86.STAR.

831 36 2
                                    

                          Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng pwedeng iassign na magbabantay kay Gillianne,Ako pa ang napili.Talaga yatang nakatadhana na akong maging habambuhay na alipin ng mga Lorenzo.
Masakit man sa damdamin lahat ng mga pang iinsultong inaabot ko palagi kay Gil,wala naman akong karapatang magreklamo.Wala din akong karapatang humindi kapag sya na ang nagpasya.
Nakaupo lang ako sa mesa habang abala si Gillianne sa pakikipag usap sa mga kagaya nyang mga kilalang negosyante at mga pulitiko.Kailangan yun sa negosyo,bukod sa pera at pangalan,kailangan mo ding mag invest ng pakikipag kaibigan.

"Hi Miss,Mukhang nag iisa ka lang.Baka gusto mong samahan muna kita dito._Celeb.Hindi ko inaasahan na lalapitan nya ako.Sikat syang dancer.

"Ayos lang naman ako dito mag isa.May kasama ako,may kinausap lang sandali._AKO.Tumingin ako sa paligid,hinanap ng mata ko si Gil.

"Si Gillianne Lorenzo ba ang hinahanap mo?Nakita ko syang lumabas eh, may kasama syang babae.Malamang iniwan ka na nun kaya ako na muna ang eskort mo kung okey lang?_Celeb.

"Naku hindi na,Im sure naman babalikan ako kaagad nun baka inihatid lang yung kausap nya.Ayos lang ako._AKO.Sa totoo lang,hindi ako komportable sa paglapit nya.Siguradong kapag naabutan sya ni Gil malamang may mangyari na namang di maganda.

"I Insist.Wala kang kasama oh.Tapos puro may mga kausap sila at kapartner lahat.Ganito na lang,habang wala pa yung kasama mo,sasamahan na muna kita dito._Celeb.Yung wine glass ni Gil ang kinuha nya at saka ininum.
Hindi na lang ako nagsalita.Mas okey na yung wag ko na lang syang kausapin  para mainip sya at umalis na.

"Celeb,Sayaw naman tayo.Bakit mo ba ko iniwan dun sa mesa natin ha,Dahil ba dyan sa babaeng yan?Maganda nga pero mukha namang cheap._Aliyah.Singer sya na nababalitang naghahabol kay Celeb kaya kilala ko sya.

"Pwede ba,Hindi ikaw ang gusto kong isayaw kundi sya.Bumalik ka na dun sa mesa,wala akong panahon makipag sayaw sa laseng okey.Dun ka na lang makipagsayaw sa mga kainuman mo pwede ba._Celeb.Napapikit ako.
Bakit ba naman dito pa sila nag away sa pwesto ko.Ang dami dami namang pwedeng lugar na pwde silang mag talo.

"Hah!Ano naman ang panaman nyang babae na yan sa akin ha?Bakit,magaling ba syang kumanta?Look at her,Walang ka class class!
Ipagpapalit mo na lang din ako sa ganyang klase ng babae pa!Pwe!_Aliyah

"Opppss!Parang may naaamoy akong basura banda dito sa table namin ah.Ohhh.Kita mo nga naman,
Bakit ba hinahayaan nilang pakalat kalat ang mga basura dito sa party.
Ang alam ko,mga SIKAT at Mga Kilalang tao lang ang imbitado dito bakit may mga naligaw yatang mga feeling sikat?_Gil.Na kadarating lang.

"Gillianne,Wag mo ng patulan.Ako na ang bahala.Wag ka ng magsalita.
_AKO.Kilala ko kasi magsalita si Gillianne kaya mas makabubuting ako na lang ang makiusap sa kanila

"Ako ba yung pinatatamaan mong feeling sikat ha?Baka hindi mo alam kung sino ako,kaya mo nasasabi yan.At saka isa pa,Ano yung sinabi mo,pakalat kalat na basura?Para sabihin ko sayo,ikaw ang mas basura sa ating dalawa.Kundi ka lang anak ni Lorenzo hindi ka naman malalagay dyan sa pwesto mo eh.Isa ka lang Gangster na walang alam gawin kundi makipag basag ulo._Celeb.

"Well,Tama ka naman sa sinabi mo na anak nga ako ng tatay ko.Kaya wala kang magagawa kundi tanggapin na lang na milya milya ang layo ko sayo.Kahit magsayaw kapa ng ilang taon,hindi mo ko mapapantayan.
At tama ka nga,laking kalye ako.Kaya hindi mo gugustuhin na kalabanin ang kagaya ko dahil baka mas lalo ka pang mawalan ng karir kapag kinanti mo ko._Gil

"Pwede ba Celeb wag ka ngang magmaangas dyan.Tama naman si Gil, basura ka lang.Hindi ka naman kagaya naming mga sikat talaga at kilala sa lipunan.Isa ka lang dancer!_Aliyah.Mayaman din ang pamilya ni Aliyah.
Hindi naman kasi kagandahan ang boses nya pero dahil maimpluwensya sila kaya sya nakapasok sa showbis.

"Isa ka din sa basura alam mo yun ha Aliyah?How dare you para laitin at sabihang walang class tong date ko ha?Kahit balutan kapa ng ginto at suutan ng mamahaling mga damit,hindi pa din yan mapagtatakpan ng kasamaan ng ugali mo.Mas pipiliin ko ng makasama ang walang class na sinasabi mo kaysa sa kagaya mo na walang kahihiyan!_Gillianne.Agad nya akong hinatak papalabas ng venue at isinakay sa kotse nya.

"Boss,Hindi mo na lang sana sila pinatulan.Siguradong madaming nakakita sa pagtatalo nyo at malamang mailabas ang video ng naganap kanina._AKO.May mga imbitado din kasing from media at mga taga showbiz.

"I dont mind.Iniinsulto kana nila tapos hahayaan ko lang na ganun?Saka dapat lang sa kanila yun para malaman ng mga tao kung anong klase yung mga iniidolo nila.Star dancer at star singer of the year awardee kunwari tapos ang sasama naman ng mga ugali._Gillianne.

"Ayos lang naman na insultuhin ako,totoo naman kasi yung sinabi nya.
Saka hindi lang naman sya ang unang nang lait sa akin kaya sanay na ako.
_AKO.Saka ako sa labas ng kotse tumingin.

"Hey!Ako ba yung tinutukoy mo na iniinsulto ka?Hindi kita iniinsulto ha.
Kung may mga nasasabi man ako sayong di maganda,hindi yun pang mamaliit sa pagkatao mo.Mali ka lang ng pagkakaintindi._Gillianne.

"Wala naman akong sinasabi na ikaw yun.Halata tuloy na guilty ka.
Wag kang mag alala,alam ko naman kung saan ako nakalugar.Bilang tauhan mo,wala naman akong karapatang magreklamo._AKO.

"Hindi nga sabi kita iniinsulto.I didnt mean to offend you or hurt your feelings.Kung may mga nasasabi man akong masakit or hindi maganda, IM SORRY okey?_Gil.

"Ibaba mo na lang ako dyan sa tabi.Ako na ang bahala sa sarili ko. May mga bodyguards ka namang nakasunod sayo kaya kahit di na kita ihatid sa hotel mo._AKO.

"Hindi ako sa hotel uuwi.Dun ako sa Alabang matutulog ngayong gabi.
Patatawagan ko na lang sila Abby at Laiza na wag ka ng antayin dahil sasamahan moko dun sa Alabang matulog._Gil.

"Ano?Bakit moko sa bahay nyo patutulugin?Sa Condo ako uuwi,ihinto mo na tong kotse at baba na ako._AKO.Sinukan kong bukasan yung pinto ng kotse pero naka lock sya.

"Uuwi ka ng naka gown?hahahhaa.Wag ng matigas ang ulo kasi.Sa Alabang tayo matutulog.Dont worry,madaming kwarto dun.Hindi kita tatabihan kung ayaw mo.Pero kapag ininssist mo na tabihan ako,sympre papayag ako._Gil.Na halata namang nang aasar lang.

"Ayoko ngang matulog sa bahay mo.Ibaba mo na kasi ako pwede ba?Hindi porke boss ka,pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo.Kapag hindi mo ihinito itong kotse mo,bababa ako kahit umaandar pa sya!_AKO.Agad kong binuksan yung pintuan ng kotse nya at pinilit kong buksan.Pero wala naman akong nagawa dahil hanggang sa nakarating kami sa Alabang,nakasarado pa din ang kotse hanggang sa tapat ng pintuan ng bahay nila.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon