34.GILLIANNE.

1K 42 0
                                    

Panay ang ensayo ko ngayon ng boxing.Gusto kong maging fit ako at maging malakas pang lalo.Hindi ako yung tipo ng tao na mapaghiganti sana.At hindi din ako yung tipo ng tao na nagpapasimula ng kahit na anong gulo pero sa nangyayari ngayon,parang mas kailangan kong maghanda kaysa tumunganga.Hindi natuloy ang planong kay mommy ako pansamantalang mag stay.Pero sa wakas,nagkausap na kami ni mommy.

"Bakit naman bigla mong naisipang mag ensayo na din ng boxing ha Gold?
Akala ko ba,mas gusto mong lumalaban ng naaayon dyan sa batas na pinaglalaban mo?_Grant.

"Hindi naman porket nagpa praktis ako ng boxing,hindi na ko naniniwala sa batas.Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.Gusto kong ibunton dito sa punching bag ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon._Gold.

"Imaginin mo na lang na si Mikay yang punching bag na yan.Hahahah.
Ang hirap ng sitwasyon mo cuz,Hindi naman magulang yung nakakabangga mo eh,ibang tao.Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng tao sa mundo,dun kapa nainlove sa babaeng nakasanla na ang buhay para sa mga Mariano._Grant.

"What if bayaran ko si Miggs para sa kalayaan ni Sunny,kahit ilang milyon basta mawala lang sya sa anino ng gang na yun?_Gold.

"Desperate moves?Parang hindi mo kilala si Mariano,hindi lang sa pera yun magrerely,pangalan nya na ang nakataya dun sympre.Sa tingin mo kakagatin nya yang milyones mo ng ganun ganun na lang?Mas malaki ang pakinabang nya sa tatlong yun kaya hindi nya pakakawalan._Grant.

"Yan nga ang isang malaking palaisipan sa akin eh,bakit ganun na lang kahalaga ang tatlong babae na yun kay Miggs Mariano?Kung tutuusin,kayang kaya nya ng ipapatay yung tatlo nuon pa lang lalo pa at nalaman nyang magkasintahan kayong dalawa hindi ba?_Ako.

"You mean to say,may iba pang rason si Miggs sa pagkukha nya sa tatlong babae,na hindi lang dahil sa sindikato kaya nya ito hindi pinakakawalan?
Ibig sabihin,higit pa sa pera lang ang dahilan ng pagkanlong nya sa tatlo, may nakatagong misteryo din sa likod ng pagkatao nila._Grant.

"Whaaat?Papano mangyayari yun,napaka ordinaryong tao lang naman ni Sunny kapag magkasama kaming dalawa.Bukod sa magaling sya makipag usap sa mga tao at pagiging prangka,wala namang kakaibang bagay akong nakikita sa kanya.Except sympre sa taglay nyang ganda at katalinuhan.
_Gold.

"Baka naman may mga super power silang tatlo?Hahahaha.O kaya naman baka mayaman talaga sila at taga pagmana kaya hindi masaktan ni Mariano?_Grant.

"Alam nyo ang mabuti pa,tumambay muna tayo kila Candy.Balita ko,kakalipat lang nila ng bagong computer shop nila.Syanga pala,Anu ng balita dun sa pagpapa alis sa kanila dun sa dati nilang pwesto,pwede natin yung ireklamo if they want._Gold.

"Hindi na kailangan,Si Mikay ang nagpaalis.Confirmed na yun.Sa kanila pala kasi yung building.Inilipat ko na sa building namin yung shop nila.
Mas okey na yun,mas napaganda pa sila ng pwesto.Its nothing,compare sa ginawa ko sa kanila._AKO.

"Hahahaha.Bakit,ano naman ang ginawa mo?_Grant.

"Simple lang,hindi naman masyadong malala.Gusto ko lang syang i remind na nagkamali sya ng binabangga._Ako.

Nauna ng pumunta sila Grant at Gold sa tambayan.Nagpaalam akong may pupuntahan lang sandali.Ewan ko ba kung bakit madalas akong dinadala ng sasakyan ko sa simbahan ng Antipolo,Kahit imposible ng makita ko pa duon si Sister Leli.

"Boss Gil,salamat po dito sa pagkain ha.Kanina pa nga po nagugutom itong si Jokjok._Dencio.(Isa sa mga batang madalas pinapakain ni Leli nuon)

"Walang anuman.Basta kumain lang kayo ng kumain.Teka nga pal,bakit nga pala hindi kayo pinapakain samantalang nagta trabaho naman kayo?_AKO.

"Boss Gil,Lahat po kasi ng napapalimusan namin kinukuha ni mang Leo.
Kapag kakaunti ang naiabot namin,hindi nya kami pakakainin sa gabi o kaya naman sasaktan._Buboy.

"Hoy buboy,wag ka ngang maingay dyan.Kapag nalaman nila mang Leo na sinumbong natin sila sa ibang tao o sa pulis,baka saktan nila tayo!_Daday.

"Hindi,wag kayong mag alala.At wag din kayong matakot.Sa susunod na balik ko dito,magiging okey na kayo.Habang nag aantay tayo,magpakabait kayo ha._AKO.

Pinaaasikaso ko na ang warrant para mahuli ang mga taong nasa loob ng sindikato ng child trafficking.According sa nakausap ko,sapat ng katibayan ang pagiging witness ng mga bata para ituro ang mastermind.Hindi pa ang pinuno ng BSG ang maaari kong mapahuli,pero dito sa pag gamit nila ng mga bata para gawing mga snatcher at illegal na namamalimos,maaari silang mapanagot.

"Boss Gillianne,Kapag nakita mo si ate Leli sabihin mo naman namimiss na namin siya.Palagi syang hinahanap ni jokjok.Kapag gabing nananaginip sya,si Ate Leli ang tinatawag nya._Tetey.(isa sa batang babae na malapit kay Leli)

"Busy na nga si ate Leli hindi ba,kaya nakalimutan na nya tayo._dencio.

"Nangako si Ate Leli na tutulungan nya tayong makaalis dito.Kaya naman alam ko na kahit di nya tayo nabibisita,gumagawa yin ng paraan para makatakas tayo._Daday.

"Wag kayong mag alala.Kapag nagkita kami ni Sister Leli,sasabihin ko sa kanya na namimiss nyo na sya._AKO.

"Salamat Bossing!Sige,aalis na kami.Babalik na kami sa mga pwesto namin.Baka hinahanap na kami ni Dodoy.Tyak na may hampas na naman kami pag wala kaming naiabot na pera mamaya._Buboy.

Akay akay ni Tetey si Jokjok habang naglalakad sila papalayo.Hindi ko alam kung sa awa o dahil napalapit na din ako sa mga batang yun,agad na nabasa ang mga mata ko ng luha.Sana,hindi pa huli ang lahat para sa pagtulong.Ilang araw na pagmamatyag na lang mula sa mga pulis,mahuhuli na ang mga may sala.
Agad akong nag drive papunta sa tambayan namin.Hindi lang kasi sindikato ang tinatrabaho ko,pati na din ang pakikipag tuos kay Mikay.

"Dude,Salamat nga pala dun sa bagong pwesto na prinovide mo para sa shop namin ha.Napabuti pa yung paglipat namin duon kasi mas madaming tao._Candy.

"Tuwang tuwa nga si Mommy,sabi nya mas malapit sa workplace nya.
Madali nya daw akong mabibisita kapag namimiss nya ko.hehehe._Jamie

"Mama's boy kapa din talaga hanggang ngayon!hahahah.Pero maiba ako ha,ang balita ko seryoso na daw talaga si Mikay kay Dana.Yung business daw nilang bar,magkakaroon na ng isa pang branch.Tatapatan daw yata yung Amber._Viena.

"Seriously?At Amber pa talaga ang gusto nilang patumbahin ah!
Hahahah.Parang magandang laban kapag GOLD BAR ang next na ipangtatapat ko sa kanila._Gold.

"Wag kayong mag alala.Naipaghiganti ko na kayo.Alam nyo bang isa ako sa share holder ng DANA'S? Lingid sa kaalaman nila,isa ako sa mga kasosyo nila sa negosyo.Front ko lang si Hillary,remember her?Sya yung girl na habol ng habol sa akin nuong HS pa lang tayo.Nung nalaman kong isa sya sa mga kasosyo ni Mikay,kinaibigan ko sya.And ngayon nga,sya ng may pinakamalaking share dun sa business na later on,Sya ding gagamitin ko para mapagbagsak silang dalawa sa negosyo._AKO.

"Wow,Gillianne!Ikaw ba yan?hahahaha.Akala namin wala kang pakialam sa mga nangyayari sa paligid mo eh,yun pala mas malupit ka sa pagresbak.Anyways,wag kang mag alala.Nasa likod mo lang kami._Grant.

Napatingin lang ako sa langit.Napakaraming bituin ngayon,parang nagsasabing wag akong mag alala dahil palagi silang nakabantay sa akin.
Nagsisimula pa lang ako sa pagkilos.Unti unti,malalantad din ang katotohanan.At alam kong darating din ang katapusan ng kasamaan ni Mariano.








"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon