59.GIL

937 36 0
                                    

                       Parang nasira ang magandang umaga ko sa mga sinabi sa akin ni Leli.Para na din kasi nyang sinabi sa pagmumukha ko na tigilan ko na sya at ayaw nya kong makita at makausap kahit kelan.Nawalan na din ako ng gana lumabas at makigulo sa mga kasama ko.Nag stay na lang ako sa room hanggang sa tawagin nila ako para mag lunch na daw.

"Brad,Anyare?Bakit nagmumukmok ka na naman sa kwarto mo?Ayaw mo bang mainitan paminsan minsan?_Vienna.Katabi ko sya sa upuan habang nakayakap sa girlfriend nya.

"Ayoko nga mainitan.Masakit kaya sa balat yang init ng araw.Alam mo namang sensitive tong kutis ko._AKO.Natawa naman ako dahil yung gf nya ay natawa sa sinabi ko.

"Hahahaha.Sabagay,kutis pang mayaman ka nga pala.Di kagaya namin mga kutis dukha lang,mga hampas lupa._Vienna.Lalo namng tumawa yung gf nya.

"Oo naman.Kumpara mo yang balat mo sa balat ko,kutis ng buwaya yang sayo oh.Sa akin,kutis makinis.Alagang Belo._AKO.

"Mamamaya nga pala,may pustahan sila Grant at Dana.Karera sa Jetzki.
Malaki ang nakataya.hahahha._Jamie.Na lumapit sa amin at nakigulo na din.Sa kabilang side kasi ng mesa sila Grant at gold pati si Candy at gf nya.

"Ano naman ang nakataya sa pustahan,puri ni Grant?Wala ng kapuri puri yang taong yan ah!_AKO.sabay lingon kay Grant na nakikipag biruan naman kila Candy.

"Hahahha.Walang pupusta sa puri nya!Ang alam ko dinner date with Moana yata.tapos kapag si Dana naman ang nanalo,Dinner date with Mikay.Payag agad si Mikay eh.hahaha._Vienna.

"Patay tayo dyan.Manalo matalo pala si Dana,talo pa din sya talaga!
hahahah.Pabor na pabor kay Grant yun ah.Parang gusto ko din pumusta kay Grant._AKO.

"Wag tayo pakakasiguro.Grand champion daw si Dana kapag water sports ang labanan eh.Balita ko,US military graduate pala sya._Jamie.

"Kaya pala astig.Sundalo pala.Buti hindi sya napapasabak sa Afghanistan?
Dapat pala hindi nalang ako nagpulis,Nag Army nalang din pala ako._Vienna.

"Gusto mo ipadala ka sa Marawi?Okey na yang pulis ka na lang,Para meron kaming taga pagtanggol.hehehhe._Jamie.

Matapos kaming kumain,kanya kanya na kaming balikan sa kanya kanya naming room.Sila Grant at Gold dahil malayo sa room namin,Sa room ko na lang nakitambay.

"Ano daw problema nila Moana at hindi na tayo pinapansin at kinikibo?_Gold.Kay Grant nakatingin.Ako naman tamang nakikinig lang.

"Nasermunan daw sila ni Mikay na palagi tayong nakadikit sa kanila.
Ang sabi daw nung syokoy,dumistansya sa atin.Kaya ayun,Umiiwas nga sa atin yung tatlo._Grant.Saka ko narealize yung sinabi sa akin kanina ni Leli na layuan ko na nga daw sya.Kasi naman pala,pinagbawalan ng Amo.

"Ano nga pala yung pustahan nyo daw?Para namang luging lugi si Dana sa mangyayari kapag sya ang nanalo.hehehhe._AKO.

"Si Mikay ang nagsuggest nun.Kapag si Dana ang nanalo,tayo ang magsi set up ng dinner date nila along the beach.With maching harana daw at saka candle lights.Tapos may bonfire at saka naka video._Grant.

"Kapag naman si Grant ang nanalo,Dinner date with her txtmate este Moana pala.hehehehe.Kahit daw simpleng dinner date lang basta memorable okey na kay Grant._Gold.Habang nakahiga sa kama ko at nagbabasa ng libro.

"Uhmmm,mukhang masaya ang laban ah.Bakit si Sunny hindi mo pinusta?
Okey na ba kayo ulit?_AKO.

"Hindi kami.Nagkwentuhan lang kami kagabi pero nothing personal.
Tamang kwento lang ng mga ganap.Hindi na namin pinag usapan yung past._Gold.Tapos sabay tayo mula sa kama at tumanaw sa dagat.

"Ang hirap din ng ganyan yung sitwasyon nyo noh?Abot kamay mo nga pero hindi mo naman pwedeng mahawakan man lang.Mas maganda pa yung hindi mo nakikita eh,hindi ka nag eexpect._Grant.

"Humuhugot ka Grant ah!Bkit,nakaka relate ka na din ba?Ano na bang score sa inyo ni Moana?May gusto kana ba talaga sa kanya?_AKO.

"Hindi naman yan makikipag pustahan ng date kung wala.Ang tanong, si Moana ba gusto sya?Mahaba pa buhok mo dun eh.Ang torpe mo pa.Dinadaan mo sya sa patxt txt.Old school na yan Cuz!_Gold.

"Hindi naman ako ganun kaseryoso kay girl.Tamang kulitan lang.
Pampalipas oras.Nag eenjoy lang na katxt sya.Pero ganun lang.Hindi ko lang alam kung magtutuloy tuloy.Wala pa kong nararamdamang ganung kalalim na pagkagusto eh._Grant.

"So parang di seryosohan.Fling fling lang ganun?Sabagay mas okey yang ganyan lang muna.Mahirap na kasi kapag lumalim na kagaya ng sa min ni Sunny.Ang hirap ng kumawala._Gold.

"Tsk!Pwede bang change topic na lang?Kinikilabutan ako sa inyong magpinsan eh!_AKO.Humiga ako sa kama at tumabi kay Gold.

"Kayo ba ni Star kamusta?Palagi kayong nagsosolo kagabi ah.Tapos kaninang umaga daw sabay din kayo sa gym.Wala ka bang nararamdaman kay Star ha Gil?_Grant.Nakitabi na din sa amin ni Gold sa kama.

"Wala sa bokabularyo ko ang mainlove sa ngayon.Ang dami daming babae dyan.Mas higit na maganda at sexy  pa kaysa kay Leli.
Ayoko mainvolve sa babaeng kumplikado ang buhay.Kapag gusto ko ng babae,sila na mismo ang lalapit.Hindi ko ugali ang ipilit ang sarili ko.
Kung ayaw mo,wag mo.ganun kasimple._AKO.

"Pero sa palagay ko,May pagtingin si Star sayo pero pinipigilan nya lang.
Kasi nga yung sitwasyon nya at yung estado nya ang iniisip nya.
Parang si Sunny kay Gold.Mahal nila ang isa't isa pero ayaw ni Sunny na madamay pa si Gold sa problema nya._Grant.

"Napag usapan na namin nuon yan ni Sunny.Sabi ko sa kanya,Wag nyang isipin na magkaiba kami ng estado sa buhay.Ang palagi nyang isipin pareho lang kaming nagmamahalana at yun ang mahalaga._Gold.

"Hay naku tama na nga tong kadramahan na to.Umidlip na muna tayo para mamaya,kundisyon ako sa karera.Gusto ko yung nacha challenge ako sa kalaban eh,excited na ko makita yung mga pakitang gilas ni Dana._Grant.

Natawa naman kami ni Grant ng mapansin naming nauna na palang nakatulog si Gold.Sunod namang nakatulog na din si Grant at saka ako nakaramdaman na din ng pagka antok.

Alas tres na kami nagising lahat at agad namang bumangon sila Grant at Gold para magpalit ng pang swimming nilang damit sa mga room nila.

Bumangon na din ako at saka nag shower at nagtoothbrush sa banyo.
Mga kalahating oras na ako nakatapos maligo at saka ako nagbihis na din ng pang swimming.Eksaktong paglabas ko ng kwarto at saka naman palabas na din sila Vienna,Candy, Jamie at mga girlfriend nila na mga nakapang swimming outfit na din.

Nauna na kaming naglakad papunta sa beach at nagkanya kanya ng upo sa mga upuan dun na may mga payong.Inihahanda na din ng mga staff ng resort yung mga jetzki na gagamitin at saka may nakahanda din silang mga drinks at mga finger foods para sa amin.Ilang sandali pa,padating na din ang grupo nila Mikay at Dana kasabay sila Grant at Gold.

Stunning si Dana sa suot nyang two piece bikini na kulay pula.Lalong tumingkad ang kaputian nya.Proud namang naka angkla sa kanya si Mikay na naka rashguard at short na kulay itim na may pula din sa gilid.

Hindi din naman nagpatalo sa kaseksihan yung tatlong bodyguards, Lalo na si Leli na naka one piece bikini nga pero umaapaw naman sa ganda ng hugis ang katawan.Napa singhap ako ng hindi ko inaasahan.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon