32.STAR

1K 42 0
                                    

Muntikan ng magkagulo kanina sa pagtitipon.Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Gil sa okasyon gayung ang daddy nya na ang tumatayong representative ng pamilya nila.Kahit si Sir Grae ay nabigla sa pagsulpot ni Gil at basta na lang nakisabat sa pagtatalo nila ni Miggs Mariano kanina.

"Ang kapal din talaga ng pagmumukha nyang si Gillianne.Sukat ba namang makisali sya sa pagtatalo nila dad at ni General,gusto yata talagang magpasikat!_Mikay.Habang katabi si Dana sa kotse na ako ang nagmamaneho.

"Baka gustong sumikat.May balak sigurong mag artista!_Dana.Na sumulyap sa akin pagtapos magsalita.

"Hahahha.Sa ginawa nyang yun,inilagay nya lang ang sarili nya sa gulo.
Sa palagay nya,patatahimikin pa sya ng mga supporters ni dad?Ang lakas ng loob nyang makisawsaw sa isyu._Mikay.

"Anong balak gawin ni tito sa tingin mo?Mas maige siguro kung magsampa sya ng libelo para magtanda yang Gil na yan._Dana.

"Sa dami ng inaasikasong negosyo ni dad,pati na din ang paglubha ng lolo baka hindi na pansinin ni dad ang tungkol sa batang Lorenzo.Kaya ako na lang ang bahala sa kanya._Mikay.

"Ano naman ang binabalak mo dyan kay Gil?Baka nakalimutan mong tinulungan kapa nya nitong huli sa kinasangkutan mong gulo last night kaya hindi ka napahamak at sya ang umareglo?_Dana.

"Hay naku hindi ko yun iniutos na gawin nya kaya wala akong utang na loob sa kanya.At isa pa,kahit wala sya duon kayang kaya kong magawan yun ng paraan.Hindi sya kawalan._Mikay.

"Kahit na may mga babaeng bodyguard kang kasama,wag kapa ding paka kampante.Mga babae pa din sila at saka isa pa,kung may problema ka hindi paglalasing ang sulusyon.Sa susunod,tawagin mo ako at sasamahan kita sa problema mo!_Dana.

"Thanks Danz.Pasensya kana talaga sa nangyari.Sunod sunod lang talaga ang mga dumarating na problema sa amin._Mikay.
Isang kotse naman ang humarang sa sinasakyan namin kaya agad akong nagpreno.Papasok na kami sa parking lot ng opisina nila.

Isang katok sa bintana ang nagpabalik sa diwa ko.Agad akong napalingon sa labas ng bintana at nakita kong si Gil pala ang humarang sa amin.

"Boss,Wag na po kayong bumababa.Ako na po ang bahalang magpaalis sa kanya._AKO.Kasabay ko ding nagsibabaan sa kasunod na sasakyan sila Moana at Sunny at dalawang lalaki pang bodyguard ni Mikay.

"Sir pwede po bang umalis na kayo?Hindi kayo pwedeng makalapit sa amo ko._AKO.Kay Gil.

"Palabasin mo yang amo mo at kami ang magharap.Wag syang magtago sa likod ng mga bodyguard nya._Gil.Na halatang galit na galit kay Mikay.

"Sinabi ng umalis na kayo eh!Kung may gusto kayong sabihin sa kanya, sa lawyer nya kayo makipag usap.Hindi nya kayo haharapin._AKO. Saka na din nagsilapitan sila Sunny at Moana kaya hindi na sya nagpilit pa.

"Tell your stupid boss na humanda sya sa gagawin ko.Magbabayad sya sa ginawa nyang pananabotahe sa business ng mga kaibigan ko!_Gil. At mabilis nyang pinasibad ang sasakyan nya.Saka ako biglang napaisip.
Anong pananabotahe ang ginawa ni Mikay sa mga kaibigan nya? Ang akala ko,nagalit sya dahil sa nangyari sa party kanina.Hindi ko alam na may iba pa pala syang pakay.

"What,Ginawa mo talaga yun sa mga kaibigan ni Gillianne?Kaya naman pala napasugod dito yung tao.Hindi tama ang ginawa mo Mikay._Dana.
Habang papasok na kami sa opisna nila.

"I really dont know na sa mga kaibigan nya pala yung pinasara kong computer shop.Balak kasi ni Mommy na magpatayo ng bago nyang boutique sa mall na yun kaya para mapa alis ang may ari nung shop,pinag utos ko na mang gulo sila dun sa computer shop para mabilis na mapaalis yung shop nila._Mikay.

"Sa palagay mo tama yang paraan mo?Hindi ko alam na ganun ka ka pala kadumi makipaglaro Mikay.Parang hindi ko na alam kung ano pa ang kaya mong gawin para lang makuha ang gusto mo._Dana.

"Look,Im sorry Danz.Hindi ko yun sinasadya.Nagkataon lang na si Mom ang humiling sa akin kaya hindi ko mahindian.Pero maniwala ka,Yun lang ang unang beses na gumawa ako ng hindi tama sa kapwa ko._Mikay.

"Haaist!Ano pa nga ang magagawa ko,nariyan na yan.Natural iisipin ni Gil na sinadya mo talagang mapaalis dun sa pwesto yung mga kaibigan nya.
Ibang klase din yung tao na yun anoh,willing gawin ang lahat kahit para sa kaibigan._Dana.

Duda akong hindi aware si Mikay sa may ari ng computer shop na yun. Kahit sinong tanga,hindi basta basta gagawa ng hakbang kung wala syang mapapala.Sigurado ako,palihim na tinatrabaho ni Mikay ang mga taong may kaugnayan kay Gil.Bahagya kong sinulyapan si Mikay na nakangisi habang nakatingin kay Dana.Habang si Dana naman,paniwalang paniwalang malinis ang kunsensya ng kabusiness partner nya.

"What do you think about it?Sa tingin mo wala ngang kinalaman si Mikay sa pagpapa alis dun sa mga kaibigan ni Gillianne?_Sunny.

"Wag kang maingay.Baka may makarinig sa atin.Hindi dito ang tamang lugar para pag usapan yan.Alam mo bang kundi lang sa request ni Dana na gawin ka ding bodyguard hindi ka isasama sa amin?Dahil alam nyang gf ka ni Gold._Moana.

"Kaya pala hindi nya ako inuutusan ng wala akong kasama.Ibig sabihin,wala syang tiwala sa akin._Sunny.

"Sunny,ang mabuti pa iwasan mo na muna ang pakikipagkita kay Gold pati na din sa parents nya.Im sure kapag may isang pagkakamali kalang na gawin,hinding hindi yun palalampasin ni Mikay at tuluyan ka ng ididispatsa._AKO.

"Wag kayong mag alala.Nakipag break na ko kay Gold.Ayoko na din kasi yung feeling na napapamahal na ako kahit sa mga magulang nya.Hindi naman kasi tama.At hindi naman ako ang nararapat na babae para sa kanya.Lalo pa ngayon at malapit na nyang matupad ang pangarap nya, ilang taon na lang,magiging abogado na sya.Hindi ang isang kagaya ko lang ang nararapat sa kagaya nya._Sunny.

"Sunny,Alam mong hindi ganun si Gold.Kahit nalaman nya ang lahat ng tungkol sayo,tinanggap ka pa din nya ng buong puso.Bakit hindi mo yun nakikita?Mas lalo mo lang pinalala ang problema_Moana.

"Tama si Moana,Sunny.Sana nuon mo pa yan naisip.Bakit kung kelan mas lumalim na ang pagmamahalan nyo saka kapa nakipagkalas.Hindi mo alam na sa ginawa mo,mas lalong magdudulot yun ng kapahamakan kay Gold pati na sa mga kaibigan nya.Sa palagay mo,mananahimik lang sila ng ganun ganun lang?_Ako.

"Hindi na kami ni Gold.Labas na ako sa kahit na anu mang gawin nya. Hindi ko na problema kung may gawin syang mga bagay na ikapapahamak nya.Basta labas na ko duon.Kung sakaling makatyempo ako,aalis na din ako sa lugar na ito.Isa lang ang nasisiguro ko,Hahanapin ko ang pamilya ko at hinding hindi na babalik sa buhay na ito._Sunny.

Napatalikod na lang at saka napaluha ako sa sinabi ni Sunny.Alam kong sobra sobra na ang kalupitang dinanas namin sa kamay ng pamilyang Mariano.
Bakit ba kailangang kami ang magdusa?Bakit ba kailangan naming maging magsakripisyo para lang sa isang PANGAKO.
 

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon