97.LELI

1K 37 1
                                    


Malakas na putok ng baril at sigawan ang nagpabalik ng diwa ko.Agad akong tumakbo sa lugar na pinangyayarihan ng krimen, may mga kasamahan akong pulis na natamaan ng baril galing sa putok mula sa sinalakay naming hideout ng mga sindikatong nagunguha ng mga kabataang babae na ibinubugaw sa mga mayayamang foreigners.

"Cervantez,Tumawag ka ng backup!May mga kasama tayong tinamaan ng baril kaya kulang ang mga tauhan natin!_SPO4 Manabat.

"Sir,Natawagan ko na po sila.Ilang minuto na lang parating na sila dito.Pati po ang mga rescuer,padating na din po._AKO.Agad akong nagtago sa gilid ng poste para hindi ako makita ng mga kalaban.

"Men,Wag silang hayaang makatakas.Kapag may nagpaputok,gantihan nyo din ng putok.Iilan na lang sila duon,siguradong wala na silang kawala.
_Spo2 Fabio

Agad namang nagsidatingan ang mga backup kaya napaligiran namin ang buong lugar.May sniper din kaming naka antabay sa itaas ng building kaya madali silang naasinta.Ilang sandali pa,Nakuha na namin ang sampung kabataang babae na nasa kamay ng sindikato.

"Good work Cervantez.Maaasahan ka talaga lalo na pagdating sa mga may kinalaman sa sindikato.Iba din talaga ang nagagawa ng may karanasang gaya mo kaya mas madali nating nalalaman ang mga strategy na ginagamit nila._Chief Inspector Romero.

"Wala pong anuman Chief.Hangad ko pong makatulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga kagaya kong biktima din nuon ng mga sindikato at masasamang loob._AKO.

"Congrats Cervantez,Hindi kana SPO3 lang ngayon,magka level na tayo!
_SPO4 Manabat.Iniabot nya ang kamay sa akin at malugod naman akong kumamay din sa kanya.

Kasama ko si mommy ng tanggapin ko ang award ko bilang isa sa outstanding Police ng taon.Nakita ko din sa audience sila Gil na nakangiting pumapalakpak sa akin habang tinatanggap ko ang award.

"Naks naman Leli,Ikaw na talaga.Awardee kana,promoted kapa.Ang galing mo naman.Malaki din ang naitulong sayo nung mga nangyari sa atin nuon sa loob ng BSG noh,Halos alam mo na ang galawan ng mga kawatan kaya hindi sila makakatakas sayo._Sunny.

"Hahahaha.Sinabi mo pa!Minsan din talaga hindi mo din masabi kung talagang bangungot ng nakaraan natin yung pag kidnap sa atin eh.Kagaya ko na lang din,Akalain mong nai adopt ko yung mga natutunan natin nuon sa pagbaklas ng mga parts ng mga sasakyan,ang galing ko ng car dealer eh
_Moana.Kotse kasi ang naging business ni Moana ngayon.

"At dahil dyan,dapat ilibre nyo kami sympre!Kanina pa ko nagugutom eh.
Ang tagal ng awarding nila Star,Nangawit yung mga kamay ko kakapalakpak.hehehhe._Grant.

"Salamat sa pagpunta guys.Dont worry,nagpareserve na si mommy ng kakainan natin kaya halika na at ng makakain na tayong lahat._AKO.
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Gil pasakay ng kotse.Kasama namin sa sasakyan si Mommy at yung pinsan ko.

"Tita Aleli,Pinapasabi nga po pala ni Mommy na salamat daw po sa pinadala nyong shawl,nagustuhan nya daw po._Gil.

"Naku,salamat naman at nagustuhan nya.Walang anuman kamo,sa susunod ulit na makapag Hongkong kami ni Leli ibibili ko sya ng mas maganda pa duon._Mommy Aleli.

"Sana po next time makasama na din ako.Alam nyo naman po kapag saglit na mawala si Leli sa paninggin ko,Ang lungkot lungkot ko po kasi._Gil.
Natawa naman ako sa itsura nya na naglungkot lungkutan.

"Sira ka talaga Gillianne!hahahha.Hindi ka pwedeng sumama noh.Bonding naming mag ina yun.Makaka abala ka lang._AKO.

"Tita oh,Ayaw akong isama ni Leli.Ganyan kana kasi promoted kana.
Bakit kapag ako umaalis,palagi kitang isinasama._Gil.

"Aysus! Hindi ka naman madalas magtravel dahil busy ka sa work mo noh!
Malapit na din naman yung bakasyon natin sa Paris hindi ba,Kaya magkakasama din tayo._AKO.Sa Paris kasi yung bakasyon grande na treat ng Momshie ni Gil para sa aming magkakaibigan.Pasasalamat nya daw sa tulong namin dahil nabuksan nga yung vault.

After naming kumain sa resto,Nagkanya kanya na silang lahat ng uwi.Hinatid na din muna namin sila mommy at si Alyanna sa bahay.
After naming maihatid sila mommy,Saka kami tumuloy na sa Alabang.

"Sweetheart,Gusto mo bang dito na lang talaga tayo mag stay?Ayaw mo bang magpagawa ako ng mas bago at mas malaki pang bahay kesa dito?_Gil.Magkahawak kamay kaming naglalakad paakyat ng burol.

"Uhmm,Malaking bahagi ng pag iibigan natin itong lugar na to eh.Halos dito na tayo naging magka close talaga.Naaalala mo ba yung mga pagkikita natin nuon?Sino bang mag aakala na ang isang kawatang tulad ko ay magugustuhan ng tagapagmana ng mga Lorenzo?_AKO.

"Hindi ka naman kawatan.Wala ka lang choice kaya mo yun ginawa nuon.At saka sa dami ng mga batang natulungan at nailigtas mo sa mga taong masasama na yun,Sobrang natutuwa sayo si God sa kabutihan ng puso mo._Gil.Inalalayan nya ako at saka kami naihiga ulit sa damuhan.

"Sweetheart,Bakit sa dinami dami ng mga babaeng nakilala mo,nai date mo at nakasama mo na...Ako pa din yung nagustuhan mo?Sa totoo lang naman kasi,kung sa ganda lang din naman,mas madaming nakahihigit sa akin._AKO.Madalas ko kasing itanong yun sa sarili ko kaya minabuti ko ng malaman mismo sa kanya.

"Uhmmm,Bakit nga ba?Well siguro dahil iyun ang ibinulong ng puso ko eh.
Kahit na madami ng babaeng dumaan sa buhay ko,Wala kahit isa sa kanila na nagpa kabog dito sa puso ko kundi ikaw lang.I remember nga nung una tayong magkita,Nakapang madre kapa nun...Iniignore ka tignan ng
mga mata ko pero my heart beats fast nung dumaan ka sa harapan ko._Gil
Hinalikan nya ako sa nuo,habang nakahiga ako sa mga braso nya.

"Wow ha,Parang eksena lang sa pelikula.Totoo ba yan?Kasi parang ako naman,wala akong naramdamang ganun nung magkakilala tayo eh.Nabwisit pa nga ako nun sayo dahil ang suplado mo._AKO.

"So kelan mo lang nafeel na gusto mo din pala ako?Ibig sabihin pala,Na love at first sight na ko sayo nuon pa lang.Pero ikaw dedma lang._Gil.

"Kelan nga ba?Ahhhh nung nasa elevator tayong dalawa!Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nun.Kaya nga kita tinapakan ng malakas dahil ayaw moko bitawan,baka madinig mo yung heartbeat ko.hahahha_AKO.

"Seriously?Alam mo bang dumiretso pa akong clinic nun dahil sa sakit ng pagkakatapak mo?haaaist,Ibang klase ka naman pala mainlove,nananakit ka._Gil.Pareho kaming nakatingin lang sa mga bituin.

"Hahahaha.Sorry na.Babawi na lang ako.Kahit tapak tapakan mo ako ngayon hindi ako gaganti.Kasama kasi yun sa itinuro sa amin bilang self defense eh,kaya talagang masakit yun._AKO.Niyakap ko sya.

"Talaga Sweetheart,Willing kang tapak tapakan kita ngayon?Aba,Ayos.Dun na tayo sa loob magtapakan sweetheart,para mas masaya._Gil.At dahan dahan nya akong itinayo at saka kami naglakad papasok ng mansyon.

"Hahahha.Loko ka talaga.Parang ibang tapak yang nasa isip mo eh!_AKO

"OI sweetheart wala akong iniisip na iba ha...ikaw ha,mukhang iba yang iniisip mo eh.Uhmm,shower muna tayo para fresh sweetheart,tapos tapakan mo ulit ako.hahahaha._Gil.At saka nya ako hinabol papasok ng shower room.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon