14.STAR

1.1K 37 1
                                    

DANA's Bar and Resto:

Pinapunta kami dito ni Leo para daw i assist namin si Mikay Mariano.
Magandang opurtinidad ito para mapalapit sa anak ni Mariano.Habang tumatagal kasi,papalapit na kami sa totoong pakay ko.Limang taon bago ko pa unti unting nalalaman ang tunay na pagkatao ni PINUNO.

"Hey Dana,see that lesbian over there?Sya yung sinasabi ko sayong bwisit sa buhay ko.Si Lorenzo._Mikay.Napalingon naman ako sa tinutukoy nyang bwisit sa buhay nya.Sya yung nanghabol sa snatcher.Agad kong binulungan si Moana at pati sya nanlaki ang mata ng makita namin yung babaeng berde ang buhok.

"Papano yan Leli,Baka mamukhaan ako ni green archer.Anong gagawin ko?_Moana.Halatang namutla pagkakita dun sa babae.

"Ang mabuti pa,mauna kanang umuwi.Ako na bahalang magpaliwanag pag hinanap ka.Sige na,sabihin mo mag si CR ka lang._AKO.

Agad namang nagpaalam si Moana na magsi CR lang.Hindi ko naman natanggihan si Mikay ng hilahin ako at dalhin sa dance floor.Kahit nahihiya,wala akong choice kundi magsayaw kasama nya.

"What's your name nga pala?Hindi kasi ako madaling maka tanda ng pangalan eh._Mikay.

"Bituin ang name ko._AKO.Nakayuko lang ako habang nakikipag sayaw. Ayoko kasing mamukhaan ako ng mga tao dahil sa raket kong pagiging madre baka mabisto ako.

"Hey!Bakit kaba palaging nakayuko?Maganda ka naman,kinahihiya mo ba yang itsura mo?hahaha._Mikay.

"Naku hindi naman po Sir.Hindi lang kasi ako sanay sa ganitong lugar.
_AKO.

"Well,dont worry.From now on,ikaw na palagi ang iri request kong mag eskort sa akin.Masasanay ka ding humarap sa mga tao.Look at my friend Dana,Kahit kadarting lang nyan from States mabilis syang naka adopt sa invironment dito sa Pilipinas._Mikay.Napatingin ako sa sinasabi nyang Dana,Malayong malayo sila ng itsura nung babae.Napakaganda nya at halatang mayaman sa  kilos.Kabaliktaran nya.

"Naku,salamat naman po kung gnun.Alam nyo po kasi,matagal ko na ding gusto magkaroon ng maayos na work.Palagi lang po kasi kaming pa extra extra ng kaibigan ko._Ako.Desisdido akong makuha ang loob nya para makalapit ng husto sa mga Mariano.

"Ganun ba,Mabuti naman.Ang hirap na din kasi ngayon maghanap ng mapagkakatiwalaan.Now that Dana is back in town,Im sure mas magiging busy na kami sa mga negosyo namin.At tamang tama na kakailanganin ko ng personal bodyguard._Mikay.Agad ko naman syang sinuklian ng mapang akit na ngiti.

"Salamat naman po kung ganun sir!Isa pong malaking karangalan para sa akin na mapaglingkuran kayo._AKO.awtss!Galingan mo pang umarte Star para lalo kang madaling makapasok sa buhay ng MARIANO.

Palabas na ako ng bar ng may humarang sa daraanan ko.Hindi ko alam kung lapitin ba talaga ako ng kamalasan or talagang gusto lang akong subukan ng tadhana.Tatlong lasing na lalaki ang nakapalibot sa akin.Hindi naman ako nasisindak sa kanila dahil kaya ko silang palagan tatlo pero hindi sana ngayon dahil pagod ako sa maghapong pag akyat ng hagdanan.

"Miss,Mukhang nag iisa ka.Gusto ka sana naming imbitahan sa bahay ko. Actually,nabitin kasi kami sa pag inum wala kaming escort kaya gusto sana naming ikaw na lang._Lalaking lasing.

"Pasensya na pero hindi ako sumasama kung kani kanino lang._Ako.Na tinanggal yung kamay nya sa balikat ko.

"Bakit,hindi ba yun naman ng trabaho mo talaga?Mag escort sa mga mayayamang gaya ko?Look,mas mayaman pa ako dun sa tomboy na ineskortan mo kanina kaya kaya kitang bayaran._lalaking lasing 2.

"Hindi ako eskort.At lalong hindi ako bayaran.Kaya tumabi tabi kayo sa dinadaanan nyo kung ayaw nyong masaktan._AKO.isang pang iinsulto pa makakatikim na sa akin tong mga ito.

"Masyado ka namang pakipot!Magkano ba binayad sayo ni Mariano at dodoblehin ko.Wala namang magagawa sayo yun,hindi ka naman kayang paligayahin nun,ako kayang kaya kitang paligayahin._Lasing 3.

Hindi na ko nakatiis kaya binigyan ko ng isang suntok yung huling nag salita.Agad naman akong inundayan ng suntok nung isa pa pero nakailag ako.Agad ko syang binigyan ng tadyak at saka ako umalis na.Pero hinabol pa din nila ako hanggang sa makorner nila ako sa isang sulok.

"Easyhan nyo lang mga brad.Tatlo kayo,nag iisa lang yan.Mas maganda ang laban kung tag iisa isa tayo._Babaeng green ang buhok.Napalingon naman sa kanila yung tatlong lasing.

"At sino naman kayo?Hindi nyo ba alam na teritoryo namin tong Baguio?Kaya wag kayong makialam kung ayaw nyong masaktan!_Pinuno ng mga lasing.

"Wala kaming pakialam sa teritoryo nyo.Ang dami mo pang satsat.Simulan na natin ng magka alaman na!_Lesbian na kasama nung greenhair

Agad naman akong naghanda sa pagsugod nung isang lalaki.Tatlong babae laban sa tatlong lalaki.Hindi ko pwedeng ipakita ang skill ko sa self defense dahil baka mahalata nilang sanay ako sa pakikipag laban kaya puro ilag lang ang ginawa ko.Hanggang sa mapatumba na nung lesbian yung ka match nya kaya ako naman ang tinulungan nya.Sinamantala ko naman ang pagkakataong yun at saka ako tumakbo papalayo.Kailangan ko ng bumalik sa hideout bago pa ako hanapin nila Leo at maghinala na naman na may iba akong ginagawa.

"Ano kamo,naka encounter mo na naman yung magkaibigang berde ang buhok?_Moana.

"Oo nga.Talaga yatang hindi na tayo tatantanan ng mga yun.Palagi nalang tayong nahuhuli sa kahinahinalang pagkakataon.Baka mamaya sila pa ang maging dahilan ng pagkabisto natin._AKO.

"Ang mabuti pa,sabihin na natin kila Leo na andito din yung mga ninakawan natin.Para pabalikin na nila tayo sa Maynila._Moana.

"Gusto ko na nga din bumalik na duon.Baka napaano na yung mga bata. Alam ko naman di sila pababayaan ni Sunny pero mas okey pa din na andun tayo para mabantayan sila._AKO

"Pero papano kung nagbabakasyon lang pala dito yung mga yun at magkita kita na naman tayo sa Maynila ng mga yun?Alam mo,kinakabahan ako dun sa green ang buhok eh,Pag tumitingin sa akin
parang pati kaluluwa ko nakikita eh.Basta kinakabahan ako sa mga titig nya sa akin._Moana.

"Basta mag iingat ka lang.Kapag nagkasalubong ulit kayo,tumakbo ka na lang agad.Wag ka ng makipag titigan din.Im sure tandang tanda ka nya sa itsura mo._AKO.Naiintindihan ko yung nararadaman ni Moana.Ganun din kasi ang nagi feel ko kapag nagkakatinginan kami nung lesbian na yun.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan.Palagi na lang kaming nagtatagpo ng taong yun.Magmula pa sa simbahan ng Antipolo hanggang dito sa Grotto ng Baguio may kung anong magnet na humihigop sa akin kapag nagtatagpo ang mga mata namin.Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kailangang magpa apekto sa kanya.Mas makabubuting mag focus ako sa misyon ko.Si Mikay Mariano ang susi para makapasok ako sa loob ng sindikato at makilala ang utak sa pagkamatay ng lolo at tatay ko.

"Leli,Matulog na tayo.Bukas magbabago na ang lahat.Magiging alalay na tayo nila Mikay Mariano.Hindi na tayo sakop nila Leo mula ngayon._Moana

"Tama ka Moana,Unti unti na tayong makakapasok sa totoong pakay natin.
Lakasan mo lang palagi ang loob mo ha,hindi na magtatagal at makaka alis na tayo sa kinasasadlakan natin._AKO.Sana nga,ito na ang susi para matapos na ang paghihirap naming tatlo.Kung tutuusin,mas mapalad ako kaysa kila Sunny at Moana.Bata pa lang sila nung kuhanin sila ng mga Mariano.Hindi nila alam kung buhay paba ang pamilya nila o hindi. Samantalang ako,bukod sa nakapag aral na,alam kong nasa mabuting kamay ang nanay ko.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon