58.STAR

860 34 0
                                    

Pagkatapos ko mag shower at magpalit ng damit saka pa lang nagising sila Moana at Sunny.Agad silang nagshower at saka kami sabay sabay na kumatok sa kwarto ni Mikay.Medyo kasi alanganin na sa breakfast kung hindi pa namin sya gigisingin.Agad naman kaming sinabayan ni Dana sa pangangatok sa pinto ni Mikay.

"Get lost!Masakit ang ulo ko kaya wag nyo na muna akong kulitin.
_Sigaw ni Mikay mula sa loob.

"Mikz,Its me.Bumangon kana dyan at ng makapag breakfast na tayo!
Tanghali na!_Dana.Muli syamg kumatok sa pinto ni Mikay kaya napilitang magbukas si Mikay.Gulo ang buhok at pupungas pungas pa si Mikay ng maabutan naming muling humiga sa kama nya.

"Ang sakit ng ulo ko.Moana,pakikuha nga sa bag ko yung gamot sa sakit ng ulo._Mikay.Agad namang naghanap si Moana ng gamot sa bag nya.

"Kasi naman ang dami mong ininum.hahahha.Tignan mo nga yang itsura mo.Para kang batang gusgusin._Dana.Pati kami napatawa pero pinigilan namin.Mainit nga kasi ang ulo ng boss,mahirap ng masigawan.

"Pinagtatawanan nyo pa ko.Sino bang namilit sa akin makipag inuman sa mga yun.Puro sunog baga naman kasi sila kaya hindi ako makasabay.Tapos makatawa kayo wagas!_Mikay.

"Sorry naman,pwede ka naman kasing hindi uminum ng madami sukat ba namang sabayan mo din sila at hindi ka magpatalo lalo na kay Gil._Dana.

"Syanga pala,kayong tatlo ha.Napansin ko kagabi na panay ang dikit sa inyo nung tatlong mayayabang na yun.Kayo naman,panay din ang pag eentertain.Tigilan nyo yan. Alam nyo namang hindi ko gusto yung mga yun lalo na yang si Lorenzo.Kapag nakita nyong lalapitan kayo,dumistansya kayo!Para din kasing gustong gusto nyo na kinakausap sila eh!_Mikay.Napayuko naman kaming tatlo.

"Anu namang masama kung makipag usap lang.Kahit ako nga din kinakausap silang lahat pero hindi naman ibig sabihin nun na nakikipag mabutihan na.Tayo tayo na nga lang ang tao dito.Walang makakakita at walang magsusumbong sa tatay mo kung sakali.Bakit ba nag aalala ka masyado dyan?_Dana.

"Kahit pa!Alam mo naman kung gano kami ka mortal na magkaaway nyang si Lorenzo eh.Kilala ko yang tatlong yan.Mga babaero yan!
Ibang babae na lang ang pagtripan nila wag lang mga bodyguards ko!
_Mikay.Wala namang nasabi pa si Dana at nanahimik na lang din.

Nagshower na din kaagad si Mikay at kami naman ay nag antay na muna sa labas ng kwarto nya.Si Dana naman ay bumalik ulit sa kwarto nya at may tatawagan lang daw.Pagkalabas ni Mikay saka kami lahat naglakad na papunta ng resturant.At saka namin nadatanan ang grupo nila Gil na masayang nagkukwentuhan habang nagbi breakfast.

"Good Morning Dana and company!Why dont you join us here?_Vienna.
Kumaway lang si Dana sa kanila at saka sumenyas na itinuro si Mikay.

"Danz,Pwede bang maupo kana lang.Ang dami mong napapansin eh.
_Mikay.Saka naman nanahimik na lang si Dana.

"Sunny,tawagin mo nga yung manager gusto kong makausap kamo._Mikay
Agad namang tumayo si Sunny at agad bumaba.Ilang saglit lang kasunod na ni Sunny yung manager.

"Good Morning Boss,Good morning mga Ma'm...Is there anything you want po ba?_Manager.

"Yes Ate,Yun kasing Aircon sa room ko mahina.Pwede bang paki ayos naman?_Mikay.Nakahinga ako ng maluwag.Akala ko naman kung anong irereklamo nya.

"Naku bossing ganun po ba,Sige po at ipapatingin ko kaagad.Baka po siguro medyo madumi lang._Manager.

"Eto yung susi.Pakitignan na habang wala pa kami sa room at maglalakad lakad muna kami after ng breakfast._Mikay.

"Ate Manager,Meron po bang jetzki na available here?_Dana.

"Yes po Ma'm,meron po.Pwede din po kayong mag parasailing at saka banana boating if gusto nyo?_Manager.

"Wow,gusto ko nyan!Sige Ate,pahanda na lang po later.Saka po yung mga umrella dun sa beach sand pabuksan na lang din po.Salamat ate._Dana.

"Kumain kayong maige girls,mamaya mag eenjoy tayo sa beach.Pwede din naman tayong mag enjoy at maging masaya kahit tayo tayo lang._Mikay.

"Tama naman yun.Basta girls kailangan lahat tayo naka Aura mamaya ha.
Sayang naman yang mga pag woworkout nyo kung hindi nyo ipapakita.
_Dana.Agad naman akong kinabahan.Kagabi pa kasi nya kami pinag sabihan na isuot na yung swimsuit na pasalubong nya sa amin from L.A.

"Ma'm Dana,Nakakailang naman po na mag swimsuit pa kami.May rashguard naman po kaming mga dala._Sunny.Kahit pala sya naiilang din.

"Hahaha.Mga manang pala tong mga bodyguards natin Danz.Okey lang yan,tama si Danz,sayang naman yang mga pinaghihirapan nyong mga katawan kung nakatago lang sa tshirt at pantalon.Hayaan nyong maglaway sa inyo yung tatlong playboy na yun para lalo silang mainggit sa akin na napapalibutan ako ng mga goddess._Mikay.

"Boss naman.Hindi namn ako kaputian gaya nila.Sila nalang po ang mag swimsuit wag na ako._Moana.Na halatang kinakabahan.

"Hahaha.Hindi lahat ng maputi kaaya aya sa paningin.Maganda nga ang kulay mo eh.Naiinggit ako.Maputla kasi ang kulay ko.Dont worry,tayong dalawa ang magkakampi at magkatabi palagi para hindi ka mailang._Dana.Totoo naman kasing kahit hindi masyadong maputi si Moana,panalo naman sa mukha at katawan.Sa aming tatlo sya ang pinaka maganda ang hugis ng bewang.Si Sunny kasi ay maputi at may abs naman.

"Nawala na yung sakit ng ulo ko.Busog na din ako kaya after this,maglakad lakad na muna tayo sa beach habang hindi pa mainit.Star,paki kuha mo naman yung sunblock sa room ko.Nakabukas naman yun dahil sa naglilinis ng aircon._Mikay.Agad naman akong tumayo at naglakad pababa ng resto.Namalayan ko na lang na may kasunod pala ako.

"Hi.Bakit parang hindi yata maganda ang mood ng boss nyo.May problema ba?_Gil.Na sumabay sa akin pababa ng di ko namamalayang sumunod pala sa akin.Napalingon naman ako sa mesa nila Mikay at nagmadaling bumaba.

"Wala namang problema.Sige ha,inuutusan kasi ako._AKO.Tumakbo ako para makadistansya sa kanya.Ayoko kasing makita kami ni Mikay na magkausap na naman ni Gil.

"Hey,Bakit kaba tumatakbo?May laban kaba ng marathon mamaya or nabitin ka sa exercise mo kanina?_Gil.Na sinusundan pa din ako.

"Oo may laban ako.Ayan okey na?Actually kasi,hindi naman kasi tayo close kaya ayaw kitang kausap.At isa pa,hindi kayo in good terms ng amo ko kaya pangit naman sigurong tignan na nag uusap tayo._AKO.

"Uhmmm,Ganun pala.Okey sige sabi mo eh.Mula ngayon hindi na kita lalapitan o kakausapin kung yun ang gusto mo.Sige bye!_Gil.Nauna na syang naglakad pabalik sa room nya at hindi lumingon man lang after nyang magsalita.

Nadatnan ko namang nag aayos na yung staff nila sa aircon ni Mikay.
Agad kong hinanap sa bag niya yung pinapakuha nyang sunblock.
Dinala ko na din yung sunglasses nya just in case gamitin nya habang naglalakad lakad kami.

Tinxt naman ako ni Moana na sa beach na ako dumiretso dahil papunta na sila duon ngayon.Agad naman akong lumabas ng room at saka naglakad patungo ng dalampasigan.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon