30.Gillianne.

990 35 0
                                    

Biglang nawala yung pagkalasing ko sa lakas ng sampal sa akin ni Leli.
Hindi ko na nagawang humabol pa sa kanya dahil alam ko namang kasalanan ko din.Nagsindi na muna ako ng sigarilyo at pagkatapos ay pumasok ulit sa loob ng bar.Sila Candy,Jamie at Viena ang mga kasama ko ngayon kaya hindi sila kilala nila Leli.

"Pre,San kaba nanggaling bakit ang tagal mo ha?Tignan mo si Mikay dun sa kabilang dulong mesa nakikipagtalo dun sa katabi nyang lasing.
Sa palagay ko,dehado sila.Ang daming kasama nung lalaki kaya malakas ang loob manghamon eh._Viena.Nakita ko namang inaawat na si Mikay nila Sunny at Moana,habang hawak naman sa braso si Leli nung lalaki.

"Bakit ba naman kasi naiisipan ni Mikay mag bar na puro babae lang ang kasama.alam nya namang madaming kaaway ang pamilya nya dapat di sya umaalis ng walang bodyguard._Candy.Hindi kasi nila alam na bodyguard sila Moana,Sunny at Leli ni Mikay.

Maya maya pa,nagkagulo na sa loob ng bar.Nakita ko na nagsimula ng umatake yung mga nakabangga ni Mikay.Hindi naman nagpatalo sila Sunny at Moana sa kalaban,habang si Leli naman ang dumidepensa kay Mikay at sumasalag sa mga suntok na para sana kay Mikay.

At dahil mas madami ang kakampi nung kalaban nila,agad akong tumulong para dumipensa.Nagulat naman si Leli ng agad ko syang hinila bago pa sya masuntok nung kalaban nya.Maya maya pa,agad ng nagsidatingan ang mga pulis.

"Miss Lorenzo,ikaw na naman?Halos gabi gabi na lang yata nasasangkot ka palagi sa gulo.Hindi pa ba nagsasawa sa pakikipag basag ulo?_Pulis.

"Boss,pasensya na.Tinulungan ko lang naman yung mga kaibigan ko.At saka isa pa,hindi naman kami ang nagsimula ng gulo,yang mga goons na yan._AKO.

"Yan naman ang palagi mong dahilan,hindi ikaw ang nagsimula ng gulo.
Kayo ni Miss Mikee Mariano ang pumirma dito sa papers para makauwi na kayo._Pulis.

"Sir ang lawyer ko na lang po ang bahala.Pwede na po ba kaming umalis?_Mikay.

"Teka,bakit ako lang ang maiiwan dito.Tinulungan ko lang kayo ah!_AKO.

"Sinabi ko ba sayong tulungan mo ko?At isa pa,kaya mo namang kumuha ng sarili mong tagapag ayos ng gulo kaya mauuna na kami._Mikay.Sabay nguso kila Leli,Sunny at Moana.
Wala naman akong choice dahil baka pati silang tatlo madamay pa.Maige na yung wala silang bad records sa pulisya.

Agad namang nagsidatingan sila Viena Candy at Jamie.May mga ilang tanong lang ang mga pulis at saka nagpa areglo naman yung nakabangga namin kaya yung lawyer na ni Mikay ang namahala.

"Dude naman,pati naman problema ni Mikay pinapatulan mo na ngayon?
Aba talo mo pa yung bestfriend sa pagtatanggol mo ah!_Viena.

"Mabuti na lang kamo rambol ang nangyari at hindi ka gaanong nasaktan.
Bakit ba naman kasi nakisali kapa dun ha?_Candy.

"Hey guys,wag nyo ng pagalitan.Nangyari na eh! At saka hindi naman si Mikay ang dahilan kaya sya nakisali sa gulo.Haaaist!Mukhang hindi lang ito ang huli,madami pang trobol na kasunod._Jamie.Sabay tapik sa akin.

Tama si Jamie,hindi dahil kay Mikay kaya ako napasali sa gulo.Hindi ko lang maatim na habang nakikipag sapakan si Leli sa kalaban,tatayo lang ako at manunuod.Isa pa,Andun din sila Sunny at Moana na mahalaga sa mga kaibigan ko.

"Ohhh my!Sana tinawagan mo ko Gil.Kamusta naman si Sunny,nasaktan ba sya?_Gold.Sa tonong nag aalala.Andito na kami kinabukasan sa school.

"Gold ang OA mo.Trabaho nila ang ipagtanggol si Mikay kaya wala kang magagawa at natural lang na masaktan sila.Kung gusto mong makuha si Gold,kay Miggs Mariano ka pumunta._Grant.

"Bakit ba kasi ang tagal bago makulong nung hayup na si Mariano.Hindi ko na alam ang gagawin ko para makuha ko si Gold sa poder nya eh._Gold

"Kaya nga ba ayaw ni Sunny ipaalam sayo kung sino sya eh,dahil ayaw ka nyang madamay.Sa palagay mo ba,gugustuhin niya na mapahamak ka ng dahil sa kanya?Hanggat maaari,dumistansya ka sa kanya para hindi ka mapahamak at ganun din sya.Sa palagay mo,hindi ilalayo sayo si Sunny kapag nalaman nilang nai-involve ka trabaho nya?_AKO.

"Thats right.Kaya pabayaan mo lang sila.Isa kapa din Gil.Wag tayong masyadong magfocus sa ginagawa nila dahil hindi tayo nakakatulong.
Mas lalo pa natin silang inilalagay sa alanganin._Grant.

"Mas okey pa nga nuong hindi ko pa alam na bata sila ni Mariano eh. Mas kinakabahan ako ngayon dahil alam kong nasa panganib sila.Ahhhh!Napaka wala kong silbi sa girlfriend ko.Naturingang mapera at matalino nga pero wala namang magawa para sa kanya!_Gold.

"Wag kang mag alala Gold,Ako ang bahala.May plano ako para makuha natin si Sunny.Pero kelangan ko munang pakasiguro dahil hindi yun ganun lang kadali.Pansamantalang pabayaan na muna natin sila.Ang mahalaga,nasa maayos ayos naman silang lugar kaysa dati gaya ng kwento mo._Ako.Dati kasi,nasa isang maliit na kwarto lang silang magkakaibigan.Pero ng maging bodyguard sila ni Mikay,sa hotel na din sila pinatitira.

"Mukhang busyng busy kayo sa pagpa plano ah!Tungkol ba yan sa foundation?_Tito Loren.Na hindi namin namalayang nasa loob na pala ng opisina kasama sina Tito Amber at daddy.

"Ohh dad!Why your here?May problema ba?_Grant.Na humalik sa daddy nya.

"Daddy!!!Im sure namiss mo ko agad kaya binibisita mo ko noh?_Gold. Nayumakap at humalik pa sa daddy Amber nya.Sweet si Gold sa mom and dad nya.

"Hahahha.Anak,grabe ka naman sa namiss parang hindi kita kasabay kanina magbfast ah!Anyways,palagi naman talaga kitang namimiss kaya napadalaw ako._Tito Amber.Na kumindat sa akin at saka umupo sa sofa katabi ni daddy.

"Andito kami para kamustahin yung tungkol sa foundation.May mga ilan na kaming sponsors na willing tumulong sa atin.Kaya naman gusto sana naming pasimulan na ang foundation sa lalong madaling panahon._Dad.
Nagtataka ako kung bakit nagmamadali si Dad tungkol sa foundation.May kinalaman ba ito sa kaso tungkol kay Mariano?Ang huli kong balita,may mga iba pa silang kaso na ini uugnay kay Mariano gaya ng child trafficking pero wala pa silang sapat na ebidensya.

"Para yatang minamadali ang foundation Tito Grae,may problema ba or may mga kailangan bang tulungan ang foundation sa lalong madaling panahon?_Grant.Kahit pala sya ganun din ang naiisip.

"In a way yes anak.May mga bata kasi kaming gusto na sanang ipasok sa foundation.May mga ilang tao na din kaming nakuha para makatulong nyo sa pagma manage.Wag kayong mag alala,hinding hindi magiging sagabal yun sa mga gawain nyo sa eskwelahan.Parang kayo lang ang tatayong tagapamahala pero may mga tao kaming nakatalaga para duon.
_Tito Loren.

"Kung ganun wala naman palang magiging problema bakit hindi pa nga natin simulan.Habang nag aaral kami,mabuti na din yung may iba pang pinagkaka abalahan.Dont worry dad and tito's,willing kaming tumulong sa abot ng aming makakaya._Gold.

Saka naman ako napalingon kay daddy na sa palagay ko ay may malalim na iniisip.Saka ko lang mas nauunawaan si dad kung bakit nahahati ang panahon nya sa amin nuon at sa trabaho nya.Dahil sa paghahanap nya ng hustisya sa pamilya,naisakripisyo nya ang sarili nyang pamilya at ang pag ibig.Alam ko,pagkatapos ng lahat ng ito..Muli silang pagtatagpuin ng mommy at sa pagkakataong yun,hindi na kailanman magkakahiwalay pa.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon