Monica's POV
Ako nga pala si Monica Pauleen Azarcon. Everyone calls me Monica and others calls me Pauleen. Ayaw ko na tawagin akong Pauleen kasi I hate that name. Monica ang first name ko hindi Pauleen.
Our family owns a business company and a resort. Diba ang yaman? Halos ang family ng bestfriend ko nga owner din ng restaurant and a company din. Meant to be talaga kami ng bestfriend ko and that is Chloe Dela Vega, ang pinakamakulit, pinakabaliw at pinakapanget kong bestfriend. Kasama ko sa lahat ng kalokohan. Partner in crime ko always sa mga problema.
Ang nakakainis lang sa parents ko ay palagi silang wala sa bahay. Palaging may lakad at importanteng pinupuntahan. Eh ang alam ko ay about lang yun sa trabaho nila. Ni hindi na nga kami nagkakasama kapag gabi, madalas lang kung umaga.
Sa WSA ako nag aaral. It means Winstone School Academy. Pangalan palang, pang sosyalan na! School ng mga mayayaman tulad ko pero mababait din ang mga students (yung iba lang). Maayos lang naman ang school but naging magulo lang yun nang dumating ang THE GANGSTERS.
Sila ay galing sa P.U. means that PHILIPPIANS UNIVERSITY. Nung dumating sila ay kilala na sila sa academy. Sila lang naman ang pinagkakaguluhan ng mga girls. Sikat, gwapo, at higit sa lahat mayaman. Pero lahat sila ay masusungit, mayayabang, at parang mga badboy ang itsura. Mula nung lumipat sila dito ay marami nang humanga at umiidolo sa kanila.
Makikilala niyo pa sila kapag ipagpapatuloy ko ang kwento ko. And this is the beginning of my story.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*kriiiiinng! kriiiing!* ( phone rings )
Napamulat naman ang mga mata ko sa sikat ng araw at sa pagtunog ng phone ko. Kinuha ko naman ang phone ko sa side table at tinignan kung sino ang tumawag.
( Calling Bes kong panget :* )
Natawa nalang ako sa pangalan ni Chloe na nailagay ko sa phone ko. Hay si Bes Chloe lang pala, akala ko kung sino! Sino bang iniexpect mong tatawag sayo, Monica? Wala naman diba? Sana hindi niya bubwesitin ang araw ko. Ang sarap pa kaya ng tulog ko dahil sa panahon ngayon.
"Oh bakit ka naman napatawag, aber?" Sabi ko kay Chloe sa kabilang linya.
[ Umagang umaga Bes, init kaagad ang ulo? Tss! ] Tanong ni Bes Chloe.
"Ano? Hindi kaya mainit ang ulo ko, tumawag ka lang naman kasi ng napakaaga eh, natutulog pa ako." Sabi ko.
[ Eh mainit nga ang ulo! Tss oh ano? Are you ready Bes? ] Huh? Anong sinasabi nito?
"Huh? Ano bang meron ha? Bakit naman ako magreready?"
[ Duh Bes?! Wag mong sabihing nakalimutan mo na may pasok tayo ngayon at ngayon na natin malalaman kung natanggap ba tayo sa cheerleading squad. ]
Napabangon naman ako sa higaan ko sa sinabi ni Chloe. May pasok ngayon? Waaaah nakalimutan ko! Naalala kong ngayon na pala namin malalaman kung natanggap nga ba kami sa cheerleading squad.
Last week kasi, nagregister kami sa Cheerleading Squad at sabi ng teacher na nagparegister samin ay ngayon na daw nila ipapakita at ilalagay sa bulletin board ang listahan ng natanggap at eto na nga yun.
Binabaan ko nalang ng phone si Chloe habang hindi pa siya tapos sa pagsasalita. Dumeretso na kaagad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na kaagad ako at bumaba na para mag almusal.
![](https://img.wattpad.com/cover/126122862-288-k303080.jpg)
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...