26.GIL

1K 44 0
                                    

Operation DANA ang mission ko ngayong araw.Pero papano ko naman makakausap si Dana kung hindi manlang sya inaalisan ng tingin ni Mikay ng halos bente kwatro oras?haaaaist...Kinakailangan ko pa yata talagang gamitan ng acting skill para lang magawa ko ang dapat gawin.

"Wag kang kikilos ng masama kung ayaw mong masaktan.Mag uusap lang tayo,kaya hindi ka dapat magpanic._AKO.Inabangan ko sa cr si Leli habang kumakain sila ng lunch dito sa ABL Restaurant.

"Ano ba,bitiwan mo nga ako.Bakit kaba nananakot ha?Bodyguard ako,tingin mo hindi kita kayang palagan?_Leli.Sa mahina pero palabang tono.

"Oo na,malakas kana at magaling.Pero kailangan ko lang talagang makausap si Dana kaya pwede bang ibigay mo sa akin yung number nya?_Ako.Papano ko naman sasabihin sa kanya na para din sa kaibigan nya itong gagawin ko.

"Hindi nga sinabi pwede bakit ba ang kulit mo ha?Kung type mo si Miss Dana,Ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan.At saka isa pa,Amo ko yung aagawan mo ng nililigawan ah,tingin mo hahayaan ko mangyari yang sinasabi mo?_Leli.

"Look here,Hindi ito tungkol sa panliligaw at pakikipag kumpetensya kung kanino okey?I must admit,maganda talaga si Dana kaya wala akong nakikitang dahilan para hindi sya magustuhan,pero hindi yun sa ngayon ang priority ko.Basta ibigay mo na lang sa akin yung number nya pwede?
_Ako.

"Hindi pupwede!Ang kulit mo.Sa susunod na lumapit kapa sa akin,mapipilitan na akong palagan ka.Nangha harrass kana eh.Sumusobra kana._Leli.

"Ahh,so usapang harrasment na toh?Sige isumbong moko.Alam mo nakakapikon kana eh.Masyado kang nagmamalinis.Akala mo hindi ko alam na ikaw din yung madre at yung swindler dun sa hotel nila Mariano?At ikaw din yung babaeng lumimas ng mga gamit ni Grant nuon sa kotse nya,Kaya sa ating dalawa,ikaw ang dapat na mag ingat sa akin!_AKO.
Nakita ko naman ang pamumutla sa mukha nya.Sinamantala ko naman ang pagkakataon.Wala akong choice kundi sabihin lahat ng nalalaman ko.

"Papano mong nalaman?Sinusundan mo ang mga galaw ko?Sino kaba ha?
_Leli.

"Well,sabihin na nating madami lang talaga akong alam.Pero dont worry, mananahimik lang ako about you basta ibigay mo lang sa akin ang kailangan ko.Actually,wala naman akong paki sa background mo... Kay Dana ako interesado._AKO.Mas okey na yung kunwari hindi ako interesado sa kanya at wala akong paki alam kunwari.

"Kapag ibinigay ko ba sayo,tatantanan mo na ang pangungulit sa akin?_Leli

"But ofcourse SISTER LELI! I mean bodyguard STAR..._Ako.Sabay kindat sa kanya.Inabot nya naman sa akin ang calling card ni Dana at saka nagmamadaling bumalik na sa mesa nila.

"Hello DANA?_AKO.Sinulyapan ko lang sila dun sa mesa at saka ako lumabas na ng restaurant.

"Yes,speaking.Sino toh?_Dana.Sa kabilang line.Confirm na sya nga ito.

"Its me,GILLIANNE LORENZO.Wag kang magpahalata kay Mariano na ako ang kausap mo.I need to talk to you in private.Magkita tayo._AKO.

"Ohh Tita Mariel!Napatawag ka?Really,kakarating mo lang from L.A?
Gusto mong mag dinner tayo together?Sige po Tita,magkita na lang tayo sa Dasma.Opo,bye._Dana.

Sa Dasma kami magkikita.Ang laki ng Dasma.Papano kami magkikita dun?
Then she texted me the address.Napangiti ako.Hindi naman pala mahirap kausap si Dana,i think she likes me.

Malayo pa lang ay natanaw ko na si Dana kasama si Moana as her bodyguard.Both of them are gorgeous,kaya lang mas lamang si Dana dahil sa galing nya sa paglalakad at pagdadala ng damit.Madami tuloy napapalingon sa kanya habang naglalakad sya papunta sa mesa na pina reserve ko.Agad naman akong tumayo at inassisist sila parehas na umupo.

Actually,itinext na nya sa akin ang mga dapat at di ko dapat gawin.Bukod kay Moana,may mga iba pa silang bodyguard na kasama.Padala ni Mikay.
Hindi nga lang sila allowed makapasok sa loob ng resto unless nagpareserved din sila ng seats.Kaya si Moana lang ang kasama ni Dana sa loob.

"Lets talk straight to the point.Ayoko ng paligoy ligoy.Alam mo ang sitwasyon ko.Madaming mata sa paligid ko.Anong kailangan mo sa akin?_Dana.

"Well,gusto sana kitang makausap ng solo kung maaari?_AKO.sabay sulyap kay Moana.Hindi ko gustong marinig pa ni Moana ang sasabihin ko. Mas maganda ng hindi nila alam tatlo na gumagawa kami ng paraan para maialis sila sa sindikato ni Mariano.

"Moana,iwan mo muna kami sandali.Wag kang mag alala,hindi ako maano.Umupo ka lang sa table 3 at tignan ang paligid baka may makakita sa aming tauhan ni Mikay._Dana.Tumango lang si Moana at saka umupo sa table three.

"I have a favor to ask.May isa pang kaibigan sila Moana at Star na kailangan ng trabaho.I cant tell you the details pero mas maige na nasa poder mo na lang din sya para mas safe sya._AKO.

"At sa palagay mo susundin ko yang pabor na hinihingi mo?Bakit,kilala ba kita para pagbigyan ko?Na kay Mikay lang ang loyalty ko,at hinding hindi ako kahit kelan magtitiwala sayo._Dana.

"Alam ko.At ayoko din naman sana humingi ng pabor sayo.Kaya lang,isang kaibigan ang nangangailangan ng tulong kaya hindi ko mahindian.At isa pa,para na din sa kaligtasan mo tong sinasabi ko.Huling beses ko na tong gagawin.Dont worry,hindi kita type kaya wag kang umasta na aagawin kita kay Mikay._AKO.

Agad tumayo si Dana at kinuha ang bag nya.Pero bago sya umalis,tinanong nya muna ang pangalan ni Sunny.Nakita ko syang sinundan na palabas ni Moana.Kumain na muna ako bago ako lumabas ng restaurant.Mas okey na din na matagalan ako dito,im sure may mga tauhan pa si Mikay sa labas na nagbabantay.

"Sa palagay mo,Dana will help us?Papano kung magsumbong sya kay Mikay about Sunny?Baka kung anong gawin nila sa kanya,baka mas lalo syang pag initan ng mga tauhan ni Mariano?_Gold

"Hey,relax!Ano kaba.Hindi naman siguro yun gagawin ni Dana.Mag hintay lang muna tayo.Hindi natin kelangan magpadalos dalos.Mahirap naman na basta basta nalang tayo gumawa ng aksyon gayung wala tayong sapat na ebidensya._Grant.

"Ilang araw ko ng hindi makontak si Sunny.Baka kung napaano na sya.
Baka nalaman na nila na alam na nating myembro ng sindikato sila Sunny kaya sinaktan na nila!_Gold.

"Alam mo Gold,Ang paranoid mo.Hindi nila sasaktan si Sunny okey.Pleaasse Calm down...Mag antay lang tayo,then after that saka natin planuhin kung papano natin mahuhuli ang mga tauhan nila.Hindi yun ganun kadali lang gawin._Grant.

"Dont worry guys,May mga kilala din akong myembro ng BSG.Para ano pa at naging laman ako ng kalsada at tambayan.Hindi natin sila tatantanan hangga't hindi natin sila napapahuli._AKO.

"Pero malaki ang sakop ng BSG.Kahit mapahuli mo ang ilan sa kanila,mananatiling malaya pa din ang Pinuno nila.Mahihirapan tayong mapabagsak sila ng ganun ganun lang._Gold.

"Dont worry,Ako ng bahala dun.Walang hindi kayang gawin ang salapi.
Sa tingin nyo ba maglalagi ako sa mga pasugalan at mga tambayan ng wala akong mapapala?I have my source.At yung mga perang napapanalunan ko sa pagsusugal,yun din ang gagamitin kong pangsuhol sa mga bata ni Mariano.Sa palagay nyo,ANONG DAHILAN kung bakit sila nananatiling nakadikit kay Mariano,hindi ba dahil sa pera?Bibilhin ko sila gamit ang perang galing din masama,At saka ko unti unting ipaparamdam kay Mariano na walang tao na tapat sa kanya maliban sa perang ibinabayad nya..._AKO

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon