48.Star.

930 38 0
                                    

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mikay at biglang napagtripan na magsha shopping daw sya.Kabibigay lang kasi ng dad nya ng allowance nya at may bonus pa dahil sa pagkaka abswelto sa kaso laban sa kanya.Kaya pala hindi ko makontak si General Lorenzo nung isang araw,Abala sya sa pag aapila sa kasong isinampa nya laban kay Mariano.Sa isang iglap lang,nabalewala ng ganun ganun lang.

"Kayong tatlo,mamili na din kayo ng mga gusto nyo.Bonus ko yan sa inyo.
Saka relax lang kayo at wag masyadong pahalata na mga bodyguards kayo,baka mailang yung mga tao at sabihin VIP ako._Mikay.

Hindi namin kasama si Dana ngayon dahil may importante daw syang lakad kaya kaming tatlo lang ang kasama nya maglibot libot diyo sa mall.
Napansin ko naman si Moana na parang may hinahanap sa paligid at kanina pa nakahawak dun sa fone nya.

"Pansin mo ba si Moana,Kanina pa pangiti ngiti habang may katxt dun sa fone nya._Sunny.Bumulong sa akin habang naglalakad kami.

"Simula nga nung bigyan tayo ng sarili nating fone ni Mikay,hindi na natigil yang si Moana sa kaka pindot sa celfone nya kahit sa gabi bago matulog._AKO.

"Baka may katxtmate.Hahahha.Ang baduy ha,ang old school ng txtmate.
_Sunny.Na tawa mg tawa kaya pati ako nahawa sa pagtawa nya.Nauna na kami sila ni Mikay pumasok dun sa isang boutique na may Forever 21 na nakalagay sa pangalan.Nagmadali naman kaming sumunod na din sa kanilang dalawa.

"What a small world! Akalain mong sa dinami dami ng makakasalubong ko dito sa mall,Isang Lorenzo pa ang makakasabay ko mag shopping._Mikay.
Naabutan namin sila na nagsisimula na namang magpatutsadahan ni Gil na andito din pala sa mall na ito kasama sila Grant at Gold.Ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan nila Sunny at Gold ng magtama ang mga mata nila ng di ko sinasadyang makita.
Agad ding nagbawi ng tingin si Gold at saka kunwaring timitingin sa mga nakadisplay na mga damit na naka hang sa store.

"Nampucha namang buhay to oh!Bakit ba nagpapa pasok sila ng mga pets dito sa mall na toh?Grant,Bakit ba dito mo napiling magshopping kasi!_ Gil
Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha nya pagkakita kay Mikay.At naiintindihan ko kung bakit ganun nalang ang nararamdaman  nya sa pagkikita nila ng di sinasadya ni Mikay.

"Hahahha.Ganyan talaga kapag mga talunan walang ibang magawa kundi ang tumahol na lang.Para naman hindi masyadong pumutok ang buche mo Lorenzo,bakit hindi tayo magpalamig muna.Sagot ko.Baka kasi nabawasan yung kayamanan nyo dahil sa mga nagastos ng tatay mo sa pagtatahi ng mga kwento eh._Mikay.

"Hahaha din.Are you kidding me?Mababawasan ang kayaman namin para saan?Hinding hindi mangyayari yang iniisip mo Mariano.Sa pagkaka alam ko kasi,baka kayo ang mawalan pag dating ng panahon dahil malapit na naming mabawi ang mga ninakaw nyo sa pamilya ko._Gillianne.

"Gil tama na yan.Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.Umalis na tayo._Gold. Hinawakan nya sa braso si Gil pero tinabig nya lang ito at nakipagtitigan ng masama kay Mikay.

Agad naman kaming pumagitna sa kanilang dalawa para mamagitan pero sinenyasan kami ni Mikay na sa likod nya lang pumwesto.

"Will you please shut up Lorenzo.Ang lakas ng loob mong paratangan kami na nagnakaw sa pamilya nyo pero wala naman kayong maipakitang ebidensya.Gusto mong gumanti?Then sige lang,punch me!_Mikay.Na halata namang pinu provoke lang si Gillianne para sya ang magsimula ng gulo.

Susuntukin na sana ni Gil si Mikay ng bigla akong humarang kaya ako ang natamaan ng suntok nya.Nagulat naman silang lahat sa nangyari lalo na si Gil na biglang namutla pagkakita sa akin habang hawak hawak ko ang nasaktan kong braso.Maagap namang humarang na din sila Sunny at Moana kay Mikay para hindi na maulit pa ang nangyari.

"Gillianne anu ba,I said stop it!!! Umalis na tayo ngayon din at dalhin natin sa doctor si Star._Grant.Lumapit sila ni Gold sa akin para itanong kung okey lang ako.Tumango ako at sumenyas na na isama na palabas si Gil.

"No need to do that.Kaya kong ipagamot ang bodyguard ko.Tandaan mo ang araw na ito Lorenzo,Madami ang nakakita na ikaw ang naunang nanuntok.Abangan mo nalang ang demanda ko at magsimula ka na sa pagkalap ng magaling na abogado para makalusot ka sa kaso na isasampa ko._Mikay.

"Boss,Ayos lang naman po ako.Hindi na natin kailangan pang palakihin ang gulo.Mabuti pa umalis na lang tayo._AKO.Hindi ako nagpahalatang nasaktan.Isa pa,dumadami na din ang mga taong nakiki usyoso sa amin kaya makabubuting umalis na kami.

"Lets go na at ng mapatignan na kita sa doktor Star.Kawawa naman tong bodyguard ko,nagka pasa ka sigurado dahil sa pagiging bayolente ni Lorenzo.Tsk tsk tsk!Mahirap talaga kapag may nakaka encounter kang Askal sa daan.Bigla na lang nanununggab.hahahah._Mikay.

Nagmamadali namang umalis si Gil kasunod sila Gold at Grant.
Agad namang nagsi akyatan ang mga lalaking bodyguard ni Mikay na nasa ibaba lang kanina para kami alalayan.

"Ikaw na muna ang mag drive sa kotse Moana.Samahan mo si Star sa doctor para ipacheck up yang pasa nya.Sunny,dun na tayo sa isang kotse sumakay at si Nomer na ang magmamaneho._Mikay.

"Boss okey lang naman po ako.Kaunting pasa lang ito kaya hindi na kailangang magpa hospital._AKO.

"Ipatingin mo yan para hindi lumala.Ayokong may bodyguard akong pasa pasa ang katawan at masabihang ako ang nanakit sayo.Isa pa,kailangan ko ng medical records na nagpapatunay na si Lorenzo ay may intensyong saktan at patayin ako.Kaya kailangan mo yang ipatingin naintindihan mo?
_Mikay.Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang.

"Ayos ka lang ba Leli?Bakit mo ba kasi ginawa yun.Sana sinalag mo na lang para hindi ka masyadong nasaktan._Moana.Sya ang nagda drive papunta ng hospital.

"Wag kang mag alala.Hindi naman to masakit.Keri ko naman.Alam ko namang ganito ang gustong ,mangyari ni Mikay kaya nya lalong pinu provoke si Gillianne para saktan sya._AKO.Napatingin na lang ako sa labas ng kotse.

Pagdating namin sa hospital,Nakaabang an sa amin sila Gillianne,Grant at Gold sa loob at halata sa mukha ni Gil ang pag aalala.

"Leli are you okey,Masakit ba yung pasa?Sabihin mo kung anong nararamdaman mo,wag mong pigilin kung nasasaktan ka._Gil. Sa tonong nag aalala.Agad nya akong nilapitan

"Papano nyo nalamang andito kami?Saka bakit pa kayo sumunod dito.Baka pag nalaman ni Mikay na andito kayo muli na naman yung magpasimula kaguluhan_AKO.

"Wag mo kaming intindihin.Ikaw ang importanteng mapatignan kaagad Star.Pumasok na kayo dun sa loob,nakausap na ni Grant yung doctor at naipaliwanag na din nya kung anong nangyari._Gold.Si Gil naman ang umalalay sa akin papasok sa loob kaya medyo nailang ako sa presensya nya.

"Wala namang problema sa iyo,maliban sa kaunting pasa.Nagreseta na ako ng pain reliever in case na may maramdaman kang kaunting kirot later on.Iha,sa susunod wag ka ng aawat sa nag aaway dahil sayang naman yang kagandahan mo kung mapapasaan ka lang._Doktor Lim

Napangiti naman sila Moana at Grant sa biro ng doctor.Samantalang si Gil naman ay hindi makatawa dahil sa pag aalala at nakokonsensya sa pagkakasuntok nya sa akin sa braso.

"Star magpagaling ka ha,Sana mapatawad mo tong kaibigan namin sa nagawa nya sayo.Kanina pa kami nyan kinukulit na samahan ka nga daw namin magpatingin,buti na lang natagpuan ka namin dito._Grant.Napansin ko ang panakaw na sulyapan nila Moana at Grant pero minabuti ko na lang na wag bigyan yun ng masamang kahulugan.

"Salamat sa inyo ha.Wag na kayong mag alala ayos lang talaga ako.
Pasensya na din at naabala pa kayo.Sige mauuna na kami.Siguradong inaantay na kami ng boss namin._AKO. Nag thumbs up ako sa kanilang tatlo para naman mabawasan na yung pag aalala sa mukha ni Gil.
Napansin ko kasi yung madalas na pag buntong hininga nya habang naka alalay sya sa akin.Si itsura kasi ng mukha nya ngayon,halatang sobra sobra ang konsensyang nadarama nya.

Kumaway naman si Moana sa kanila habang papasakay kami sa kotse.
At saka kami tuluyang umalis na pabalik ng Mariano hotel.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon