Nagsisimula na sa pag i imbestiga ang mga pulis tungkol sa kaso ng BSG.Salamat sa mga taong tumulong sa akin para mas lalo pang mapadali ang pagkalap ko ng mga ebidensya laban sa grupo nila.Hindi ganun kasimple ang proseso,pero gusto ko talagang mawala na sa mga kamay ng BSG ang mga bata.Isa sila sa mga batang gusto kong maging bahagi ng foundation.Kaya din agad kong tinanggap ang pamamahala sa foundation for out of school ay dahil sa kanila.
"Okey din tong lugar na nabili ng mommy mo Gil ah!Ganda ng pagkaka design dun sa pool area,akala mo nasa ibang bansa ka._Vienna.
"Sila Gold at Grant ba susunod daw?Parang madalang na sumama sa atin si Gold ah,ano bang pinagkaka abalahan nun?_Candy.
"Baka sumunod daw yata.Depende kung maaga matapos si Gold sa defense nila.Si Grant naman sasabayan lang si Gold para may kasama.
_Ako.Natuwa ako pagmasdan ang kabuuan ng resort ni Mom.Hindi ko alam na mahilig pala sya sa dagat.Nuon kasing magkakasama pa kami sa bahay,palagi kaming nag a out of the country pero hindi kami nagpupunta sa mga beaches na gaya nito."Pero bakit kaya hindi ipinangalan ng mom mo sayo tong resort?
_Jamie.Lahat kasi ng resto ng mom,pangalan ko ang nakalagay.Kahit yung flower farm nya sa baguio,sa akin din nya ipinangalan after nila maghiwalay ng daddy nuon."I dunno.Baka hindi nya lang type na gawing GILLIANNE'S RESORT tong property nya.hahahha._AKO.HOLY RIVER kasi ang name ng resort.
Private at tahimik lang ang kabuuan ng resort.Hindi din mataas na building ang ipinatayo ng mommy para sa tutuluyan ng mga guest kundi simpleng mga rooms lang.Aircondition at may malalaking kama lang ang laman ng bawat room pero lahat may jakuzzi sa shower room.
Minabuti kong umidlip na muna kaysa magbabad sa pool.Sina Vienna,Candy at Jamie kasi ay may kanya kanyang dalang girlfriends kaya naman siguradong nag eenjoy na ang mga yun sa pagbababad sa pool.Isang tawag ang nagpagising sa akin mula sa labas ng room ko.Napansin kong medyo madilim na pala at matagal din akong nakatulog.Mirror glass kasi ang wall sa tabi ng kama na tanaw ang kagandahan ng dagat.Papalubog na din ang araw.
"GILLIANNE,WAKE UP! Andito na kami ni Gold!_Grant.Pinagbuksan ko lang sila ng door at saka ako pumasok sa banyo.
"Andito ka lang ba para matulog Gil?Grabeh ka,ang ganda ng lugar na to para i explore hindi para tulugan._Gold.Agad namang humiga sa kama ko.
"Hindi ko alam na napahaba pala ang tulog ko.Akala ko tanghali pa din.Di na nga ako nakapag lunch eh.Anong balita sa Manila?_AKO.Mula sa bathroom kinakausap ko silang dalawa.
"Wala naman masyadong balita,except dito sa mysterious txtmate nitong si Grant.hahahah._Gold.
"Oi wala akong txtmate ah!Tumigil ka dyan Gold,baka ihampas ko sayo tong PS5 ko makita mo._Grant.
"Bakit ba kasi ang defensive mo pag nababanggit yang txtmate mo ha Grant?Kahit ako din,nagdududa na sayo eh.Ano ba kasing meron ha Grant?_AKO.Nakabihis na ako paglabas ko ng shower room.
"Wala ngang akong txtmate.At saka bakit txtmate,Uso paba yun?Akala nyo lang nagtitxt ako pero nag gi games lang ako sa fone ko palagi._Grant.
"Deny pa more!Tara na nga Gil,kanina pa ko nagugutom eh.Malayo din ang byahe papunta dito ha.Nga pala,dito din kami ni Grant matutulog sa room mo ha._Gold.
"Teka bakit dito?Ang dami pang bakanteng rooms ah!_AKO. Sampung room ang meron dito sa villas,at sa 2nd floor naman ang restobar and partyplace.Ang pina ka gitna naman ang building ang para sa staff at mga employees ng resort.
"Kaya nga sampu lang ang rooms.Tatlo na kila Vienna,Candy at Jamie tapos itong sayo.Yung tatlo daw na malalaking room dun sa kabilang side naka reserve na,yung isang room naman sa katabi nun exclusive lang para sa mommy mo._Gold.
"Ano,Sino namang magpapareserved nun?At saka bakit kayo mawawalan ng room,sakto lang may dalawa pang bakante kung sakali ah._AKO.
"Hahahha.Niloloko ka lang nyan ni Gold.Dun nga kami sa magkabilang room sympre.Gusto ka lang namin katabi mamaya,ayaw mo ba nun para sweet._Grant.
"At bakit ko naman kayo itatabi sa pagtulog ko aber?Ang lalakas nyo kaya humilik!Tara na nga,puro kayo kalokohan.Kakausapin ko yung staff dito bakit may nakareserve na rooms eh private property to hindi naman bakasyunan._AKO.
"Ay Boss pasensya na po,matagal na po kasi yung naka book na dito mag i stay from L.A. Nagkataon po kasing ngayon din ang dating nya at dito nya na gustong dumirteso from Airport._Manager ng resort.
"From L.A ba kamo?Ano daw ang name nung balikbayan,pwede ko bang malaman?_AKO.Baka sakaling kakilala ko or baka mga kaibigan ni Momshie from LA ang bisita.
"Boss,Pasensya na po.Kabilin bilinan po kasi nung guest na wag daw ipapaalam ang identity nya.Pasensya na po talaga._Manager.
"Ganun ba,okey sige no problem.Si mom na lang ang kakausapin ko.
Paki asikaso na lang yung mga kaibigan ko please,Ayoko namang may masabi silang di maganda dito sa resort ng mommy._AKO.Bigla kasi akong nainis na bukod pala sa amin may iba pang tao sa resort.Baka naman kasi mas ipriorities pa nilang asikasuhin yun kaysa sa amin."Brad,Anong balita?Sino daw yung nagpereserve dun sa kabilang rooms,Kamag anak nyo daw ba?_Vienna.Nasa resto na kasi silang lahat at ako na lang ang inaantay para magdinner.
"Tatawagan ko pa si Mommy mamaya,From LA daw yung nagpareserve ng tatlong rooms at ayaw daw ipasabi kung sino._AKO.
"WOW ha,baka naman VIP o kaya Artista?Baka si Sandara Park dude!
Pwede ding hollywood actress kaya._Candy.Nagsimula na kaming kumain ng mapansin kong nakabukas na ang ilaw sa room na sinasabing nakareserve daw.Hindi kaya kanina pa sila andito at hindi lang talaga lumalabas?Pero bakit dalawang room lang ang may ilaw at yung nasa gitna ay wala,ibig sabihin hindi pa dumarating yung iba pang kasama nila?Sino naman kaya yun.
"Guys,Sa pool tayo mag inuman para mas masaya ha.Eto kasing si Ethel halos ayaw ng umalis sa pool kakaswimming eh._Candy.Hindi kagandahan yung gf na kasama nya pero sexy.Malaki kasi ang future kaya nagustuhan ni Candy.
"Tamang tama,kakantahan tayo ni Keana.Alam nyo bang pambato to ng klase namin sa kantahan diba honey?_Vienna.Mahiyain at simple naman ang gf ni Vienna,childhood sweetheart sila.
"Eh sympre sasayawan naman tayo ng wifey ko,Magaling na dancer yata tong pambato ko.Go Mae!_Jamie.Si Mae ang nagturo sa amin ng sayaw nung sumayaw kami sa event.Bukod sa pagsasayaw,Cheerleader din sya sa G.Lorenzo University.
"Oh edi kayo na ang may mga Jowa!Haaaist,bakit ba naman kasi wala akong kaporeber eh!Nakaka inggit tuloy!_Gold.Alam naman naming lahat kung sino ang poreber nya.Hindi na lang kami nagsalita.
"Hahahah.Mabuti pa si Grant may ka MOON AND BACK!_AKO.Saka ako biglang napaisip.Moon and back ba kamo,Hindi kaya ang tinutukoy nyang Moon ay si MOANA?Naalala ko nga pala,SUN MOON and STAR ang name ng tatlong bodyguard ni Mikay.Posible ngang si MOANA ang malapit ngayon sa puso ni GRANT.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
عاطفيةSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...