18.BIANCA IGNACIO LORENZO

1.1K 47 3
                                    

"Ngayon mo patunayan sa akin ang nagagawa ng kayaman mo mom... ibalik mo ang buhay ng anak ko."
Remembering those words from my daughter Grae.Napakasakit sa isang ina na mawalan ng isang anak.Mula sa walang buhay na si Giordana Lorenzo,nasa harapan ko na ngayon ang napaka ganda at napaka siglang si DANA.Na lingid sa kaalaman ni Grae,ay himalang naka survive nuon.

"Momshie,dont worry about me and mommy Annie...Everything is gonna be okey.Kahit hindi pa alam ni daddy Grae at ni Gillianne na buhay ako hindi naman nangangahulugan yun na ipinagdadamot mo ako sa kanila.
After ng mission natin,saka na natin i reveal sa kanila ang lahat lahat._Dana.

"Mommy,inaalala ko lang ang kaligtasan ni Dana.Baka manganib sya sa mga kamay ng mga Mariano pag nalaman nilang anak sya ng Lorenzo._Annie.

"Iha,wag kang mag alala.Walang kahit sino ang nakakakilala kay Dana.Alam ng lahat na namatay na nuon si Dana pagkapanganak ni Grae sa kanya.Kahit ikaw,alam mong imposible pang mabuhay sya._Ako.

Giordana is dead.Yun ang alam naming lahat.After hearing those words from Grae,agad akong tumakbo sa room kung saan naka incubator si Dana.Kinausap ko ang doctor nya na gawin ang lahat.Hindi kaagad namin sinabi ang totoo.Basta ang alam ni Grae at Annie,patay na ang nuon ang bata.Hindi na nila nakita pa ang sanggol.Sinabi kong ako na ang nag ayos ng lahat.Pero ang totoo,Naka incubator pa din ang baby at kahit sinabi na ng doctor na wala na syang buhay,hindi ako sumuko...Ilang araw pagkatapos ng pagluluksa namin,tumawag ang doctor at saka sinabi sa akin na himalang humihinga ang bata.Agad kaming pumunta ni Gian sa hospital para makita ang baby at saka ko nasaksihan ang pag galaw ng mga daliri nya sa kamay.Pero inilihim lang namin ang lahat.

Halos sa incubator na lang nuon humihinga ang bata.kung ano anong aparatus ang nakasaksak at nakasabit sa kanya.Lahat ng posibleng gamot at mga makabagong eksperimento ang ginawa sa kanya ng mga dalubhasa,hanggang sa unti unti syang nakakarecover at nagsimulang magkaroon ng magandang resulta.Gayon pa man,inilihim pa din namin kay Annie at Grae dahil hindi kami sigurado kung may mangyayari sa kanya,mas lalo pang masasaktan si Grae.Ayoko ng maulit pa ang naramdamang sakit nuon ni Grae,hindi ko yun kakakayanin pang makita.

"Momshie,meron nga pala akong bodyguard na kasama.I think tauhan sya ni Mariano.Kaya nga kailangan kong mag ingat ngayon.Hindi nya kayo pwedeng makilala._Dana.

"Wag kang mag alala.Safe ka dito sa farm anak.At saka sakaling makita nya man ako,wala naman na kaming koneksyon ng dad mo sa ngayon kaya hindi yun magiging problema._Annie.

"Pero ako ang hindi dapat na makilala.Baka masira ang mga plano.Ang mabuti pa,wag na muna tayo mag usap.Wag kang mag alala apo,May mga tao akong naka alalay sayo.Hinding hindi ka mapapahamak.Sinisigurado ko yan sayo._Ako.

Flashback:LOS ANGELES,HOLY ANGEL GENERAL HOSPITAL
15 YEARS AGO

Limang taong gulang na si Dana ng payagan syang ilabas ng hospital.Sa mahigit limang taon,hospital ang naging tirahan nya bago ko sya iniuwi sa bagong bahay namin sa L.A.Himalang lumaki si Dana na malusog at pagkaganda gandang batang babae.Ikinuha ko sya ng magaling na private nurse para mas matutukan ang kalusugan nya.Hanggang sa dumating ang panahong unti unti na syang nakakapaglakad ng maayos,at naging normal na bata kagaya ng ibang kaedad nya.

Nang magla labing limang taon na si Dana,saka namin nagawang ipaliwanag sa kanya ang lahat lahat.
Agad namang naunawaan ni Dana ang pangyayari at mula nuon,madalas na syang naka tutok sa mga nangyayari sa pamilya nya.

"Momshie,i want to meet mommy Annie.Pwede mo na ba akong ipakilala sa kanya?_Dana.

"Iha,Sa palagay mo ba handa kana ng makilala mo ang mga magulang mo at kapatid?_Gian.

"Siguro si Mommy muna ang kausapin nyo popshie.Sa palagay ko,sya muna ang kailangan nating sabihan ng sekreto natin para hindi masyadong mabigla sila dad at ang kapatid ko._Dana.

"Pero baka hindi ako mapatawad ng daddy mo sa ginawa ko?Natatakot akong baka kamuhian ako ng daddy mo sa paglilihim ko sayo._AKO.

"Momshie,Daddy Grae will understand.At saka isa pa,wala pa akong balak magpakita sa kanila ni Gillian ngayon.Gusto kong tumulong muna sayo para makapaghiganti sa mga Mariano._Dana.

"What do you mean?Anong tungkol sa mga Mariano?Papano mo nalaman ang tungkol duon?_Ako.Nagkatinginan kami ni Gian.

"Momshie,aware ako sa naging hiwalayan  ng mommy at daddy.Dahil yun sa pagtutok ng dad sa kaso ni Mariano.I want to help.Gusto kong makatulong para sa mabilis na paglutas ng kaso.Isa pa,gusto ko din matulungang magkabalikan sila mom and dad_Dana.

"Hindi.Hindi ako papayag na pati ikaw madamay pa sa problema namin sa mga Mariano.Wag ka ng mag alala sa tungkol sa mga bagay na yun.kami na ang bahala._Ako.

"Momshie,I can take care of my self.Isa pa,walang nakakakilala sa akin na isa akong Lorenzo.Mas madali akong mapapalapit sa mga Mariano at mas madali kong makukuha ang loob nila kapag nagkataon._Dana.

"Hindi ko papayagang mapahamak ka iha.Mas lalo akong kamumuhian ng daddy mo kapag hinayaan kitang masaktan ng mga Mariano.Hindi ako papayag.Wag ka ng mag alala tungkol duon._Ako.

"Para saan pa at pinag aral mo ako ng lahat ng nalalaman ko ngayon kung di ko naman pala magagamit momshie?Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?Hindi ako naging AGENT lang ng walang dahilan.Maybe i look weak and mahinhin sa panlabas kong anyo,pero sanay ako sa pakikipag laban hindi ba popshie?_Dana.

"Well,totoo naman yun iha.Kaya lang sympre hindi mo maalis sa mommy mo na mag alala.Iba ang training mo sa US Army kaysa kapag nasa PILIPINAS kana._Gian.

"Hahahaha.Dont tell me pati ikaw popshie walang tiwala sa kakayahan ng maganda mong apo?Akala ko pa naman partners in crime tayo palage?_Dana.Kung si Gil ay maka MOMSHIE,si DANA naman ay maka POPSHIE.Bukod sa pareho silang model,magkasundo din sila sa pagkain, damit at mga likes and dislike.

"Ofcourse not!Malaki ang tiwala ko sayo iha.Alam ko na kayang kaya mo pabagsakain ang mga Mariano.Kaya lang,ang momshie mo pa din ang masusunod pag dating dyan.Inaalala lang nya ang kapakanan mo._Gian

"Papano kapag nalaman ni Grae ang lahat?Papano kung mapahamak ang apo natin,baka hindi ko mapatawad ang sarili ko.Ako pa mismo ang magtutulak sa sarili kong apo para mapahamak sya?_Ako.

"Baby,Maiintindihan ka din ng anak natin balang araw...Masyado ng madaming buhay ang nawala at nadamay,hindi ba panahon na para naman matigil na ang kaguluhan?Kung isa si Dana sa maaaring makatulong para sa ikakalutas ng kaso,bakit di natin sya pabayaang gawin ang alam nyang tama?_Gian.

"Dont worry momshie,Alam kong may ibang plano si Dad.At may plano din akong naisip para makatulong sa paglutas ng kaso.Alam ko naman na hindi mo din ako pababayan momshie,kaya wala akong dapat ikabahala.
Kapag nakuha ko na ang loob ni Mariano,siguradong wala na silang kawala._Dana.

Nang magkahiwalay sila Grae at Annie.Saka ko kinausap si Annie at sinabi ang tungkol kay Giordana.At dahil hindi sila pwedeng makita na magkasamang mag ina,palihim lang silang nagkikita at nagkakausap.

Sa ngayon,si DANA ang susi para malutas ang kaso.At para na din malaman ang iba pang mga ilegal na transaksyon ng mga Mariano,Nakipag sosyo sya kay Mikay Mariano.So far,maganda ang takbo ng mga pangyayari.At hinding hindi ako makapagpapayag na hindi kami magtagumpay.




"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon