78.Leli.

895 42 4
                                    

              Tuwang tuwa ako sa nag gagandahang bulaklak sa paligid ng farm nila Gil.Bukod sa iba iba ang kulay,ibat iba pa ang klase at hugis ng mga ito.Hindi ko namalayang nagtatatakbo na pala ko mag isa sa gitna ng bulaklakan habang naka paa.Tawa naman ng tawa sila Moana at Sunny sa akin,para daw akong batang nakawala sa hawla.

"Alam nyo bang espesyal sa mommy at daddy ni Gil ang flower farm na ito?Kasi dahil sa isang bulaklak,naging magkasintahan ang nanay at tatay nya._Gold.

"Parang kayo lang ni Sunny,Dahil sa kape kaya kayo nagkakilala._Gil

"Ikaw naman kaya Gil,Dahil saan at kelan  mo naman kaya makikila si future mo ha?_Sunny.

"Naku,Baka naman nakilala na kaya lang ayaw pang aminin._Grant.
Napatingin ako kay Grant,saka sya kumindat sa akin.

"Sayang naman yung chance,Kung nakita na pala bakit di pa sunggaban.
Mahirap magsisi sa huli.Life is short ika nga,Baka kung kelan gusto mo na sya,may nauna na pala at saka mo lang panghihinayangan kapag naagaw na ng iba._Moana.Saka sya tumingin sa akin.

"Mahal,Grabe yang hugot mo ah.Parang ramdam na ramdam mo.hhehehe
Mabuti na lang at sinunggaban mo kaagad ako noh,kung hindi baka iyak ka lang ng iyak ngayon sa panghihinayang sa akin._Grant.

"Oo naman Mahal.Totoo naman yun.Baka nga ikamatay ko pa kapag hindi pa kita sinunggaban.Ayan,masaya kana nyan?_Moana.

"Hahaha.Alam nyo,ang cheesy nyong dalawa!Pero mas sweet kami ng babe ko,diba babe?_Gold.Na yumakap naman kay Sunny.

After naming magluto at makapag dinner,sabay sabay kaming naglakad lakad sa night market.Madaming tao na namimili dun sa mga murang ukay ukay at mga pagkain.Hindi naman kami nakipagsiksikan duon dahil wala naman kaming bibilhin.Isa pa,mayayaman ang mga kasama namin kaya hindi sila sanay sa madaming tao.Naglakad lakad na lang kami sa Burnharm Park habang kumakain sila ng Good sheperd Ube Jam.

Nang mapagod sila,kanya kanya kaming upo sa damuhan duon sa park.
At dahil wala naman akong kapartner,Solo lang akong nakaupo sa tabi nila.Nasa kabilang dulo naman si Gil na nakahiga na naman sa damuhan habang nakatingala sa mga bituin.Naalala ko tuloy yung moment namin sa burol nila.Yung first kiss ko.

"Guys,wait nyo lang kami ha.Bibili lang kami ni Grant ng makakain natin.
_Moana.Agad silang tumayo at magkahawak kamay na naglakad.

"Magsi CR lang ako guys,Sama ko si Gold.Babalik kami agad._Sunny.
Naiwan kaming dalawa ni Gillianne na pareho lang nakatingala sa mga bituin.

"Naalala mo pa ba yung time na nasa burol tayo na nakahiga din tayo ng ganito sa damuhan?_Gillianne.Hindi ko inaasahan na kakausapin nya ako

"Oo naman.Yun na nga yata yung last time na nagkausap tayo ng matagal tagal._AKO.Di ko masabi na yun din ang first time ko mahalikan kaya pano ko malilimutan.

"Bakit moko basta na lang iniwasan?_Gillianne.

"Hindi naman kita iniwasan.Nagkataon lang na talagang balak na naming lumipat ni Mommy ng lugar._AKO.

"Lumipat nga ba o lumayo?Dahil ba sa sinabi sayo ng Momshie na
"Kapag kasama mo ang apo ko palagi na lang syang napapahamak?_Gil

"Hindi.Hindi dahil duon.At hindi totoong sinabi yun sa aking ng Momshie mo._AKO.

"THEN WHAT?Bakit after ng nangyari,saka ka umalis?Alam mo ba kung ganu yun kasakit sa akin?Matapos kitang..._Gil.
Hindi na nya tinuloy dahil dumating na sila Sunny at Gold.

"Guys,tumawag si Grant.Dun na lang daw tayo kumain sa Mcdo.Mahaba daw kasi ang pila at baka matagalan tayo sa pag aantay._Sunny.

Agad naman akong tumayo at palihim na nagpunas ng luha.Medyo madilim kasi sa side ko kaya hindi nila napansin na umiiyak ako habang magkausap kami kanina ni Gillianne.

Nasa loob na kami ng Mcdo at naghahanap na sila Gold ng mauupuan namin.Gaya ng dati,masikip na naman ang pwesto dahil bukod sa madaming tao,maliit ang space ng store nila.Nakaramdam ako ng lamig dahil sa aircon.Naramdaman ko naman na ipinatong ni Gil ang jacket nya sa balikat ko.Hindi na ko umarte pa,isinuot ko yun ng husto sa akin.
Napangiti naman sya habang isinusuot ko yung jacket nya.

"Grabeh ang lamig naman!Iba din talaga sa Baguio eh.Lakas maka ibang bansa ng peg.Sa palagay mo Gil,makakapag jogging ka kaya bukas nyan?_Gold.

"Sympre naman.Hindi buo ang araw ko kapag walang takbo._Gil.

"Naks naman,parang syota lang ah!hahaha.Ubusin nating lahat yang inorder namin ha.Ang haba kasi ng pila kaya dinamihan na namin para sulit.Nanigas kaya yung mga  binti ko._Grant.

"Buti nga binti mo lang nanigas eh!Kami dun sa park pati dila nanigas.Ang lamig kaya._Gold.

"Tado!Bakit maninigas pati dila mo aber?Baka naman may iba kayong ginawa sa park ni Sunny kaya yan nanigas ha?_Grant.

"Baliw talaga kayong magpinsan!Puro kabastusan yang alam nyo!Kumain na lang kayo,baka gusto nyong manigas din tong kamao ko para ma compare nyo kung ano mas matigas?_Sunny.

"Babe naman!Nagbibiro lang naman kami ni Grant.haaaisst!Hirap naman ng may asawa kang gangster,palagi kang under!_Gold.Natawa naman kaming lahat sa patawa ni Gold.Pati tuloy mga katabi namin sa fast food napapatingin din sa amin dahil sa ingay at gulo namin.

"Guys,sa susunod sa themepark naman tayo pumunta.Tamang trip lang.
Samantalahin natin habang malalakas pa tayo at bata.Kapag nasa 30's na tayo,puro negosyo na ang nag aantay sa atin nyan.Nakikinita kinita ko na, Mukha na tayong mga oldies dahil sa mga problema sa kumpanya._Grant.

"Hahahah.Grabe ka naman sa oldies!Nasa kumpanya na ako pero hindi naman ako mukhang oldies ah!Nasa nagdadala lang yan._Gil.Napasulyap naman ako sa kanya.Totoo naman,kasi parang mas bumata pa nga si Gillianne ngayon kaysa dati eh.

"Sabagay,totoo naman.Saka hindi naman tayo magpapakasubsob sa pagta trabaho sa kumpanya.Basta ako sa asawa ko lang ako palagi magpapakasubsob!_Gold.Saka sya binatukan na naman ni Sunny.

"Hahahha.Ibang pagkasubsub naman yun Gold.Umayos ka nga.May mga dalaga pa tayong kasama dito bakit ba ang halay mo?_Grant.

"Nagmamalinis.Palibhasa hindi kapa nakakasubsub!hahahha.Peace Moana!_Gold.Bahagya namang namula si Moana sa biro ni Gold.

"Ayan tuloy nagblush si  Moana oh!hahahha._ Gil.Saka sya biglang huminto ng mapansin nyang namumula din ako.

"Hahahha.Pati si Star namula din.Ibig sabihin,parehas pa kayong hindi pa nasusubsuban?ayyyy sorry Star!_Gold.Na agad namang kinurot ni Sunny kaya napa aray ng malakas si Gold.

"Sa apartment na nga lang tayo magkwentuhan.Nakakahiya tong si Gold puro kahalayan ang alam eh!Tara na guys,medyo late na din._Sunny.
Saka naman kami nagsitayuan na din at nagsilabasan na sa fastfood.

"Guys,sulitin natin ang bakasyon ha.Walang KJ mamaya sa inuman.Baka mamaya may matutulog na naman kaagad dyan.Papatayin sa kiliti para di makatulog ha._Grant.

"Hahahahha.Parang kilala ko na kung sino yun._Moana.

"Hindi matutulog yan si Gillianne,Minsan na nga lang natin sya makabonding eh tutulugan paba tayo._Sunny.

"Pero seriously,namiss ko yung moments natin ganito lang tayo.
Ang saya talaga kapag kumpleto.Tapos walang pressure,normal lang tapos walang ibang tao na palaging nakabantay sayo._Gil

"Iba kasi talaga kapag simple lang.Iba sa nakasanayan nyong karangyaan.
Sa loob nga ng ilang taon na mag asawa kami ni Gold,saka ko lang nakikita yung mga small things na nakakapagpasaya sa asawa ko.Yung mga bagay na karaniwan lang sa aming mahihirap,tuwang tuwa na si Gold duon.
Kapag binibilhan ko sya ng kapeng 3 in 1,sarap na sarap pa sya dun kaysa sa starbucks.I mean,hindi lahat ng magpapasaya sayo ay kinakailangan mong gastusan ng mahal,pwede mo din maramdaman ang hapiness kahit sa mga simpleng bagay lang._Sunny.

Nagkatinginan kami ni Gil.Agad kumabog ang puso ko sa mga ngiting ipinakita nya sa akin.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon