Andito lang ako sa paborito kong tambayan dito sa loob ng campus.Magyoyosi lang at magsa soundtrip,ayos na.Hindi ko lang talaga maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Ninang Karen tungkol kay mommy.Bakit ba kasi kelangan nya kong iwanan kay dad?I hate daddy that much.Sobra nyang sinaktan si mommy.
"Gil,Tamang senti mode ka na naman dyan!Kaya ka palaging na bi beastmode dahil wala kang kinakausap palagi kundi yang sarili mo na naman!Ano bang gusto mong mangyari ha?_Gold.
Para syang nanay sa aming tatlo.Masyadong matuwid."Get up Gil!May karera tayong sasalihan.Dun mo ilabas yang sama ng loob mo.Hindi yang puro ka usok.Wala kang mapapala dyan kundi sakit._Grant.
"Wala ako sa mood magdriving okey.Kayo nalang dalawa.Nagpapalipas lang ako ng oras,may lakad ako.Goodluck sa race,sana manalo kayo._Ako.
"Magka Casino ka na naman?haaaist!Ewan ko sayo Gil.Bahala ka na nga sa buhay mo.Nakakapagod ka ng intindihin sa totoo lang.
_Grant."Then just leave!Sinabi ko ba sa inyong intindihin nyo ko ha?
Hindi ko kayo pinapakialaman sa mga trip nyo kaya pwede wag nyo din akong pakialaman?get out!_AKO.Ganun lang kami talaga mag usap usap.Palibhasa mga spoiled kami lahat kaya pare pareho kami ng Angas.Si Gold kasi kahit ganyang masyado syang straight mag isip,masama din yan pag nagagalit."Yeah!Mabuti pa nga na iwan ka na.Wala ka namang kwenta kausap.Palibhasa walang laman yang utak mo kundi pagrerebelde sa tatay mo.Alam mo Gil maswerte kapa nga na may tatay kang naka alalay sayo eh,tapos ikaw pa ang walang pag galang sa kanya?Hah!Goodluck na lang sa future mo!_Gold
Umalis na yung dalawang magpinsan.Mariano hotel and casino: weekend madness
Madaming tao kapag ganitong araw.Bukod sa ibang mga celebrities at mga foreigners na labas pasok sa loob,Madami ding mga babaeng pakalat kalat.Naghahanap ng mabibingwit."Gillianne!Long time no see...Hindi kita napagkikita dito these past few days ah!Naubusan kana ba ng pera?hahahah._Mikay Mariano.
"Nah!Kung pera din lang ang pag uusapan,hindi ko kayang ubusin yung pera ko kahit matalo pa ako ng milyong beses sa sugal.Ang hindi ko lang kinakaya,Yang makita palage yang pagmumukha mo na yan! Alam mo bang ang sakit mo sa bangs ha?hehehe._AKO.
"Hahahha.Nakakatawa ka Gil alam mo yun?Di hamak na mas mayaman ang mga Mariano kaysa mga Lorenzo.Baka di mo alam at nakakalimutan mo na mula sa angkan ng mga IGNACIO ang kayaman nyo at hindi sa LORENZO!_Mikay.
"Shut up and wag mokong simulan Mikay.Baka tuluyan ka ng manghiram ng mukha sa aso!_AKO.Sa totoo lang nagbi beast mode kasi ako kapag nababanggit ang pangalan ng tatay ko.
"Hhahaa.Simulan na natin ang laban.Para magka alaman na kung sino talaga ang magwawagi hanggang sa huli._Mikay.
Sumenyas sya sa bodyguards nya at may ibininulong.Naglabas naman ng pera mula sa attache case yung alalay nya at saka inilatag dun sa mesa.Napangisi naman ako.Nasa mood ako ngayo kaya for sure llamado ako at dehado sya sa laban.
Nasa kalagitnaan na kami ng masayang laban ng mapadako ang tingin ko sa isang babae na ngayon ko lang nakita.May nakaakbay sa kanyang foreigner pero parang hindi sya mapakali. Malikot ang mga mata nya na parang may hinahanap.
Hindi tuloy ako makapag concentrate sa paglalaro habang nakatingin ako sa kanya.Maya maya pa,may sinenyasan na syang dalawa pang babae at saka lumapit ang mga ito sa kanila ng foriegner.Sa isang iglap lang,Hawak na ng isa sa mga babae ang wallet nung foriegner at saka biglang nawala sa paningin ko.
"Well,well,well...Mukhang masarap ang laban ah!Kung kanina nananalo kana Lorenzo,ngayon babawi naman ako.heheheh.
_Mikay.Napalingon naman ako sa kanya.At saka napataas ang kilay.Nalingat lang ako kaya sya nakabawi,pero kapag tinuloy ko pa ang labanan,uuwi na naman syang luhaan malamang."Nawala na ko sa mood maglaro!Nakaka boring ka talaga kalaban.Hindi ako nag eenjoy.Masyado ka kasing madaldal.Isa pa,wala kayong mga bagong chiqs dito sa hotel nyo kaya sa ibang hotel na lang ako maglalaro!_AKO.Tumayo na ako pagkakuha ko ng mga perang napanalunan ko kanina.Napailing na lang yung iba naming kalaban.
"Pagbibigyan kita ngayon Lorenzo.Pero sa susunod,I'll make sure na hindi ka makakatayo sa kinalalagyan mo hanggat di nauubos yang perang dala mo!_Mikay.
"Hahahha.Natatakot ako sayo Mikay! Baka ang ibig mong sabihin mas gagalingan mo na sa susunod ang pangdaraya?Kilala kitang tuso Mikay.Kaya lang hindi uubra sa akin yang mga galawan mo.
Adios amigo!_Ako.Then saka ko sya tinalikuran bitbit ang backpack ko.Dumiretso ako ng CR muna.For sure paabangan ako nyan hanggang sa parking lot sa mga bata nya.Hindi pa naman ako aalis.Hahanapin ko pa yung babaeng nagnakaw ng wallet sa foreigner.Parang trip kong makipaglaro sa kanila ngayon.
Umikot ikot na muna ako sa loob ng Casino.Wala na si Mikay duon pagbalik ko.Malamang umuwi na.Lakad,kuha ng wine at palinga linga ako.Baka naman nakauwi na yung tatlong babae? Pero isa pa lang ang nabibiktima nila kaya siguradong hindi pa nakaka alis ang mga yun.Hindi nga ako nagkamali.Nakita ko yung isa sa mga babae,yung blonde.Nakayakap duon sa isang Chinese.Si Ken Tan,Ka bussiness partner ni momshie sa Navigation.Mga nagpaparenta ng private plane sa mga mayayamang bakasyunista.Ganun din ang ginawa nung mga dalaga sa kanya,lalapitan sya at kakausapin kunwari habang yung babaeng nakayakap naman ang kukuha ng wallet sa bulsa ng biktima.Napailing na lang ako.So,ganun sila ka amature sa pang bibiktima,seriously?Natawa na lang ako kahit mag isa lang.
"Mukhang nakabinggwit tayo ng malalaking isda ngayon ah!
Baka naman gusto nyo kong balatuhan mga binibini?_AKO. Sinundan ko sila sa elevator at eksakto namang kami lang apat ang tao dito."Sino bang kausap mo ha,Baliw kaba o phsycopathic?_Babaeng blonde.Infairness magaganda silang tatlo sa malapitan.
Hindi naman nag sasalita yung dalawa at tumalikod sa akin.Pagbukas ng elevator,isa isa silang nagsilabasan na animo'y hindi magkakakilala.Pero since alam ko naman ang modus nila hindi ako nagpatinag.Sinundan ko sila hanggang maabutan ko yung isa at hinawakan sa kamay.
"Araay!Bitiwan mo nga ko anu ba!Inaano kaba?_Dalaga.Pagharap nya sa akin saka ko sya biglang natitigan.Sheeeet!Anghel na bumaba sa lupa!May malamlam na mga mata at maamong mukha.Then bumaba ang mga mata ko sa lips nya.Parang inaakit akong halikan.Pero bigla akong nagulat ng tapakan nya ang paa ko.Kaya nakabitaw sya sa mga kamay ko.
"Ouuuch!My foot!Aguuuuuy...Arayyy!_AKO.Hahabulin ko pa sana pero parang napilayan yata ako sa paa.Paika ika akong naglakad pasakay ng elevator.Pagbaba ko sa parking lot agad akong sumakay ng kotse ko at nagmamadaling pinaharurot ang kotse ko paalis ng Casino.
"Kailangan mo munang ipahinga yang paa mo at wag basain.Hindi naman nadamage ang buto mo kaya lang medyo namaga sya.Hindi basta basta lang yung gumawa nyan sayo.Panigurado,May alam sa martial arts kaya alam kung paano ka mapupuruhan._Tita Mariel.Bff ni mommy.Nurse na kapatid ni Tito Mandy.
"Dude,Pati ba naman kasi mga swindler pinagkaka abalahan mo pa.Gusto mo sanang pagtripan pero ikaw ang napaa!hehehe.
_Candy"Im sure mga expert na manggatso ang mga yun.For sure din na may mga sindikato sa loob ng hotel na yun.Puro mayayaman ang target nila.Malalaking pera ang makukuha nila sa mga yun.
_Viena.Like her dad,Criminology din ang pinag aaralan ni Vien."Magkikita din kami ng babaeng yun.Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukhang nya.Mananagot sya sa akin sa ginawa nya!_AKO.Then i drink my beer straight.
![](https://img.wattpad.com/cover/115261489-288-k981689.jpg)
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...