Gillianne rushed to the hospital dahil sa pagkakabugbog.
Ni walang isa mang bodyguard ang naka alam na umalis sya dahil sinadya nyang lumabas mag isa ng walang nakaka alam.Papunta sya sa bahay nila Candy para makipag kwentuhan sana pero may nakasalubong sya sa daan na binatilyong pinagtutulungan ng mga kabataan at agad nya tong tinulungan.At dahil sanay naman syang makipag suntukan hindi sya natakot kahit madami pa ang kalaban.Hindi nya lang napaghandaan ang paghataw sa kanya ng tubo ng isa sa mga suspek sa likuran."Ohhh my God!!!,What happened to my baby._Madam Bianca.Nasa labas silang lahat ng operating room.Isa ako sa naka assign para magbantay sa biktima.(After graduation and makapasa sa exam,Agad akong inassign dito sa Manila)
"Mommy,Just calm down.Gillianne will gonna be okey wag ka ng mag alala please._General Grae.Sa nag aalalang boses.Habang tahimik lang at di nagsasalita si Ma'm Annie sa isang tabi.
"Dad,Ano ng nangyari dun sa mga suspect?Dapat managot silang lahat sa nangyari kay babyboi,Kailangan silang maparusahan._Dana.Minsan ko lang makitang magalit si Dana kaya alam kong nag aalala sya ng sobra para sa kapatid nya.
"Dont worry anak,Nahuli naman lahat ng mga suspect.Pati yung pumalo ng tubo kay Gil.Sigurado namang wala silang kawala sa batas.Ako ng bahala sa kanila._General.
"Dapat lang na managot sila.Buhay na ng apo ko ang nakataya.Kapag may nangyaring masama kay Gillianne,baka hindi ko alam ang gagawin ko sa mga yun._Popshie Gian ni Gil.
Nakatayo lang ako sa gilid ng pintuan.Nakikinig lang ako sa mga nangyayari.Wala naman akong magagawa kundi magbantay at gawin ang duty ko as a police officer.Kahit na sa loob ko,kinakabahan din ako sa maaaring mangyari kay Gil.Ilang oras na din kasi syang inooperahan sa loob.
Parang kelan lang nung huli kaming magkasama ni Gil.Masayang masaya sya nuon sa mansyon nila sa Alabang dahil kumpleto ang buong pamilya nya habang masayang nagkukwentuhan.At saksi ako sa mga halakhakan na pumuno sa malaking bahay nila duon.Pagkatapos ng masayang araw na yun sa buhay nila Gil.Bagong pagsubok na naman ang kanilang hinaharap ngayon.
"Kamusta naman po ang pasyente dok,Ang apo ko kamusta na sya?_Madam Bianca.Yung mga salitang any moment ay bibigay na dahil sa pag aalala.
"Wag na po kayong mag alala Madam,Ligtas na po ang pasyente natin.
Sa ngayon,Kailangan nya lang muna magpahinga.Nasa recovery room na po sya._Doctor."Salamat po Doctor.Wala naman po bang napinsala sa kanya maliban sa binti nya?_Ma'm Annie.Napansin ko na parang biglang nanumbalik ang lakas nya sa balitang ligtas na si Gil.
"There's nothing to worry about madam.Like i said,succesful ang naging operation sa binti nya at mga ilang therapy session lang ay manunumbalik na din kaagad ang normal na paglalakad nya._Doctor.Nakahinga ako ng maluwag sa balita.
"Maaari na po ba namin syang makausap after nya maka recover doc? I mean pwede na ba namin syang pakainin or wala naman bang bawal sa kanyang gawin?_General.
"Yeah,ofcourse.Wala namang bawal sa kanya.Normal naman,maliban sa mga galos at pasa.Syanga pala,after ng surgery kanina may pangalan syang binanggit bago sya maka tulog...Leli yata yung name or something.
_Doctor.Napalingon naman silang lahat sa akin."Ahhh,Okey doc.Salamat.Maraming salamat sa successful operation mo sa anak ko._Ma'm Annie.After nilang magkamayan lahat,umalis na ang doctor.
"Salamat sa pagbabantay nyo sa anak ko.Syanga pala Star,nakausap ko na si General Katindig at ipinaalam na kita sa kanya na pansamantalang ikaw na muna ang kukunin kong bodyguard ni Gillianne,Okey lang ba sayo?_General.
"Sir,Kung ano po ang ipag utos ng nasa taas yun po ang susundin ko._AKO.
Sa nangyari kay Gil,Mas gugustuhin ko ng maging bodyguard nya kahit habambuhay pa."Salamat.Sige pwede ka ng magpahinga.May darating na din namang kapalit mo.Bukas after mo mag report sa headquarters nyo,sa Lobisa ka na muna pansamantala dumiretso.Dun muna kasama namin pansamantalang mag i stay si Gil habang nagpapagaling sya._General.
Agad naman akong nagpaalam na sa kanilang lahat at saka ako agad umuwi.Pansamantala akong nagrerent ng isang maliit na apartment malapit sa presintong pinagta trabahuhan ko.Kinabukasan,Pagkatapos kong magreport sa presinto ko.Agad akong dumiretso sa Lobisa.Sumakay na lang ako ng taxi para siguradong hanggang sa loob ng subdivision ako maihahatid.Malayo din kasi ang lakarin mula sa highway hanggang sa loob ng kalye nila Gil.Minsan na din akong nakapunta dito sa Lobisa nung magpasama si Dana kay Mikay nuon
"Miss Star,Mabuti po at nakarating na kayo.Pinapasundo na po sana kayo ni General sa driver kaya lang hindi nila alam kung san ka nakatira.Kahit daw po kasi contact number wala kayong iniwan._Kasambahay.
"Bakit po Manang,may nangyari po ba?_AKO.Parang kinabahan ako bigla.
"Mabuti pa,Ihahatid ka na ng driver dun sa hospital.Andun silang lahat para kay Gil._Kasambahay.Agad naman akong sumakay sa kotse nila.
Habang nasa daan,kinakabahan ako na baka may masamang nangyari na kay Gil.Nagmamadali akong bumaba ng kotse,pumasok kaagad sa loob ng hospital at sumakay sa elevator.Agad akong pumasok sa kwarto ni Gil.Wala ni isang tao duon sa loob maliban sa nakapikit na si Gil.Bakas sa itsura nya ang nararamdamang may masakit.Agad akong lumapit sa kanya sa kama.
"Gillianne,Napaano ka?Anong masakit sayo?Gillianne..._Ako.Hindi pa din sya dumidilat.Tatawag na sana ako ng doctor ng hilahin nya ako sa kamay kaya napahinto ako.
"Leli...Dito ka lang.Wag mo kong iwan._Gil.Mahina lang ang pagkakasabi nya.Agad naman akong bumalik sa tabi nya at saka ko sya hinawakan sa nuo nya.
"Kamusta ka,Anong masakit sayo?Ano ba ang sabi ng doctor,at saka bakit walang taong nagbabantay sayo?_AKO.
"Masakit banda dito sa may tagiliran ko,Saka dito sa may bandang panga ko.Feeling ko may nabaling buto._Gil.Nakita ko yung reaksyon sa mukha nya na nasasaktan.Agad kong hinaplos ang pisngi nya.
"Bakit ba walang doctor?Sandali tatawag ako ng nurse para i assist ka._AKO.
"Wag na,ikaw na lang ang mag nurse sa akin.Paki hilot mo na lang tong panga ko.Masakit kasi talaga eh._Gil.Agad nyang hinawakan ang kamay ko at inilagay sa pisngi nya.Maingat ko naman syang hinaplos haplos sa mukha.Saka ko biglang napansin ang pag ngisi nya.Kabisado ko ang pilyong ngiti nayun ni Gil kapag nang iinis sya.Saka ako biglang natauhan.
Bakit ba di ko napansin kaagad na umaarte lang syang nasasaktan."Uhmm,Masakit ba dito boss?Saka saan pa,dito ba sa tagiliran?Naku kawawa ka naman,Mukhang hirap na hirap ka nga kumilos._AKO.At saka ko dahan dahang pinisil yung balakang na sinasabi nyang masakit daw.
"Awwwwwts!Grabeh ka naman makapisil.Ang sakit nun ah.Dahan dahan naaman.araaay!_Gil.Diniinan kong lalo yung tagiliran nya kaya bigla syang napasigaw.
"Alam mo kahit kelan ka talaga!Umaarte ka lang na may masakit sayo kahit wala naman.Yung binti mo ang naoperahan hindi yang panga mo at tagiliran papano sasakit yan ha?_AKO.Saka ko iniwas yung kamay ko na hawak hawak nya.
"Masakit nga talaga.Anim na tao ang nagtulong tulong sa akin,kawawa naman ako.Kaya masakit talaga ang buong katawan ko._GIL.Kahit alam kong umaarte lang syang nasasaktan,pinagbigyan ko na at hinayaang hawakan nya ang kamay ko.Natatawa naman syang tumingin sa akin.
Ayon sa report at kuha sa cctv camera,Hindi naman talaga masyadong napuruhan si Gil sa mga nambugbog sa kanya,kasi naman magaling sa self defense si Gil kaya mas madami pa syang nasuntok kaysa sya ang nasuntok.Sa pagpalo lang talaga ng tubo sa tuhod sya nawalan ng balanse at napaupo.Ganun pa man,kailangan pa din nya talagang magpa therapy para sa normal at mabilis nyang paglakad ng maayos ulit.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...