Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Dana Rivera na kasama si Mikay sa isang pagtitipon
At gaya ng pagkakalarawan sa akin ni Star,may mga pagkakahawig nga kaming dalawa.Kung hindi lang sigurado akong nag iisa lang ang anak kong si Gil,baka nga mapagkamalang anak ko ang Dana na nasa harapan ko ngayon.
Nasa isang malaking pagtitipon kami kasama ang ilan pang malalaking pangalan sa larangan ng business.Sila mom and dad ay hindi na makakadalo kaya ako ang naatasan nilang pumunta sa pagtitipon.Kasama sila Loren at,Irenne,Lora at Amber.Nakita ko din si Mikay na nasa likuran sila Star,Moan at Sunny."Look who's here.Si Mikee Mariano ang representative ng pamilya nila.At ang gaganda ng kasama ah!Kaya pala ganado ang bata sa pagdalo sa pagtitipon,para idisplay ang magandang babaeng kasama nya._Irenne
"Hahahaha.Hindi mo ba namukhaan yung manugang mong hilaw?Si Sunny yung naka black na gown,baka hindi mo alam._Amber.
"You mean to say,Isang bodyguard ang girlfriend ni Gold?Papano naman nya nakilala ang batang yun?_Irenne.
"Small world huh!Hindi ko alam na magaling pala pumili ang pamangkin ko ng iibigin.Maganda na,bodygurad pa.hahahah._Loren.
"Wag nyo na lang silang pansinin.Mas okey na yung hindi nila tayo makitang kausap natin sila.Mas magiging kumportable ang mga bata sa pag kilos kung hindi nila alam na may nakakakilala sa kanila._AKO.
"Look at that girl.Oh my!Bakit kamukha mo sya Grae?hahahha.Baka naman may iba ka pang anak liban kay Gil ha._Lora.
"Hahahha.As if naman may nakitang ibang babae yang si Grae liban sa love of her life nya?Madami lang talagang magkakahawig ngayon,kasi nga madami ng kayang gawin at gayahing itsura._Amber.
Nagpaalam akong gagamit lang muna ng washroom at sumenyas kay Star na magkita kami sa CR.Agad naman akong nagmadali sa pagpasok sa loob ng banyo at saka sya agad na dumating.
"Sir,narito po ang address ng pinagtataguan ni Mr.Wang.Hindi pa po sya nakaka alis ng bansa.May posibilidad na hindi nyo sya agad mamukhaan dahil balitang nagpalit sya ng pagkakakilanlan._Star.
"Okey salamat.Magmadali ka na sa pwesto mo at baka mahalata ka ng iba pang tauhan ni Mariano.Wag kayong mag alala,malapit na nating mahuli si Miggs at matatapos na din ang paghihirap nyo._AKO.
Ngumiti lang si Star ng bahagya.Saka ako parang nahiya sa kanya.Napakalaki na ng sinakripisyo ng mga batang ito para sa pamilya namin.Mula pa sa kanilang lolo hanggang sa mga magulang.
Lalo tuloy akong namumuhi kay Mariano at sa pamilya nya."Bakit ang tagal mo dumating?Si Miggs Mariano dumating.Nagkagulo tuloy ang mga tao para maki usyoso.Look at him,hindi ba nakangiting ngiti pa._Loren.
"Grae,ang mabuti pa tayo ng umalis para hindi na magkagulo.Sigurado akong gagawa ng ingay yan si Miggs kaya nandito.Alam nya kasi na andito ka din._Lora.
"Mabuti pa nga.Im sure ikaw ang pakay nyan talaga para ipahiya._Irenne
"The mighty general are here!Kamusta naman,Grae?Nakakatulog kapa ba ng mahimbing?_Miggs.Na agad akong nilapitan,Naramdaman sigurong iiwasan ko sya.Napasulyap naman ako sa mga taong nagsilapitan sa amin.
May mga camera din at ilang media personalities na nakapalibot kaagad sa amin."Ikaw pala Senator Mariano.Hindi ko napansing dumating ka.Mukha yatang sikat na sikat kapa lalo ngayon dahil sa dami ng dala dala mong tauhan ah._AKO.Obviously,mga bayarang mediamen nya ang kasama nyang dumalo ngayon para makaharap ako.
"Hahahah.Sa pagkaka alam ko,ikaw ang nagbayad ng mga tauhan para i frame up ako hindi ba?Bakit hindi mo ilabas ang tutuong nangyari nung gabing yun,Bakit ba kasi hindi mo maamin sa lahat na hindi mo talaga ako kayang tapatan kaya kung anu anong pambibintang ang ginagawa mo?_Miggs.
"Alam mong hindi kayang bayaran ang batas Mariano.Hinding hindi kayang bilhin ng pera mo ang mga ebidensya.Wag kang mag alala,hindi lang ang pagiging druglord mo ang pagtutuunan ko ng pansin,madami pang ibang anumalya.Kaya paghandaan mo na ang unti unti mong pagbagsak!_AKO.
"Hahahah.Bakit hindi mo pa kasi aminin na totoong walang kasalanan ang pamilya ko sa pamilya mo ha Grae?Kung tutuusin,kayo pa nga ang may atraso sa amin,lalo na yang nanay mo eh.Pilit nyong binabawi ang Mining corporation na nasa pangalan na ng tatay ko.Ganun kayo ka sakim!_Miggs
Agad namang uminit ang ulo ko sa pagkakabanggit nya kay mommy.
Kaya agad ko syang hinawakan sa kuwelyo nya at pasasabugin ko na sana ang mukha nya ng awatin ako ni Gillianne na nasa likod ko na pala."Dont waste your precious hands with that monstrous face of him dad.
Lugi ka pa.Kung ako sayo Senator Mariano,mas mag focus ka sa pagbabantay dyan sa unica iha mo.Balita ko,madaming gustong gumanti sayo at sya ang gusto nilang paghigantihan.Ano ba ang mas mahalaga sayo,ang kayaman at kapangyarihan o ang pamilya mo?_Gil.
Agad ko namang hinila si Gil at inilayo sa mga tao.Nadinig ko pa ang malakas na tawa ni Miggs habang nagsasalita."Hindi ako basta basta ganung kadali mapapabagsak Lorenzo! Madaming nakasaksi sa mga pagbabanta nyong dalawa ng iyong anak.Kaya mag iingat ka sa mga ibinibintang mo dahil baka bumalik sa inyo ang mga pinaparatang nyo na walang katibayan!hahahah._Miggs.
Sa parking lot ko hinila si Gil at saka patulak na binitiwan.
"What the hell are you doing?Bakit mo ginawa yun?Bakit ka nakikialam sa problema namin ni Mariano?_Ako.
"Dad!Bakit hindi ako pwedeng makialam sa isyu?Hindi na ko batang musmos na tulad nuon na mananahimik lang sa isang sulok._Gil
"Hindi ko hinihingi ang tulong mo.Hindi mo kailangang mainvolve sa kasong ito!Stay out of this!_Ako.
"Im sorry dad pero kasali na ako ngayon.Napanuood na ng buong Pilipinas ang lahat.At sigurado akong hindi na din ako tatantanan ng mga media at reporters dahil sa ginawa ko._Gil.
"That's why ayokong masali ka sa gulong ito!Gillianne,ano bang ginagawa mo sa akin?Kaya nga ba,mas pinili kong lumayo sa mommy mo para hindi sya madamay sa problema,tapos ikaw naman ang gumagawa ng dahilan para madamay ka din?_AKO.
"Damay damay na dad.Tutal sinira na din nila ang pamilya natin,kayo ni mom,tayong dalawa...Sa palagay mo,hahayaan ko pang patuloy tayong maging miserable dahil lang sa walang kwentang pamilya ng Mariano na yun?_Gil.
"Stay out of it Gillianne!Hindi ko hinihingi ang tulong mo!Yang pag aaral mo ang atupagin mo para naman hindi nag aalala sayo ang mommy mo!
_Ako."DAD?How did you know about mom's feeling?Nagkikita ba kayo?Alam mo kung nasaan sya?Bakit hindi sya nakikipag usap sa akin?Asan si mommy dad,please gusto ko syang makausap._Gil.
"Ang mabuti pa nga dun kana muna sa poder ng mommy mo habang mainit pa ang isyu.Tutal naman hindi kita mapigilan sa mga pagrerebelde mo,baka sakaling kapag nasa poder ka ng mommy mo,umayos yang buhay mo._AKO.
Sumakay ako ng kotse at iniwan syang nakatulala sa parking lot mag isa.
I have no choice kundi pansamantalang dalhin muna sya sa mommy nya.
Sigurado akong hindi sya makakaligtas kay Mariano.Baka pati sya idamay na ng tuluyan ni Miggs sa mga pina plano nya.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...