11.GIL

1.2K 45 2
                                    

Limas ang laman ng kotse ni Grant.Kahit na yung paborito nyang ipod na naglalaman ng mga paborito nyang kanta nakuha.Wala naman silang lead sa mga itsura ng kawatan dahil walang cctv duon.

"Irereport ba natin or hahayaan mo na lang?_AKO.Kahit naman kasi nawalan si Grant ng mga gamit,hindi yun magiging kabawasan sa yaman nya,kaya lang gusto nya sanang mabawi kahit yung ipod nya lang.

"Haaaist!Bakit ba naman hindi ko napansin na gusto lang akong isahan nung babae na yun.Ang tanga tanga ko naman na nadala ako sa drama nya._Grant.Na sinipa pa yung gulong ng kotse nya sa inis.

"Hahahha.Ang sabihin mo,nagayuma ka ni girl!Kilala kita,hindi ka basta basta maiisahan ng babae noh.Ikaw pa ang manglalamang.Pero this time, naisahan ka.Ano,sasabihin pa ba natin sa erpat ni Gil ang nangyari?_Gold

"Wag na muna.Feeling ko mahahanap ko si girl eh.Hindi ko makakalimutan ang itsura nya.Lagot sya sa akin sa oras na malaman ko kung sino sya._Grant.

Napangisi na lang ako.I doubt it kung magkita pa sila nung kawatan. Imposibleng mangyari pa yun,unless hindi sinasadya.After namin mag usap usap,naghiwa hiwalay na kami ng uwi.

Dumiretso ako ng Alabang.Dumating daw sila momshie at popshie from L.A

"Momshiee!_Ako.sabay akap at halik sa kanya.

"Ohhh,My darling Gillianne.I misssyou soo much iha!_Momshie Bianca.
I look at her,medyo tumanda sya ng bahagya ngayon kaysa nung huli kaming magkita.

"Momshie,Where's Popshie Gian?Himala yatang hindi mo sya kasama?_AKO

"Nauna lang ako dahil may mahalagang okasyon akong aattendan.Pero susunod din sya agad.Kamusta ka?_Momshie.

"Okey naman ako momshie,ganun pa din._ako.Alam naman ni momshie Bianca na im longing for my mommy Annie.

"Iha,Alam kong kaya ka nag rerebelde sa daddy mo dahil sa pag alis ng mommy mo.Pero sana lang anak,wag na wag mo pa din aalisin sa puso mo ang pagmamahal mo para sa kanya.Dahil kapag nangyari yun,ako ang unang unang masasaktan._Momshie.

"Momshie,you know how much i missed my mommy.At alam mo din na dahil kay daddy kaya nasira ang pamilya namin.Sa palagay mo ba,hindi ako makakaramdam ng galit sa kanya dahil sa ginawa nya?_Ako.

"I know how you feel iha,Ramdam ko ang sakit ng mawalan ng ina at ama sa tabi nya.Pero nariyan lang sila para sayo iha,unlike me na ni wala kahit isang matakbuhan kapag nakakaramdam ako ng takot at pagkalungkot.
_Momshie.

"Momshie naman,wag ka ng umiyak.Makakasama sayo yan.Wag na natin pag usapan sila mom and dad para hindi kana malungkot._AKO.

"Gusto ko lang malaman mo ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang mo iha..Kaya sana pakinggan mo ako._Momshie

"Momshie,I already knew that.May babae ang dad,kitang kita ko yun. Kaya wala ka ng dapat pang ipaliwanag._AKO.

"Hindi babae ang dahilan ng hiwalayan ng mommy at daddy mo.AKO.
Kahit kelan,hindi magagawa ng daddy mo magtaksil sa mommy mo.
Kung ano man ang nakita mo at nabalitaan mo nuon,lahat yun dahil sa kagustuhan ng daddy mo na malaman ang utak sa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko._Momshie.Napa angat naman ang tingin ko kay momshie.

"What do you mean utak sa pagkamatay ng lolo and lola?_AKO.

"Inilihim sa akin ng daddy mo na iniimbestigahan nya ang kaso tungkol sa pagkamatay ng parents ko.Until oneday,nalaman ko na lang na may kinalaman sa sindikato ang taong involve sa pag ambush sa amin nuon.
Dahil pala sa isang nakatagong vault na ibinaon ng daddy ko nuon sa minahang pagmamay ari nya.Na diumano, kinakamkam ng matandang Mariano._Momshie.

"Ibig sabihin,lahat ng mga babaeng involve kay dad nuon hindi totoong karelasyon nya?Lahat ng yun ay para lang sa mga plano niyang masubaybayan ang kaso?I remember that incident,May mga survivor nga daw ang minahan.Ibig sabihin may kinalaman yung babaeng humalik kay dad nuon sa sindikato?_Ako.

"That was Maria.Kabit ni Miggs Mariano.Sinadya nyang mapalapit sa babaeng yun para may malaman sya about sa mga Mariano. Then the other girl na pinagselosan din ng mom mo,Si Cervantes.Asawa ng isa sa mga survivor ng minahan,balitang pinapatay din sya ni Mariano kaya ang dad mo ang sumagot sa lahat ng pangangailangan ng pamilya nila._Momshie.

"Ohhh!You mean,Hindi totoong pinagtaksilan ni dad si mom?Does mom knows about it?Bakit hindi nya pinakinggan ang paliwanag ng daddy?_Ako

"Yeah,Your mom knows about it.Ang lahat lahat.Nuong una hindi agad agad,pero nagpapa imbestiga din ang mommy mo kaya later on nalaman nya din ang totoo.Pero napagkasunduan nilang maghiwalay pa din._Momshie

"Kung talagang mahal ni daddy si mom,dapat hinanap nya pa din si mommy at hindi nya sinukuan.Bakit nya hinayaang mag isa si mom ng ganun.haaaaist!_AKO.

"Mahal na mahal ng daddy mo ang mommy mo.Wala syang ibang minahal kundi si Annie lang.Hindi lingid sayo ang istorya ng pag iibigan nila hindi ba?Hindi natin hawak ang nilalaman ng puso nila at isipan.May mga dahilan at rason kung bakit nagagawa nating magpalaya sa taong mahal natin kahit masakit.Hindi dahil nawala na ang pagmamahal kundi gusto lang natin hanapin ang sarili natin._Momshie.

"Kaya nga ba ayokong mainlove.Ang hirap at ang bigat nyang i handle momshie.Mabuti kayo ng popshie,walang problema._AKO.

"Darating din yung babaeng magpapatibok dyan sa matigas mong puso iha,antay antay ka lang.Malay mo anjan lang pala sya sa tabi mo at di mo namamalayan basta ka nalang tatamaan._Momshie.

"Hahahha.I dont think so momshie.Hinding hindi ako maiinlove.Pwedeng mahulog silang lahat sa charm ko pero ako,never akong maiinlove sa kanila._Ako.

"Uhmmm,Sinasabi mo lang yan.Kilala ko ang mga LORENZO.Sa simula, matitigas ang mga puso nyo pero sa huli TUNAY na pag ibig pa din ang mangingibaw._Momshie.

After namin mag usap ng momshie,medyo gumaan gaan naman ang dibdib ko sa mga natuklasan ko about daddy.Pero ganun pa man,Mananatili pa din akong rebeldeng anak sa kanila.Mas masaya sa kalsada at lansangan.Mas nag eenoy akong kausap ang mga sanggano at mga maton kaysa mga pasosyal na mayayaman pero mga plastik naman.

Sa underground ako nag stay.Bago ako mahiga sa kama ko,Nag ikot ikot muna ako sa loob ng kwarto.Mahilig kasi ako sa mga sinaunang gamit tapos kino collect ko.Then suddenly,Isang bagay ang nakakuha sa atensyon ko...JEWELRY BOX ni Momshie Bianca! Inisa isa ko ang laman ng box,wala namang kakaiba duon,mga mamahaling alahas at ilang diamonds at namumukod tanging singsing na hugis Bituin ang korte ng bato.Sinipat ko maige ang singsing...Unique at saka korteng star.Napangiti ako at sinuot.Hihingiin ko na lang ito bukas kay momshie. Bata pa lang ako mahilig na ako sa hugis ng bituin.Ewan ko ba,parang kapag nakakakita ako ng star,parang lumiliwanag ang paligid ko.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon