29.Leli

1K 37 0
                                    

Masaya ako at magkakasama na kami nila Sunny at Moana ulit.
Naalala ko pa nung una kaming magsasama sama pagdating ko sa grupo nila.Matyaga ko silang tinuturuan ng pang high school na aralin.Hindi naman sila parehas mahirap turuan.Pareho silang mabilis matuto at maka pick up ng mga itinuturo ko.Para na kaming magkakapatid simula nuon.

"Sunny,Kamusta naman kayo nung parents ni Gold mababait ba sila sayo?_Moana.

"Oo naman.Gustong gusto nga ako palaging sinasama ng mommy nya sa pagsa shopping.Tapos pati yung mommy ni Gil madalas din naming makasama._Sunny.

"Talaga?Ang alam ko hindi na nakakasama ni Gillianne ang mommy nya since naghiwalay sila ng daddy nya ah!_AKO.

"Wow,alam na alam ang background ni Gillianne ah!Aminin mo,type mo talaga si Gil noh?_Moana.Sabay kagat labi sa akin na parang nanunudyo.

"Anu kaba!Narinig ko lang yun mula kay Mikay.Alam mo naman yung dalawang yun,asot pusa.Ewan ko ba sa dalawang yun kung bakit gustong gusto na nagkakasakitan silang dalawa ng damdamin._Ako.

"Ang kwento sa akin ni Gold,Insecure daw kasi talaga si Mikay dyan kay Gil.Inggit na inggit nga daw kasi dahil bukod sa gwapo na mayaman pa si Gil.Eh sya nga naman,kinailangan pang sumailalaim sa ilang surgeon para magkaroon ng matangos na ilong._Sunny.

"Hahahha.Baliw ka talaga Sunny!Pero sabagay,hindi naman talaga nakakapagtakang ma insecure sya kay Gillianne.Balita ko nga,sobrang yaman daw talaga ng pamilya nun at saka madaming babae ang nagkakandarapa dun para lang mapansin nya!_Moana.

"Tumpak!Kahit nga si Gold,ang dami kong karibal dun sa mokong na yun eh.Kaya lang,tinamaan sya talaga sa akin kaya ayaw akong bitawan._Sunny

"Ang yabang mo talaga!hahahha.Pero sa totoo lang,bilib nga talaga ako dyan sa jowa mo.Talagang ginagawa ang lahat para lang mapasaya ka.
Alam mo bang halos magmakaawa pa si Gil kay Dana para lang mapakiusapan nya si Mikay na kunin ka?_Moana.
Pareho kaming napalingon kay Moana.Ibig sabihin,si Gil ang nakipag usap kay Dana para kay Sunny?

"Seryoso kaba dyan?Papano nangyari yun eh halos hindi na pakawalan ni Mikay si Dana,isa pa threat kay mikay si Gil kaya pilit nyang inilalayo si Dana kay Gil._Sunny.

"Andun ako nung nag usap sila.As in,matigas talaga ang loob ni Dana na hindi sya pakinggan.Pero sa bandang huli,hindi din nakatiis si Dana at itinanong kung ano nga daw ang name nung babaeng ililigtas.Sinabi ni Gil na SUNNY at saka nagmadaling lumabas ng resto si Dana kasunod ko._Moana

"Sinasabi ko na nga ba kay Gold na wag na kong pakialaman eh.Baka mapahamak pa sila sa mga pinag gagagwa nila.haaaist!Star,bilisin mo ng makaharap si pinuno,para maka alis na tayo sa impyernong lugar na to!_Sunny.

"Kahit ako,hindi ko na din alam kung papano ko yun magagawa ng mabilisan.Sa totoo lang,ayoko na din ng ganitong buhay.Pero konting tiis pa,lalabas din ang katotohanan._AKO.

Mas naging mahigpit ang seguridad kay Mikay matapos lumabas ang balita tungkol sa pagsangkot ni General Lorenzo kay senador Miggs Mariano sa droga.Kaya naman,mas nag iingat na ngayon ang mga tauhan nya at hindi na gumagawa ng mga bagay na hindi pinagplanuhan.

Patuloy pa din ang operation para sa mga batang pulubi.Sa ngayon kasi,malayong maiturong pinuno si Miggs ng grupong BSG  dahil sa small time lang naman trabahong yun.

Nakatanggap ng tawag si Mikay buhat sa mommy nya na isinugod daw sa Hospital ang matandang Mariano.Agad kaming ipinatawag ni Miggs sa hospital sa  hindi namin alam na kadahilanan.

"Dad,Eto na silang tatlo.Gusto mo bang makita yung proof?_Miggs.
Nakahilera kaming tatlo sa gilid ng kama ni Mariano SR.

"Iwanan mo muna kami.May gusto lang akong sabihin sa kanila._Mariano SR.Hindi naman agad lumabas si Miggs pero sinenyasan sya ng tatay nya kaya wala na syang nagawa kundi lumabas na lang.

"Gusto kong lang humingi ng tawad sa inyong tatlo sa mga nagawa kong kasalanan sa pamilya nyo.Siguro,hindi nyo alam ang dahilan kung bakit napasakamay kayo ng mga tauhan ng BSG.Iyun ay dahil ipinadukot kayo.Sa totoo lang,hindi naman talaga kayo ang dapat managot sa pagkakamali ng inyong mga nakakatanda,kaya lang dahil nasa inyo ang susi sa nakabaong sikretong vault,hinding hindi kayo maaaring pakakawalan._Mariano SR.

"Ano pong ibig nyong sabihin tungkol sa susi at password?Ano naman po ang kinalaman namin duon?_Sunny.

"Hindi na magtatagal ang buhay ko dahil sa sakit.Kaya ngayon palang humihingi na ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa inyo.Wag kayong mag alala,hiniling ko kay Miggs na wag kayong pabayaan.Yun na lang ang magagawa ko para sa inyong kapatawaran._Mariano Sr.
Hindi kami makapaniwala sa aming narinig,inaamin na nga ng matandang Mariano na sya ang may kasalanan sa lahat.Pero hindi pwedeng ganun na lang yun at lahat ay mabaon na lang hanggang sa kamatayan nya.

"Walang kapatawaran ang paghingi mo sa amin ng sorry.Kahit kelan,hinding hindi ko kayo mapapatawad sa pagsira nyo sa buhay namin.
At kahit pa mamatay ka ng paulit ulit,hindi pa din nun mabubura ang pagsira mo sa mga pamilya namin dahil sa yo!_Sunny.Hindi ko akalaing masasabi yun si Sunny.Pero tama sya,ganun din ang nararamdaman ko pra sa kanya.

Hanggang sa makalabas na kami ng hospital kasama si Mikay.Hindi naman agad umuwi ng bahay si Mikay at nagsabing sa isang bar sya muna tutuloy.At dahil kami ang bodyguard nya,wala kaming magagawa kundi samahan sya.

"Hey!Small world.Akalain mong ang taong pinaka iiwas iwasan kong makita,andito din pala kasama ang mga magigiting nyang babaeng kawal.
_Gil.Na medyo tipsy na dahil tyak na kanina pa sila dito ng mga kaibigan nya.

"Pwede ba,wag mo kong bwisitin.Hindi maganda ang mood ko ngayon,baka bigla ka nalang tumihaya dyan sa kinalalagyan mo!_Mikay
Dahil siguro sa lolo nya kaya sya nagkakaganyan ngayon.At naiintindihan ko sya sa nararamdaman nya.

"Boss,pwede ho bang wag na tayong magpilit pa.Ayaw kayong makausap ng boss namin kaya pwede umalis na lang kayo._AKO.

"Uhmmm,sister Leli is here!I mean,bodyguard Star nga pala.Nagkita na naman tayong dalawa.Bakit ba palagi na lang tayong nagkakatagpo ha?
Sa palagay ko,stalker kita!_Gil.Ngayon ko lang nakita tong mga kasama nya.Hindi kasi sila Gold at Grant ang kasama nya ngayong gabi.

"Leli,tayo na.Wag na natin pansinin,mukhang lasing na yan eh.Kay Mikay na lang tayo mag focus.Mahirap na,nasa hot spot ngayon ang tatay nya,malamang pati sya hindi palampasin ng mga intriga._Sunny.

Nakamasid lang kaming tatlo kay Mikay habang solo syang umiinum.Habang ako naman,hindi sinasadyang napapalingon sa table nila Gillianne.May kaakbay syang babae at paminsan minsan silang naghahalikan nung girl.Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang epekto sa akin ng mga ginagawa nya.

"Leli,Gusto mo dun kana muna sa labas magbantay?Kaya na namin ni Sunny dito.At saka isa pa,tahimik lang naman si Boss Mikay at ayaw ng gulo kaya hindi sya mahirap bantayan._Moana.Tinapik naman ako ni Sunny at saka ko nagmamadaling lumabas na muna ng bar.

"Hindi ko alam na ayaw mo pala ng maingay at masikip na lugar kaya ka lumabas?Hindi kaba nag aalala sa binabantayan mo?_Gil.Na hindi ko namalayang kasunod ko na pala.

"Anong ginagawa mo dito?Bakit andito ka at iniwan mo duon ang gf mo at mga kaibigan mo?_Ako.

"Hahahha.Gf?Wala naman akong natatandaang may gf akong kasama._Gil

"Wala kang gf pero may kahalikan ka.Anong tawag mo dun kalandian?_Ako.Huli na ng maisip kong mali ang nasabi ko.

"Hahahha.Sa tono ng salita mo parang may halong pagsiselos ah!Bakit,gusto mo ba ikaw ang kahalikan ko?_Gil.

Agad ko syang sinampal at saka sya iniwan duon at bumalik na sa pwesto kanina nila Mikay.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon