21.HAILEY STAR

1K 44 0
                                    

"Nadinig mo ba yung sinabi nung Gillianne,star?Ikaw ang gusto nyang premyo sa karera nila sa sabado.Ang yabang naman pala nun eh.Tama si Dana,hindi ka isang bagay na gagawing papremyo sa isang sugal.haaaist!_Moana.

"Ganun talaga ang mayayaman,walang pakundangan sa damdamin ng ibang tao.Lalo pa at alam nilang tauhan ka lang.Pero hindi yun ang inaalala ko.Yung huling sinabi ni Gil tungkol sa hotel.Ibig sabihin alam nya din ang mga transaksyon na nangyayari sa hotel na ito,ibig sabihin hindi lang tayo ang nagmamanman sa mga Mariano._AKO.

"Isa pa nga din yan sa inaalala ko.Alam mo bang tinanong ako nung Grant kung ako daw ba yung babaeng nahilo nuon sa karerahan?_Moana

"Ano naman ang sinabi mo,umamin kaba?_AKO.

"Sympre hindi.Sabi ko nga,ngayon ko lang sya nakita eh.Pero parang hindi sya naniniwala.Sa palagay mo,alam na kaya nila ang mga trabaho natin?_Moana.

"Hindi ko din alam.Pero si Gillianne,palagi nalang kaming nagkikita.Madalas din na kapag nasa isang alanganing sitwasyon  ako o nangangailangan ng tulong hindi sinasadyang nagtatagpo kami._AKO.

"Isa lang ibig sabihin nyan,pinagtatagpo kayo ng tadhana.Baka sya ang meant to be mo?_Moana.

"Haay naku Buwan,puro ka talaga kalokohan.Seryoso ang usapan tapos palagi mo hinahaluan ng kalokohan eh.Matulog na nga tayo.Malamang bukas maaga tayong ipapatawag._AKO.

Nakapikit na ang mga mata ko pero mukha ni Gillianne ang nakikita ko.
Yung chinito eyes nya na kapag tumitig para kang inaakit.Yung matangos nyang ilong na bumagay sa maliit nyang mukha.At yung labi nyang kahit wala namang lipstick,mapula pa din considering na nagyoyosi sya. Agad akong napabangon.Bakit ko ba sya naiisip?Madalas nya nga akong binabara kapag nag uusap kami.Dapat iwasan ko ang taong yun.Baka sya pa ang maging dahilan ng pagkasira ng mga plano ko.Hindi ako kailangang pumalpak sa plano.Madaming buhay ang nakasalalay dito.

Agad akong pinatawag ni Mikay.Ako na daw ulit ang magiging alalay nya from now on.Na ikinatuwa ko naman.Sakay ng mamahalin nyang sasakyan,isinama ako ni Mikay sa kanila at muli kong nakaharap si MIGGS MARIANO..Na sya palang daddy ni Mikay.

"Dad,pinatawag mo daw ako,May problema ba tayo?_Mikay.Nasa tabi nya lang ako nakatayo.

"Hindi mo sinabi sa akin na muli na naman pala kayong nagtalo ng batang Lorenzo kagabi sa casino?Bakit ba hindi ka marunong magpigil dyan sa emosyon mo ha?_Miggs

"Nakakapikon naman kasi ang mga hirit ng taong yun eh!Pati ba naman sa harap ni Dana ipapahiya nya ako,natural hindi ako magpatalo._Mikay

"Gunggong ka pala eh!Alam mo namang hinuhuli ka lang nun para malaman nya ang mga nangyayari sa loob ng hotel,pinapatulan mo naman!Kahit kelan talaga Mikay,hindi mo ginagamit yang kokote mo!_Miggs.

Agad nya akong sinenyasan na sa kotse na lang mag antay kaya naman agad akong lumabas ng mansyon nila.Dinig na dinig ko pa din ang pagtatalo nilang mag ama habang papalabas ako ng pintuan.Naglakad lakad nalang muna ako sa labas ng bahay nila.Hindi sinasadyang may maulinigan akong mga nag uusap sa may bandang garahe ng mga sasakyan.Agad akong kumubli sa medyo madilim na parte ng garahe at saka dahan dahang sumilip.May tatlong mga lalaki na nag iinuman duon sa garahe.

"Pare,Nabalitaan nyo ba yung banggaan ng Mariano at Lorenzo? Parang tagilid yung bata natin eh.Matinik at palaban kasi talaga si Lorenzo,hindi gaya ng anak ni Pinuno,puro babae lang ang alam.heheheh._Lalaking malaki ang tyan.

"Mas matinik din daw sa babae yung Lorenzo.Gwapong bata eh.Si Mikay naman dinadaan lang sa pera.Si Dana nga daw ngayon ang nililigawan.Pero duda ako,kayang kaya maagaw ni Lorenzo yun eh!_Guy#2

"Tumahimik nga kayo dyan!Asan ba ang loyalty nyo?Masyado kayong bilib sa Lorenzo na yun,sya ba nagpapalamon sa inyo ha?Ang trabaho natin, panatilihing ligtas ang mga Mariano,kaya kahit sinong bumangga sa kanila dapat kalaban din natin._guy#3.

"Sabagay tama ka nga naman dyan.Maiba ako,tuloy ba yung shipment bukas from China?Naka timbre na sa costum yun ah.Bakit hindi yata matuloy tuloy?_Guy#2

"Bantay sarado ni General Lorenzo ang costum ngayon.Mahirap may makapuslit na kontrabando.Sagabal talaga sa negosyo yang General na yan eh.Kaya galit na galit si Pinuno!_Guy#1

"Pero tuloy na bukas ang shipment.Kahit gano pa sya kagaling magbantay, mlulusutan at malulusutan pa din sya.Mismong si Pinuno kasi ang front act bukas kaya walang sisita.Ikaw na maging Senador!hahahah_Guy#3

Agad naman akong bumalik sa pwesto ko pagkadinig ko sa kwentuhan nila.Baka kasi lumabas na si Mikay at mahuli pa akong nakikinig.
Eksakto naman pagpasok ko sa sasakyan,syang labas ni Mikay sa pintuan at magmamadaling sumakay sa kotse.

"Lets go Star.Bumalik na tayo sa hotel.Dun na lang ako kakain.Nakakawalang gana sumabay sa pagkain kung puro sermon ang madidinig mo!bwiissit!_Mikay.

"Okey po boss._Ako.At saka ako magmanaho ng kotse pabalik sa hotel.

"Hello Dana.Pwede ba tayong magkita?Gusto ko lang may makausap.
Badtrip kasi ako kay Dad.Wala ng ginawa kundi sermunn ako palagi. Parang wala na syang nakitang tama sa lahat ng ginagawa ko._Mikay.

At dahil sa fone lang sila nag uusap nung Dana,hindi ko alam kung anong sinagot sa kanya.Basta ang sigurado ko lang,pupunta yung Dana dahil iba ang ngiti ni Mikay pagkababa nya ng fone.

"Ah Star,Regarding nga pala dun pustahan namin sa sabado ni Lorenzo...
Anong feeling mo,mananalo ba sya or ako ang mananalo?_Mikay.

"Boss,May tiwala po ako sa inyo.At isa pa,alam ko naman na hindi nyo ko pababayaan._AKO.Pero sa totoo lang,pinagdarasal ko na sana matalo si Gillianne.Hindi ko alam kung bakit pero palagay ko mas magaling si Gillianne kumpara kay Mikay kaya ayokong mapunta kay Gil.Hindi pwede. Mas kailangan kong mapalapit kay Mikay.Kung kinakailangang akitin ko sya para lang hindi ako mapunta sa Gillianne na yun gagawin ko.

"Hahahaha.Talagang malaki ang tiwala mo sa akin ha.Kaya gustong gusto ko kayo ni Moana na maging assistant ko eh.Dont worry,I'll make sure na hindi ako matalo ni Lorenzo sa sabado._Mikay.Sa ngiti na yun ako biglang kinabahan.Pano kapag may gawin si Mikay na ikapahamak ni Gil?

"Boss.Maniniwala po ako sa inyo.Alam ko naman na mabait kayo sa mga tauhan nyo at alam ko din na hindi nyo hahayaang gawin kaming parang bagay na kapalit ng isang pustahan lang._AKO.

"Well,tungkol sa bagay na yan..Ako na ang humihingi ng pasensya para kay Gil.Hindi ko alam kung anong nasa isip nya at ikaw ang gusto nyang kapalit ng pustahan namin.Pero gaya ng sabi ko,Hindi ko papayagang mangyari ang gusto nya._Mikay.

"Salamat po Boss.Aasahan ko po yan._AKO.

"hahahah,ngayon ko lang napansin na maganda ka pala.Hindi na ko magtataka na ikaw ang gustong premyo ni Gil sa pustahan namin.
Parang gusto ko tuloy kiligin.Pasalamat si Lorenzo may Dana na ako,Kung hindi,baka pag awayan kapa namin pagnagkataon._Mikay.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Mikay.Natuwa ako sa papuri pero at the same time nainsulto din ako.Ganun ganun na lang ba sila kapag nagkakagusto sa babae?Para lang silang bumibili ng paborito nilang damit at kapag nagsawa na itatapon na lang?At para lang silang nagpapadamihan ng babae at pag aawayan kung kanino mapupunta?

Kung nuon,sa Mariano lang ako galit na galit.Ngayon pati kay Gillianne Lorenzo namumuhi na din ako.Sa pang iinsulto nya sa pagkatao ko.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon