64.GIL

859 39 0
                                    

Wish granted na ang sa aming dalawa ni Gold.Si Grant na lang ang last at dito sa CASA Italiana matutupad ang hiling na kanyang inaasam asam.Handa na ang lahat.Maging si Mikay ay naandito din para makisaya.Isang surpresang birthday party ang wish ni Grant para kay Moana at ang makasama na ni Moana ang kanyang tatay at mga kapatid.

"Happy Birthday to you,happy birthday to you,happy birthday dear Moana...Happy birthday to you._Leli.Sya ang kumanta ng birthday song para ka Moana.Unti unti namang bumukas ang ilaw sa loob ng venue at nasa harapan ng bday celebrant ang kanyang tatay at mga kapatid.

"Anak,Happy Birthday sayo.Matagal ka na naming hinahanap ng mga kapatid mo.At nagpapasalamat ako na nagkita na tayong muli._tatay ni Moana.Umiiyak sya habang nagsasalita sa mike.

"Tatay?Totoo po bang ikaw na yan,hindi po ba ko nananaginip lang?_Moana.Lahat naman sila duon ay nagsipag iyakan habang nagyayakap ang mag ama.Lahat ay masaya sa muling pagkikita ng pamilya ni Moana.

"Anak,ako ito.Ang tatay.Patawarin mo ako kung hindi agad kita nahanap.
Naduwag ako.Hinayaan kitang mapunta sa mga taong masasama.Patawarin moko anak._Tatay ni Moana.

Matapos ang madramang eksena,Nagsimula na ang pagsisindi ng kandila sa cake.at dahil naging kaibigan na din namin si Moana,lahat kami ay isa isang bumati sa kanya at nagwish sa kanya ng masayang buhay.

Bakas sa mukha ni Moana ang kaligayahan.Nang matapos ang party ay sa hotel nila Mikay na din sila tumuloy ng buong pamilya nya.

Kami namang magkakaibigan ay sa tambayan nagsipagtuloy para mag inuman.

"Ayos yung ginawa mong Pagsurprise kay Moana Grant ah,Sobrang saya niya._Vienna.

"Pero mas malupit pa din yung ginawa ni Gold para kay Sunny,Nagbayad ng limang milyon para sa kalayaan ni Sunny tapos nakasama nya pa ang pamilya nya._Candy.(5M has been donated by Miggs Mariano sa foundation para sa mga out of school youth)

"Papano naman yung ginawa ni Gil?Mas astig kaya yung ipahuli mo yung gang na dumukot sa kanilang tatlo at mapalaya mo ang mga batang ginagamit ng sindikato para makapanloko._Jamie.

"Sabagay mas malupit nga yun kay Gillianne.Maaari nya pa yung ikapahamak.Ikaw na Gil.hehehhe._Vienna.Na umarte pang sumaludo

"Mga sira.Tama na nga yang pagkukumpara na yan.Meron pa tayong isa pang problema.Yung minahan.Papano ko ba yun mabubuksan.Haaaist!
_AKO.

"Meron akong suggestion pero parang napaka imposibleng mangyari eh.
_Gold.Lahat naman kami nag aantay sa pambibitin nya.

"Ano namang suggestion yan.Baka tungkol na naman yan sa kasal nyo sasakalin na talaga kita._Grant.Natawa tuloy kaming lahat.

"Bakit hindi natin gamitin si Mikay para makapasok tayo dun sa Mining Site?_Gold.

"Papano naman makakapasok si Mikay duon eh ni wala nga yung kamalay malay sa mga nangyayari kahit sa mismong hotel nila._Candy.

"Yun nga ang point.Wala syang alam.Kaya ang gagawin natin,ipo provoke sya ni Gil na totoong ninakaw ng lolo nya ang Minahan ng lolo ni Gil.Tapos kapag nagalit na ng todo si Mikay,sasabhin nya kay Gil na kung gusto mo puntahan natin yung mismong Minahan ng lolo ko para magka alaman na kung sino ang totoong may ari._Jamie.

"Tama!At dahil wala naman talagang alam si Mikay,Saka nya makikita yung name nung minahan na nakapangalan sa lolo ni Gil kaya magkakalaman na kapag nagkataon._Gold.

"Pero kailangan nating makita ang micro chips para mabuksan ang vault.
Yun lang ang tanging paraan para matapos na ang problema._AKO.

"Sa ngayon ang misyon muna natin ay i provoke si Mikay.Basta Gil,hinay hinay lang kay Mikay.Wag mo namang panggigilan kasi._Grant.

"Hahahha.Ang init talaga ng dugo ni Gil sa taong yun.Sabagay,kung sa pamilya ko din gawin yun,baka matagal na syang nanghiram ng mukha sa aso._Candy.

"Ang tanong,bakit hindi paba?hahahaha._Vienna.Sabay sabay lang kami nagtatawanan habang nag iinuman.

Malalim na ang gabi pero ayaw pa din ako dalawin ng antok.Pakiramdam ko may nag iisip sa akin kaya ganito ang pakiramdam ko.Napilitan akong tumayo at kumuha ng malamig na bottled water sa ref.Hanggang maisipan kong lumabas na muna at tumambay sa burol.
Nahiga lang ako duon at tumingala sa langit.Napakaraming bituin.

Isang putok ng baril ang nagpabalikwas sa akin sa pagkakahiga.Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng putok at dahil madilim sa pinaka dulo ng burol dahan dahan akong lumapit duon at saka ko naramdamang may naapakan ako.

"Tulooongg...Parang awa nyo na tulooongg..._Mula sa ibaba ang boses.

Agad akong yumuko at binuksan ang celfone para makita ang pinanggagalingan ng boses,At nagulat ako ng makita ko yung humihingi ng tulong pala ay si...

"LELI?Anong nangyari sayo,bakit puro dugo ka.Sinong gumawa nito sayo.
_Ako.Nararamdam ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
Agad ko syang binuhat at inilapag sa may burol.Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kadiliman ng paligid.

"Gillianne.Wag mo kong iiwan.Dito ka lang sa tabi ko.Ayoko pang mamatay,gusto pa kitang makasama ng matagal._Leli.Sa pautal utal nyang pagsasalita.

"No LELI,Hindi kita iiwan.Hindi ako aalis sa tabi mo.Hindi kapa mamamatay, magkakasama pa tayo ng matagal,pangako ko yan._AKO.Wala pa ding tigil ang pagluha ko.Hawak ko lang ng mahigpit ang kamay nya.Hanggang sa itaas nya ang isa nyang kamay at itinuro ang mga bituin sa langit.At saka sya bumitiw sa pagkakahawak sa akin.

"Leli,No Leli..Please dont go!_Ako.Then saka ako biglang napabangon.
Napalingon ako sa paligid at saka ko narealize na panaginip lang pala ang lahat.Para kasing totoong nangyari sya talaga.Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng di oras.

Pumasok ako sa eskwela kahit wala naman duon ang isip ko.Pakiramdam ko nga,kaya lang ako pumapasok para maka graduate na lang.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta after class kaya sa Lobisa na lang ako umuwi.Saka ko biglang naalala yung panaginip ko while driving.
May itinuturo si Leli sa akin sa itaas ng kalangitan nung gabing yun.
Mga bituin sa langit.Anong kinalaman ng mga bituin sa panaginip ko kay Leli?At sino yung taong bumaril sa kanya?

"Gillianne,Im glad your here.Tatawagan pa lang sana kita na dito ka umuwi eh.May mga dala akong pagkain.Tamang tama padating na din ang daddy mo,sabay sabay na tayong kumain._Mommy.Humalik ako sa kanya.

"Sorry im late,may banggaan dyan sa Edsa kaya super traffic._Daddy. Agad syang humalik kay mommy at saka tumingin sa akin.

"Grae,Malapit na ang graduation ni Gillianne.Siguro naman makakapag off duty ka sa araw na yun?_Mommy.

"Ohh sympre naman.At kahit hindi ako payagan ng boss ko,hindi nya ko mapipigilan.Yun lang naman ang pangarap ko para sa anak natin,Ang magka diploma sya.Iba ang may pinag aralan,Hindi ka mahihiyang humarap sa kahit na sino pang matataas at mayayamang tao.At hindi ka din nila basta mamaliitin at sasabihang kaya ka lang napunta sa itaas dahil sa mayaman ang magulang mo._Daddy.Napatingin ako sa kanya.
Ngayon ko lang kasi naringgan si dad na magsalita ng ganun sa akin.

Hindi sya masalitang tao.Bibihira din nya akong pagalitan.Pero yung pagiging matuwid nya,Sapat ng basehan yun para maging tama ako sa direksyong pupuntahan ko.

Bilang nag iisang tagapagmana at kahuli hulihang lahi ng mga Lorenzo, Sisikapin kong mapanatiling nakatayo at matatag ang iiwanang legacy ng aking pamilya.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon