Matapos ang pagkamatay ng Ugat, tuluyan na din bang nalibing ang lahat lahat ng nangyari sa nakaraan? O ito ang magbubukas ng susi para sa hinaharap?
"Sir Grae, Ano na po ba mangyayari? May maganda po bang magiging resulta ang lahat ng pinaghirapan natin, o tuluyan ng mababaon sa limot ang nakaraan?_aKo. Muli kaming nagkausap ni Sir Grae.
"Gusto mo na bang makasama ang mommy mo Star?_Sir Grae.Wala sa tanong ko ang focus ni Sir.
"Po? Ano po bang nangyari, Bakit po biglang bigla na naisip nyo yan? May problema po ba sa mommy ko?_Ako.
Bahagya akong kinabahan."Hindi wala.Maayos ang lagay ng mommy mo.Infact, malaki na din ang boutique shop nya.Madalas din nyang sabihin sa akin na kapag okey na ang lahat ikaw daw ang gagawin nyang modelo ng shop nya._Sir Grae.
"Salamat naman po sa Dyos kung ganun.Salamat po sa lahat ng tulong Sir.Kundi po dahil sa inyo siguradong hindi malalagay sa ayos ang buhay namin ng mommy ko._Ako.
"Maayos na talaga ang buhay nyo nuon pa man.Kami nga ng pamilya ko ang nagpahirap sa inyo dahil sa mga nangyari.Sana mapatawad nyo ko sa mga kasalanan ko sa inyo._Sir Grae.
"Naku Sir, kulang pa ito sa mga nagawa nyo para sa pamilya namin nila Sunny at Moanna.Masaya po akong malaman na kayo din po pala ang sumuporta at nagpaaral sa mga kapatid nila.Malaking bagay po iyun para sa mga pamilya namin._Ako.
"Hindi tayo matatapos kung iisa isahin natin ang mga lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa inyo.At bago ko nga pala makalimutan, sa mga susunod na mga buwan siguro matatapos na din ang kaguluhan.Hopefully mangyari na talaga._Sir Grae.
Malaking palaisipan sa akin ang huling sinabi ni General Lorenzo.
Malapit na daw matapos ang kaguluhan.Ibig sabihin, may posibilidad ng mahanap ang micro chips? Sana nga.Isang batang lalaki ang nakita kong umiiyak sa gilid ng kalsada kaya agad kong nilapitan.Nakita ko sa mukha nya ang takot at kaba ng hawakan ko sya.Pero agad ding nawala pagkatapos ko syang ngitian.
"Boy, saan ka nakatira? Meron ka bang kasama?Asan ang mga magulang mo?_Tanong ko.
Tumango tango lang sya at saka ipinahid ang luha sa likod ng palad.
Agad kong itinawag sa manong na nagpapatrulya yung bata.At saka naman nya ito isinakay sa baranggay patrol nyang dala.Kung tutuusin, wala namang problema na hindi kayang malutas kung marunong ka lang tumawag sa itaas.Tulad kong makailang ulit ng nagkasala sa kapwa, hindi pa din ako nagsasawang ibalik ang lahat sa pagkakawang gawa.
"Leli, San mo ba dinadala lahat ng sinusweldo mo ha? Wala naman akong nakikitang ipon mo o mga damit na pinamimili mo pero wala kang natitirang pera sa bank account mo.
_Moana.Magkasama kasi kaming nagwidthraw ng sweldo namin.Pagkatapos ng pag uusap namin ni Sir Grae, saka naman kami sabay na umalis ni Moana"Ikaw talaga, Sa akin na lang yun kung saan na pupunta ang sweldo ko.
Basta hindi yun napupunta sa masama.Tama na yung mga kasalanang nagawa ko nung nasa BSG pa tayo ayoko ng maulit pa yun._AKO"Okey, ikaw ang bahala.Sya nga pala, papano na yan kapag mag asawa na sila Sunny at Gold, Magta trabaho paba si Sunny kay Mariano?_Moana.Malapit na kasi ikasal yung dalawa.
"Siguro hindi na.Ang dami daming negosyo nila Gold noh.Saka graduate na si Sunny sa pagiging gangster, Mag aaral daw sya at walang ibang aasikasuhin kundi ang asawa nya.
_AKO.Yun kasi ang huli naming napag usapan ni Sunny."Mabuti pa si Sunny, Masaya na.Pero sa totoo lang masaya ako para sa kabigan natin.Hindi na sya bodyguard ni Mikay kundi bodyguard na ni Gold.
Ang swerte din naman ni Sunny sa kanya kasi never syang binitawan ni Gold kahit na ano pang nakaraan ni Sunny._Moana."Maswerte din naman sya kay Sunny.
Sya lang din naman ang nag iisang Minahal ni Sunny kahit madaming nagkakagusto sa kanya.Mataray lang si Sunny kung titignan pero mabuting tao naman.Parang ikaw lang.Nga pala,Kamusta na ba kayo ng txtmate mo? Hanggang txt na lang ba talaga?_AKO.na may kahalong panunudyo."Hindi, Walang ganun.Saka hindi ko din alam.Pakiramdam ko kasi hindi naman ako ganun ka gusto ni Grant.Siguro nag eenjoy lang sya kausap ako pero hanggang duon lang. Never nya naman akong sinabihan na gusto nya ako or may pagtingin sya sa akin._Moana.Medyo malungkot.
"Baka naman hindi pa sya handang mainlove.O kaya naman hindi nya pa matanggap sa sarili nya na inlove na pala sya sayo.Sa tingin kay naman gusto ka din nya hindi lang pinapahalata sayo._Ako.Para medyo gumaan ang loob nya.
"Hindi ako umaasa Leli.Mayaman sila mahirap lang kami.Nakapag aral sya ako hindi.Kahit nga ang mga magulang nya hindi ako pinapansin. hindi kagaya ni Sunny nuon na malapit na malapit talaga sa parents ni Gold._Moana.Saka ko biglang naalala yung mommy ni Gil.Sya pala yung babaeng tinakot namin nuon at kunwaring tinutukan ng kutsilyo na may ari ng restaurant na muntikan ng mabaril.Kapag nalaman ni Gil ang ginawa ko siguradong mamumuhi sya sa akin.Isa pa tatay sya ng boss ko.
Kaya malayong mangyari na magustuhan nya ako at ng pamilya nya."Minsan kasi malambing si Grant pero mas madalas parang normal lang kapag magkatxt kami.Pampalipas oras nya siguro.
Kahit nga kapag nagkikita kita tayo ng hindi sinasadya, hindi kami nagpapansinan na parang di magkakilala.Mabuti pa nga kayo ni Gil kahit na ganun sya, kinakausap ka nya at pinapansin.Madalas pang sinasagip kapag nasa alanganing sitwasyon ka.Alam mo, kundi lang mayaman siguro si Gil at normal na tao lang sya, kayo ang magkakatuluyan nun eh.Para naman kasing itinadhana kayo na palaging nagkikita.Sa tingin mo, Sa mga panaginip din kaya nya sinasagip ka nya gaya ng palagi mong napapanaginipan?_Moana."Ikaw talaga,Kung ano ano yang naiisip mo.Kapag ba napapanaginipan ko sya kailangan ganun din sya?Hahahah.
Nagkakataon lang siguro kasi na palagi nya nga akong tinutulungan kaya ko sya siguro madalas na napapanaginipan.At saka kaya lang naman ako pinapansin nun para bwisitin at inisin._Ako."Syanga pala Leli,muntik ko ng malimutan.Sa makalawa na ang birthday ni tatay.Gusto ko sana syang regaluhan ng rubber shoes.Pwede mo ba kong samahan sa mall?_Moana.
Tumango naman ako at saka kami sumakay ng taxi papunta sa pinaka malapit na mall.
Pagbaba namin sa taxi, Hindi namin inaasahan na may makakasalubong kaming kakilala.Si Grant...
Eksaktong palabas naman sila ng mall ng babaeng parang model maglakad at masayang nagbubulungan pa.Kahit si Grant ay hindi din inaasahang makakasalubong kami at saka agad napatingin kay Moana.
Nagkunwari naman si Moana na walang nakita pero nararamdaman ko ang mahigpit na paghawak nya sa isang kamay ko na parang gusto lang humugot ng lakas.Nakapasok na kami sa mall at saka lang umalis sa paghawak sa kamay ko si Moana.Halata ang pigil na emosyon pero ngumiti sa akin ng bahagya.
Matapos naming makabili ng sapataos para sa tatay nya, Dumiretso na kami sa hotel ng walang imikan.Ramdam ko na nasasaktan si Moana sa nakita nya pero alam nyang wala syang karapatan.Hanggang sa matutulog na lang kami ay tahimik pa din sya.
Madaling araw na ng magising ako dahil nadidinig kong pigil na mahinang pag iyak.Gusto ko man syang I comfort pero minabuti ko na lang na hayaan syang ilabas ang nararamdaman nya.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
Roman d'amourSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...