Agad namang napigilan ang paglabas ng isyu tungkol sa pagkaka banggaan nila Gil at Celeb nung isang gabi sa Amber District Bar.Hindi kasi pupwdeng magkaroon ng kahit na anong isyu ang CEO ng BIG dahil maaari yung masilip ng mga kalaban nila sa kumpanya at gawing malaking isyu.Kasiraan yun sa kumpanya.
"Alam nyo ba kung gano kakalma lang ni Boss nung kinompronta sya nung si Celeb,as in chill lang talaga.Ang kaso mo,etong si Dancer talaga halatang masama na ang tingin kay Boss pagpasok pa lang eh.Kaya sympre di na din nakapag timpi ni Boss at sinagot sagot din sya_Laiza.Sya kasi ang bodyguard ni Gil nung gabi na yun.
"Eh kasi nga meron pala silang nakaraang isyu,about sa mga parents nila.
Baka gusto talagang maghiganti._Abby."Im sure naman hindi na sila magkakasalubong pa nun kaya pabayaan nalang sana ni Gil.Mas lalaki pa ang isyu kapag pinatulan nya._AKO.
"What if magka gf si Boss Gil tapos sulutin ni Celeb?Sigurado maghahalo ang balat sa tinalupan nun pag nagkataon._Abby.
"As if naman magkaka gf si Boss Gil,Balita ko never pang nainlove yun at puro fling lang.Kaya if ever man,walang chance na mangyaring magkasulutan unless magka jowa sya._Laiza.
"Miss Cervantez,pinapatawag ka ni Boss Gil._Helga.Agad naman akong sumunod sa kanya papasok sa room ni Gil.Abala si Gil sa harap ng computer kaya naupo na lang muna ako sa harap ng mesa nya.Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang nakayuko sya sa screen ng monitor.Kagaya pa din ng dati,gwapong gwapo pa din si Gillianne at mas lalong lumakas ang dating ngayong nasa opisina na sya.Masaya ako sa pagbabago nya at pagiging dedicated nya sa trabaho nya ngayon.
"Ahem.Sa tingin mo ba Miss Cervantez papasa na ako sa mataas na standard mo?Mukhang masusi ang pagsisisyasat mo sa akin eh._Gil.Na huling huli ako na nakatitig sa kanya.
"Hah?Hindi naman kita sinisiyasat,wala ka namang kaso para imbestigahan ko._AKO.Kalma lang Leli,wag kang pahalatang caught in the act ka.
"Uhmm,well maiba ako.Gusto ko sanang malaman yung background ni Celeb,may kakilala ka bang mapagkakatiwalaang secret agent na pwde kong i hire?Baka may mairerecomend ka?_Gil.
"Boss,Wala po akong kilalang ganun.At saka kung sakaling meron man,mas makabubuti po sana na hayaan nyo na lang sya para hindi na lumaki pa ang isyu.Sa tingin ko naman,walang nasaktan o napahamak sa inyo_AKO.
"Sabagay,may point ka dun.Pero im just curious,may alam ka bang girlfriend ni Celeb?Kasi ang sabi ni Abby sa akin,fan ka daw nya kaya sayo daw ako magtanong tungkol kay Celeb at siguradong kilala mo ang pagkatao nya._Gil.Mababatukan ko talaga tong si Abby mamaya paglabas ko,bakit naman pati ang pagka LODI ko kay Celeb pinaalam nya pa.
"Naku boss,fina follow ko lang naman yun sa IG nya.Hindi naman ibig sabihin nun lahat ng tungkol sa kanya alam ko.Pasensya na kayo kasi wala akong alam na may gf sya so far._AKO.Actually,once ko lang sya nakita ng personal,nung nag guest sya sa program ng PMA last year.Ipinatanong nya ang number ko sa isa sa mga chief duon kaya wala akong nagawa kundi ibigay yun.Pasalamat nalang ako at hindi naman nya ako tinawagan.
"Ganun ba?Well kung ganun pala,parehas kaming single kaya wala kaming date sa darating na FAMOUS STAR Party sa darating na sabado.
Pupwede bang ikaw ang maging date ko sa araw na yun?_Gil."Po?Ako ang isasama nyo sa StarParty na dadaluhan nyo,Naku Boss hindi po ako pupwede.Iba na lang po wag ako!._AKO.Bukod sa nahihiya ako makihalubilo sa ibang tao,mga sikat at mayayamang tao lang ang naiimbitahang umattend duon.
"Bakit naman hindi ka pwede,Wala naman kasi akong gf na pwedeng isama duon.At isa pa,ikaw naman ang bodyguard ko kaya talagang andun ka din kapag umattend ako sa party.Wag kang mag alala,Ako naman ang bahala sa isusuot mo._Gil.Agad syang tumawag sa labas at nagpapunta ng isa sa mga staff nya na pumasok.
"Boss,Pasensya na talaga.Iba na lang po ang isama nyo.Hindi talaga ko pwede.Pasensya na po._AKO.Agad akong tumakbo papalabas ng room nya at nakasalubong ko yung staff nyang papasok naman sa loob.
"Star,Anyare sayo?Bakit para ka yatang nakakita ng ahas ha?May nangyari ba kay Boss sa loob?_Abby.Hindi ako makapag salita.
"Star,Si General Katindig pinapatawag ka sa kanya.Kakausapin ka daw.May nangyari ba?_Laiza.Inabot sa akin ang fone nya.Parang alam ko na ang sasabihin ni General kaya napahawak na lang ako ng mahigpit sa telepono.
"Yes po Sir.Okey po sir._AKO.Hindi nga ako nagkamali,Pati si General Katindig na humahawak sa aming tatlo at nakasalalay ang grades namin para makagraduate,Sinabihan ni Gillianne na payagan akong maging eskort sya party na aatendan nya.
"Looks like,Nasabi na sayo ni Ninong Henry yung request ko sa kanya.
Kaya lets go at sasamahan kitang mamili ng isusuot mo sa ball._Gil.
Na hindi ko napansin,nasa tabi ko na pala.Wala naman akong choice kundi sumunod sa kanya papasok sa elevator.Bukod sa aming tatlong babae na salitan na nagbabantay sa kanya,meron pa syang apat na guard pero malayo ang distance sa kanya.Pagkababa namin sa parking lot,agad syang pumasok sa kotse at sya ang nagdrive."Ito ang hirap ng single eh,Wala kang maisama sa mga parties at mahahalagang okasyon.Sorry kung napilitan ka lang na samahan ako dahil wala kang choice.Wag kang mag alala,I'll make sure na mag eenjoy ka dun dahil madaming mga sikat at kilalang tao kang makikilala.
Pati yung Lodi mo na si Celeb andun din.Malay mo,isayaw kapa nya pag nagkataon._Gil.May halong pagka sarcastic yung tawa nya.Hindi ko tyak kung para sa akin o para kay Celeb yun."Wala naman akong choice,Isang hamak na bodyguard lang ako at isang estudyante.Kapag inutos ng nakakataas,wala akong magagawa kundi sumunod._AKO.
"Dont worry,After ng event na to naman hindi na kita gagambalain.Last week nyo na din naman bilang bodyguard ko at babalik na kayo ng Baguio para magsanay na sa darating nyong graduation hindi ba?Ngayon palang kinu Congratulate na kita._Gil.
"Salamat._Yun lang ang nasabi ko at eksakto namang nasa tapat na kami ng isang mamahaling boutique.Agad bumaba si Gil kaya sumunod lang ako sa kanya.Halatang kilala na si Gil sa lugar dahil masaya ang bati sa kanya ng mga tao sa loob.At dahil may maliit na boutique din kami,Alam ko na mamahalin at pang mayayaman lang ang makaka afford bumili sa mga itinitinda nilang mga damit dito.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomantikSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...