3.GIL

1.9K 54 1
                                    

GILLIANNE BATUNGBAKAL LORENZO:

The ONLY daughter of General Grae Ignacio LORENZO
and RESTAURANT CHAIN owner Annie Batungbakal LORENZO.
Yan ang madalas kong nababasa sa mga Social and Business pages ng mga babasahin na gaya Elite fashion magazine nuon.
After maghiwalay nila Mom and Dad,Wala na ding naibalita tungkol sa family namin.Nag concentrate na lang si Dad sa trabaho nya bilang alagad ng batas.Habang si Mommy,wala akong naging balita ng limang taon mula ng umalis sya ng bahay

"Gillianne!Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na itigil mo na yang basag ulo.Bakit ba ang hirap mo pakiusapan?Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo ha?_Daddy Grae

"Dad,Alam mo kung anong gusto ko.At hindi ko na uulit ulitin pa sayo yun_AKO.

"Imposible yang gusto mo!Alam mong hindi yan mangyayari! Kaya tumigil kana sa pagrerebelde at ayusin mo yang buhay mo!
_Daddy

"Imposible?Kung Imposible yun para sayo,Imposible din na tumino ako!Dad,Kung wala ka ng iba pang sasabihin aalis na ako._AKO

"Gillian,Anak.Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?Iniwan na tayo ng mommy mo.Limang taon na ang nakaraan.Bakit hindi mo maintindihan yun.Kung gusto ka nyang balikan,sana nuon pa._Daddy

"No dad!Hindi nya tayo iniwan.Ikaw ang nanakit sa kanya. Kundi mo sya ipinagpalit sa iba,Kung pinigilan mo sya,kung hindi mo sya hinayaang umalis,May mommy pa din sana akong kasama ngayon.Ikaw ang dahilan kaya umalis si Mom,at hindi kita mapapatawad sa ginawa mo._AKO

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo.Hanggang kelan ka magiging ganyan?_Daddy

"Ibalik mo sa akin ang mommy, Ibalik mo ang pamilya ko dad._Ako

Nagmamadali akong lumabas ng bahay.Sakay ng Hammer na paborito ko,hindi ako huminto sa pagmamaneho.Bahala na kung san ako mapadpad.Wag ko lang makaharap si Daddy.

"Gil tama na nga yan.Lasing na lasing kana eh!Ano na naman bang pinag awayan nyo ng Ninong Grae ha?_Gold.

"May bago paba?Malamang si Ninang Annie na naman.Bakit ba kasi galit na galit ka mundo ha Gil?Pwede ka namang maging masaya kung gugustuhin mo eh._Grant.
Gold and Grant are cousins.Dahil sa magkakambal ang Mom at dad nila.(ninang Loren and ninang Lora).

"Alam nyo,kundi lang talaga ko nakapangako kila Momshie Bi and Popshie Gian na gagraduate ako this year hindi na talaga ako papasok eh!Badtrip yung mga prof natin,Ang sarap paduguin ng mga nguso!_AKO

"Easyhan mo lang kasi Gil.Ilang buwan na lang graduation na natin.Tapos malaya na tayo.Kami nga ni Sunny magpapakasal na after graduation eh._Gold

"Whaaaat?Are you serious?Ayaw nga nila uncle dyan sa jowa mo noh!Sira ulo ka talaga,gusto mo bang mawalan ng mana?_Grant

"Hahahaha.The hell with that mana!Si Sunny lang ang importante sa akin.Kahit mawalan ako ng mana,basta mahalaga makasama ko si Sunny._Gold

"Putcha,Gold ikaw ba yan?Pagpapalit mo yung milyones mo sa babae lang?Ano bang meron dyan sa Sunny na yan?_AKO

"Well simple lang,Kapag kasama ko sya pakiramdam ko ako na yung pinakamayamang tao sa buong mundo._Gold.

"Tara na pre!Ang sakit sa bangs nitong pinsan mo! Maghiwa hiwalay na muna tayo!Mauna na ko, pupunta ko sa CASINO.Seeyou tomorrow sa School._AKO.na sumaludo pa sa kanila bago umalis.

Mariano Hotel and Casino:Pasay

"Pano ba yan Gil.Talo na naman kita?Galingan mo naman sa susunod para hindi ka nakaka awang tignan.hahaha._Mikay Mariano(lesbian daughter of Miguel Mariano).Talo ako ng 500k
Hindi nga yata talaga ako magaling sa baraha.Sa karera lang.

"Hahahah.Mukha ba kong nakaka awa o ikaw?Look at your self in the mirror.Kinakailangan mo pang magpa gawa ng ilong sa isang surgeon para magmukha kang tao.Kaya pala inaayawan ka ng girlfriend mo eh,wala syang makitang maganda sa itsura mo.
_AKO.

"Damn you Lorenzo!How dare you talking to me like that? Baka nakakalimutan mo na nasa teritoryo kita?_Mikay.Lumingon ako sa paligid ko.Madami syang kasamang bodyguard.Kanila tong hotel sympre.

"Hahahha.Oo nga pala.Nasa teritoryo ako ng mga lahi ng mga kurakot at mga pulitikong pulpol!Buti at pinaalala mo.Well anyways,Wala akong dalang cash kaya here's my fucking key.Sayo na yung kotse ko sa labas,Masyado na kasing masikip yung parking space ko para duon._AKO.Sabay hagis ng susi sa kanya.

"Gil naman,maglalakad tayo?Bakit mo naman kasi ibinayad yung sasakyan mo,kalahating milyon lang yung talo mo tapos kotse ang kapalit?_Viena(Ampon nila tita Karen at tita Vien)

"Alam mo Gil,Bawas bawasan mo nga yang init ng ulo mo.Dyan ka napapahamak eh.Alam mo namang mapanganib kalaban yang si Mariano diba?Isa pa sayang naman yung kotse mo!_Candy.
(Lesbian daughter ni Tito Mandy and tita Korina)

"Bayaan nyo lang,kulang pa nga yun sa bayad ko sa kanya eh! Isang milyon?Hindi na masama,Pareho ko naman kasing inenjoy.hehehehe._AKO.Nakangisi sa kanila.

"What do you mean by that?Papanong in-enjoy?_Jamie(Anak ni tito Jake and tita joey)

"Nag enjoy kami nung girlfriend nya last night.Actually,Ako ang nakauna sa girlfriend nya eh.Kaya sa tingin ko naman deserve nya yung kotse ko pambayad.hehehhe._AKO

"Patay tayo dyan tol!Pag nalaman ni Mikay yun sigurado babalikan ka nun!_Candy.

"Relax.Hindi naman ako tanga para di maging handa.Saka kasalanan ko ba yun, yung syota nya ang nagbigay ng motibo eh! Buti pa kumain na lang tayo muna, tapos toma tayo dun sa bahay nila Candy.Miss ko na si tito Mandy kainuman eh!_AKO

Gil,Tumawag si mommy.Dumaan ka daw bukas sa bahay.May pag uusapan daw kayo._Viena

Tumango naman ako.Si Tita Karen ang Bff ni mommy kaya kapag may mga tanong ako tungkol sa kanya kay tita Karen ako nagpupunta.Sa palagay ko nga, Alam niya kung nasaan si Mommy pero hindi lang sya umaamin sa akin.

"Guys, malapit ng matapos yung research ko about dun sa mga Miners na natabunan ng lupa dun sa Baguio.
Alam nyo ba na may balitang sinadyang ilibing sila dun ng buhay para hindi na makapag salita tungkol sa pagmamaltrato sa kanila ng amo nila?_Jamie (researcher ng isang news/tv network)

"May survivor daw ba? Alam nyo magandang news headline yan pag nagkataon.Pero malamang wala yan takot lang nung nagpapatay na mabisto sya._Viena(Masscom)

Interesting yang issue na yan ah. Parang gusto kong ma involve.Kapag may nalaman kapa tungkol sa survivor sabihan moko agad Candy, ako bahala sa lahat.Pakiramdam ko may survivor dyan pero nagtatago lang._AKO

Kila Candy kami tumambay.Paborito kasi  akong kausap ni tito Mandy.Madalas nyang kinu kwento sa akin yung tungkol sa buhay ni mommy nung dalaga pa sya. Ibang klase pala si mommy nuon, Raketera na dancing queen pa.Feeling ko tuloy kay mommy ako nagmana.Yung hindi napapagod.Hyper palage at saka masayahin.Pinagkaiba lang siguro namin, hindi ako kasing tino nya. Mas pasaway ako.Mas sakit ng ulo.Pero hindi naman ako talaga ganito, Ginagawa ko lang ang lahat ng ito dahil gusto kong magrebelde kay daddy.Gusto kong ipakita sa kanya na galit ako sa kanya.And i'll make her life misirable.Para pare pareho na kaming masira ang buhay.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon