💠Chapter 25: Know the Secret💠

1.3K 27 0
                                    

Monica's POV

Kahit ayokong pumasok dahil dito sa tigyawat ko, ay napagpasyahan ko na pumasok na lang.

Anong mapapala ko kung hindi ako papasok? Papasok ba ako kapag mawala na tong tigyawat ko? No way! Mababa na nga ang grades ko, dadagdagan ko pa! Kaya ayokong umabsent noh!

Argh! Nahihiya akong pumunta ng dining area namin habang tinatakpan ng buhok ko ang tigyawat.

Para akong multo eh!

"Good morning? What happened? Bakit mo tinatakpan ng buhok mo ang mukha mo?" Bungad kaagad na sabi sakin ni Mommy habang kumakain na sa table.

"Good morning Mom. Dad." Sabi ko. Nandito na si Daddy, galing kasi siya sa company namin sa states. Yes, minsan pumupunta dun si Papa para bantayan at asikasuhin ang company nami dun.

Hindi ba siya napapagod magpabalik balik ng lugar?

"Para kang multo diyan eh. Kunin mo nga yan. Bakit mo ba tinatakpan ang mukha mo?" Tanong ni Dad.

"Sorry Dad pero ayoko!" Sabi ko.

"But why? Ang pangit tignan. Ano bang meron diyan?" TIGYAWAT DAD. TIGYAWAT! HUHUHU!!!

"Ayoko po Dad. Kapag makita niyo ito, baka pagtawanan niyo ko eh." Sabi ko.

"Hahaha natatawa na nga kami ngayon ng Mommy mo dahil sa itsura mo eh. Bakit ba?"

"WAAAAAG!" Sinubukan kasing hawakan ni Daddy ang buhok ko na ayokong ipahawak.

"Auh alam ko na yan kung bakit siya nagkakaganyan." ANO MOM?

Alam niyo na? Waaaaaaah!!

"Ano yun hon?" Tanong ni Dad.

"INLOVE NA ANG ANAK NATIN!"

WAAAAAAH! Sabi na nga ba eh! Alam na alam na ni Mommy na kung bakit ako nagkatigyawat sa mukha. At yun nga may crush ako!

"Huh? Sino?" Tanong ni Dad.

"MOOOOOOM!" Sigaw ko. Mukhang hindi na ako makakakain nito.

"I already know the reason kung bakit nagkakaganyan ang anak natin, kasi may tigyawat siya!" ISA PA TALAGA MOM! Ayoko nang marinig ang salitang TIGYAWAT! Mas lalo akong nahihiya eh. This is the first time na nagkatigyawat ako at sa mukha pa!

"Woh okay? Yun lang? It's okay, Baby! Meron din yang Mommy mo oh, tignan mo!" At talagang inasar pa talaga ni Daddy si Mommy eh.

So kung alam na nila ay inayos ko na ang itsura ko.

"Hahaha! Yan ang ganda mo na, Anak!"

"Mom? Sinasabi mo ba talaga yan o natatawa lang kayo?" Sabi ko. Kainis naman eh!

"No baby, natatawa ako kasi pareho na tayong may tigyawat oh! At mas madami nga lang yung akin." Oo nga nuh?

"Oo nga Mom nuh? Hahaha sige na nga, ayoko nang takpan! Alam ko naman na mawawala din toh! Pero mom, kapag po ba nagkatigyawat, inlove agad? Hindi ba pwedeng padating lang yung regla mo?" Sabi ko.

"Depende kung ano nga ba talaga ang rason diyan, Anak! Eh kung totoo ngang inlove ka eh, yan ang unang rason. Kapag naman padating na ang regla mo ay yan naman ang ikalawang rason. So, the same lang yan. Kung saan ang paniniwalaan mo diyan sa dalawa, it depends on you atsaka wag mong ikahiya yan." Sabi ni Mommy.

Daming alam ni Mommy ah. Expert ba siya dito? Ay hindi ko pa pala naikwento sa inyo na dati palang nurse si Mommy kaya alam niya lahat. Ewan ko ba kung bakit siya tumigil sa pagnunurse.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now