ang pinaka mataas na building dito sa Makati.

"Ibig sabihin,Isa sa pamilya ni General Lorenzo ang babatayan natin?
Ang balita ko,single pa yung mga anak ni General.Bet ko yung gwapong lesbian na anak nya,sana yun ang iassign sa akin na babantayan._Laiza.
Tahimik lang ako.Wala akong maisip na dahilan para muli na namang ma involve sa pamilya Lorenzo.

"Lets go na guys,Excited na ko makilala yung babantayan natin._Abby.

Nagmamadali naman silang pumasok sa loob ng building at saka kami sinamahan ng isa sa mga staff nila sa opisina ng may ari.

Huminto kami sa 25th floor.Ito ang pinaka gitna ng building dahil sa 50th floor ang taas ng building ng B.I.G.
Pagpasok namin sa loob ng opisina,may naka abang na kaagad sa aming staff duon at saka kami pinaupo sa malambot at mahabang couch.

"Mag antay lang kayo dyan ng ilang minuto,may meeting lang kasi sila Boss kaya hindi agad kayo maharap._Secretary.Nakalagay dun sa pin nya.

"Okey lang,mag aatay na lang kami dito.Salamat._AKO.Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng opisina.Parang may kakaiba akong nararamdaman sa lugar na ito.Feeling ko,nakita ko na sya. Napansin ko yung mga hugis star na wall decor nila.Pati na din yung pinaka gitna ng carpet na star din ang shape.Bigla akong kinabahan,Iisang tao lang ang kilala ko na mahilig sa Bituin...SI

"Boss Gillianne.Andito na po yung mga ipinadalang tao ng Daddy nyo para magbantay sa inyo._Secretary.Kasunod nyang lumabas mula sa meeting room sila Gold at Grant na parehong nakangiti pagkakita sa akin.

"Ohhh,Star!Long time no see._Gold.Sabay lapit sa akin at bumeso.Napatingin naman ako kila Abby at Laiza na halatang nagulat.

"Lalo kang gumanda Star ah.Hiyang ka talaga sa Baguio.Sigurado maninibago ka naman sa klima dito sa Manila._Grant.Bumeso din at kumamay naman sa dalawang kasama ko.

"Ahh,Kamusta din sa inyo.Hindi ko alam na nandito din pala kayo kaya wala manlang akong nadalang pasalubong._AKO.

"Hahahha.Okey lang,Alam naman namin na about sa work ang ipinunta mo dito at hindi naman para lang bumisita.Anyways,Mauuna na kami dahil kanina pa ako kinukulit ni Moana na samahan ko syang mag grocery, sa condo ka daw nya magdidinner._Grant.Na kumindat pa sa akin at saka lumabas na ng room.

"Ako din Star,mauuna na.Babalik pa ko ng office.See you later nalang at dinner ha.Miss na miss ka na ng asawa ko.hahaha_Gold.At saka lumabas na sya ng room.Napalingon naman ako kay Gil na nakaupo sa harap ng table nya.

"Good Afternoon Miss Lorenzo.Kami nga po pala yung mga taong pinapunta ng department namin para iassign na magbabantay sa inyo.
_Abby.Sabay abot dun sa papers nya kay Gil.

"Okey,Maupo na muna kayo at tatawagin ko na muna yung staff ko para sa briefing nyo._Gil.Pumindot lang sya sa button na nasa harapan nya at saka agad pumasok yung babae kanina at saka isa pang lalaki na mukhang attorney sa tingin ko.

"Thank you Ma'm,i mean Sir po pala._Abby.Napatingin naman sya kay Abby at saka natawa.Pati si Laiza ay natawa na din.Hindi nga naman nila alam ang itatawag sa kanya kung Ma'm o Sir dapat.

"Medyo confusing nga kasi talaga kung ano ang itatawag sa akin kaya mas okey na siguro kung Boss na lang.Anyways,sila na lang yung bahalang magpaliwanag sa inyo sa mga gagawin at mga kailangan nyong pirmahan.
I have to go for now._Gillianne.At saka lumabas na ng room na hindi man lang ako kinausap o tinignan man lang.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon