65.Star

861 38 0
                                    

Matapos ang pag uusap namin si Sir Grae,Agad akong lumabas sa bookstore at saka nagsimulang maglakad papalayo sa lugar na yun.
Pero hindi ko inaasahan na may naka abang palang panganib sa paglabas ko at agad na may humawak sa braso ko.

"Ano ba bitawan mo ko!Ano bang atraso ko sa..._Napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang humila sa akin.

"May dapat kang ipaliwanag sa akin.Bakit kayo mag kausap ng daddy ko?_Gil.Mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Ano ba,nasasaktan na sabi ako eh!Bitiwan mo nga ako!_AKO.

"Hindi kita bibitawan hanggang di ka nagsasabi sa akin ng totoo! Now tell me,Anong pinag usapan nyo ng tatay ko?_Gil.Halatang hindi sya nagbibiro sa itsura nya kaya bahagya akong natakot sa kanya.

"May mga itinanong lang sya tungkol sa BSG.Tapos pinauwi na nya ako.
_Ako.Hindi ako makatingin sa mga mata nya habang nagsasalita.

"Sinungaling!Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakita ko kayong magkausap ng daddy.Kahit nuon sa charity event nakita ko din kayong palihim na nag uusap._Gil.Saka ako napayuko.

Hinila nya ako at isinakay sa kotse nya.Gustuhin ko mang makaalis pero naka lock ang kotse kaya imposible akong makalabas.

"Gillianne,palabasin mo na ko dito.Hahanapin ako ni Mikay.Kailangan ko ng bumalik sa hotel._Ako.

"Hanggat hindi mo sa akin pinagtatapat ang lahat,hindi kita pakakawalan.
Kaya mabuti pang simulan mo na ang pangungumpisal._Gil.

"Wala nga sabi akong ipagtatapat sayo.Wala kaming pinag usapan kundi yung tungkol sa BSG.gusto nya lang nyang makasigurado na nahuli na ba talaga lahat ng myembro o may mga naiwan pa._AKO.

"Hindi ako naniniwala.Bakit ang dami mong sikreto Leli?Bakit ba wala akong malaman sa nakaraan mo maging sa pamilya mo?_Gil.
Gusto ko mang sabihin,hindi pupwede.Nakapangako na ako sa daddy mo na tutulungan ko sya para sa ikalulutas ng kaso at walang makaka alam ng pagkatao ko kahit na sila Mariano pa.

"Hindi ba parang wala ka na ding pinagkaiba sa BSG at kay MARIANO?
Kagaya ka din nila na kinidnap ako,pinagpasapasahan at pinaglalaruan.
Kung sa tingin mo sa ganitong paraan ako dapat kinakausap,sige pagbibigyan kita.Pag usapan natin lahat,itanong mo lahat ng gusto mong itanong._AKO.Napaiyak na lang ako habang nagsasalita.Sa totoo lang,nasasaktan na din talaga ko sa pagtrato nya sa akin.

"Hindi ako kagaya nila.Hindi ko intensyong saktan ka at paglaruan.
Gusto ko lang naman malaman kung ano ang totoo._Gil.

"Gusto mong malaman ang totoo?Para ano,Para mapahamak ka at madamay ka sa sitwasyon ko?Tama ng ako na lang ang magulo ang buhay, tama ng ako na lang ang mapahamak.Mas maganda na yung wala kang nalalaman para ligtas ka.Pakibaba na lang ako dyan sa tabi._AKO.
Inanlock naman ni Gil yung kotse nya at saka ako nagmamadaling lumabas.Hindi ako lumingon man lang para tignan sya.

Napakahirap ng sitwasyon kong wala kahit isa akong mapagsabihan.
Dumiretso ako sa simbahan para magdasal.Para humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan.

Pagkatapos ko magdasal,lumabas ako at umupo lang muna sa upuan sa labas ng simbahan.Naalala ko nung panahong nagpapanggap pa akong isang madre.Yun din yung araw na unang nagkita kami ni Gillianne.
Sa mga panahong nasa panganib ako,Si Gillianne palagi ang taga pagligtas ko.Kahit sa panaginip,sya pa din ang makailang ulit na sumasagip sa akin sa pagkahulog.At aaminin ko,habang pilit ko syang itinutulak papalayo,saka naman sya lalong napapalapit sa puso ko.Nararamdaman ko na namang unti unting pumapatak ang mga luha ko.

Isang panyo ang nakita kong nakalagay sa harap ko.Napatingala ako para tignan kung sino ang nagmagandang loob na abutan ako ng panyo.

"Im sorry sa nagawa ko.Sana mapatawad mo ako._Gillianne.
Agad akong tumayo at nagpunas ng mga luha sa mga mata ko.

"Anong ginagawa mo dito.Bakit mo ba ko sinusundan?Gusto kong mapag isa kaya umalis kana pwede?_Ako.

"Sinundan kita dahil nag aalala ako sayo.Hindi ka naman sa hotel papunta at naglalakad ka lang kaya sumunod ako._Gil.

"Umuwi kana,hayaan mo na lang ako dito.Uuwi din ako kaagad mamaya.
_AKO.

"Sasamahan na lang muna kita dito.Kapag gusto mo ng umuwi saka ako uuwi na din.Masyadong madaming tao dito baka mamaya mapaano ka pa._Gil.

"Bodyguard ako kaya kaya ko ang sarili ko.Dapat ikaw ang mag ingat,tignan mo yung kotse mo,tinatanggalan ng side mirror nung mga tambay._Ako.Agad namang napatayo si Gil at hinabol yung mga magnanakaw ng side mirror nya.Pero agad silang nagsipagtakbuhan
Napakamot na lang sya sa ulo dahil sa nawala nyang sidemirror.
Natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Pwede na ba tayong lumipat sa ibang lugar.Baka kasi pag magtagal pa tayo dito,gulong naman at laman ng sasakyan ko ang manakaw._Gil.

"Sino ba naman kasi nag sabi sayo na sundan moko?_AKO.

"Please naman Leli,Sumakay kana.Wag mo naman akong pakonsensyahin ng husto.Alam ko madami na kong kasalanan sayo kaya sana naman mapatawad mo na ko._Gil.

"Hindi naman ako mapagtanim ng galit.At saka wala ka namang kasalanan.kaya wag ka ng makonsensya._Ako.

"Kung hindi ka talaga galit sa akin,sasakay ka na sa kotse ko.Sige na naman promise hindi na kita ulit tatanungin._Gil.

"Wala na tayong ginawa maghapon kundi magpilitan.Sige sasakay na ako sa kotse mo pero ako yung magbabayad sa side mirror na bibilhin mo.
Kasi kasalanan ko naman bakit ka na nakawan eh.Dahil sa pagsunod mo sa akin dito._AKO.

"Sure.Saka wala din akong pambili talaga ng side mirror kaya buti na lang sagot mo._Gil.Inistart nya na yung kotse nya at pumunta kami sa bilihan ng mga parts ng mga sasakyan.

"Boss,magkano po ba tong side mirror nyo?_Gil.Magkasama kaming bumili ng side mirror.

"Naku sir,Mura na lang po yan.Libre kabit na din.P5 thousand po ang pares._Salesman.

"P5thousand?Wala po ba yung single lang?_AKO.Ganun pala kamahal ang side mirror,kaya pala ninanakaw.

"Naku Misis mura na po yan.Imported po yan from Germany pa kaya hindi na kayo lugi dyan.Itanong nyo po kay mister,magandang klase po yan_Salesman.

"Sige boss,kukunin na namin.Si Misis naman ang magbabayad eh._Gil.
Napataas naman ang isang kilay ko.Misis ka dyan.Ang mahal ha!

"Kita nyo Misis,bagay na bagay sa kotse nyo.Parang kayo lang ni Mister,bagay na bagay din.hehehehe._salesman.

"Bagay na bagay ba talaga kami mi Misis kuya?Walang halong pang ookray yan?_Gil.Na obvious namang nanti trip lang.

"Bagay po talaga sir!Siguro po kakakasal nyo lang.Para kasing bata nyo pa eh._Salesman.

"Bagong kasal pa nga lang kami talaga.Ang totoo nyan,papunta kami ngayon sa honeymoon tour namin._Gil.

"Ayos yan sir.Ang sarap kaya ng bagong kasal pa lang,palagi kayong sweet na sweet at saka hindi mapaghiwalay.Congratulations Sir,Ma'm!_Saleman

Tawa naman ng tawa si Gil pagpasok namin sa kotse.Pati tuloy ako nahawa na sa pagtawa nya.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon