87.Gillianne.

910 37 1
                                    

Pagbukas ko ng pintuan ng kotse,Agad kong hinawakan sa braso si Leli at hinatak paakyat sa burol.

"Anu ba,nasasaktan na ko ah!Nakita mo namang naka gown at naka heels ako para kang humihila ng baka!_Leli.Alam kong kanina pa sya galit na galit sa akin pero kailangan ko tong gawin para sumama lang sya sa akin.

"Bakit ba kasi hindi mo pa hubadin yang sapatos mo para makalakad ka ng maayos.Gusto mo ako na ang magtanggal nyan?_AKO.Saka ko sya pinaupo dun sa damuhan at saka ko sinimulang tanggalin ang sapatos nya.

"Gillianne naman kasi,ano bang kalokohan to.Bakit mo ko dinala dito sa burol ng naka gown pa.Wala ka talagang alam gawin kundi kaladkarin ako na parang alaga mong aso eh!_Leli.Saka nya inalis yung kamay ko at sya na ang nagtanggal ng sapatos sa paa nya.

"Grabeh ka naman maka aso dyan.Alam ko naman kasi na hindi ka sasama sa akin dito ng maayos kapag sinabi ko kaya wala akong choice kundi kaladkarin ka.Pero hindi naman yung literal na kaladkad ha._AKO.

"Eh bakit mo nga kasi ako dinala dito?Ano bang meron dito sa burol at paborito mo kong dito kinakausap ha?Para tayong tanga dito na nakasalampak tapos naka gown at tuxedo pa._Leli.At saka sya umayos ng pagkakaupo.

"Lumabas kasi ako kanina dun sa venue para ihatid si Mrs.Lopez.Isa yun sa shareholder ng kumpanya namin kaya gusto ko lang magbigay galang sa kanya.Napansin ko na madaming stars sa langit kaya bigla kitang naisipang yayain talaga dito.Kaya lang,naimbyerna ako sa nadatnan kong eksena kanina kaya bigla akong nawala sa focus._AKO.

"So ibig sabihin,kahit na hindi nangyari knina yung insidente na yun,aayain mo pa din ako talagang magpunta dito ng naka gown?_Leli.
Nangiti ako ng makita ko syang humiga sa damuhan at tumingin sa langit.

"Thats right!Pero mas okey sana kung hindi tayo paakyat dito ng naghihilahan.Alam mo,pasalamat yung Celeb na yun at nasa ball tayo at madaming tao, dahil kung hindi pinagbuhol ko na silang dalawa ni Aliyah dahil sa pinagsasabi nila sayo._AKO.

"Pabayaan mo na,hindi naman talaga maaalis sa mga tao ang mang maliit ng kapwa lalo kapag mga sikat na kagaya nila.At saka sanay na din naman akong nakakarinig nun kahit nuon pa._Leli.Napansin ko na parang humina yung boses nya.Umiiyak ba sya?

"Hey!Are you crying?Will you stop crying na,Kapag di ka tumigil sa pag iyak,babalikan ko yung dalawa na yun at pagbubuhulin ko sila._AKO.Agad akong tumayo sa pagkakahiga pero pinigilan ako ni Leli.

"Anu ba,wag ka ngang bayolente.Kaya ka nasasabihang gangster kasi palagi kang HB.Hindi naman ako umiiyak ah.Bigla lang nag flashback sa akin yung mga panahon na nasa kamay pa kami ng BSG.Sobrang lungkot namin nun pero wala kaming choice kundi gawin kung ano yung pinag uutos ni Pinuno.Kahit labag sa kalooban mo,kailangan mong gawin para hindi ka masaktan._Leli.Saka ako biglang nakadama ng awa para sa kanya

"Yun nga din ang pinagtataka ko,papaano kayong napunta sa mga kamay ng BSG?At bakit after nun,napunta naman kayo sa mga Mariano._AKO.
Malaking palaisipan sa akin kung ano ang kaugnayan nilang tatlo sa BSG,MARIANO at KAY DADDY.

"Sa totoo lang,hindi ko din alam.Wala naman kayaman ang pamilya ko at ng pamilya nila Sunny at Moana pero pinakidnap kami ng BSG at ginawang tauhan nila.Maswerte pa nga ako at napasakamay ako ng Daddy mo kaya nakapag aral pa ako bago muling makidnap ulit.
Ang sabi sa akin ng daddy mo,ang pamilya daw kasi namin ang may hawak ng password ng minahan.Nung malaman kasi yun ng BSG,nagka interes sila sa amin.Si GOMEZ na isa sa kasosyo ng lolo mo ang pinuno.Pero after nya mamatay,sinabi nya sa mga tauhan nya na kami nga daw ang may hawak ng password kaya nila kami kinidnap._Leli.

"Really?Nasa inyong tatlo nila Moana at Sunny ang password?Papano,Bakit kayo ang may hawak?Ohhh,kaya naman pala madaming nagka interes sa inyo pati ang mga Mariano dahil sa PW!_Ako.
Hindi ako makapaniwala sa rebelasyon ni Leli.

"Yun nga lang din ang pinagtataka naming tatlo,Dahil after mahuli ng BSG at namatay na si Mariano,wala pa din kaming alam kung papanong nasa aming tatlo ang sinasabi nilang PW samantalang wala kaming alam nila Moana at Sunny._Leli.Napatitig ako sa kanya.Dahil maliwanag ang buwan kitang kita ko sa ekpresyon nya ang sensiridad.

"Alam ba nila Grant at Gold ang tungkol dito?Para kasing wala naman silang nabanggit sa akin._AKO.

"After kaming palayain ni Senator Mariano at ipaliwanag nila ni General Lorenzo ang lahat lahat tungkol sa Minahan,saka lang din namin naintindihan kung bakit kinailangang nangyari sa amin lahat ng yun.
At saka din namin sa kanila sinabi ang totoo na wala kaming alam at wala kaming kahit na anong idea tungkol sa sinasabing password.Siguro ngayon alam na din nila Gold at Grant ang lahat pero hindi lang nila kaagad yun nasabi sayo._Leli.

"I cannot imagine how hard for the three of you na maranasan ang mga ganung bagay sa mura nyong mga edad.Tapos ganun ganun lang yun,wala naman palang magandang kahihinatnan?Imposible!Sigurado ako na worth it lahat ng mga pagsasakripisyo nyong naranasan para dun sa treasure na ibinaon ni lolo sa Minahan.Hindi ako naniniwala na ganun ganun na lang at walang pinatunguhan ang mga masasamang alala ng nakaraan nyo maging ng pamilya ko ng dahil sa vault na yun._AKO.Kailangan ko na talagang makita ang chips para sa ikapapanatag at ikalulutas ng multo ng nakaraan.

"Yun nga din ang naisip ko pero hindi naman kailangang dun na lang umikot ang buhay.Kailangan ding magpatuloy para sa magandang kinabukasan.Kung ano man yung magandang naidulot sa amin nung mga nangyari sa amin nuon,siguro yung nakilala namin kayo lalo na sila Sunny at Moana na masaya na ngayon sa piling nila Gold at Grant.Yun na siguro yung pinaka premyo sa kanila ni Lord._Leli.

"May point ka naman dun.Feeling ko nga sinuwerte sila sa isat isa talaga.
Parang tayo na lang yata yung wala pang swerte noh?Kasi naman ayaw mo pa kong sagutin._AKO.Saka ako biglang nahiya dun sa sinabi ko.Parang hindi naman biro yun,parang totohanan na.

"Ano,Ikaw sasagutin ko?Ayoko nga sa mainitin at ulo at mahilig sa away.
Hahahaha.At saka isa pa,hindi ka naman nanliligaw._Leli.Saka biglang tumayo at saka nagpagpag ng gown nya.

"Teka san ka naman pupunta,nag uusap pa tayo ah!Kapag talaga pinag uusapan ang ligaw,umiiwas ka.Lalo ko tuloy naiisip na apektado ka sa mga biro ko sayo.Type mo din talaga ko noh?hahaha_AKO.Dinaan ko na lang sa biro para hindi halata.

"Hindi ah.Hindi ako naniniwala sayo noh.Kung talagang gusto moko sana nuon pa.Alam ko naman na gusto mo lang pagaanin ang loob ko dahil sa mga ikinwento ko,Wag kang mag alala alam ko kung hanggang saan lang ako.Hindi ko din naman pinangarap na makapag bf ng isang CEO,madami kayang kaagaw sa atensyon sa mga ganun._Leli.Nagsimula na syang maglakad pababa ng burol kaya sinundan ko sya.

"Grabeh naman,ibig bang sabihin nyan basted na ko kahit di pa ko nagsisimulang manligaw?Ang sakit naman nun.Haaaist,kawawa naman pala ko.Forever single na talaga._AKO.Inakay ko sya habang pababa kami sa burol dahil nahirapan syang maglakad dahil sa gown nya.Sa kabilang kamay naman nya yung sapatos na hinubad nya.

"Hindi kita binasted,Nagsasabi lang ako ng totoo.Hindi ang kagaya ko lang ang nababagay sa isang tulad mo.You deserve someone na ka level mo ang estado._Leli.

Hindi naman ako kaagad nagsalita.Pumasok na kasi kami sa loob ng mansyon at saka ko sya pinasamahan sa kasambahay papunta sa kwarto nyang gagamitin.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon