Mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.Siguradong hindi agad ako makakatakas kapag naglaban kami.Kaya naman para maka alis agad,isang malakas na pag tadyak sa paa nya ang ginawa ko.Nakita kong namilipit sya sa sakit kaya sinamantala ko naman pagkakataon para makatakbo.
"Bakit ang tagal mo?Dalian mo,magpalit kana ng damit.Kailangan na nating maka alis.May naka alarma na sa baba para mag inspection.Nagreklamo na si Mr.Tan sa front desk._Moana.
"Sumunod ka na agad sa elevator Star,Sa parking lot na tayo magkita kita.Moana,halika na.Nagpapanic ka na naman dyan.
Baka mabulilyaso pa tayo eh!_Sunny.Agad naman akong nag palit ng damit.Sexy outfit kasi ang mga suot namin.Kailangan kong maghoodie para hindi ako makilala.
Mas mainam ng ganito.Siguradong nakilala ako ng lalaking natapakan ko kanina.Grabeh naman kasi sya makatitig,para akong hinuhubaran.Agad akong nakasakay sa Van at saka kami umalis na sa lugar."Miss,Parang pamilyar ka sa akin.Have we met before?_Ung lalaking na encounter ko kanina sa elevator.
"Hah?Hin-hindi pa.Ngayon lang kita nakita.Si-sige mauna na ko.
_Ako.Nagmadali akong naglakad sa park papalayo sa kanya.Pero hinabol nya pa din ako."Miss!Sandali lang!_Elevator boy.Hindi ako lumingon.Dahan dahan akong naglakad.Hanggang sa mahawakan na naman nya ako sa braso.
"Sir,Anu bang kailangan mo sa akin?May atraso ba ko sayo?
Napapansin ko lang panay ang habol mo wala naman akong natatandaang ginawa ko sayo._AKO"Kaya nga kita gustong makausap sana.Nagtataka ako sayo,bakit kaba takbo ng takbo pag nagkikita tayo,May kasalanan kaba?_Elevator boy.
"Wala!Papanong di ako tatakbo hinahabol mo nga kasi ako!_AKO
"Hahahah.Iaabot ko lang sana tong wallet mo,nahulog mo kanina dun sa park kaya kita tinawag._Elevator boy.Sabay pakita ng wallet na kaka snatch ko lang kanina dun sa babaeng matapobre.
"Ahhh...Oo sa akin nga yan!Buti at nakita mo.Akina._AKO.sabay hablot sa wallet.Pero hindi pala agad ako makakatakas dahil agad nya akong hinawakan sa kamay kaya muntik na akong mabuwal.Mabuti nalang at naagapan nya akong masalo.
Hanggang sa unti unti...nagkatitigan kaming dalawa.Yung chinito eyes nyang parang hinihigop ako kapag tumititig sya sa akin.At yung matangos nyang ilong na akala mo pinerpekto ng sensya pero natural namang asset nya.Hanggang namalayan ko na lang na unti unting naglalapit ang mga labi namin.Napapikit naman ako.
"Hoy Bituin!Bakit kaba nakanguso dyan habang natutulog ha?
Gising na.Mag aalmusal na!_Moana."Hah?Almusal?Bakit ka ba nang iistorbo ha?_AKO.napabalikwas ako ng bangon.Panaginip lang pala...haaaist!
Kagabi pa ko di pinapatulog ng taong yun,hanggang sa panaginip ba naman kasali pa din sya."Hahahaha.Nananaginip ka tapos nakahaba yang nguso mo.May kahalikan ka sa panaginip noh?_Moana.
"Kahalikan ka dyan!wala kaya...Ikaw talaga kahit kelan ang halay mo mag isip._AKO.Agad akong tumakbo sa banyo.Namumula ang pisngi ko.Ayokong mahalata nila.
"Bituin,dalian mo na dyan.Pagbalik ni Sunny isasama nya daw tayo dun sa coffee shop na sinasabi nya.Ililibre daw nya tayo. Ngayon kaya nya makukuha yung pera na ibinigay ni Gold sa kanya!_Moana.
"Bakit manlilibre sya,akala ko ba kailangan nya yun sa pag alis nya?_Ako.Lumabas na ako ng banyo at naupo na sa mesa.
"Nagbago na ang isip nya.Hindi na daw muna sya aalis.Gusto nya ding makilala si Pinuno.Kaya itatabi nya na daw muna sa bangko yung pera nyang makukuha kay Gold._Moana
Bigla akong nag alala para kay Sunny.Hindi na sana ako kokontra kung gusto na nya talagang makaalis sa sindikato.Kahit naman ako,nahihirapan na.Palala na ng palala ang pinagagawa nila sa amin.Dati pangloloko lang at pang uuto,ngayon may mga dinadamay na silang ibang tao para saktan.Kundi ko nasalo yung bala para dun sa ale,malamang napuruhan sya.Kailangan ko na talagang makaharap ulit ang Pinuno bago pa may mga ibamg taong madamay.
"Handa na ba kayo?Halika na,Idadaan ko pa sa bangko tong perang nakuha ko eh!_Sunny.Na kadarating lang.
"Hindi kana ba muna mag aalmusal?Magdamag mo na namang kasama si Gold,bakit di pa kayo magsama kasi nun?_Moana.
Napalingon ako kay Sunny.Nag aantay din ako ng sagot sa kanya.
Kung gugustuhin nya,pwede na syang makawala sa samahan.Mayaman at maimpluwensya ang pamilya nila Gold kaya kayang kaya syang maprotektahan nito kahit papaano."Bakit naman ako sasama kay Gold?Sinabi ko naman sa inyo diba na hindi ko sya mahal.
At isa pa,tama na yung napeperahan ko na lang sya,ayoko na syang idamay sa magulo kong buhay._Sunny.Hindi ako naniniwalang hindi nya pa mahal si Gold.Sa nakikita ko sa kanya,Kahit na sinasabi nyang wala syang pagtingin kay Gold kabaliktaran yun ng nararamdaman nya."Ano bang balak mo dyan sa pera na yan?At isa pa,Nakipag break kana ba dun sa tao?_AKO.
"Hindi pa ako nakipagbreak.Ang saya saya nya kasi kagabi habang magkasama kami.Ayoko namang sirain ang moment nya. Sa susunod na magkita kami,makikipag break na ko talaga._Sunny
"Bingo!Im sure hindi mo talaga kayang makipag break kay Gold. Nainlove ka na din sa kanya for sure!hahaha._Moana
"Hoy Buwan!Magtigil ka nga dyan!Inlab inlab ka dyan.Wala akong gusto sa tomboy na yun noh!Pera nya lang talaga ang gusto ko sa kanya!_Sunny.
"Tama na nga yan.Naiinitan na ko dito sa suot ko.Bilisan na natin at ng makarami._AKO.
Naka madre outfit na naman kasi ako.Miyerkules kasi ngayon at maraming nagsisimba sa Santo Kristo church.Madami dami din akong makokolekta ngayong araw sigurado.Sila Moana at Sunny naman ang nakapwesto sa Santa Monica sa kabilang barangay.Hindi bilang mga madre kundi mga singer at nangangaral na nanghihingi din ng abuloy at donation.Ganito kami sa araw araw.Habang nag aantay ng tawag mula sa pinuno para magkaraket.In short,mga MANLOLOKO KAMI NG KAPWA.
Sa Ezsprezo Paula kami nagkikita kita pagtapos ng raket naming tatlo.Dun din hindi sinasadyang unang nagkita at nagkakilala sila Sunny at si Gold.Habang inaantay nya kami,Eksaktong padating naman si Gold para bumili ng kape.Nagkasalubong lang sila ng tingin tapos nilapitan sya ni Gold sa mesa at saka nagpakilala sa kanya.Na love at first sight daw kasi si Gold sa kanya.Hanggang sa nalaman ni Sunny na mayaman pala si Gold kaya naman madalas nya itong nahuhuthutan ng pera.
Hindi pa namin nakikita si Gold ng personal,Pero halos kilala na namin sya dahil sa mga kwento ni Sunny sa amin.At hindi din alam ni Gold ang trabaho namin.Ang alam nya kay Sunny,strict ang parents nya kaya limitado sila na magkita at magkausap.
"Bakit ang tagal mo naman Bituin?Nakapag deposit na ako at lahat,hindi kapa din dumarating.Si Buwan nasa loob na,kanina pa dun nakaupo.Malamig daw kasi sa loob._Sunny.
"Pasensya na po mga ateh.Madami kasing tao sa simbahan ngayon kaya hindi agad ako maka alis.Madami ding nag aabot ng donasyon.Sayang naman.Nagdala pa din kasi ako ng pagkain sa mga bata._Ako.
"Masyado mong ini spoiled yung mga batang yun.Kaya wala kang naiipon eh.Alam mo naman na hindi tayo permanente sa ganitong trabaho,kaya dapat pinaghahandaan mo ang future mo.
_Sunny."Hayaan mo na si Bituin.Mas gusto nya magbigay sa mga bata.Tayo na lang ang mag ipon.Tutal tayo naman ang mas atat ng makatakas dito eh._Moana.
"Kayo talagang dalawa,Sympre gusto ko ding maka alis dito.Kaya lang naaawa ako sa mga bata.Saka na ko mag iipon kapag nakilala ko na si Pinuno.Yin lang naman talaga ang gusto kong mangyari eh._AKO.
"Haaaist,Ikaw na nga ang bahala Bituin.Basta hindi kami nagkulang sa paalala.Sa sitwasyon natin ngayon,mas kailangan nating mabuhay para sa sarili.Hindi naman masama ang tumulong pero dapat magtira ka din para sa sarili mo._Moana.
Hindi nalang ako kumibo.Tama naman sila.Pero mas mahalaga sa akin ang makatulong sa mas nangangailangan.Saka ko na iisipin ang sarili ko kapag naka alis na ko sa grupo na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/115261489-288-k981689.jpg)
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...