20.GILLIANNE

1K 46 0
                                    

Kanina ko pa napapansin na halos hindi mapakali sa upuan yung madre at yung maiksi ang buhok na mga kaibigan ni Sunny.Pupusta ako walang duda,yung madre at yung babaeng nasa casino nuon ay iisa.Silang tatlong magkakaibigan ay mga swindler na nagpapanggap para mang gantso sa mayayamang biktima.Pero hindi ako nagpahalata.Si Grant naman,sigurado daw sya na yung maiksi ang buhok ay yung babaeng nagpanggap nahilo nuon na tinulungan nya at pagkatapos  ay nanglimas ng laman ng loob ng kotse nya.Kailangan naming maging alerto.Kundi kami ang next target nila,baka mas magandang kami ang tumapos sa mga pinag gagawa nilang panloloko.

"So babe,I've finally met your friends ng di sinasadya.Matagal na nating pina plano na pagkitain sila hindi ba?hehehehe._Gold.

"Oo nga.Akalain mo na sinasadya talaga ng tadhana na magkita kita tayo dito sa mall.Alam mo bang ngayon lang din kami nagkasama sama mag mall nitong mga kaibigan ko?hahahah._Sunny.

"Really?Bakit naman.Hindi ba kayo madalas pinapayagan ng parents nyo mamasyal manlang?_Grant.Kay Moana lang nakatingin.

"Madre nga kasi,bawal maglalabas.diba sister?_Gil.Na sa akin naman nakatingin.

"Sabagay.Anyways,may gagawin pa ba kayo after this pwede tayong mamasyal o manuod ng sine kung pwede kayo?_Gold.

"HINDI! _Sabay sabay na sagot nila Sunny,Moana at Leli.

"Hahahha.Kelangan talaga sabay sabay?Bakit naman hindi pwede, sabi nyo nga minsan lang kayo magbonding ng ganito samantalahin nyo na.
Babe please,gusto pa kitang makasama ng matagal tagal._Gold.

"Pasensya na talaga,kailangan ko ng mauna.Magpapa alam na ako. Kailangan ko na talagang bumalik sa simbahan.Salamat sa pa lunch Gold._Leli.Na agad tumayo at halos tumakbo na papalabas ng restaurant.

Tatayo na din sana si Moana pero hinawakan sya sa kamay ni Grant.

"Ihahatid na kita sa labas.Mauuna na din ako umuwi.May lakad akong pupuntahan.See you guys na lang later._Grant.Na tumayo na at inalalayan pa si Moana.Napailing naman ako.Mga galawan din talaga ni Grant eh.

"Okey cuz.Seeyah later!Ingatan mo si Moana ha,baka tangayin mo na yan pauwi lagot ka dyan.heheheh._Gold.Sabay tapik sa balikat ni Grant.

"Salamat Gold.Nice meeting you all._Moana.Napatingin naman ako kay Grant na may kakaibang ningning ang mga mata.

Ilang minuto pagka alis nila Grant at Moana,Nagpaalam na din ako kila Gold at Sunny na mauuna na din.Bukod sa out of place ako sa kasweetan nung dalawa na parang walang ibang tao sa paligid nila,may gusto din akong puntahan.Gamit ang kotse,bumalik ako sa simbahan kung saan ko unang nakita si Sister Leli.Duda ako sa pagiging madre nya.Alam ko,nagpapanggap lang sya.Isa yun sa tutuklasin ko.Pati na din ang pagiging babaeng bodyguard nya kay Mikay.Im sure,hindi sya basta bastang babae lang.Yun ang aalamin ko sa pagkatao nya.

Kinabukasan after school,Agad akong bumalik ng Mariano hotel.May nagtip sa akin na pupunta daw si Mikay para maglaro.Kaya naman agad kong sinunggaban ang pagkakataon.Hindi nga ako nagkamali,bukod kay Leli na alalay ni Dana,andun din si Moana para naman magsilbing secretary ni Mikay.Sya ang nag aabot ng pera kay Mikay at nag aassist kapag may kailangan.Habang si Dana naman,nakaupo lang sa tabi ni Mikay.

"So Dana,hows everything naman?Hindi kaba nahirapang mag adjust dito sa buhay mo sa Pinas?_Mikay.

"Hindi naman.So far nag eenjoy pa ako.Kahit matraffic at mainit.hahaha.
Saka andito naman si Star to keep me company._Dana.Na ngumiti kay Star

So,kapag madre sya..Sister LELI ang name nya.At kapag bodyguard sya, Star ang tawag sa kanya.Sounds interesting.Napasulyap naman sya sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa.Pero agad naman nyang binawi yun.

"Bakit hindi mo subukang mag laro din Miss Dana.Nakaka boring kasing kalaban tong si Mariano eh.Walang ka challenge challenge,parang nakikipaglaro lang ako sa amateur._Ako.Nagsimula na akong mang asar kay Mikay.Nakita ko naman sa mukha nya ang pagkapikon.

"Oh Im sorry to dissapoint you dahil hindi ako mahilig sa baraha.Bakit hindi natin subukan sa karera.Ang balita ko dito kay Mikay,magaling ka daw sa car racing eh!_Dana.

"Hahahah.So,mukhang madami nang naishare na kwento sayo si Mariano tungkol sa akin ah!Hindi na ko magugulat dun,alam ko naman na matagal na kong type nyang si Mariano kaya alam lahat ng tungkol sa akin,may dagdag pa im sure._Ako.

"Pwede ba wag kang feeling dyan.Hindi ka namin pinag uusapan.Nagkataon lang na magaling din mangarera si Dana kaya nasabi ko sa kanya na kayo nila Grant at Gold ang magandang kalabanin._Mikay

"Hahahaha.Well,kung gusto ng bisita mo makipag karera,magsabi lang sya kung kelan nya gusto at anytime pwede ako.Mas masaya ang laban kung sasali ka din Mariano.Para naman magka alaman na tayo kung sino nga ba ang mas magaling sa atin right?_AKO.

"This coming saturday night pwede ako.Gusto ko din subukan ang karera dito sa Manila.Sabihan nyo lang ako sa lugar at oras para naman makapaghanda ako._Dana.Na nakatitig sa akin palagi kapag nagkakaharap kami.May gusto ba sa akin tong dyosa na to?

"Sure madam!Btw,can i have your number pla para naman masabihan kita kung saan at what time tayo magkikita kita?_AKO.actually,mas interesado sana akong malaman ang contact number ni Leli.

"No need.Ako na bahala mag set ng venue at oras.Pasasabihan na lang kita.Hindi mo na kailangang kausapin o kontakin pa si Dana.Kilala kita Lorenzo,hindi mo pinapalagpas kahit na sinong babae lalo na kapag dyosang gaya ni Dana._Mikay.

"Hahahaha.As if naman papayagan moko maka lapit sa bagong apple of the eye mo?Sa itsura pa lang ng mga tingin mo kay Miss Dana,parang kahit langaw ang dadapo sa kanya,walang ligtas eh!_Ako.

"Wag kang gumawa ng isyu dyan Lorenzo.Kanina kapa bira ng bira sa akin ah.Parang hindi naman kita kilala?Nagbabait baitan ka lang dahil sa mga magagandang babaeng nasa harap natin,pero pareho lang naman tayong mga gangster!_Mikay.

"Hahahaha.Mukhang talo kana kasi kaya masyado ng mainit yang ulo mo eh!Masyado ka na ding maingay,hindi na nakaka aliw.Since panalo na din naman ako,siguro pwede na kong mauna?_Ako.

"Wala pa nga tayo sa finale aalis kana?Sa palagay mo papayag akong hindi makabawi?_Mikay.Agad namang nagsipaglapitan yung mga bodyguards nyang malalaki ang katawan.

"Sa karera ka na lang bumawi.Dun mo ibuhos yang yabang mo.At syanga pala,hindi pera ang gusto kong ibayad mo sa akin pag nanalo ako ha...
Masyado na kasing puno ang kaha de yero ko ng mga pera kaya this time iba naman sana,pwede ba?_AKO.Napalingon naman silang lahat sa akin including Moana and Leli.

"At ano naman ang gusto mong ipusta ko sa laban nating dalawa?_Mikay

"Yang bodyguard ni Dana!_Ako.Lahat tuloy sila nagulat sa sinabi ko

"What..?Sinong bodyguard ni Dana si STAR ba?_Mikay

"At bakit naman pati assistant ko nadamay?Pwede ba,respeto naman sa kapwa.Hindi pinagpupustahan ang mga babae!_Dana.

"Hahahahah.Gusto ko lang kasi matry magka bodyguard ng mgagandang babae eh.Parang ang cool kasi nila tignan.Pano ba yan Mariano,ayaw tanggapin ni dana ang hamon ko,wag na kaya natin ituloy to?_Ako.Napatingin ako kay Leli na nakatiim bagang ng bahagya.For sure na offend nga sa sinabi ko.

"Ill accept the challenge!Si Star kapalit ng kapag ikaw ang nanalo.At kapag ako naman ang nanalo,ayoko na sanang makikita pa kitang tutuntong dito sa Mariano Hotel!_Mikay.

"Hahahaha.Ayaw mo na kong makita dito sa hotel nyo?come on Mariano, bakit ikaw welcome na welcome naman sa lahat ng hotel namin ah!
Ano bang sekreto ng hotel na ito at ayaw na ayaw mo kong makitang pagala gala?Dahil ba sa napupurnada nyong mga transaksyon kapag andirito ako?_Ako

"Thats enough Gillianne!Sumusobra kana ha.Wala kang karapatang magsalita ng ganyan kay Mikay.At lalong wala kang karapatang mambintang ng wala kang katibayan sa mga pinagsasabi mo._Dana.

Napalingon ako kay Dana at pagkatapos kay Mikay.Pinagtutulungan ako ng dalawang toh ah.Pero may point naman si Dana dun,wala akong proof.
Agad naman akong tumayo at padabog na umalis.


"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon