12.STAR

1.1K 42 0
                                    

BAGUIO CITY

Halos lumaylay ang dila ko sa pag akyat ko ng hagdan ng Grotto.Sanay akong tumakbo at makipaghabulan pero hindi ang umakyat ng madalian. Papano naman kasi, hinahabol ko yung batang nang agaw ng basket ko na nilalagyan ng mga donasyong hinihingi ko sa mga tao dun sa simbahan.Kapag naabutan ko talaga ang batang yun mananagot sya sa akin.

"Star naman, ang taas taas na ng naakyat natin,abangan na lang natin sa baba yung bata.Wala naman syang ibang malalabasan kundi dito din sa hagdan eh!_Moana.na hingal na hingal na din na kasunod ko

"Hindi pwede, madami dami akong nakulekta ngayon at hindi ako papayag na makuha lang ng iba yun.May pagbibigyan ako ng kalahati nun_Ako.May mga bata akong pakakainin

"Haaaist! Bwisit na bata yun, pinahirapan pa tayo.Dito ako sa kabila mag aabang, sundan mo na sya pataas!_Moana.Pareho kaming dito muna sa Baguio pinadala ng pinuno para makaiwas muna daw sa nabiktima namin nuon sa racing. May mga kamag anak daw kasing pulis yung nabiktima namin.

Binilisan ko ang pag akyat ng matanaw ko yung binatilyo.Malapit ko na syang abutan.Isang dangkal na lang ang pagitan namin ng magkamali ako ng tapak sa hagdan at tuluyang mahulog.Napapikit na lang ako sa pag imagine ng babagsakan ko.Napakataas ng hagdan ng grotto,siguradong katapusan ko na.Hanggang sa maramdaman kong may humila ng damit ko.

"Sister?Sister ayos ka lang ba?_boses ng babae.May nadinig akong mga boses kaya dahan dahan akong dumilat.Babae nga pero kulay green ang kulay ng buhok nya.

"Hah?Asan ako,yung binatilyo asan na?_Ako.Agad akong napatayo. Napansin ko na madami pa lang nakapalibot sa aking tao.

"Sister,Kamuntikan ka ng mahulog.Buti na lang nasalo ka nitong friend ko. Bakit kaba kasi tumatakbo paakyat?_Green hair lady.

"Im sure hinahabol nya yung lalaki kanina.Yung may dalang basket._Familiar face.Teka,hindi ba sya yung nakabangga ko nuon na hindi marunong mag sorry?Sya din yung nakita kong nagyoyosi nuon sa gilid ng simbahan sa Antipolo?Bakit pati dito sa Baguio andito din sya,Stalker ko ba toh?

"Pa-pasensya na,kailangan ko ng umalis._AKO.Agad akong tumakbo palayo sa kanila.Sa meeting place na namin ni Moana kami nagkita.

"Leli!Anong nangyari sayo,nasaktan kaba?May masakit ba sayo?_Moana

"Wala.Ayos lang ako.Kaya lang yung donation hindi ko nakuha.Bwisit na snatcher yun!Patay ako kay Leo nito eh!_Ako.

"Nakita kita.Mabuti na lang nasalo ka nung lalaki.Hindi naman kita malapitan dahil madaming tao.Nung makita kong ayos ka naman saka ako nagmadaling bumalik dito.Makikita din natin yung kawatan na yun,itinimbre ko na sa iba nating kasamahan dito._Moana

"Hindi lalaki ang nakasalo sa akin, babae.Kulay green ang buhok._Ako

"Isa pa yan sa inaalala ko.Yung sinasabi mong kulay green ang buhok, sya din yung car racer na nabiktma natin._Moana.Napalingon ako sa kanya.

"Ano? Sya yung may ari ng mamahaling kotse? Bakit di mo agad sinabi? Baka namukhaan ako nun!
_AKO.Saka ko biglang naalala yung pamilyar na mukha.Magkakilala sila nung barumbadong lesbian na yun?

"Kaya nga nagmadali akong umalis dahil andito din sila.Pati yung kasama nyang lesbian.Im sure namukhaan nila akong dalawa nung nagpanggap akong nahimatay.Papano nila tayo nasundan dito?_Moana

"Kailangan nating mag ingat.Baka nga sinusundan nila tayo.Hindi kaya may nagtip sa kanila na andito tayo ngayon sa Baguio?_Ako.Bakit ba palage na lang kaming nagkikita ng taong yun? Hindi na ko magtataka na kahit sa panaginip nagkikita din kami dahil sa lahat na lang ng lugar na puntahan ko, palagi kaming nagtatagpo.

"Leli, siguradong gutom na ang mga bata.Anong gagawin natin?_Moana. Nandito kami sa Burnharm park.

"Gagawa ako ng paraan.Puntahan mo na yung mga bata at sabihin mo na pagdating ko kakain na sila.Basta aliwin mo na muna para hindi masyadong makaramdam ng gutom okey?_AKO.Agad akong tumakbo papunta ng simbahan.Nagdasal na muna ako sa loob at saka nagsimulang puwesto sa harapan na may dalang donation bag.Matumal na ang donasyon dahil tangahali na.Wala ng masyadong tao na nagsisimba.
Napaupo na lang ako sa ilalim ng puno sa may gilid ng simbahan.

"Sister,hindi ba ito yung kumuha ng donation bag mo?_Lesbian.Napanganga ako sa taong nasa harap ko.Ohhhmoo! Sya na naman? At bakit hawak hawak nya sa damit yung binatilyong hinahabol ko kanina?

"Hah! Ahh Oo sya nga! Bwisit kang lalaki ka, pinahirapan moko sa paghabol sayo!_AKO.Sinabunutan ko sya at saka ako biglang napahinto. MADRE nga pala ako.Haaaist!

"Dont worry sister, Nabawi na namin tong bag of donation mo.Siguradong matutuwa ang simbahan dahil madami kang nakolekta.Padating na din ang mga pulis para kunin tong lalaki na toh._Babaeng green ang buhok.

"Ganun ba.Mabuti nalang at nahuli nyo sya.Mabuti pa dalhin ko na ito sa loob para iabot sa kinauukulan._Ako

"Andito na ang mga pulis sister, Sasamahan ka na namin mag abot kay Father nyan.Actually, Andito din kami para mag abot ng kaunting tulong.
_greenhair.Na itinaas pa yung sobre nyang makapal ang laman.

"Ah eh naku mauuna na ako.Mahirap na baka may mang agaw na naman ng bag._AKO.Patakbo akong pumasok na sa loob ng simbahan pero sa kabilang exit ako lumabas.Nagmamadali akong tumakbo dahil baka maabutan na naman ako nung dalawa.

"Hep hep! And where do you think your going? Ang pagkaka alam ko para sa simbahan yang donation bag na yan hindi ba? Bakit mo itinatakbo Sister?_Lesbian.

"Anong itinatakbo ka dyan! Wag kang mambintang ha.Babalik din ako sa simbahan para ibigay toh, May bibilhin lang ako saglit dun_Ako.Sabay turo dun sa karendirya

"May bibilhin ka, Using that money? Para yan sa simbahan diba?_Lesbian

"Haaaist! Hindi pera ng simbahan tong pambibili ko.Meron akong pera para pambili.Iba sa pera mula sa donasyon._AKO.Teka bakit ba ko kelangangang magpaliwanag sa taong to, Sino ba sya sa akala nya.

"Uhmm..Ganun ba, Okey then.Sasamahan kita hanggang makabalik ka ng simbahan._Lesbian

"Ano? Pwede ba, Hindi ko itatakbo tong pera kaya umalis kana.Bakit ba masyado kang concern sa donation ha? Baka naman ikaw ang may pagnanasa dito sa pera ha?_Ako.

"Pagnanasa dyan sa pera? Hah! Come on! Hindi porke concern ako dyan may pagnanasa na ako.Para yan sa simbahan kaya kahit nahirapan akong habulin yung magnanakaw na yun, Ginawa ko yung best ko para mabawi yan!_Lesbian.
Hinabol nya yung snatcher para mabawi tong bag? Sino ba tong nagpapakabayani na toh?hay hindi ako dapat magpadala sa kwento nya lang, Feeling ko sinusundan talaga nila kami.Papano ko kaya madidispatsa toh?

"At saka isa pa, Hinanap ka talaga namin ng friend ko.Hindi kaba talaga marunong magpasalamat sa taong nagligtas sayo? At saka duda ako sa pagiging madre mo eh, Ikaw din yung madre na nakita ko nuon sa Antipolo hindi ba? Bakit ba palagi kitang nakikita sa kahinahinalang sitwasyon ha, Are you really a NUN?_Lesbian.Na nilapit ng husto ang mukha sa mukha ko.Sheeet! Bakit ang gwapong tomboy naman neto? At saka ako napapikit ng akmang hahalikan nya ako.

Pero agad din akong nakabawi at saka dumilat.Itinulak ko sya ng malakas at saka ako tumakbo.Nakita ko syang natumba at hindi kaagad nakatayo kaya sinamantala ko ang pagtakbo.

Agad akong nakarating sa Burnharm Park at saka namin pinakain ang mga bata.Agad kaming bumalik naman Moana sa hideout dahil baka masundan kami nung mga naka encounter namin kanina.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon