82.STAR

886 38 6
                                    

    Mas magaan kung tutuusin ang pagta trabaho ko kay Gil bilang bodyguard ngayon kumpara nuon kay Mikay.Hindi kasi pala utos si Gillianne at saka maghapon lang sya sa opisina nya kaya nasa labas lang kami ng room nya at dun lang kami nakabantay.Sila Abby at Laiza ang naka assign sa paghatid sundo kay Gil habang ako naman ang naka assign na sasama sa kanya kapag nasa labas sya ng opisina.Mabuti na lang at wala syang masyadong appointment sa labas kaya hindi pa kami nagkakasama na dalawa lang.

"Miss Cervantez,pinapatawag ka ni Gil.I mean ni Boss Gil pala._Helga.
Sya yung secretary ni Gil na palaging kausap at madalas nyang kasama dun sa loob ng opisina nya.Nerd sya tignan dahil sa makapal na eyeglasses nya pero kapag nag ayos,siguradong maganda sya.

"Ahh,okey Miss sige susunod na ko._AKO.Agad naman akong sumunod sa kanya papasok sa opisina ni Gil.Bukod kasi sa meeting room,may sarili pang kwarto si Gil kung saan sya nagta trabaho.Mga staff nya lang yung nakapwesto pagpasok mo loob.

Mas malaki ang loob ng opisina ni Gil kumpara dun sa labas.Hindi mo aakalaing opisina yun dahil mas para syang isang unit ng isang condo.
Pagpasok mo pa lang kasi sa may recieving area,May nakasabit na malaking tv sa wall at saka malambot na sofa.Lumakad ako ng kaunti papunta dun sa isang glass door at saka sya automatic na bumukas.
Parehong napalingon sila Gil at si Helga sa akin pagpasok ko.

"Come here Miss Cervantez,Ipapakita ko lang sayo itong working place ni Gil.Dito kasi madalas mag stay lang si Boss kaya dapat bago sya pumasok sa loob make sure na i  check mo na muna itong loob ng opis nya._Helga.

"Yes Miss.Gagawin ko po yun.Wag po kayong mag alala._AKO.Napasulyap  ako kay Gil na ni hindi man lang ako sinulyapan at nakafocus lang dun sa ginagawa nya.

"At saka Miss Cervantez,Yung balcony nga pala palagi mo din i check kung nakasara.Wag mong hahayaang mag stay dun si Gil ng matagal dahil delikado._Helga.

"Hey!Bakit naman pati pag stay ko sa veranda kailangan pang may oras ha?Just because may nakita lang kayong laser na tumapat duon iniisip nyo ng may babaril sa akin duon?Helga,wag ka ngang paranoid dyan._Gil.Saka ako napatingin sa balkonahe na sinabi ni Helga.Kung ganun,meron ngang nagtatangka sa buhay ni Gillianne?

"Mas mabuti na yung sigurado Gil.Hindi tayo nakakasiguro kung para sayo nga ba yung lazer na yun o yung sinasabi mong laruan lang yun.Hindi ako paranoid,Naninigurado lang!_Helga.Sinenyasan nya ako na sumunod sa kanya sa may balcony at saka ako nagsimulang mag check dun sa labas.

"Ibig nyong sabihin,totoong may nagtatangka sa buhay ni Gill...i mean ni Boss Gil?_AKO.Hindi naman kasi ganun ang life style nuon ni Gil bago ako umalis ng Maynila.

"Since naging CEO na ng kumpanya si Gillianne,Nagkaroon na ng takot ang mommy at ang lola nya para sa buhay nya.So far,wala pa namang insidente na nangyayari na dapat ikabahala pero sympre para sa pamilya nila mas mabuti na yung maging handa sa anumang pwedeng mangyari._Helga.
Nakahinga ako ng maluwag.Hindi naman pala ganun kalala ang sitwasyon.

"Ganun ba,Mabuti naman at maayos lang ang lahat.Wag kang mag alala, hinding hindi naman kami magpapabaya sa tungkulin namin ng mga kasama ko._AKO.Napansin ko na close talaga si Helga at Gil.Bukod kasi sa Gil lang na tawag nya sa boss namin,Palagi din silang nagkukulitan kapag oras ng pagkain at pag uwian na.

"Gillianne,Lunch break na.Di mo ba kami pakakainin nitong bodyguard mo ha?Nagugutom na kami.Tignan mo si Miss Cervantez,humuhulas na yung beauty dahil sa gutom.hahaha_Helga.Katatapos ko lang kasing i check yung loob ng opisina nya at tignan yung mga posible na pwedeng pagpasukan at pag gamitan ng mga pwdeng magpahamak sa kanya.

"Okey,Nagugutom na din naman ako talaga kaya tara na sa canteen at ng makalafang na._Gil.Napapansin ko na masaya sya kapag si Helga ang kausap at kaharap nya.Inakbayan pa nya si Helga papalabas ng opisina at saka sabay sabay kaming sumakay sa elevator pababa.

"Syanga pala Gil,Tumawag si Dana kanina.Itanong ko daw sayo kung nakausap mo na si Mikay.Yung pinapakuha nya daw sayo,kailangan nya na ASAP._Helga.Nabalitaan ko kila Sunny na sila Dana at Mikay na pala.
Ilang years nag stay ng Korea si Mikay after nung mamatay ang lolo nya pero may comunication pa din sila ni Dana.Ang balita ko din,gwapo na si Mikay ngayon dahil nagpa plastic surgery sya sa Korea.

"Buti pinaalala mo.Mamaya after work pupunta ako sa Bar nila.
Isabay mo na pauwi sila Abby at Laiza para hindi na sila mag commute papunta sa condo._Gil.Libre kasi kami sa tirahan kahit hindi naman dapat. Kaya ininssist namin na kami na ang bahala mamasahe at wag na kaming ihatid sundo.Kami dapat kasi ang nanunundo at nag hahatid sa boss at hindi kami ang hatid sundo ng sasakyan ng kumpanya nila.

"Okey,Walang problema.Dun din naman ang way ko.Miss Cervantez,ikaw na bahala dito sa Boss natin ha,wag mong hayaang malasing yan naku sigurado may makaka away na naman yan._Helga.Nagulat ako sa sinabi nya na ako ang kasama ni Gil sa Bar.haaaist.Bakit naman ako pa.

"Sige Miss Helga,Ako na po ang bahala.Pero kailangan ko din po kasing magreport bukas ng maaga sa headquarters namin kaya hindi ako pwedeng magpuyat._AKO.Bawal kasi na makikita ang mga kagaya namin sa mga bar at lalo na ang uminum.

"Dont worry Miss,Pwede mo na naman akong iwan duon pagkahatid mo sa akin.Ako na ang bahala sa sarili ko._Gil.Saka pumila dun sa counter at namili ng pagkain nya.

"Naku hindi sya pwedeng mag isa lang dun.Kailangan may kasama sya.
Miss Cervantez,hindi mo sya dun pwedeng iwan ha.Basta kahit saan sya magpunta,dapat alisto ka.Kapag pina alis ka,wag mong pansinin._Helga.

"Sige Miss,Ako na ang bahala sa kanya.Wag kang mag alala._AKO.
Sa totoo lang,hindi naman ako sa pag inum at pagbabar umiiwas kundi sa pagsama ko kay Gil.Hindi ko na naman kasi mapigilan ang sarili ko kapag napapalapit ako sa kanya,any moment bibigay na talaga ako sa kanya.

"Ang swerte mo neng,Makakasama mo si Boss Gillianne ng matagal.
Sana ako na lang ang isinama.Sa totoo lang ha,ang lakas ng dating nya kahit hindi sya totoong lalaki.Kapag kasabay ko sya pagpasok,halos lahat yata ng mga babaeng single  dito sa building may crush sa kanya.Ang bait nya din kasi noh?_Abby.Bumulong sa akin habang nakapila kami sa counter para bumili ng pagkain namin.

"Sinabi mo pa!Saka saan ka ba nakakita ng CEO na sa canteen kumakain kasama ng mga empleyado nya?Lahat kinakausap.Hindi nagsusunget.
At saka tignan mo,ang daming lumalapit sa kanya.Hindi sya nakaka ilang lapitan dahil magaling sya makisama sa lahat._Laiza.Napalingon ako at nangiti sa nakita ko.Taong tao nga si Gillianne.Hindi mo iisiping sya ang BOSS at taga tagapagmana ng building na ito.Kung may magtatangka mang manakit sa kanya,siguradong madami ang magtatanggol sa kanya.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon