96.Gil

1K 40 1
                                    

At sa wakas,Nabuksan na din ang vault.Inaasahan ko na baka may mga gold bars na nakatago duon o di kaya naman ay may sandamakmak na mga salapi pero wala.Isang selyadong dokumento ang tanging nakapaloob sa vault kung saan nakalagay kung kanino ba talaga nakapangalan ang minahan.Walang iba kundi sa pamilya ng tatlong tao na nasa harapan ng pamilya ko ngayon.Sila Sunny,Moana at Leli ang tunay na nagmamay ari ng minahan.Kung bakit at paanong nangyari yun,tanging si Lolo lang ang syang nakaka alam.

"Sa kabilang pahina naman naka saad ang lahat ng assets ni Don Ignacio sa ibang bansa na nakapangalan sa nag iisang anak nya na si Bianca Ignacio.Liban sa pamilya at mga kaibigan,tanging si Gomez lang ang itinuturing akong kaaway.Sa kabila ng mabuti kong pakikitungo sa kanya, pilit nya pa ding kinakamkam ang minahan.Kaya naman minabuti kong ibahagi ang kabuuan ng lupain sa tatlo kong pinagkakatiwalaang tauhan.(Cervantez,Nuñez at Hernandez)_Atty.Ruiz (abogado ng pamilya Ignacio)

"There you go guys.Atleast ngayon maliwanag na sa lahat na si Gomez nga ang gumawa ng lahat ng yun sa pamilya Ignacio.Since wala naman na tayong hahabulin dahil napagbayaran na nya ang nagawa nya,Sana'y mapanatag at maging tahimik na ang ating mga buhay._Momshie.

"Momshie,Sa wakas naliwanagan na din ang lahat.Alam ko kung gaano mo yun dinala dyan sa puso mo ng mahabang taon,kaya naman masaya ako na naging maganda ang kinalabasan ng lahat._Dana.

"Pasalamat din tayo sa mga kaibigan nyo na tumulong para mabuksan yung vault.Hindi biro ang mga pinagdaanan nyo para lang mapagsama sama yang mga nalalaman nyo at makaisip ng paraan._Daddy.

"I suggest na dapat bigyan natin ng reward ang mga bata para naman makabayad tayo sa kanila ng utang na loob diba Baby?Bakit hindi natin sila bigyan ng isang out of the country vacation trip para naman makapag relax sila at makapag enjoy?_Popshie.

"Well,I love the idea baby.Bakit naman hindi?Ano ba naman yung libreng bakasyon para sa mga batang malaki ang naitulong sa atin at sa buong pamilya._Momshie.

"Syanga pala Mom,About dun sa case nung pamilya nung mga nabiktima ng pagsabog sa minahan before,pinaayos ko na yung mga papers nila at siniguradong lahat sila ay mabibigyan ng libreng mga pabahay at trabaho.
Regarding naman dun sa mga papers para dun sa tatlong bata,Napaayos ko na din at simula sa susunod na buwan,sa kanilang tatlo na didiretso yung kita nung minahan._Daddy.

"Wooooh!Thats great dad.Ambilis ng proseso ha.Iba na talaga kapag mamanugangin yung involve,mabilis at walang paligoy ligoy.Diba Prettyboi?_Dana.Saka kumindat sa akin.

"Hahahha.Oo nga eh.Ang kulit kasi nyang kapatid mo.Araw araw kinukulit yung mga abogado natin na bilisan daw ang paglipat sa tatlo nung title.
Kaya ayun,wala pang isang buwan naiprocess na kaagad._Daddy.

"Malaki din ang naitulong ng daddy ni Mikay,Ang balita ko.Isa sya sa nagpush para mapadali ang proseso.Sa pagkaka alam ko,aabutin ng taon ang mga ganung kaso kung idadaan sa due process.Kaya dapat din tayong magpasalamat sa pamilya Mariano._Mom.

"Nakikita mo yun Grae?Hindi lang basta yaman at kasikatan ang magdadala sayo sa itaas,kailangan mo din ng Pakikisama at mga Kaibigan.
Kaya naman natutuwa ako dito sa anak mong si Gillianne,Magaling sa PR.
Yun ang kulang ka._Popshie.Napayakap naman ako sa kanya.

"Hahahha.Grabeh ka kay daddy,Popshie!Pero bakit si Momshie naman,nakarating din sa itaas kahit hindi ma PR?_Dana.

"Alam nyo,Ang momshie nyo naging matagumpay dahil sa talino nya.
Pero kulang sya sa pakikisama nuon.Kaya naman kung ano man yung pagkukulang nya,Ako ang pumuno.
Sa kaso naman ng daddy Grae nyo,Mas nakakalamang sa kanya ang paglilingkod kaysa pera.Ang mommy Annie nyo naman ang syang naging gabay ng dad nyo para malaman nya ang kahalagahan ng pamilya at ng pangalan._Popshie.Tumingin si Pops kay Momshie at saka sila nag ngitian
Para pa din silang mga bagong mag jowa dahil sa kasweetan nilang dalawa.

"Thats why Gillianne deserves to be the CEO.Malaki ang potential nya as a leader.Magaling sya makisama kahit pa sa pinakababa.Wala din akong naririnig na bad comments mula sa mga tauhan natin.Kahit sila Lori at Sam,wala ding tutol sa pagiging CEO nya sa B.I.G._Momshie.

"Momshie,Dont expect too much from me,madidissapoint ka lang.
Andami kong flaws.Mas di hamak na matalino sa akin si Dana at mas madiskarte.At saka dalawa naman kaming taga pagmana mo,bakit sa akin mo pa ibinigay yung position na yun._AKO.Napangisi naman sa akin si Dana.

"From the very start pa lang,Pinauna na sa akin ni Dana na wala syang interes sa kumpanya at negosyo.Ang gusto nya lang daw ay maging mabuting mamamayan,gaya ng daddy mo ang pangarap nya lang ay magkaroon ng sariling pamilya at makatulong sa mga taong nangangailangan._Momshie.Napatingin naman ako kay Dana.Alam ko na san sya nagmana,kay Dad!Haiaaast...Wala akong choice kundi ang magpatakbo ng kumpanya.

"Anak,Alam ko na sa simula talaga na mahihirapan ka.Hindi iyan ang nakasanayan mo.Pero naniniwala kaming lahat sa kakayahan mo.
Bilang isang anak at taga pagmana ng mga Lorenzo,kailangan mong yakapin at tanggapin ng buong buo ang lahat ng kung anong mayron ka ngayon.Hindi lahat ng tao,nabibigyan ng pagkakataong mabuhay at mamuhay sa karangyaan,Pero ito ang nakatadhanang mangyari para sayo.Yun ang natutunan ko sa pamilyang ito,Tanggapin at harapin ang lahat ng mga biyaya at mga bagay ng buong puso at walang pag aalinlangan._Mommy Annie.Napayakap ako sa kanya.Alam ko kung gano kahirap kay mommy lahat ng mga pagsasakrisyong pinagdaanan nya, kaya naman deserve nyang mapabilang sa pamilya LORENZO.

"Ay grabeh naman!Nakakaiyak ang mga eksena.Bigla ko tuloy namiss si Mikay.Ikaw ba Babyboi,di mo namimiss si Star?hahahha._Dana.
Sadyang iniba ni Dana ang usapan dahil lahat na kasi kami nag iiyakan.
Pati kasi sya,tumatawa kunwari pero umiiyak din naman.

"Oo nga naman.Bakit hindi nyo imbitahan pareho over dinner sila Mikee at Star para naman kumpleto tayo?Ang mommy Annie nyo na ang bahala sa pagkain,para siguradong mas lalong maiinlove sa inyo ang mga girlfriend nyo._Daddy.

"Bakit dad,nilalagyan ba ni mommy ng gayuma yung mga sini serve nya sayo kaya lalo kang naiinlove sa kanya?_AKO.

"Well,Sa tingin ko naman hindi na kailangan ng gayuma ng tatay nyo,Obvious namang head over heels ang pagmamahal nya kay Annie mula pa nuon.At Saksi kami ng momshie nyo dun,Right baby?_Pops.

"Hahahaha.Dad talaga!Wag mo naman akong ibuko sa mga anak ko.
Baka sabihin nila totoong ginayuma ako ni Annie.Pero sa totoo lang mga anak,Ako ang gumayuma dyan sa mommy nyo,kaya kita nyo kahit na anong mga kalokohan na ang nagawa ko sa kanya,SOLID GRAE FANATIC pa din yan._Daddy.Nag blush naman si mom sa sinabi ni dad.

"Ay iba ka din talaga Mommy eh!Ginalingan mo masyado.hahahha.
Fangirling pa more.Pero kidding aside,sayo yata ako namana sa pagiging loyal mom eh,Kahit ang daming distruction sa pagmamahalan namin ni Mikz,ewan ko ba kung bakit sya pa din ang gusto ko._Dana.

"Ganun talaga magmahal ang mga Lorenzo iha,WALANG PINIPILING ITSURA AT ESTADO sa buhay.Basta kapag tinamaan ka,LAHAT NG FLAWS at KAHINAAN NG TAONG MAHAL MO,TATANGGAPIN MO alang alang sa PAG IBIG._Popshie.

Lahat naman kami napangiti at sumang ayon sa sinabi nya.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon