Tumatakbo ako papakyat ng cliff.Masyadong matarik ang daan kaya naman halos magkasugat sugat na ang mga paa ko sa pagpanhik.
May mga taong humahabol sa akin,At ng nasa pinaka tuktok na ako ng cliff, saka ako nakaramdam ng kilabot...Si Miggs Mariano,naka ngisi na dahan dahang lumalapit sa akin."Hhahaha.Sa palagay mo basta basta na lang kitang pakakawalan?Limang taon kitang pinakain sa palad ko,dinamitan at tinuruan pano mabuhay,tapos ngayon gusto mo kong takasan?_Miggs Mariano.
Unti unti akong napa atras habang papalapit sya ng papalapit sa akin.Napalingon ako sa likuran ko.Napakataas ng bangin,siguradong kapag tumalon ako,hindi na ako mabubuhay.
"Wag kang lalapit!Tatalon ako!Hinding hindi na ko makakapayag sa gusto mo Mariano!Pagod na pagod na ako.Ayoko ng maging alipin ng kasamaan mong hayup ka!_Ako.
"Hahahaha.Napapagod kana?Hindi ka pwedeng mapagod.Hanggang sa kahulihulihan ng lahi mo,Magbabayad kayo sa pagtataksil nyo sa pamilya ko!Mas pinili nyong maglingkod sa mga IGNACIO kahit buhay nyo ang maging kapalit,pwes buhay nyo din ang kabayaran para duon!_Mariano
Bago pa ako mahawakan ni Mariano,pikit mata akong tumalon sa bangin.
Nakaramdam ako ng takot habang unti unti akong bumabagsak.
Hanggang sa maramdaman kong may sumalo sa akin mula sa itaas.
Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata...Yung mukha na hinding hindi ko makakalimutan.Napahagulgol ako na napayakap sa kanya..."Leli!Gising Leli,nananaginip ka!hoooy gisssing!_Sunny.Na tinapik tapik ako kaya bigla akong napadilat.
"Ohhhh!Akala ko totoo na.Akala ko patay na ko talaga!_AKO.
"Bakit,ano ba yang napanaginipan mo?Ang lakas ng ungol mo eh._Moana.
"Sigurado si Mariano na naman yang napanaginipan mo.Basta si Mariano, binabangungot ka._Sunny.
"Alam mo,napapadalas na yang mga panaginip mo Leli.Bukas na bukas din bibilhan kita mg dream catcher dun sa Minesview park._Moana.
"Ano,Dream catcher ba kamo?Ikaw talaga moana,puro kalokohan yang nasa isip mo.Pambatang suggestion.Ano naman ang mapapala mo sa paglalagay ng dream catcher,hindi yun totoo!_Sunny
"Wala namang masama kung maniniwala ka ah!Saka hindi pambata yung suggestion ko na yun,totoo kaya yun.Kapag nagsabit ka nun sa bintana mo puro magagandang panaginip lang ang papasok dyan sa dream mo._Moana
"Hay naku bahala na nga kayo.Sige mauna na ako sa inyong dalawa.May ibang raket ako ngayon eh,goodluck na lang sa pag ba bodyguard nyo dun sa anak ni Mariano._Sunny.
Agad naman akong tumayo at uminum ng tubig.Parang totoong totoo yung panaginip ko.At bakit ba nadadalas ang pagkikita namin ng tao na yun kahit hanggang sa panaginip ko.
"Leli,maligo kana.Baka malate tayo sa lakad nina Mikay at Dana._Moana. Napansin kong nakaligo at nakabihis na pala sya kaya agad akong pumasok sa banyo at naligo.
"Moana,natatandaan mo ba yung magkaibigan na madalas nating na i encounter?Yung sa racing arena?__AKO.
"Yung kulay green ang buhok at saka yung gwapong lesbian?Oo natatandaan ko sila,bakit may problema ba?_Moana.
"Nakita ko na din kasi sya dun sa Antipolo church nuon,Ang alam nya totoong madre ako.Iniisip ko lang,hindi kaya sinusundan nila tayo?
Bakit hanggang dito sa Baguio nakaka bangga pa din natin sila?_Ako"Sa palagay mo kaya?Pero ang sabi mo kilala ka nya as madre hindi ba, kaya hindi sya maghihinala na myembro ka din ng sindikato.Baka kapag ako,makilala nung berde ang buhok pag nagkita kami._Moana.
"Magpagupit ka kaya?Magpalit ka ng image mo.Im sure kapag nag bago na yang itsura mo,hindi kana nun makikilala._AKO.
"OO nga noh?Saka para na din hindi ako aandap andap na magkasalubong kami anytime nung babae na yun.Halika na,magpapagupit na muna ako bago tayo pumunta sa opisina nila Mikay._Moana.
"Ayan miss,Kahit short hair kana maganda kapa din.Bagay sayo yang buhok mo,para kang artista!_Bakla sa parlor.
"Naku salamat.Grabe ka naman sa artista.Hindi naman ako ganun kaganda.Mas maganda sa akin tong kaibigan ko._Moana.Sabay turo sa akin
"Ay oo maganda nga din sya like you.Ikaw ba miss,hindi kaba magpapagupit?Pagupit kana din._Baklang parlorista.
"Ahh,hindi na.Palagi din kasi akong nakatali ang buhok.Hindi ako sanay na maiksi ang buhok ko._AKO.Ang totoo kasi nyan,madalas kong maalala si dad nung nabubuhay pa sya.Ang gusto nya daw sa akin,palaging mahaba ang buhok.Bagay na bagay daw sa akin kapag nakalugay ang buhok kong tuwid na tuwid at maitim.
"Halika na Leli,Baka mahuli na tayo.Siguradong inaantay na tayo duon sa opisina.Teka,sila Leo ba alam ng hindi na tayo sa kanila magta trabaho?_Moana.
"Oo naman.Kaya nga inis na inis eh.Sinabihan pa ako na hindi din daw tayo magtatagal sa pagba bodyguard sa dalawa.Pag balik daw nung Dana sa amerika,balik na tayo sa realidad._Ako.
"Talagang ayaw tayong pakawalan ng mga hayup na yun noh?May araw din sila.Halika na nga para ma good shot tayo sa mga i eskortan natin.
_Moana.Hindi ko alam kung papano ipaliliwanag kay Moana at Sunny ang lahat pagdating ng oras.
Alam kong magagalit sila sa akin kapag nalaman nila na kaya ako nandito ay para mag spy.Nararamdaman kong malapit ko ng matapos ang mission ko,bilang na ang araw ni Miggs Mariano.Malapit ko ng matuklasan ang totoong pagkatao nya."Hey,Bagong gupit ka Moana.Bagay sayo ah!Lalo kang gumanda._Mikay
"Salamat po Sir.Mainit po kasi kaya nagpagupit ako._Moana.
"Well,since bagong gupit ka naman...Magpalit na lang tayo Dana ng bodyguard okey lang ba?Si Leli na lang ang bahala sayo._Mikay.
Saglit akong natigilan.Bakit si Dana ang babantayan ko.Dapat kay Mikay ko mag focus.Sya ang kailangan kong bantayan para makalapit ako kay Miggs Mariano."Kahit sino okey sa akin.Sige na may pupuntahan lang akong kaibigan. Magkita na lang tayo after lunch._Dana.Sabay sakay na ng kotse.Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Can you drive?_Dana.
"Yes,yes madam.Marunong po._Ako.Agad naman nyang hinagis sa akin ang susi at mabilis na pumasok sa kotse.Sa driver seat naman ako umupo at saka mabilis na pinaandar ang kotse nya.
"Matagal ka na bang bata ng mga Mariano?_Dana.
"Po?Naku hindi po.Actually,ngayon ko lang po din halos nakilala si boss Mikay._AKO.
"So,wala kang idea sa trabahong pinasok mo?Papano mo sya nakilala?_Dana.
"Nirekomenda lang po ako ng isang kakilala.Naghahanap nga daw po kasi ng babaeng pwedeng mag bodyguard kaya kami ng kaibigan ko ang napili nila._AKO.Kailangan kong mag ingat sa mga sagot baka maghinala.
"Uhmm okey.Pakipasok mo na lang sa loob nung Annie's Garden tong kotse at intayin mo na lang ako dito._Dana.
Agad naman syang bumaba sa sasakyan at naglakad papasok sa loob ng flower farm.Nakita kong sinalubong sya ng isang may edad na babae pero maganda at may hawig sa kanya.Saka ako parang kinabahan ng makilala ko yung babae.Sya din yung babae na muntikan ng tamaan ng bala nuon.Yung may ari ng restaurant!Bakit magkakilala sila nung DANA?
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...