Madaming tao ngayon sa simbahan dahil linggo.Gaya ng dati, nakapwesto na naman ako sa gilid ng simbahan.May mga mangilan ngilan na din akong suki dahil madalas akong nandito sa Kristong hari.Maya maya pa,May mga lumapit na sa akin para mangulekta ng mga kinita ko."Bituin!Asan na yung binigay ni Dodong ahas,Ang sabi nya sa akin kagabi nya pa inabot sayo ah!_Leo.
"Nasa akin nga.Pero kay Obet ko to ibinigay kaya umalis na kayo. Mamalasin pa ko sa diskarte dahil sa inyo eh!_AKO.
"Akin na nga sabi eh!Ako na magbibigay.Bakit ba ang tigas nyang ulo mo sino bang pinagmamalaki mo ha?_Leo.Na sinipa yung mga paninda ko.
"Anu ba?Sinabi ng umalis kana.Nakaka sira ka ng umaga ah! Wag kang mang gulo dito baka hindi ako makapag pigil sayo._AKO.Malumanay lang ako magsalita dahil madre nga kasi ako ngayon.
"Mamaya ka sa akin.Masyado ka kasing sipsip kay Obet kaya hindi na nya kami pinagtitiwalaan sa pera eh._Leo.Sabay alis kasama nung mga tuta nya.Naiwan akong nakaupo lang sa gilid ng simbahan.Kunwari na nagdarasal habang sa ilalim ng mesa nagbibilang ako ng pera.Malaki laki kasi ang koleksyon ko ngayon.Magtatabi ako ng pambili ng cake para kay jokjok.Birthday kasi nya ngayon.Bago ako umalis,pumasok muna ako ng simbahan at nagdasal ng taimtim.Kahit naman nanloloko ako ng kapwa,tumutulong pa din ako.At saka mga kawatan din naman ang hinuhuthutan ko.Ika nga,trabaho lang walang personalan.After ko magdasal,tumayo na ako para magpunta na sa bakery.Sa kamalas malasan naman,may taong bumangga sa ulo ko pagtayo ko.
"Agguuuuy!Pambihira...Tumingin ka nga sa dinadaaan..._AKO
Saglit akong napahinto sa pagsasalita.Naalala ko,Madre nga pala ako buti hindi ako napamura.Napalingon ako sa nakabunggo ko.
Isang napaka gandang ale,at dalawang gwapong...teka,gwapo pero mukhang babae?May edad na yung isa pero yung isa naman ka edad ko lang siguro."Naku Sister,Pasensya na po.Hindi naman po sinasadya ng apo ko na mabangga kayo.May masakit ba sayo?_Aleng maganda.
"Sorry Sister.Gil iha,mag sorry ka kay sister._Aleng pogi.
"Its not my fault pops,Sya yung tatanga tangang bumangga sa akin!_Binata.Pero binata nga ba?Iha ang sabi nung pops eh.
"Ay,naku ayos lang naman po ako.Wala kayong dapat alalahanin.
Pasensya na iha._AKO.Diniin ko talaga yung salitang iha sa kanya"Let's go inside Momshie,Magsisimula na yung mass._Binata.
"Pasensya na talaga Sister,May katigasan ang ulo nyang apo namin talaga.Pero mabait naman yan si Gillianne._Aleng gwapo
"Btw sister,Mukhang nangongolekta kayo ng donation para sa mga matatanda.Tanggapin nyo po ang kaunti naming tulong at pasensya na ulit._Aleng maganda.Saka naglagay ng pera dun sa supot kong dala.
Saka ko naalala,dala ko pa pala tong donation bag na sympre props ko lang naman din.Wala naman talaga akong tinutulungang elderly charity chenes!"Ate leli,salamat po sa cake at pansit ah!Masaya po ang birthday ko!_Jokjok.(Malaki yung donation nung magandang ale kaya di lang cake ang nabili ko pati pansit na din)
"Walang anuman yun.Basta kumain lang kayo ng kumain.Para hindi kayo nagkakasakit ha.Palagi din kayong magpi pray.
Sige aalis na si Ate Leli nyo.Mag iingat kayo sa kalsada._AKO.Nasa lansangan sila para mamalimos.Tinawag ko lang sila para kumain.Kailangan nilang bumalik sa pwesto nila dahil may mga nakabantay sa kanilang mga bata ni Obet.Malalagot sila kapag mahina ang entrega nilang kita.
"Sunny!Bihis na bihis ka yata?Parang aattend ka ng santacruzan ah!_Moana.Na halatang nang aasar lang kay Sunny
"Sipain kaya kita dyn!Santa cruzan ka dyan?May dinner date kami ni Gold.Ipakikilala nya daw ako sa parents nya._Sunny
Bigla akong napatigil sa ginagawa kong pagtitiklop ng damit."Ano kamo Sunny,Ipakikilala ka sa parents ni Gold?Hindi ba parang seryosohan na yata yan?_AKO.
"OO nga!Pakikilala kana agad,Tapos ano?Makikipag break ka na din naman after mong makuha yung perang pinangako nya sayo diba?_Moana.
"Wala akong magagawa eh,Ang sabi nya pagtapos daw nya akong ipakilala sa parents nya saka nya ibinigay yung pera kaya no choice ako!_Sunny
"Alam mo,kinakabahan ako dyan sa meet the parents na yan eh!
Papano kung after kang makilala ng parents nya,paimbestigahan ka?Tapos ano,malalaman nila ang mga raket mo.Tapos mabibisto na myembro ka ng sindikato.Lagot ka kay Pinuno!_Moana."Sunny,Tama si Moana.Baka mapahamak kapa sa ginagawa mo eh.Tawagan mo si Gold,sabihin mo na lang di ka makakapunta dahil sumama ang pakiramdam mo.Magdahilan ka!_AKO.
"Kailangan ko tong gawin.Yung pera lang ang mahalaga sa akin. Kapag may pera na ako,Aalis na ko dito sa impyernong lugar na to!Hahanapin ko ang pamilya ko._Sunny
"Sa tingin mo ganun ganun lang yun?Malaking tao si Pinuno.Hindi sya basta basta matatakasan.Alam mo yan!
Mas kilala natin ang likaw ng bituka nya dahil halos kalahati ng buhay natin dito na nating ginugol!_Moana.Na umiiyak na habang nagpapaliwanag.Inalo ko naman sya para tumahan."Hirap na hirap na ako!Ayoko na ng ganitong buhay.Gusto ko ng makasama ang pamilya ko._Sunny.Na humagulgol na.
"Huminahon kayo.Kailangan nating magpakatatag.Please,Wag tayong sumuko.Malapit na nating makilala si Pinuno.Kapag nangyari yun,Makakalaya na din tayo._AKO.
Ilang sandali pa,Isang katok ang nagpabalik sa ulirat naming tatlo.Si danilo,isa sa mga bata ni Pinuno.May lakad daw kami kaya kelangam naming maghanda.
"Tatawagan ko lang muna si Gold na hindi ako makakapunta. Magbihis na kayo.Susunod na ko!_Sunny.Nagmadali naman kaming nagbihis ni Moana.
"Restaurant owner ang bibiktimahin natin kaya posibleng may mga bodyguard syang kasama pag uwi.Si Sunny ang unang lalapit, magpapanggap na nahihilo at maghihima himatayan.Si Moana naman agad na sasaklolo.Ikaw Star ang lalapit at kunwaring tututok ng patalim sa biktima.Kami na ang bahala sa mga bodyguard kung sakali. _Obet.Sakay kami ng van at lahat kami nakatakip sa mukha maliban kay Moana at Sunny na magpapanggap naman.
Ilang sandali pa,lumabas na ang isang magandang ale muna sa exit ng restaurant nya.Maganda yung babae kahit medyo mas matanda sa amin.Simple lang,halatang mayaman pero hindi mayabang ang kilos.Sumenyas na si Danilo kaya lumabas na sila Moana at Sunny para gawin ang drama nila.Agad naman akong maghanda para sa susunod na eksena.Maya maya nga lang,bago pa makatawag sa telepono ang babae,agad akong bumaba at lumapit sa kanya.Mas malaki ako sa kanya kaya alam kong kayang kaya ko sya kapag pumalag sya.
"Wag ka ng magtangkang humingi ng tulong kung ayaw mong gripuhan kita sa tagiliran mo!_Ako.Ang totoo wala akong dalang kahit ano.
"Bitiwan moko.Wag mo kong sasaktan.Kung pera ang kailangan mo,ibibigay ko sayo._Aleng may ari ng resto.
"Mabuti naman.Akina yang bag mo.Wag kang magkamali ng kilos at tapos ka sa akin!_AKO.Diniin ko ng bahagya ang kutsilyo(props)para di mahalatang kinakabahan ako.Sana lang hindi sya manlaban para hindi sya mapahamak.
Inaabot nya na ang bag nya ng bigla nya akong itinulak kaya ako napahiga sa semento.Agad syang sumigaw.Bigla akong napatayo dahil nakita ko sila Obet at Danilo na inaasinta sya mula sa Van.
Agad namang nagsidatingan ang mga security guard.Eksaktong pagputok ng baril,itinulak ko ang ale at saka ako nakaramdam ng pagdilim ng paligid.Nakaramdam ako ng panghihina at tuluyang bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...