67.Leli.

864 37 0
                                    

Mabuti na lang at good mood si Boss Mikay at pinayagan nya akong madalaw ko ang mga bata sa DSWD.Kapag daw kasi naayos na ang mga papers nila,at napatunayang pamilya nga nila ang kumuhuha sa kanila,isu surrender na sila sa kani kanilang mga pamilya.Hindi ko na sila madadalaw nun kapag nagkataon.

Dumaan na muna ako sa simbahan ng Antipolo para makapagpasalamat.
Iyon kasi ang palagi kong ipinagdarasal nuon dito,Ang maging maayos na ang buhay ng mga bata.At laking pasasalamat ko na natupad na yun.

"Kaya naman pala dito ako dinala ng mga paa ko,May madre akong makikilala._Gil.Na nagulat ako dahil nandito din sya sa simbahan.

"Andito ka na naman?Stalker ka nga talaga.Ngayon sigurado na ko._AKO.
Agad akong tumayo pagkatapos kong magdasal.Naramdaman ko naman na sumusunod sya sa akin.

"Teka naman,Ang hilig mo mang iwan.Hindi ako stalker ha,Hindi ko alam na nandito ka.Nagkataon lang na dito ko biglang naisip magpunta._Gil.

Haaaaay,Whatever!Sige na,mauuna na ko.May pupuntahan pa ko baka gabihin na ko._AKO.

"Teka,sumabay kana sa akin.Wala din naman akong ibang pupuntahan.
Ihahatid na kita sa pupuntahan mo._Gil

"Hindi na,maaabala kapa.Kaya ko naman mag isa._AKO.Bakit ba palagi nalang ganito ang eksena naming dalawa.Nagtatabuyan sa isa't isa.

"Ikaw na nga ang bahala.Ang hirap mo kausap.Parang palagi kang kinaaawaan kapag nagmamagandang loob sayo ang tao._Gil.Na umalis na at iniwan ako mag isa.Para naman akong napahiya sa sinabi nya.Totoo naman kasing ganun ang pakiramdam ko kapag may gustong tumulong, pakiramdam ko,ako na yung pinaka helpless na tao sa mundo.

Pumara ako ng jeep papuntang DSWD kung saan pansamantalang nag i stay ang mga bata.Dumaan muna ko sa isang convinience store para may pasalubong sa kanila.Agad naman akong nakarating sa DSWD center pero napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan.

"Ate Leli!!!Andito ka din.Nagsabay pa kayo bi Bossing Gil ha._Tetey.

"Ate Leli,Ang ganda ganda mo talaga.Sana paglaki ko kamukha kita._Daday.

"Boss Gil,Bagay kayo ni ate Leli parehas kayong maganda at saka pogi.
_Jokjok.Na nakakandong kay Gil habang nakaupo sila sa damuhan.

"Talaga Jok,bagay ba kami ng ate Leli mo?Wow naman,Ang swerte ni ate Leli sa akin pagnagkataon hindi ba?_Gil.Tumango naman si Jokjok.

"Salamat nga pala sa pagdalaw nyo sa amin ate at bossing.Sa susunod na linggo kasi,baka kunin na sila ng mga magulang nila.Ilan na lang kaming matira dito._Buboy.Napag alaman kasi nila na wala ng mga magulang si Buboy kaya malilipat na sya sa bahay ampunan.

"Wag kayong mag alala.Kakausapin ko yung head ng DSWD na ibigay sa akin yung mga kontak numbers ng pamilya nyo at address.Para kapag birthday nyo or may mga pang batang okasyon,iapsusundo ko kayo lahat. Okey ba yun?_Gillianne.

"Yeeeheeey!!!The best ka talaga Bossing.Sana ikaw na lang ang tatay naming lahat noh?__Dencio.

"Hahahha.Bakit naman tatay.Bata pa naman ako.Oppa nalang pwede ba?
_Gillianne.Saka kami lahat nagtawanan.

"Ayan,nakangiti na si Ate Leli.Hindi na sya malungkot kasi palagi nya pa din tayo makikita!_Tetey.Niyakap nya ako at saka nagsilapitan na din sa akin ang mga bata.

"Wait lang mag picture taking na muna tayo para may remembrance.
1..2..3..!!!Smile._Gil. Masayang masaya ang mga bata sa pagbisita namin ni Gil sa kanila.Natutuwa akong hindi lang ako ang napalapit sa mga bata pati na si Gillianne.Mas naging masaya ang mga bata at nabwasan ang mga bangungut ng kanilang nakaraan.

"Salamat sa tulong.Napakalaking bagay ang nagawa mo sa kanila para maging normal na ang mga buhay nila.Maraming salamat._AKO.Nasa kotse nya kami at pumayag ako na ihatid nya ako sa hotel.

"Hindi lang naman ako ang may naitulong sa kanila ng malaki kundi ikaw din.Kung wala ka sa tabi nila nuon,baka napaano na ang mga batang yun.
Kaya ikaw ang nagbukas sa mga mata ko na hindi hadlang ang kahirapan para makatulong sa kapwa.Imaginin mo nga yung pagsasakripisyo mo para lang mapakain mo silang lahat.Araw araw yun._Gil.

"Yun na lang kasi yung nakikita kong paraan para malinis ko yung konsensya ko sa mga panloloko na ginagawa ko sa kapwa.Kahit sa ganung paraan manlang,Mapatawad ako ng Dyos sa mga kasalanan ko._AKO.Agad kong pinahiran ang mata ko na tumutulo na ang mga luha.

"Here,Use my hanky.Baka sabihin ng mga tao pinapaiyak ko ang magandang babae sa tabi ko.Sasabihin nila na wala akong puso._Gil.
Saka ko inabot ang panyo nya at natatawang nagpunas ng luha.

"Ang akala ko may usapan na tayo na hindi kana makakatuntong sa hotel ko pagkatapos mong matalo sa pustahan natin nuon?Anong ginagawa mo dito ngayon?_MIKAY.Eksaktong kabababa lang din nila ni Dana sa kotse

"Boss pasensya na po.Ako kasi ang may kasalanan.Nagpahatid kasi ako dito dahil gabi na kaya napilitan syang dito ako sa mismong parking ng hotel nagpababa._AKO.

"At bakit magkasama na naman kayo?Hindi ba sinabihan na kita na wag kang maglalalapit sa Lorenzo na yan,Lolokohin ka lang nyan!_Mikay.

"Anong lolokohin?Ayusin mo nga yang a sinasabi mo Mariano,Kung makabintangnka akala mo kung sino kang malinis eh!_Gil.Agad ko naman syang inawat.

"Tama na yan.Wala na kayong ginawa kapag nagkikita kundi mag away.
Para kayong mga aso at pusa!Mikz lets go.Sayang lang ang oras mo kung papatulan mo yang hoodlum na yan!_Dana.

"What do you mean hoodlum?Hoy hindi ako hoodlum ah!_Gil kay Dana.

"And who do think you are,Superman?Sorry pero your not.Your wasting your time sa lansangan,sugalan at pakikipag basag ulo imbis na tumulong sa mga magulang mo sa negosyo kaya para sa akin,isa ka lang"spoiled brat gangster!_Dana.Saka tuluyan ng umalis kasabay ni Mikay.Isang nakakalokong ngisi namn ang binigay na sulyap ni Mikay sa kanya bago umalis.

"Whew!Akala mo kung sinong perfect!Makahusga parang kilalang kilala nya na ako talaga._Gil.Sabay sipa sa gulong ng kotse nya.

"Ayan kasi,Ang tigas mg ulo mo.Sabi ng wag mo na ko ihatid nagpumilit kapa.E di nakatikim ka ng sermon at panlalait kay Miss Dana._AKO.saka ko pilit na pinipigilan ang tawa ko.

"Isa kapa din eh.Tingin nyo talaga sa akin gangster.haaaist!Pumasok kana nga dun.Aalis na ko.May araw din sa kin yang dalawang yan._Gil.Saka sumakay ng kotse nya.Naiiling naman akong nakatingin nalang sa kanya habang papa alis na ang kotseng sinasakyan nya.

Nadatnan ko naman si Moana sa loob ng room na may katxt na naman.
Obviously,Sino pa ba ang ktxmate nyang si "to the back and moon"...
Dito pa din siya natutulog sa room kasama ko dahil puro mga lalaki ang kasama nya sa room na para sa pamilya nya.Ang tatay nya,at tatlong kapatid nyang lalaki.At sympre,dahil kay Mikay pa din kaming lahat nagta trabaho mas gusto ni Mikay na magkakasama pa din kami para isang tawag nya lang sa amin mas madali kaming makakaresponde.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon