54.Leli.

888 37 2
                                    

Madilim na bago namin narating ang HOLY RIVER Private Resort na ito.
May kalayuan din kasi sya sa Maynila.Tahimik at preskong simoy ng hangin ang sumalubong sa amin.Mababait din at accomodating ang mga staff.Inihatid kami sa room na naka reserve para sa amin.Bakante ang kabilang room sa pagitan namin ni Dana.Malaki din ang kama na kasya kahit tatlong tao pa mahiga.Tapos bukod sa jakuzzi sa loob ng bathroom meron din syang maliit na Spa.Pwede kang magpainit duon kung gusto mo at nilalamig ka.

Inaya ako ni Dana na maglakad lakad daw muna kami sa dalampasigan.
Maliwanag naman ang mga ilaw sa tabing dagat kaya hindi nakakatakot magstay.Nagpa utos din si Dana na magpasindi ng bonfire sa tabi namin habang nakaupo kami sa buhanginan.

"Mahirap ba ang buhay ng isang bodyguard Star?Hindi kaba natatakot na sa araw araw na pagbabantay mo sa Boss mo,naka amba ang panganib sayo?_Dana.Nagulat ako na out of nowhere yun ang itatanong nya sa akin.

"Sa totoo lang,Mas madali ang maging bodyguard kaysa maging swindler o manggagantso.Pareho nga silang risky at buwis buhay,kaya lang wala kang ninanakawan at nilolokong kapwa._AKO.Naalala ko ang naging buhay namin nuon sa sindikato.

"Papano kayo napasok sa gang na yun?At bakit hindi nyo sinubukan nuon na tumakas at magsumbong sa mga pulis?_Dana.

"Mga bata pa lang kami ng kidnapin kami ng BSG.Wala kaming idea kung bakit sa dinami dami ng mga bata sa mundo,kaming tatlo pa ang napili nila.Wala namang espesyal sa amin kaya kahit kami nagtataka._AKO.
Saka ko biglang naalala yung time na napatay ang papa sa pag tatanggol nya sa akin para lang hindi ako makidnap ng Grupo.Napaluha ako ng di ko alam.

"Siguro nga espesyal kayo kaya kayo ang nakatadhana para makaranas ng lahat ng iyun.Baka may purpose si God kaya hinayaan nyang mangyari ang lahat ng ito.Malay mo,worth it naman ang maging kapalit ng lahat ng pagsasakripisyo nyo._Dana. Na inabutan ako ng tissue.Kahit madilim,Alam nyang umiiyak ako.

"Yun na nga lang din ang kunswelo ko sa sarili ko.Siguro nga kaya nangyayari ang lahat ng ito sa aming tatlo,dahil may magandang kalalabasan.May mas madaming tao ang matutulungan._AKO.

"Tama ka dyan.Yun din ang iniisip ko.Anyways,Nagka Boyfriend kana ba?_Dana.

"Wala.Hindi pa.Nung nag aaral pa ako,may mga ilang nagpaparamdam pero hindi ko pinapansin.Mas priority ko ang pag aaral para may marating.Hindi ko iniisip yung mga ganung bagay._AKO.

"Wow,You mean virgin kapa?Ang swerte naman ng magiging boyfriend mo.Sa panahon ngayon,iilan nalang yata ang mga dyosang virgin  eh. I mean,iilan na lang tayo._Dana.Hindi ako makapaniwala na ang laking Amerika na si Dana pala ay kagaya ko ding conservative type.

"Para namang hindi na bigdeal ngayon yun sa mga lalaki.Kahit nga may mga anak na yung girl basta love nila hindi na usapin ang virginity.
_AKO.Naalala ko sila Moana at Sunny.Sana andito din sila para kahit papano mag enjoy sila gaya ko.

"Sabagay.Pero maswerte pa din talaga kung sino man yung makakatuluyan mo.Kung meron lang akong kapatid,Ikaw ang gusto kong makatuluyan nya.hahahah._Dana.

"Sobra ka naman.Anu naman ang kaswerte swerte sa kagaya ko.Bukod sa dati ng manggagantso at sindikato,hindi pa nakapag aral._Ako.

"Hahaha.Bata kapa naman,madali nalang yang pag aaral. Syangapala, padating na sila Mikay at yung dalawa mong kaibigan.Sinabi ko kay Mikay na wag ng mag dala ng mga goons nyang bodyguard dahil safe naman kako dito._Dana.

"Susunod sila Boss Mikay dito?Mabuti naman kung ganun.Ang akala ko talaga,tinakasan mo na sya eh.Nag aalala na talaga ako na baka mapalayas nya ako ng di oras pagbalik natin sa hotel._AKO.Nakahinga ako ng maluwag at masaya akong malaman na susunod din sila Sunny at Moana dito.

"Ayan,masaya kana.Ikaw nga ang inalala ko kaya kahit ayoko sana munang makasama si Mikay,tinawagan ko na para sumunod nalang dito.
Saka pinasama ko na din yung dalawang kaibigan mo para mas maenjoy mo ang pagbabakasyon._Dana.

"Salamat Dana.Napaka bait mo talaga sa akin.Mula ng dumating ka sa buhay ni Mikay,naging magaan na din sa amin ang lahat.Pati kami naging kampante na din._Ako.Totoong iba ang nagagawa ng LOVE sa buhay. Ang dating walang direksyon na si Mikay,ngayon natuto na ding mangarap.

"Tara sa restaurant,Parang nagcrave ako sa grilled fish.Bigla akong nagutom.Baka gabihin na sila Mikay sa pagdating nyan,medyo matagal din ang byahe papunta dito eh._Dana.

Agad naman kaming naglakad pabalik ng villa.Malayo pa lang ay naaamoy na namin ang mga seafoods na iniihaw mula sa 2nd floor ng building.
Nasa pinaka gitna kasi ng resort ang building kung saan ang room para sa mga tauhan ng resort.Dito din ang tanggapan ng mga papasok at lalabas na guest. Sa magkabilang side naman ng buliding nakatayo ang villas. Limang malalaking room sa left side,kung saan kami nakacheck in. At limang room din sa kabila na katamtaman lang ang laki.
Sa 2nd floor ng building naman ang restaurant at party place.

"Parang may iba ding guest dito sa resort ah,May malakas na kantahan dun banda sa pool area._AKO. Kapag umakyat ka kasi sa 2nd floor ng building, matatanaw mo ang malaking pool area.Pero dahil may mga puno sa paligid nito,hindi mo makikita ang mga tao maliban na lang kung maliwanag o kung umaga na.

"Sa tingin ko nga meron ding ibang guest.May natanaw akong mga sasakyan dun sa parking area kanina eh.Mukhang mga anak ng mayayaman,lahat may kanya kanyang sasakyan eh._Dana.

"Good evening Ma'm.Welcome to Holy River.I hope mag enjoy po kayo sa foods and drinks na inihanda namin._Manager.Nakalagay sa name plate nya na nakapin sa damit nya.

"Salamat po.Ay ate,bukod po ba sa amin may iba ding tao dito sa resort? Ang alam ko kasi private resort ito kaya hindi pinaparentahan sa iba?_Dana.Na nagsimula ng kumain ng alimasag.

"Ay opo ma'm,may ibang guest nga pong nandito din.Nagkaton po kasing kakilala nila yung may ari kaya andito din sila kasabay nyo._Manager.

"Ahhh ganun po ba.Anyway,yung darating kong guest mamaya pwede po bang paki assist na lang kasi medyo maselan po yun sa ibang taong kasama._Dana.

"Dont worry Ma'm,Safe po kayo dito.Maliban sa pamilya ng may ari,wala na pong ibang tao na nakaka alam sa lugar na ito.Bukod pa sa 24/7 na naka alerto ang security namin dito sa paligid._Manager.

"Thank you.Ang sarap naman ng mga pagkain.May gosh,mananaba ako dito.Pano na lang ang figure ko._Dana.

"Naku Ma'm salamat po at nagustuhan nyo.Dont worry po,sexy pa din kayo kahit mag gain ng weights.Saka meron pong gym and spa dito kaya pwede kayong mag exercise every morning._Manager.

Natutuwa ako sa attitude ni Dana.Hindi sya mahirap pakibagayan.Kabaliktaran ni Mikay na walang makasundo dahil sa ugali.
Halos lahat kinakausap ni Dana,wala syang pinipili kahit mayaman o mahirap,pantay pantay sa kanya.Para syang si Gillianne.Malapit din kahit sa mga tambay at mga palaboy sa lansangan.Teka,bakit bigla bigla ko nalang naisip si Gillianne.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon