Agad naman akong dumiretso sa underground pagkakita kong pumasok na si Leli sa kwarto nya.Gaya ng dati,pasalampak akong nahiga sa kama at saka pumikit.Napagod ako sa party na yun.Kaya nga ba ayoko sanang mag aattend sa mga social gathering na kagaya nun,kundi lang kasi kailangan sa negosyo.Idagdag mo pa yung natuklasan ko about sa PW na sila palang tatlo nila Moana at Sunny ang sinasabing susi para malaman kung ano ang PW.Kaya naman pala ganun na lang ang pagka intersado nuon ng BSG at ni Mariano sa kanila at ayaw silang pakawalan basta basta.
"Momshie,Ano ano bang mga bagay ang ibinigay sayo ng lolo bago pa sya mamatay?Gusto ko ding makita ang mga yun._Ako.Nasa burol kami ni Momshie at masayang nagkukwentuhan.
"Well,Gaya nga ng sabi ko sayo nuon.Hindi talaga maregalo ang daddy.Si mommy ang hinahayaan nyang mamili ng mga gusto ko at sya lang ang taga abot ng pera pambili._momshie.Naka una ako sa mga hita nya.
"How about this ring momshie?Nakita ko to sa jewelry box na ibinigay mo sa akin,Nagustuhan ko ang ring dahil kakaiba sya at hugis bituin ang brilyante.Sa laki ng bato nito momshie malamang mahal ang bili ng lola dito._AKO.saka ko biglang napansin na parang may laman yung loob nung star.
"Hahahaha.Hindi naman masyadong mahal yan,hindi ko nga natandaang sinuot ko yan dahil sa lahat ng mga alahas ko,yan ang pinaka magaan.
Sa pagkakatanda ko,isinuot sa akin ng daddy yan nuon pero inalis ko din agad pag uwi ng bahay._Momshie.Saka ako biglang pinagpawisan at biglang kinabahan.Bigay ng lolo ang singsing kay momshie,kaya ibig sabihin lang nun na ang RING STAR ang tanging bagay na bigay ng lolo kay momshie!
Agad akong napabalikwas ng bangon.Nananaginip lang pala ako."Boss Gillianne,Gising kana ba?Pinatatawag ka ng Momshie at popshie mo.
Andito na din ang mommy at daddy mo kasama si Dana._Leli.Saka ako biglang napabangon pagkadinig ko sa boses ni Leli.Agad ko syang pinagbuksan ng pinto."Leli?Kamusta ang tulog mo,Nakapag pahinga kaba ng maayos?_AKO.
Binuksan ko ang pinto para makapasok sya.Maliban sa pamilya ko,wala akong ibang pinapasok sa kwarto na ito kundi si Leli lang."Ang ganda pala dito noh,Parang ang tahimik saka ang laki laki pala.
Kaya naman pala mas gusto mo dito mag stay kesa sa kwarto mo sa taas.
_Leli.Hinayaan ko lang syang maglibot sa paligid habang nagsimula na akong magtoothbrush."Antayin mo na ko para sabay tayong umakyat.Mabilis lang ako magshower._Ako.Pero paglabas ko ng shower room,wala na din si Leli.
Naabutan ko na syang katabi ni Dana sa mesa at nagkukwentuhan silang lahat.Humalik ako sa kanila isa isa maliban sympre kay Leli."Hello pretty boy,Arent you glad were here?Para namang di ka masaya na kasama mo kami ngayon dito._Dana.Alam ko namang nang aasar lang
"Hindi naman,Im just wonderin bakit pati ikaw at si Popz andito samantalang ayaw na ayaw nyo dito nag i stay._Ako.Nagsimula na akong kumain
"Well iha,Namimiss na din kasi ng momshie mo ang mansyon kaya dito na namin naisip magbreakfast kasama ng daddy mo at mommy.Hindi naman namin alam na may kasama ka pala ditong natulog._Popz.Isa pa syang may laman yung sinabi.
"Im glad to see you here Star.Matagal na din yung last nating pag uusap, at masaya akong malaman na ikaw pala ang napiling magbantay kay Gillianne._Daddy.Hindi ako sumulyap dahil alam kong nakatingin din sya sa akin
"Ang ganda ganda talaga ni Star noh dad?Tapos ilang araw na lang graduating na sa pagpupulis,Napaka swerte ng magiging bf nyan.
Pwede ka na bang ligawan pagka graduate mo ha Star?_Dana.
Tumingin sa akin na nakangisi."Hindi naman ako bawal ligawan,Wala lang talagang magkamali.
Salamat din ho pala General sa pagtulong nyo sa akin makapasok sa PMA, Pati na din po sa inyo Madam Bianca,Sa pag encourage sa akin na ipagpatuloy ang pag aaral ko.Sa inyo din po Ma'm Annie,Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng tulong nyo sa amin ng nanay ko._Leli."Hahahha.Baka naman magkaiyakan pa tayo nyan.Mabuti pa at kumain na tayo at mamaya na natin pag usapan ang mga yan.Gillianne,asikasuhin mo yang bisita mo._Popshie.
"Dont worry Popshie,akong bahala dito kay Leli.Hindi na nga pala kami parehas nakapag dinner kagabi dahil sa pagod kaya im sure gutom na to.
_Ako.Nilagyan ko ng pagkain ang plato nya dahil alam kong nahihiya syang kumuha ng pagkain."Prettyboi,Bakit nga pala LELI ang tawag mo kay Star?Yan ba yung call of endearment nyo ha?yieeeee...Si bradah,pumapag ibig na._Dana.
"Sira ka talaga Dana.Anung endearment ka dyan eh nickname nya yun.
Saka pa yieee yieee kapa dyan,Gusto mo lang itukso ka din kay Mikay eh!
_AKO."Hahahaha,Mas baliw ka.Walang kinalaman si Mikay dito noh.
Pinag uusapan,kayo.Bakit mo sya dadalhin dito kung wala lang sayo?
Deny pa more prettyboi.Wala ka ng kawala kasi obvious naman na kayo na.Nabasa kaya namin sa Business magazine yung nangyari last night._Dana.Napakunot ang nuo ko,bakit kami nasa magazine ni Leli?"Ahh,Miss Dana.Hindi po talaga kami.Ako lang po kasi ang naka duty sa kanya kagabi kaya nung sinabi nyang dito nya gusto mag stay wala naman akong choice kundi samahan sya.Pero bukod duon wala na pong iba._Leli.
"Iha,wag mo nalang pansinin yang magkapatid na yan.Pareho kasi talagang alaskador yang dalawa mana sa tatay nila.hahaha_Mommy.
"Hahahha.Yan tayo my loves eh.Kapag hindi tungkol sa achievements ako ang pinag manahan eh._Daddy.Nagtawanan na din kami lahat.
If it is a dream,ayoko ng magising.Kasama ko kasi ngayon ang mga taong pinaka tatangi ko sa buong buhay ko.Kay tagal kong pinagdasal na sana makumpleto na kami at masayang magkakasama.May bonus pang Leli kaya naman wala na kong mahihiling pa.
"Gillianne,Kelan mo ba balak ligawan si Star?Baka kapag nagta trabaho na yan mas lalo kayong mawalan ng time para magligawan.Alam mo naman kung gaano ka busy maging pulis like your dad hindi ba?_Popshie. Naiwan kaming tatlo nila dad at popshie dito sa mesa habang masayang nag ku kwentuhan silang mga babae dun sa labas,sa may pool area.Salamin kasi ang wall kaya tanaw sila mula dito sa kusina.
"Syanga naman anak.Hindi kami tutol dyan kay Star kung sya ang makakatuluyan mo.Mabait na bata yan at alam ko din kung gano nya kamahal ang pamilya nya.She deserves to be happy.At masaya ako kung kayo ang magkatuluyan._Daddy.Ngayon ko lang sya nakaringgan ng mga ganung salita.Masarap pala sa pakiramdam na hindi kami nagsisigawan ng dad at maayos na nakakapag usap.
"Darating din tayo dyan Popshie and Dad.Sa ngayon kasi,gusto ko muna syang maging malaya.Mahirap din naman kasi yung nagmamadali tapos sa huli pareho lang pala kaming napilitan.Sa palagay ko naman,kung talagang kami ang para sa isat isa,magiging kami din sa huli talaga._AKO.
Nagtinginan lang sila Dad and Popshie at saka nag ngitian.Alam ko naiintindihan nila ako.Kaya naman gusto kong magsimula kay Leli sa tamang proseso.Yung maging magkaibigan muna kami bago ko sya liligawan para makasigurado kami parehas sa nararamdaman namin sa isat isa.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...