90.Gil

906 40 1
                                    

Minsan yung inaakala mong sa panaginip lang pwedeng mangyari,Pwede din palang mangyari sa totoong buhay.
Hindi ko inaasahan na sa mga pagkakataong kailangan mo ng makakapitan,May isang Leli pala ako na masasandalan.Literal kasi nya akong inaalalayan sa mga therapy session ko.Bukod kasi sa nakakatayo na ako ng maayos,nakakalakad na din ako ng pautay utay.

"Gillianne!Hindi mo nurse yang si Star ha,Bodyguard mo yan.Bakit ba palagi mo na lang syang tinatawag kapag tatayo ka._Dana.Wala na syang nakikita kundi ako kapag andito sya sa bahay.

"Alam ko.Bakit ba kasi nakikialam ka ha?Hindi ka naman dati umuuwi dito sa Lobisa after work,bakit ba palagi kang andito._AKO.Mula kasi ng magsimula akong mag therapy,si Dana na muna ang nagta trabaho sa opisina.

"Binabantayan ka.Sabi ni Momshie,baka tumakas ka na naman daw eh!
Ang hilig hilig mo kasi magpaka bayani palagi kaya ka napapahamak.
Baka mamaya,pati yang si Star takasan mo din dahil pinapagod mo kaka nurse sayo!_Dana.

"Ahhhh,Bantay ka pala sa akin.So ikaw na ngayon ang bodyguard.Sabagay US Army ka nga pala kaya magaling kang taga bantay.Pwede mo ba kong samahan sa ALABANG?_AKO.Gusto ko kasing mahanap yung singsing.
Baka nga totoo yung panaginip ko na naandun ang micro chips.

"Hindi kapa pwdeng gumala at umalis alis.Mapupwersa yang mga tuhod mo.Star,pagalitan mo nga yang pasyente mo.Masyadong pasaway!_Dana
Natawa naman si Leli sa amin.Hindi na din ako sinusungitan ni Leli after ng nangyari sa akin.Hindi man kami,pero pakiramdam ako na hindi na magtatagal at magiging okey na din kaming dalawa.

"Tama naman si Dana,Gillianne.Hindi kapa pwedeng maglakad ng malayo.Bawal pang mapwersa yang mga tuhod mo.Kung gusto mo,at naiinip kana dito sa Lobisa,sasamahan kita mamasyal pero naka wheelchair ka._Leli.Napailing naman ako.Alam na alam naman nila na ayaw na ayaw kong gagamit ng wheelchair.

"Hahahha.Bleeeh!Anu ka ngayon?Tiklop ka pala kay Star eh.
Tatawagan ko na lang yung mga kaibigan mo para may makakausap ka.
Pero bawal ka pang uminum ha.Kwentuhan lang._Dana.

"Hindi.Wag na muna!Ayokong makita nila ako na miserable pa at walang magawa.Saka na ko makikipag kita sa kanila kapag okey na ko.
Saka ang iingay nung mga yun,gusto ko lang muna ng tahimik na kapaligiran._AKO.Ang totoo kasi nyan,ayokong makita sila na naaawa sa akin.Kapag naging normal na ako at maayos na sa paglalakad gaya dati,
Saka ako makikipagkita sa kanilang lahat.Masaya na din naman ako na andito lang sa tabi ko si Leli.

"Haaaist.Ikaw na nga ang bahala.Aakyat na muna ako sa taas.Darating mamaya si Mikee,dito sya magdidinner.Magbu beauty rest muna ako.
Kayo na muna ang bahala dyan._Dana.Saka sya umakyat na sa room nya

"Boss,Pwede ba kong magpaalam sana bukas na aabsent muna.May kapalit naman akong kinuha para magbantay sayo.Kung pwede lang?
Nagpaalam na din ako kay General,Ang sabi nya ikaw daw ang tanungin ko._Leli.

"Saan ka ba pupunta bukas?Importante ba sya,uuwi kaba sa Baguio?_AKO

"Ah ehh...Meron kasing pina blind date sa akin sila Sunny at Moana.
Matagal na kasi nila kong kinukulit,Kaya sana pagbibigyan ko lang.
_Leli.Para naman akong biglang nainis kila Sunny at Moana.Kailangan pang hanapan ng blind date si Leli porke ganito ang kalagayan ko.

"What if hindi ako pumayag,Tutuloy kapa din ba?Sabagay,wala naman akong magagawa kung gusto mo makipag blind date.Ikaw ang bahala, basta make sure lang na hindi ka magpapagabi kasama ng ka blind date mo.Alam mo naman sa panahon ngayon,mahirap ng magtiwala basta basta._AKO.Hindi ko alam ang mararamdaman.Bakit ba bigla kong naisip na sana nakaka lakad na ako ng maayos para pwede ko silang masundan.

"Salamat Boss.Wag kang mag alala.After naming lumabas,uuwi din ako dito kaagad._Leli.Nakita ko sa kanya yung excitement para sa date nya bukas.Bakit ba parang hindi ko nagustuhan ang reaksyon nyang yun.

"Gil anak,bakit kaba hindi mapakali dyan.Hindi kapa pwedeng matagal sa pagtayo.Maupo ka na lang muna dito at kanina kapa nakabantay dyan sa pintuan._Mommy.Sinasamahan nya ako habang nanunuod ng tv dito sa baba.Pero wala talaga sa tv ang focus ko kundi sa pag aantay kay Leli.
Malapit ng dumilim pero wala pa din sya.

"Mom,im okey.Hindi na naman ako bawal sa pagtayo.Nakaka hakbang na din ako ng maayos.Pwede na nga daw akong mag threadmill sabi ng trainor ko eh._AKO.Bukod kasi sa therapist,may personal trainor din sako sa pag eexercise ng mga tuhod ko.Ayoko din kasi ng palagi lang nakaupo at nakahiga,ayokong magkaroon ng tyan.

"Sana kasi di mo na lang pinayagan si Star makipag date kung ganyang di ka din naman pala mapakali.Kung bakit ba naman kasi hindi mo pa aminin yang pagka gusto mo sa kanya,wala namang nagbabawal sa inyong magkagustuhan._Dana.Kadarating lang galing sa work.Humalik muna sya sa akin at saka sya lumapit kay mom para humalik at yumakap.

"Pwede ba Dana,Wag mo nga kong simulan.Hindi kita pinakialam dyan sa pakikipag boyfriend mo kay Mikay kahit alam mong magka away kami nun kaya pabayaan mo na lang ako sa diskarte ko._AKO.Wala na kasing ginawa si Dana kundi asarin ako pag dating kay Leli.Pero sa totoo lang, tama naman sya.Eversince na makita nya kung papano ako mag care nuon kay Leli,Sya na din ang nag confirm sa akin na may gusto talaga ako kay Leli pero ayaw ko lang aminin.

"Ano na namang pagtatalo yan ha?Kayo talagang magkapatid,wala na kayong ginawa kundi mag asaran.Pati tuloy ang mommy nyo na i stress sa inyo.Mabuti na lang,beauty as ever ang my loves ko kaya hindi tumatanda sa pagsasaway sa inyo._Daddy.Kadarating lang din nya from work.
Agad akong humalik sa kanya,at saka sya lumapit at humalik kay Mom.
Si Dana kasi ay umakyat na muna para makapag bihis.

"Magandang gabi po Ma'm,Sir.Pasensya na po kayo at ngayon lang ako nakabalik.Medyo napasarap po kasi sa pakikipag kwentuhan._Leli.Mula sa pinto,papasok sya ng bahay na may bitbit na isang box.Napatayo ako ng makita ko sya,Agad naman nyang inabot sa akin yung box na dala nya.

"Wow naman,may pasalubong pa si Star sa Bossing nya.Siguradong masarap yan.Kamusta naman ang date mo Star,gwapo ba yung ka date mo ha?_Dana.Agad syang lumapit kay Leli at hinila sa upuan.Nakangiti naman pareho sila mom and dad sa kanilang dalawa.

"Okey naman Miss Dana.Sakto lang.Saka mabait sya.Ang mahalaga naman yung makakasundo ko yung tao._Leli.Saka sya napasulyap sa akin.

"Mabuti naman at nag enjoy ka sa date mo iha.Tama yang paminsan minsan,bigyan mo din ang sarili mo ng time para makapag enjoy.Hindi puro trabaho ka lang.Nakahanda na nga pala ang mesa,sabay sabay na tayong maghapunan._Mommy.

Agad naman akong inalalayan ni Leli papunta sa dinner area.Pinaupo nya na muna ako at saka sya naghugas muna ng kamay.

"Leli,sumabay ka na sa amin.Im sure hindi kapa nakakapag dinner.
At saka nga pala,Gil na lang ang itawag mo sa akin at alisin mo na yung boss._AKO.Sinadya ko talagang iparinig sa kanilang lahat yung sinabi ko para maging aware sila.Simula ngayon,magsisimula na din ako sa panliligaw ko kay Leli.Mahirap na,baka maunahan pa ako ng ka blind date nya.

"Hahahha.Bakit biglang bigla naman na wala na agad boss ha babyboi?
Kung ganun pala,wag mo na din akong tawaging miss Dana Star.Dana na lang din.Para kasing di na magtatagal at magiging kapamilya,i mean parang totoong kabilang ka na din sa pamilya LORENZO eh,diba dad?_Dana.

"Aba,Mas okey yun.Pati sa amin mag asawa Star,praktisin mo na ding tawagin kami ng Tita and Tito.Pwede ding mom and dad.hahahah.
Ayos ba sayo yun my loves?_Dad.

Tumango naman si mom at saka kami lahat nagtawanan.Para kaming isang pamilya talaga,Kulang na lang.Maging totoong kami na ni Leli talaga

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon