I got the chance to talk to General Lorenzo,This time mas mahaba ang pag uusap namin.Madami akong tanong at gustong malaman kaya naman pinilit kong mangyari ang meeting na ito kahit naghihigpit na ang kampo ni Mariano.
"Dont worry about your mom,naka plano na ang lahat.Kahit na mapasakamay sya ni Mariano,malalaman ko ang bawat galaw nya.
Basta ang kailangan mo lang gawin,ay manatiling bukas ang mga mata at tenga sa lahat ng ginagwa nila._General Lorenzo."Sir,Papano na po si Sunny?Totoo po ba na malaya na sya talaga at totoo po bang limang milyong piso ang ibinayad ng dad ni Gold para sa kalayaan nya?_AKO.
"Well para sa kalayaan nya siguro,hindi sapat ang limang milyon lang.
Sa pagkaka alam ko,naka monitor pa din sya sa mga tauhan ni Mariano.
Hinding hindi sya basta pakakawalan ni Mariano lalo pat may silbi pa sya dito.Maaaring malaya lang pansamantala si Sunny,pero hindi ganap na malaya dahil hindi pa nakukuha ni Miggs ang totoong pakay nya._Sir Grae"Pero Sir bakit naman kinailngan pang gumastos ng ganong kalaking halaga ng pamilya ni Gold kung alam din naman nilang hindi din totoong malaya talaga si Sunny?_Ako.
"Ang hiling kasi ni Gold kapalit nung sayaw na pinerform nila nuon ay ang makasama na ni Sunny ang pamilya nya.Kaya naman para makasama lang ni Sunny ang pamilya nya,limang milyon ang gustong ibayad ni Miggs para sa pagsasama nilang pamilya._Sir Grae.
"Sir,Bakit po ba ganun na lang kami gustong gustong alipinin ni Miggs?Ano po ba talagang naging kasalanan ng pamilya namin at kami ang kapalit ng lahat ng ito?_AKO.
"Malaki ang pakinabang sa inyong tatlo ni Miggs,kaya hindi nya kayo ipapahamak.Tungkol naman sa sinasabi mong kasalanan ng pamilya nyo, hindi totoong may pagkakautang sila kay Mariano at kayo ang pambayad.
Nagkataon lang na kayong tatlo ang napili at itinadhana para maging susi sa katotohanan._Sir Grae."Ano pong katotohanan Sir?_AKO.
"Hindi ko din masasagot yan sa ngayon,kahit ako o si Mariano pa hindi din alam kung ano at papanong kayo ang napiling maging sagot sa lahat ng ito._Sir Grae.
After ng pag uusap namin agad na akong nagpaalam para bumalik na kaagad sa opisina ni Boss Mikay.Inutusan lang nya akong bumili ng gift para kay Dana na pabalik na ngayon mula sa Amerika."Sunny,Andito kana ulit?_AKO.
"OO naman,bakit ayaw mo ba?hahahha.Need ko pa din mag work para sa pamilya sympre.Ang importante kasama ko na sila._Sunny.Nakikita ko sa mga mata ni Sunny ang kakaibang kasiyahan.Kung alam nya lang na dahil sa pagmamahal ni Gold sa kanya kaya nangyari ang lahat ng iyun.
"Alam mo bang sa Paula's nagwowork ang kapatid ko na si Manny?At sa G.Lorenzo University din sya nag aaral. Hindi ba sa pamilya yun ni Gillianne?_Sunny.
"Wow ha,working student pala yung kapatid mo.Ang galing naman.
Yung mga kapatid ko kaya nag aaral din?Sana naman,para hindi sila matulad sa akin_Moana."Hey,Ang aga agang sentimode naman nyan!Bawal sa opisina ko ang ganyan kaya ang mabuti pa mag almusal tayo sa baba._Mikay.Halatang goodmood dahil pauwi na si Dana.
"Okey po Boss.Game kami ni Moana dyan basta pagkain._Sunny.
"Hahaha.Kailangan fit pa din kayo kahit panay ang pagkain ha.Wag na wag nyo pa ding kalilimutan mag gym at mag ensayo para hindi kayo manaba.Ayoko ng matabang bodyguards._Mikay.
"Yes Boss,wag kayong mag alala.Palagi kaming nag eensayo.Sayang naman ang pagiging black belter namin kung hindi magagamit._Moana.
"Star,Ikaw nga pala ang naka assign kay Dana from now on.Ikaw din ang susundo sa kanya mamaya sa Airport kaya maghanda ka.Sabihan mo na din sila Caloy._Mikay.
"Okey po Boss._AKO.Sila Caloy ang second back up.Apat silang malalaki ang pangangatawan sa kasunod na kotseng palaging nakabantay sa lahat ng magiging lakad namin.
Matapos naming samahan si Mikay sa pag aalmusal,Agad akong bumalik sa hotel para para maligo at maghanda sa pagsundo ko kay Dana sa Airport.
Pansinin si Dana habang naglalakad,para kasi syang artista sa pormahan nya at pagdadala ng damit.Kaya sino naman ang maniniwala na may espesyal syang pagtingin kay Mikay.
"Welcomeback po Ma'm Dana._AKO.Kinukuha ko sa kanya ang dala nyang bag pero hindi nya yun ibinigay.
"Anong Mam Dana ka dyan,Hindi moko teacher ha.Dana lang okey na yun. At lalong hindi kita alalay,kaya ako na ang magdadala nitong bag ko._Dana
"Kasi naman Miss Dana,Kaibigan kayo ng Boss ko kaya dapat lang na Ma'm ang itawag ko sa inyo._AKO.
"Sya lang ang boss mo,Ako hindi noh!Magkasing edad lang kaya tayo.
Basta Dana lang ang itatawag mo sa akin,okey?_Dana.Tumango nalang ako"May mga pasalubong nga pala ako sa inyong tatlong magkakaibigan.
Dahil pare parehas tayong magkakasing ganda,sabay sabay nating isuot yung pasalubong ko sa inyo na shirt sa Opening nung RestoBar na bubuksan sa Timog._Dana."Salamat po Ma-I mean Dana pala.Mas maganda ka po sa akin,nakakahiya naman na ikumpara ako sa inyo._AKO.
"Hahahaha.Anong mas maganda ako?Ikaw ang pinaka magandang bodyguard na nakilala ko.Hindi ka aware sa kagandahan mo?Kung naging lalaki lang ako,malamang niligawan na kita eh._Dana.
"Miss Dana naman,nakakahiya po._AKO.
"Ano bang nakakahiya?hahahha.Oh my goosh,your blushing!
Teka,wag muna tayong dumiretso sa hotel.Mamasyal muna tayo. Kapag kasi nagkita na kami ni Mikay,siguradong hindi na ko aalisin sa paningin nun.hahahha._Dana."Saan po ba ninyo gustong pumunta?Itatawag ko na muna po kay Boss para hindi sya mag alala._AKO.
"Wag na,akong bahala dun.Yung mga bodyguards na kasunod natin,kaya mo ba silang iligaw?Para kasing trip ko lang muna maglakwatsa.
May alam ka bang malapit na beach dito sa Manila?_Dana."Naku Dana,Malalagot ako kay Boss nyan!Siguradong patay ako sa kanya kapag ginawa ko yun._AKO.
"Sige na,ako na naman ang bahala eh.Sa Cavite tayo.Bilisan mo lang ang pagliko dyan,wag kang magpapahalata na iba ang pupuntahan natin.
_Dana.Agad ko namang iniliko sa kabilang lane yung sasakyan.Hindi kaagad nakahabol yung kasunod naming kotse dahil sa traffic light."Verygood Star!Kaya ang gaan gaan ng loob ko sayo eh,feeling ko close na tayo kahit nung una pa lang.Hindi na ko magtataka kung..._Dana.
"Kung ano po?_AKO.
"Wala.Ibig kong sabihin,hindi na ko magtataka kung madami ang nagkakagusto sayo.Maganda kana,madiskarte kapa.Perfect ka sa taong kilala ko.hahahha._Dana.
Napakunot naman ang nuo ko.Sino naman kaya yung taong kilala nya na bagay sa akin?"Hello Mom?Yes,pa CAVITE na kami ngayon.Opo.Don't worry ako na ang bahala dun.Talaga,papunta din sila dun?hahahha.Okey Mom.seeyah!
Iloveyou po._Dana.Sa fone.Sino kaya yung Mommy na tinutukoy nya.Sa pagkaka alam ko kasi,wala syang kamag anak dito sa Pilipinas.Ang sabi ni Mikay,nasa L.A ang buong pamilya nya at tanging si Mikay lang ang kakilala nya dito sa Pilipinas."Star,Alam ko naman na mapagkakatiwalaan kita hindi ba?Sana lang lahat ng madinig at makita mo,sa ating dalawa na lang yun at hindi na makarating pa kay Mikay pwede ba?_Dana
"Dont worry Dana,Makaka asa ka na mananatili akong tikom ang bibig sa lahat.Wag lang sanang dumating sa punto na ikapapahamak mo na._AKO
"Salamat Star.Salamat at naiintindihan mo ako.May mga bagay talaga na sadyang kailangan din natin minsang gawin at isakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.At alam kong balang araw magiging maayos din ang lahat._Dana.
Kahit hindi ko naiintindihan sa ngayon ang mga sinasabi nya.Alam kong parehas lang kami na may kanya kanyang mga dahilan.Sa ngayon, hahayaan ko na lang muna kung saan kami dalhin ng kapalaran.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...