Monica's POV
"IPAPAKILALA KITA BILANG GIRLFRIEND KO KAY MOMMY!"
ANO?
Kaya ba niya ako gustong isama sa kanya para pagandahin at magmukhang maayos ako sa mommy niya? At ipapakilala niya ako bilang girlfriend niya?
"What?"
"Maghanda ka na ngayon at pupunta na tayo ngayon sa bahay." Deretsong sabi niya.
"Anong sinasabi mo? Ayoko!" Pagpupumiglas ko.
"Anong ayoko? Slave kita, kaya sundin mo ang gusto ko, maliwanag?"
"Ano? Porket slave mo ko, uutusan mo na ako kahit hindi ako pumapayag?" Sabi ko. Bakit ba kasi yan palagi ang sinasabi niya kapag hindi ko susundin utos niya?
"2 weeks or 3 weeks?"
Aba't kapag hindi ako papayag, dadagdagan niya ng 2 or 3 weeks ang paninilbihan ko sa kanya bilang slave niya? Nababaliw na ba siya?
Sabi niya 1 week lang eh tapos dadagdagan niya pa ng isang buwan o dalawang buwan?
Nababaliw na ako!!! Papayag ba ako o hindi?
"Pag iisipan ko muna!" Sabi ko at tumalikod sa kanya.
Ano nga ba??
Kapag ipapakilala niya ako sa Mommy niya ay baka ano pa ang sabihan niya! Kinakabahan ako!!
Sige na nga!! Wala namang mawawala kung papayag ka diba?
Bakit ba kasi ngayon pa sinabi nitong Mokong toh? Sana nakapagisip ako eh!
"Sandali, kapag papayag ako, ano ang kapalit?" Akala niya siya lang may kapalit, ako din kaya meron!
"Wala?" Anong wala? Kapal nito.
"Wala? Anong wala? Kainis ka. Sige ka, hindi ako papayag. Salamat nalang dito sa pagpapamakeover mo sakin. "
"Pwede ba, ngayon lang naman eh, babalik at babalik ka din bilang slave ko." Sabi niya.
May point siya. Sige na nga. Payag na ako! Pero galit pa din ako sa kanya kasi hindi niya man lang ako sinabihan dito sa bagay na toh na ipapakilala niya ako bilang gf niya sa mommy niya pa!
"SIGE NA. PAYAG NA AKO." Sabi ko.
"Okay. Good. Let's go. Naghihintay na si Mommy sa bahay." Sabi niya at hinila ako.
O_________O
NAGKAHAWAK KAMI NG KAMAY NI MOKONG? Pero bakit naging slow motion ang paligid?
Tinanggal ko nalang ang kamay ko.
"Teka teka lang, bakit ba kasi ako ang ipapakilala mo dun sa mommy mo?" Sabi ko ng tinanggal ko ang kamay ko kaagad sa kanya.
"Pwede ba, wag ka ng maraming tanong? Nagmamadali na tayo." Sabi niya. Kainis naman toh eh!
"Bakit ba? Puro ka nalang pwede ba, pwede ba! Nakakainis ka!" Sabi ko at nagmadaling talikuran siya.
"Tssss aalis ka din pala, magsasalita ka pa diyan!" Bwesit! Nasisira ang beauty ko sakanya eh! Kakamake over ko lang kaya noh! Wahahaha!
*bluurp! bluurp!*
Lalabas na sana kami ng mall ng makaramdam ako ng gutom. Wahhhhhh! Bakit kapag kasama ko tong Mokong toh, sumasakit ang tiyan ko? Mula nung pumunta din ako sa bahay niya, sumasakit ang tiyan ko. Ano bang nangyayari?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Ficção AdolescenteAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...