Sabi nga sa kasabihan na "Kapag may tyaga,may nilaga..Ngayon ko napatunayang wala talagang imposible kapag nagtutulungan.
Nasa harapan na kaming lahat nung vault na mahigpit na nakabaon dun sa pinaka dulo nitong tunnel.Agad na chineck ni Grant yung itsura nung pagpapasukan nya nung Microchips kung dun nga talaga sya magkakasya."Guys,medyo lumayo muna kayo saglit.Kami na lang muna ni Grant ang lalapit.Baka kasi may mga nakabaon ditong pampasabog or mga delikadong bagay,maganda na yung nag iingat tayo okey?_Vienna.
Kasama nya si Grant,masusi nilang tinignan yung paligid nung vault."Jamie,Iabot mo nga sa akin yung laptop ko.Parang meron akong nakikitang kakaiba dito sa mga numbers ng vault eh._Grant.
Agad namang lumapit si Jamie at inabot kay Grant yung laptop nya.
Sumenyas naman si Grant sa akin na lumapit ako kaya mabilis akong tumabi sa kanya."Gil,Tignan mo yung vault.Nakikita mo yung mga numbers diba?Parang dun sa mga numbers nya,meron pang nakasulat na iba.Ibig sabihin,Pwedeng hindi numero ang ginamit na PW.Pwede ding letters or mga words._Grant.Saka naman ako napatingin maige sa Vault.
"Gold come here!Baka alam mo basahin yung mga letters dun sa likod nung mga numbers,Pwede tayong mang hula dun ng mga words para sa PW na gagamitin._Grant.Agad namang lumapit si Gold sa amin.
Tahimik namang nakatingin lang sa amin sila Sunny,Moana at Leli.Halata sa mga mukha nila na gusto nilang makatulong pero wala silang magawa.
Magkahawak kamay naman sila Dana at Mikay sa kabilang gilid.Ramdam nila ang tensyon.Baka nga naman kasi kapag nabuksan na ang vault,maaring mabago ang relasyon nilang dalawa.
Matapos i check ni Vienna ang palagid,Hinayaan nya na lang kami nila Grant at Gold sa harap ng vault at saka sya muling tumabi kila Jamie at Candy.
Sinubukang ipasok ni Grant yung micro chips sa lalagyan nito,Sumakto naman sya dun at saka biglang umilaw yung mga numero sa vault.
Bahagya kaming napaatras dahil sa gulat.Pati yung paligid nung tunnel,nagliwanag.Saka bumulaga sa amin yung paligid ng vault."Ohhh myy gooosh!Whats goin on?Ang ganda pala ng paligid nito sa liwanag!_Dana.Lahat kami namangha sa itsura ng paligid.Para kaming nasa loob ng isang planetarium sa dami ng mga bituin na nakapalibot sa itaas nitong tunnel.
"Infairness ha,Pasabog ang opening!May pa ilaw si Grandpa!_Jamie.
Lahat tuloy kami nagtawanan kahit na shock pa din sa nakita namin."I try nyo yung bday ng momshie nyo Gil,Baka yun ang PW!_Vienna.
Agad ko namang pinindot yung birthdate ni momshie pero hindi bumukas yung vault."Try mo yung birthdate ng Lolo mo Gil.Ito sa laptop ko yung mga posible PW na pwedeng pagpilian._Grant.Bago kasi kami pumunta dito,nai save na ni Grant lahat ng posible na pwedeng gamiting PW.Ni research na din yun ni Candy,pati yung date nung pagkamatay nila ni lola.
"Ohhhhh,Ayaw pa din talaga! Pati yung pinaka imposibleng details na pwedeng maging PW nasubukan na natin.Grabeh naman yang lolo nyo,Talagang kailangang pahirapan muna bago nya ibigay yung kailangan nyong malaman._Grant.May isa't kalahating oras na siguro kaming nakatayo dito sa harapan nung VAULT.
"Guys,baka makatulong tong research ko.According sa mga sinaunang uri ng vault,hindi lang daw mga numero at letters ang maaaring maging PW ng isang sinaunang klase ng Vaults,Pwede ding nasa Thumb ng pumipindot o kaya naman maaari ding may kinalaman sa pagkatao nung may ari nung vault ang ginamit na PW._Candy.Ipinakita nya sa amin yung mga klase ng vaults na niresearch nya.
"Guys,tignan nyo tong isa.Parang katulad nung vault ng lolo ni Gil.
Tapos naka point dun yung arrow sa ibaba.Kung nasa ibaba yung arrow,ibig sabihin nasa baba ng vault yung Password._Gold.
Saka kami napatingin sa baba.Wala naman kaming nakitang nakasulat duon.Maliban sa tatlong bilog na naka drawing na wala namang laman."Wooww!Para tayong nasa isang adventure game nito ah.Can't imagine how this light opens considering na wala namang kuryente dito for sure.
_Mikay."Baka nakakalimutan mo,Ang lolo mo ang huling nagmay ari nitong minahan.Sigurado akong sya ang nagpaganda dito at nagpalagay ng mga ilaw dyan.Para na ding pagbawi nya sa mga nangyari before.Alam naman nating lahat na isa sa huling naka sagutan nuon ng lolo ko ay ang lolo mo bago sila mamatay ng lola kaya nga isa sya napaghinalaang suspect nuon hindi ba?Siguradong dito na lang idinaan ng lolo mo ang paghingi nya ng tawad sa pag aaway nila nuon ng lolo ko_Ako.Bigla namang natahimik si Mikay.Napatingin ako kay Dana na hindi din nakaimik sa nasabi ko.
"Basta subukan na lang natin lahat ng mga posibilites guys.
Wag tayong sumuko.Try din natin yung thumb nila Sunny at Moana saka ni Star baka umubra._Jamie.Agad namang nagsilapitan sila Leli sa Vault at sumubok din pumindot."Guys,I have an idea.Dun sa tatlong circle,pumwesto kayong tatlong babae
Then isa isa nyong pindutin ang mga possible letters or numbers na nakasulat dito._Grant.Agad namang ginawa nila Leli ang kailangang gawin pero nakailang try na sila,hindi pa din sya bumukas."Ang mabuti pa,magpahinga na muna tayong lahat guys.Bumalik na lang tayo maya maya.Sa taas na muna ulit tayo at dun natin ulit pagplanuhan ang mga pwede pang gawin._Gold.
"Mabuti pa nga guys,Para din makahinga tayo ng maluwag.Pawisan na tayong lahat,ilang oras na din tayong nakatayo lahat,umakyat na muna tayo._Dana.
Sunod sunod naman kaming nagsi akyatan na muna para makapagpahinga.Mabuti na lang at pinalagyan ni Mikay ng tent itong bungad ng tunnel.Nung last naming punta dito,walang tent at ni walang pahingahan.Talagang nakababad ka sa initan at malayo pa ang station para maka upo man lang.
"Gil,Ayos ka lang ba?Wag mong masyadong i pressure ang sarili mo.
Madami pa namang pagkakataon.Hindi lang naman sa vault naka sentro ang lahat.Baka naman sa kaka isip mo dun sa PW,makalimutan mo ng may kumpanya ka ding pinatatakbo.Madaming tao din ang umaasa sayo duon.
_Leli.Napasandal ako sa balikat nya.Nakaka pressure talaga ang pag iisip sa PW.Gusto ko na din kasi talagang matapos na ang lahat ng problema para masumulan ko ng ligawan si Leli.Hanggat wala pang malinaw na sagot sa pag kakaugnay ng pamilya nila Leli sa pamilya namin,hindi ko pa pwedeng ligawan sya."Gilllianne! Alam ko na ang PASSWORD NG VAULT!Sigurado akong this time,Tama na talaga sya._Grant.Agad nyang ipinakita sa aming lahat kung anung gagawin.Sa laptop nya sinimulang ipinaliwanag ang lahat.
"Para syang puzzled game na may halong sinaunang tricks.Now ko lang naalala,yung lumang game na nabasa ko before.Totoong nakila Star,Moan at Sunny nga ang PW.Dahil mga Surname nila ang posibleng ginamit na PW ng lolo mo dun sa vault.Yung tatlong bilog dun sa harapan,wala yung kinalaman sa tatlong tao na dapat pumindot sa vault.Panlito lang yun.
_Grant."So tama din si Candy,Sabi nya nga maaaring may kinalaman sa pagkatao ng isang tao yung pwedeng gamiting PW diba,kaya Surname nung tatlo yung ginamit._Gold.
"Balik na tayo sa baba guys,Habang maaga pa.Hindi tayo pwedeng magpa gabi dito.Hahanapin tayo nung mga tauhan ng pulisya kapag hindi nila tayo nakita bago mag alas singko._Vienna.
"Okey guys,We can do this!Basta manalig lang tayo na mabubuksan na talaga ng vault.This is it!_Dana.
Hinawakan ko naman si Leli sa kamay habang naglalakad kami ulit pababa ng tunnel.Ngumiti naman sya sa akin at saka ako tinapik sa balikat.This time,Nararamdaman kong mabubuksan na nga namin ang vault.At magkakaroon na din kami ng pagkakataon ni Leli na maipadama namin sa isat isa ang pagmamahalan namin.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
DragosteSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...